You are on page 1of 4

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9

October 1, 2019
Jade 11:20 – 12:20
I. Layunin
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga piling akdang
tradisyonal ng Silangang Asya.
PAMANTAYAN SA PAGGANAP Ang mag-aaral ay nakasusulat ng sariling akda na nagpapakita ng pagpapahalaga
sa pagiging isang Asyano
KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
 F9PT-IIc-46 Naiaantas ang mga salita ( clining ) batay sa tindi ng emosyon o damdamin
 F9PN-IIc-46 Nahihinuha ang damdamin ng mga tauhan batay sa diyalogong napakinggan

II. Paksang Aralin

Panitikan: Ang Mag-Inang Palakang Puno


Gramatika:
Sanggunian: PLuma pahina 182 - 186
Kagamitan: Visual aids, cellphones, laptop, internet connection,
Integrasyon:. Values Education pagpapahalaga sa mga utos ng mga magulang

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain
i. Pagbati
ii. Pagsasaayos ng upuan at pagpulot ng kalat
iii. Pagbabalik aral gamit ang app na decision roulette
B. Panimulang Pagtataya
Panuto: Naiaantas ang mga salita batay sa tindi ng emosyon o damdamin. Isulat ang bilang 1 sa salitang
pinakamababaw hanggang sa 3 sa pinakamatindi
1. Ang ngiti ng ina ang nagpapagaan ng aking pakiramdam. –
Nagalit ang guro sa tawa ng mga estudyante habang nagtuturo.–
Ang halakhak ng mga kabataan ang nagpagising sa natutulog na matanda.
2. Humagulgol ang batang si Naya nang malaman na wala na ang kanyang paboritong pusa. –
Umiyak na lamang si Nessa nang hindi siya payagang umalis ng bahay. –
Napahikbi si Ador nang malaglag ang kanyang piso sa kanal.

C. Pangganyak na Gawain (Pagpapanood ng isang video presentation 3:26) tungkol sa pagsasakripisyo ng


ama sa kanyang anak.

1. Tungkol saan ang inyong napanood na video?


2. Ano ang pagsasakripisyo na ginawa ng ama sa kanyang anak?
3. Naipakita ba ng anak ang pagpapahalaga sa lahat ng sakripisyo ng kanyang ama sa kanya? Paano
niya ito sinuklian?
4. Ano kaya ang mararamdaman ng isang magulang kung nakikita niyang hindi siya pinapahalagahan
ng kanyang anak?

D. Pagtalakay ng Aralin
Pagpapakinig ng kuwento ng Mag-inang palakang puno upang masagot ang mga gabay na tanong.
Pagsagot ng gabay na tanong
a. Sino ang pangunahing tauhan sa kwento?
b. Ano ang suliraning kinakaharap ng mga tauhan?
c. Anong mensahe ang nais iparating ng akda?
d. Anong akdang pampanitikan ang akda? Patunayan ang inyong sagot.
E. Pagpapalawak ng aralin (Pangkatang Gawain)

a. Pangkatang Gawain
Nahihinuha ang ang damdamin ng tauhan batay sa kanilang diyalogo, ipahayag ang inyong sagot sa iba’t-
ibang paraan gaya ng pagbigkas ng tula, pag-awit, pag-vlog, rap at iba pa. Ito ay isasagawa gamit ang
aplikasyon sa cellphone na flipgrid
1. "“Bakit hindi siya maging tulad ng ibang mga batang laging sumusunod sa mga ipinag-uutos sa kanila. siya
ay mabubuti at magagalang. Hindi ko na alam kung ano ang mangyayari sa kanya kapag magpatuloy siyang
ganito. Kailangan kong maituwid ang mga baluktot niyang pag-uugali.”

2. “Pasaway! Sutil kang bata ka! Papatayin mo talaga ako!” Sigaw ng inang palaka. “Makinig ka sa akin at
alam ko kung ano ang makabubuti sayo. Ngayon. . .”

3. “Ha!ha!ha!” . “Shhh! “Sermon sermon hindi ninyo kailangang mag-alala para sa akin. Ayos lang ako ng
ganito. “

4. O, kawawang ina ko. Labis siyang nag-alala sa pagiging pasaway ko. Bakit hindi ko siya pinakinggan.”
Sumbat niya sa kanyang sarili. “Ngayon, wala na siya. Pinatay ko siya. Pinatay ko siya.”

10 8 6 4
Nakakahinuha ng tatlong Nakakahinuha ng Nakakahinuha ng isang Hindi nakahinuha
damdamin mula sa dalawang damdamin ng damdamin ng tauhan ng damdamin ng
dayalogo ng tauhan, tauhan mula sa dayalogo, mula sa dayalogo, tauhan
naipapaliwanag at naipapaliwanag at naiplaiwanag at
naitatanghal ng maayos naitatanghal ng maayos hnaitatanghal ng maayos
b. pag-papanood ng gawain ng bawat pangkat
c. pagbibigay ng puntos at puna ng bawat pangkat sa iba pang pangkat

F. Pangwakas na gawain
b. Pagsagot ng Pokus na Tanong
 Bakit mahalagang sumunod ang anak sa kanyang magulang? Sagutin sa pamamagitan ng pagbunot
ng nasa loob ng kahon, iugnay ang salitang mabubunot sa inyong magiging sagot.

c. Value Data Bank


Tulang Dugtungan
Ang mga magulang ay dapat pahalagahan
Pagkat sila’y Regalo mula sa Diyos na dapat ingatan
Nararapat lamang na sila _____________
At huwag na huwag bigyan ______________________
Dahil ang mga magulang ang _____________ sa atin hanggang kamatayan.

G. Ebalwasyon
Panuto: Iantas ang mga salitang nakasulat nang madiin batay sa tindi ng emosyong ipinahahayag ng bawat isa.
Lagyan ng bilang 1 para sa pinakamababaw na damdamin hanggang bilang 3 para sa pinakamasidhing damdamin.

Hindi nagustuhan ng batang palaka ang pag-uutos sa kanyang ina.


Hindi pinansin ng batang palaka ang ginawa ng kanyang ina.
Ayaw na ayaw ng batang palakang sinasabihan siya ng kanyang ina.

Ang pagiging suwail ng batang palaka ang naging dahilan ng pagkamatay ng kanyang ina.
Napapansin ng inang palaka na hindi sumusunod ang kanyang anak.
Sumasama ang loob ng ina dahil matigas ang ulo ng kanyang anak.

Nagpahirap sa kalooban ng ina ang paulit-ulit na pagiging suwail ng kanyang anak.


Nagpasama sa loob ng ina ang madalas na pagbibingi-bingihan.
Nagdulot ng pagtatampo ng ina ang minsang hindi pagsunod ng anak sa kanya.

Humikbi ang batang palaka nang mapagsabihan siya ng kanyang ina.


Nagpalahaw ang batang palaka nang mamatay ang ina nang dahil sa kanya.
Lumuluha ang batang palaka tuwing naaalala niya ang yumaong ina.

Labis-labis ang paghihinagpis ng anak nang yumao ang kanyang magulang.


Dama ng bata ang pagkalungkot nang umalis ang kanyang kaibigan.
INDEX OF Nakadama
MASTERY ng pagsama ng loob ang ina sa pagiging suwail ng anak.
INDEX OF MASTERY
4 – 5 75%
2-3 50%
1 – 25%

H. Takdang Aralin
Alamin ang kahulugan ng pabula at mga elemento nito.

Inihanda ni:
KARLA ROXANNE M. LAGMAN
Guro sa Filipino 9

You might also like