You are on page 1of 13

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9

I. LAYUNIN
Pagkatapos ng animnapung minutong pagtatalakay ang mga mag-aaral ay inaasahang;
 Nabibigyang -puna ang paraan ng pagsasalita ng taong
naninindigan sa kaniyang saloobin o opinion sa isang Talumpati
(F9PD-IId-47)
 Naipapahayag ang sariling pananaw tungkol sa isang
napapanahong isyu sa talumpating nagpapahayag ng matibay na
paninindigan (F9PS-IId-49)
 Nakasusulat ng isang argumento hinggil sa napapanahong isyu sa
lipunang Asya (F9PU-IId-49)
 Nagagamit ang angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng
ordinaryong opinion, matibay na paninindigan at mungkahi
(F9WG-IId-49)
II. PAKSANG ARALIN
A. Paksa: TALUMPATI – Panitikang Asyano
B. Sanggunian: Ang Panitikang Asyano- Filipino 9, nina Peralta, R., Lajarca, D., E.
et al. (2014)
C. Kagamitan: laptop, papel, mga larawan at bond paper
D. Metodo: Direktang Pagtuturo
III. PAMAMARAAN
Gawaing Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang Gawain

Panalangin

Yumuko tayong lahat mga anak at tayo


ay manalangin.

Panginoon naming nasa langit


maraming salamat po sa araw na ito
na ipinagkaloob ninyo sa amin. Sana
gabayan niyo po ang mga batang ito
panginoon at buksan ang kanilang
mga puso at isipan ng kanila pong
maintindihan ang mga bagay na amin
pong pag-aaralan at tatalakayin sa
araw pong ito. Patawarin din po ninyo
kami sa aming mga pagkakasala
panginoon. Ito lamang po ang aming
mga hiling sa matamis na pangalan ng
aming panginoong Jesus, Amen!

Amen!

Magandang umaga sa inyong lahat


mga minamahal kong mag-aaral.

Magandang umaga din po Guro.

Ayusin ninyo ang inyong mga


upuan mga anak at pulutin ang
mga kalat sa inyong paligid.

Opo Guro masusunod po.

May lumiban basa klase anak?


Wala po Sir!

B. PAGGANYAK

APAT NA LARAWAN ISANG SALITA!


Panuto: Punan ang hinihinging salita batay sa mga apat na
larawan.

Handa naba kayo mga anak?

Opo sir
Para sa ating unang mga larawan

M K R P N

Ano sa tingin niyo ang tawag sa mga bagay na nakikita sa mga


apat na larawan?

Mikropono po Sir

Ano ang gamit ng Mikropono anak Mary-ann?


Pampalakas po ng boses
kung magsasalita sa harap
ng maraming tao sir.

Mahusay mga anak!


Bigyan ng tatlong Palakpak

(Papalakpak)

Ngayon magtungo na tayo sa susunod


Ano naman kaya ang tawag sa mga taong ito?
P L T K O

Ano ang tawag sa kanila mga anak?


Mga Politiko po Sir

Ano ang trabaho ng isang Politiko anak Jennifer?


Sir ang mga Politiko po
ay mga lider at namumuo
sa atin sila po ang
nagpaplano at
nagsasagawa ng mga
plano para po umunlad
ang ating bansa.

Napakahuhusay ninyo mga anak! Bigyang niyo ng masigabong (Palakpakan)


palakpakan ang inyong mga sarili

Ngayon ay magtungo na tayo sa ating huling mga larawan


Ano naman sa palagay ninyo ang ang tawag sa ganitong
Gawain?

T L M P T I
Talumpati po sir
Sino ang kadalasang nagsasagawa ng Talumpati mga anak base
sa mga larawan Ericson?
Mga Politiko po sir at
mga Taong mataas ang
posisyon at katungkulan.

Wow napakahuhusay niyo naman mga anak!! Nais kong purihin


kayo sa inyong napakagaling na pagsasagot. Muli palakpakan (MAGPALAKPAKAN)
ninyo ang inyong mga sarili

C. PAGLALAHAD NG ARALIN

Ang pag-aaralan natin sa araw na ito ay mayroon


kinalaman sa mga larawan na aking ipinakita sa inyo at
pinahulaan. Ang lahat ng mga larawan na ating nakita ay
mga kapwa nakapaloob sa Talumpati. Ang pag-aaralan at
tatalakayin natin sa araw na ito ay patungkol sa
Talumpati.

D. PAG-ALIS NG SAGABAL

Ngunit bago tayo magsimula ay gusto kong tumahimik


lang kayo, makinig at itaas lamang ang kamay mga anak
kung kayo ay sasagot at kung mayroon kayong mga
katanungan.. Walang maingay habang tayo ay nag-aaral at
nagtatalakay. Maliwanag ba mga anak?

Maliwanag po sir

E. Pagtalakay

Kapag naririnig niyo mga anak o nakikita niyo


ang salitang Talumpati, Ano ang mga bagay o
mga salita na pumapasok sa inyong mga isipan
mga anak?

Sir ang mga salita o bagay na naiisip ko


kapag naririnig ko ang salitang Talupamti ay
pagsasalita po sa harap ng maraming tao,
mga politiko o mataas na tao sa lipunan at
pagbibigay saloobin sa isang bagay.
Magaling anak!!

Sa inyong sariling pagpapakaahulugan mga


anak, ano ang Talumpati?

Sir ang Talumpati po ay isang pagpapahayag


ng kaisipan o damdamin sa harap ng
maraming mga tagapakinig sir.

Tama ang inyong mga sinabi mga anak.


Pakibasa nga Remelyn anak ang depinisyon ng
Talumpati. Ano ang Talumpati?
- Ang talumpati ay sining ng
pagpapahayag ng isang kaisipan
tungkol sa isang paksa sa paraang
pasalita sa harap ng tagapakinig

Ano ang ipinapahayag natin mga anak kung


tayo ay magsasagawa ng talumpati? Sir ipinapahayag po natin ang ating kaisipan,
ideya at saloobin tungkol sa isang bagay sir.

Mahusay anak.

Ang Talumpati ay isang paraan upang


maipaabot natin ang ating mga ideya, saloobin
at kaisipan patungkol sa isang partikular na
usapin o bagay.

Pakibasa ang mga bahagi ng Talumpati Ericson


anak. Bahagi ng talumpati
1. Panimula - inilalahad ang layunin ng
talumpati, kaagapay na ang istratehiya upang
kunin ang atensiyon ng madla.
2. Katawan – nakasaad dito ang paksang
tatalakayin ng mananalumpati.
3. Pangwakas - ang pinakasukdol ng buod
ng isang talumpati. Dito nakalahad ang
pinakamalakas na katibayan, paniniwala at
katuwiran upang makahikayat ng pagkilos sa
mga tao ayon sa layunin ng talumpati.

Sa bahaging simula ng Talumpati mga anak


ano yung mga bagay na makikita doon batay sa
binasa ni Ericson? Sir sa Panimulang bahagi po ng Talumpati
makikita yung pagbati ng nagtatalumpati,
yung layunin ng kanyang talumpati at kung
paano po niya magagawang makinig yung
mga tao sa kanya.

Mahusay anak, Ang mga pagbati, layunin,


pagpapakilala at pag-agaw atensyon ay
kadalasang makikita sa panimulang bahagi ng
Talumpati.

Ano naman ang mga bagay na makikita sa


bahaging katawan mga anak?
Sir ako po
Sige Jastin anak.
Sir ang makikita po sa katawan ay yung mga
bagay na patungkol sa paksa, mga
impormasyon tungkol doon at yung mga
bagay na may kinalaman doon po sa paksa.

Mahusay anak. Tama ang iyong sinabi.

Paano naman sa Pangwakas, ano yung mga


dapat makita o nakapaloob doon?
Sir sa Pangwakas naman po makikita yung
buod, yung pinakapunto at panghikayat sa
mga tagapakinig

Mahusay anak!!!

Natapos na natin ang mga bahagi ng


Talumpati, ngayon ay magtungo na tayo sa
mga uri ng Talumpati. Lot anak pakibasa.
Uri ng Talumpati ayon sa pamamaraan
A. Impromptu o Biglaan- Ito ay walang
paghahandang isinasagawa sapagkat biglang
tatawagin ang mananalumpati at
pagsasalitain.
B. Ekstemporanyo o Maluwag- Binibigyan
ng kaunting panahon ang mananalumpati na
makapa-isip –isip sa paksang doon din
lamang ipinaalam sa kanya kaya’t
karaniwang naisasagawa lamang ang
balangkas para sundan sa hindi isinaulong
sasalitain.
Preparado o handa- Bago sumapit ang
okasyon ng pagtatalumpatian ang paksa ay
ipinaalam na. Ito ay sadyang
pinaghahandaan ng husto, sinasaliksik,
isinasaulo at pinagsasanayan pa.

Salamat anak.

Batay sa binasa ni Lot mga anak ano yung


pinagkaiba ng tatlong ito? Sir ako po, ang Impromtu o biglaan po ay
isang surpresa at hindi napaghandaang
talumpati, ang Extemporanyo o Maluwag
naman po ay taumpati na mayroon lamang
pong limitado o kaunting oras para po
makapaghanda. Samantalang ang preparado
naman po ay nakahanda at talagang
napaghandaan ng mananalumpati.
Napakagaling ng iyong kasagutan anak.
Tandaan lamang na Impromtu- biglaan, hindi
alam, ang extemporanyo ay may kaunting oras
ng paghahanda at ang preparado naman ay
handa.

Ngunit alam niyo ba na kung may Uri ng


talumpati ayon sa pamamaraan ay mayroon
ding Uri ng Talumpati ayon sa layunin.
Pakibasa nga Remelyn anak. Uri ng Talumpati ayon sa layunin
1. Talumpating Pampalibang
-Ang mananalumpati ay nagpapatawa sa
pamamagitan ng anekdota o maikling
kuwento. Kadalasan ito ay binibigkas
pagkatapos ng isang salu-salo.

Sa inyong palagay mga anak masaya kayang


pakinggan ang talumpating pampalibang?
Bakit? Sino ang gustong sumagot? Ako po sir.

Sige Aira anak sagutin mo. Masaya pong pakinggan ang Talumpating
pampalibang sir dahil sab isa depinisyon na
ang mananalumpati sa uring ito ay
nagpapatawa at nagkukuwento ng mga
bagay nakakaaliw.

Mahusay anak iyong kasagutan anak.


Palakpakan

Remelyn pakituloy ang pagbabasa anak. 2. Talumpating Nagpapakilala


-Kilala rin ito sa tawag na panimulang
talumpati at karaniwan lamang na maikli
lalo na kung ang ipinapakilala ay kilala na o
may pangalan na. Isang halimbawa ay ang
pagpapakilala sa panauhing pandangal sa
araw ng pagtatapos.
3. Talumpating Pangkabatiran
- Ito ang gamit sa mga panayam,
kumbensiyon, at mga pagtitipong pang-
siyentipiko, diplomatiko at iba pang
samahan ng mga dalubhasa sa iba’t ibang
larangan

Ano ang pinagkaiba ng Talumpating


nagpapakilala at talumpating pangkabatiran
mga anak. Yza anak maaari kabang tumayo at
sagutin ang aking katanungan anak. Sir ang talumpating nagpapakilala sir ay
katulad ng panimulang talumpati na
nagpapakilala lamang ang mananalumpati
samantalang ang talumpating pangkabatiran
naman po ay isang talumpati na isinasagawa
ng mga propesyonal na tao at mga
dalubhasa.

Napakagaling ng iyong kasagutan anak.


Pakituloy ang pagbabasa anak Dave. 4. Talumpating Nagbibigay-galang
-Ginagamit ito sa pagbibigay galang at
pagsalubong sa isang panauhin, pagtanggap
sa kasapi o kaya ay sa kasamahang
mawawalay o aalis.
5. Talumpating Nagpaparangal
- Layunin nito na bigyang parangal ang
isang tao o kaya magbigay ng papuri a mga
kabutihang nagawa nito. Halimbawa:
Talumpating nagbibigay pugay kay Hidilyn
Diaz sa pagkakamit ng ginto sa Olympics
2021.
6.Talumpating Pampasigla
-Pumupukaw ng damdamin at impresyon ng
mga tagapakinig.

Alin para sa inyo ang pinakamadali diyan sa (Talumpating Nagbibigay-galang po sir)


tatlo mga anak? (Talumpating nagpaparangal sir)
(Talumapating pampasigla po sir)

Ngayon na alam niyo na ang ibat-ibang uri ng


Talumpati mga anak ayon sa pamamaraan at
layunin ngayon ay magtungo na tayo sa;
Mga Bahagi at Dapat Taglayin ng isang
Talumpati upang maging Mabisa.

Maaari mo bang basahin Alan anak. Mga Bahagi at Dapat Taglayin ng isang
Talumpati upang maging Mabisa.

1. Panimula. Sa bahaging ito tinatawag


ang pansin ng mga tagapakinig.
2. Paglalahad. Ang bahaging ito ang
pinakakatawan sa talumpati. Dito
inilalahad ang isyu at pagpapahayag
ng diwa sa paksang tinatalakay.
3. Paninindigan. Dito ipinapaliwanag
ng nagtatalumpati ang kanyang
pangatwiran hinggil sa isyu. May
layunin itong humikayat o
magpaliwanag sa mga nakikinig.
4. Pamimitawan. Sa bahaging ito
binibigkas ang pangwakas na
pangungusap ng isang talumpati.
Kailangan din magtaglay ito ng
masining napangungusap upang
mag-iwan ng kakintalan sa mga taga-
pakinig.
5. Ang tekstong argumentatibo ay
naglalahad ng paniniwala,
pagkukuro, o pagbibigay ng pananaw
patungkol sa isang mahalaga o
napapanahong isyu.

Magiging maganda ba ang daloy at kalalabasan


ng isang talumpati kung walang Panimula mga
anak? Bakit? Sino ang gustong sumagot? Itaas Ako po sir. Ang talumpati po ay hindi
ang kamay. magiging masaya kung wala itong Panimula
dahil hindi po magagawang makuha ng
mananalumpati ang atensyon ng tagapakinig
kung siya ay walang panimula.

(Palakpakan)

Magaling anak. Palakpakan.

Ano naman ang mga makikita sa bahaging


paglalahad mga anak? Sir dito ipinapakita ang laman ng paksa at
mga bagay na patungkol dito.

Pano naman sa bahaging paninindigan? Sir yung mga ebidensya at patunay o


pangangatwiran po patungkol sa paksa o
isyu upang mahikayat po yung mga
tagapakinig na sumang-ayon at maniwala.

Tama anak.

Sa Pamimitawan naman ano yung nakapaloob Sir doon na po makikita ang pinakabala at
doon? pinakapinal na armas ng nagtatalumpati.

Magaling anak.

Basta tandan na ang tekstong argumentatibo


ay nagpapakita ng paniniwala, pagkukuro, o
pagbibigay ng pananaw.

Napakahusay ng inyong mga kasagutan anak at


laging tatandaan na importante ang mga
bahaging iyan. Ngunit gusto lamang na ibigay
sa inyo ang Katangian at Nilalaman ng
Mahusay na Tekstong Argumentatibo. Katangian at Nilalaman ng Mahusay na
Tekstong Argumentatibo
1. Mahalaga at napapanahong paksa/isyu.
2. Maikli ngunit malaman at malinaw na
pagtukoy sa unang talata ng teksto.
3. Malinaw at lohikal na transisyon sa mga
bahagi ng teksto.
4. Maayos na pagkakasunod-sunod ng
talatang naglalaman ng mga ebidensiya ng
argumento.
5. Matibay na ebidensiya para sa
argumento.

Iyan ang mga katangian at nilalaman ng


mahusay na Tekstong Argumento dapat laging
napapanahon at sikat ang isyu, dapat maiksi
ngunit kapupulutan ng maraming araw at
ideya, dapat malinaw, maayos at matibay ang
mga ebidensya o patunay upang mahikayat ang
mga tagapakinig.

F. Pagpapahalaga
Mahalaga na alam ninyo mga anak kung ano
ang talumpati, ano yung mga dapat taglayin
nito, ano yung rason, dahilan at layunin niyo
bakit kayo magtatalumpati at lagi niyo ring
iisipin ang ikakaawili at ikakabuti ng inyong
mga tagapakinig o madla. Lagi rin ninyong
isasaisip ang lahat na mga bahagi upang mas
maging Maganda ang daloy at mas organisado
ang inyong mga sasabihin upang hindi kayo
malito.

G. Paglalahat

Ano ulit ang talumpati mga anak? Ito ay.. sining ng pagpapahayag ng isang kaisipan
tungkol sa isang paksa sa paraang pasalita sa
harap ng tagapakinig.

Ano yung mga bahagi ng talumpati?


Paniwala, katawan at pangwakas po sir.

E ano naman ang mga uri ng Talumpati ayon


sa pamamaraan Edwin anak? Impromptu o Biglaan, Ekstemporanyo o
Maluwag at Preparado o handa sir.

Paano naman sa uri ng Talumpati ayon sa Sir Talumpating Pampaliban, Talumpating


layunin Shaira? Ano ang mga iyon? nagpapakilala, Talumpating pangkabatiran,
Talumpating nagbibigay-galang, talumpating
nagpaparangal at Talumpating Pampasigla.

Ella anak pakibigay nga ang mga Bahagi at


Dapat Taglayin ng isang Talumpati upang
maging Mabisa. Sir ang mga Bahagi at Dapat Taglayin ng
isang Talumpati upang maging Mabisa ay
Panimula, Paglalahad, Paninindigan at
pamimitawan.

Napakagaling ninyo mga anak tunay na alam


niyo na kung ano ang talumpati at talagang
naintindihan niyo ang ating tinalakay. Gusto (Palakpakan)
kong palakpakan ninyo ang inyong mga sarili.

Ngayon upang lalong mahasa at lumawak ang


inyong kaalaman at upang maensayo kayo sa
paggawa ng talumampati ay nais kong sagutan
ninyo ang aking inihandang Gawain.

IV. EBALWASYON
GAWAIN 1.
Panuto: Pumili sa kahon ng isang napapanahong isyu at ilahad ang iyong
argumento, sariling pananaw o opinyon sa napiling isyu o paksa. Kinakailangan
maayos na naisulat ang argumento ayon sa bahagi nito at katangian ng mahusay
na tekstong argumentatibo. Ibahagi sa klase ang sagot sa paraang patalumpati.

 Matagal na Proseso ng Philippine National I.D


 Pagpapatupad ng Simcard Registration
 Agawan ng Teritoryo sa West Philippine Sea
 COVID-19 Pandemic
 Labanan sa Pagitan ng Russia at Ukraine

NAPAPANAHONG ISYU

PANIMULA

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
____

KATAWAN

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
____

WAKAS

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
____

GAWAIN 2.
Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon na nasa ibaba. Isulat ang sagot sa
patlang bago ang bilang

Pampalibang Pangwakas Argumentatibo

Pampasigla Panimula Impromptu

________ 1. Ito ay naglalahad ng paniniwala, pagkukuro, o pagbibigay ng pananaw


patungkol sa isang mahalaga o napapanahong isyu.
________ 2. Talumpating pumupukaw ng damdamin at impresyon ng mga
tagapakinig.
________ 3. Talumpating nagpapatawa sa pamamagitan ng anekdota o maikling
kuwento.
________ 4. Ito ang pinakasukdol ng buod ng isang talumpati.
________ 5. Ito ay walang paghahandang isinasagawa sapagkat biglang tatawagin
ang mananalumpati at pagsasalitain

V. TAKDANG ARALIN

Panuto: Magsulat ng sariling Preparadong Talumpati na tungkol sa paksang: “Lumalalang


Suliranin sa pagbabago ng klima” at sundin ang ibat-ibang bahagi ng isang Talumpati. Ibahagi sa
klase ang ginawang Talumpati sa susunod na talakayan.

INIHANDA NI: APRIL BOY V. ABES

You might also like