You are on page 1of 9

CENTRAL BICOL STATE UNIVERSITY OF AGRICULTURE-SIPOCOT

SIPOCOT, CAMARINES SUR


Masusing Banghay Aralin sa Filipino 9
Taong Panuruan 2018-2019
Nobyembre 21, 2018

I. Layunin
Sa pagtatapos ng 60 minutong talakayan, 85% ng mga mag-aaral sa ika-siyam na
baitang ay inaasahang:
a. Nalalaman ang nais ipahayag ng epikong Rama at Sita
b. Napupukaw ang damdamin ng mag-aaral
c. Nakagagawa ng slogan ukol sa paksang tinalakay
II. Paksang Aralin
Paksa: Rama at Sita (Isang Kabanata), Epiko ng India na isinalin sa Filipino ni
Rene O. Villanueva
Sanggunian:Panitikang Asyano 9, pahina 185-186
Kagamitang Pampagtuturo:Biswal na mga larawan, makukulay na papel.
Pagpapahalaga: Kabayanihan at pag-ibig
III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
PANIMULANG GAWAIN
Tumayo ang lahat para sa panalangin.

Panginoon maraming salamat po sa


biyayang ipinagkaloob ninyo sa amin,
nawa’y gabayan at ingatan ninyo po kami
sa lahat ng pagkakataon. Bigyan ninyo po
ng liwanag ang aming isip at linisin po
ninyo ang aming puso para makagawa ng
tama sa aming kapwa. Lahat po ng ito ay
hinihiling namin sa ngalan mo Hesus.
Amen.

Magandang umaga sa inyong lahat.

Pakiayos ng mga upuan at pakipulot ang Magandang umaga rin po.


mga basura.

(Aayusin ang mga upuan at pupulutin ang


basura)
(Magtitsek ng attendance)

Sino ang nais magbasa ng layunin?


Ma’am.

LAYUNIN
 Nalalaman ang nais ipahayag ng
epikong Rama at Sita
 Napupukaw ang damdamin ng
mag-aaral
 Nakagagawa ng slogan ukol sa
paksang tinalakay

Pagganyak
Bago natin simulan ang ating aralin
magkakaroon muna tayo ng gawain. Ang
gawaing ito ay pinamagatang “Hulaan mo
ang larawang ito”

Tatawag ako sainyo ng tatlong mag-aaral


at sila ang magdadala ng mga
briefcase.Pupunta sila sa unahan upang
kunin ang mga briefcase at pupunta sila
sa hulihan, kapag narinig na nila ang
musika maaari na silang pumunta dito sa
unahan. Pagalingan sa paglakad at
paggalaw ng katawan.

Naunawaan ba? Opo.

Ngayon tatawag na ako ng tatlong mag-


aaral na magdadala ng mga briefcase na
ito. (Tumawag na ng tatlong mag-aaral)

handa na ba kayo? Opo.


(Pumunta sa unahan, kinuha ang
briefcase at tumungo sa hulihan, ng
narinig na ang musika naglakad na sila ng
buong husay)

Mahusay. Palakpakan natin ang ating


mga kandidata.
Kung sino ang manghuhula sa larawan
ay kailangang iwagayway niya ang
kanang kamay at bumanggit ng tatlong
parirala gamit ang salitang “I believe” na
maiuugnay nila sa larawan.

Halimbawa klas, (larawan ni Pangulong


Rodrigo Duterte) I believe na lalaki siya, I
believe na matapang siya at I believe na
ginagawa niya ang lahat para sa ating
bansa at siya ay si Pangulong Rodrigo
Duterte ang pangulo ng ating bansa.

Nauunawaan ba? Opo ma’am.

Handa na ba kayo sa pagbukas ng unang Opo.


briefcase?

Sino ang gustong makita ang unang


larawan at hulaan kung ano ito?

Ngayon babasahin ko ang mga pahayag


na kaugnay ng larawan, makinig kayong
mabuti.

Ako ay isang relihiyosa. Pag-ibig ko’y


ipinadama sa tao. Nakilala ako sa buong
mundo sa taguring The Living Saint ay
nakilala ako nang akoy buhay pa. Ano
ito?

(Magtatawag ng isang mag-aaral)


Buksan mo na!

Ma’am, I believe na mabait siya, I believe


na matulungin siya at I believe na
mapagmahal siya at siya ay si Mother
Teresa.

Mahusay.
Simbolo ito ng pagmamahal.
Gusaling ipinagawa ni Shah Jahan
upang magsilbing libingan ng kaniyang
asawang si Mumtaz Mahal. Ano ito?

Sino naman sa pangalawang


briefcase?buksan mo na!

I believe na malayo po yan sa Filipinas, I


belive na nasa lugar po yan ng India at I
believe kilalang-kilala po yan sa buong
mundo at yan po ay ang Taj Mahal.

Magaling.

Isa itong bansa sa Timog-Kanlurang


Asya. Si Pratibha Patil ang pangulo nila.
Kahanga-hanga ang kanilang pilosopiya.
Kagandahan, katotohanan at kabutihan.
Ito ang kanilang pinahahalagahan. Anong
bansa ito?

Sino naman sa pangatlong larawan?

I believe na maraming lugar jan, I believe


na nandiyan ang gusali ng Taj Mahal at I
believe na mapa yan at ang mapang yan
ay lugar ng India.

Mahusay.

Bigyan natin sila ng Onyok clap.


A.AKTIBITI/GAWAIN

Ngayon ay magkakaroon ulit tayo ng


gawain, bibigyan ninyo ng kasing
kahulugan ang mga salitang may
salungguhit.

Ngayon simulan na natin ang ating


gawain.

1. Bihagin mo si Sita para maging Ikulong


asawa mo.

2. Hinablot ni Ravana ang mahabang hinila


buhok ni Sita.

3. Nagpanggap si Ravana bilang Nagkunwari


isang matandang paring Brahman.

4. Nakumbinsi ni Maritsa si Ravana Napaniwala


kaya umisip sila ng ibang paraan.

5. Gumawa sila ng patibong para Bitag


maagaw nila si Sita.

Magaling!

B.ANALISIS

Nasiyahan ba kayo sa ginawa nating Opo ma’am.


gawain?

Ano ang naramdaman ninyo matapos Masaya po kasi mas nadagdagan po ang
ninyong hulaan ang mga larawan at aming kaalaman at napayayabong po
matapos ninyong bigyan ng kasing namin ang aming talasalitaan. Naaliw din
kahulugan ang mga salita? po sa paghuhula ng mga larawan at
nagkaroon po ng ideya sa susunod na
tatalakaying aralin.

Mahusay!

Batay sa mga gawain, ano kaya ang ating Maaari po ma’am na tungkol po sa
aralin sa araw na ito? kabayanihan at pag-ibig.

Magaling!
C.ABSTRAKSYON/PAGTATALAKAY

Dumako na tayo sa bago nating aralin.


ito ay ang epiko ng Hindu o India na
pinamagatang Rama at Sita (Isang
Kabanata) na isinalin sa Filipino ni Rene
O. Villanueva.

Bago natin talakayin ang aralin natin Ang epiko ay tulang pasalaysay na
ngayon, ano nga ba ang ibig sabihin ng nagsasaad ng kabayanihan ng
epiko? pangunahing tauhan na nagtataglay ng
katangiang nakahihigit sa karaniwang tao
na kadalasan siya’y buhat sa lipi ng mga
diyos o diyosa.

Tumpak!

may ipapakita ako sa inyong videoclip.

Makinig ng mabuti. Sapagkat pagkatapos


ninyong panoorin ang videoclip ay may Opo ma’am.
mga inihanda akong katanungan.

(Ipinakita ang videoclip tungkol sa epiko


ng India “Rama at Sita”)

Naunawaan ba ang epikong inyong Opo ma’am.


pinanood?

Ano ba ang nais ipahayag ng epikong Ang nais pong ipahayag ng epikong Rama
Rama at Sita? at Sita ay wala pong magandang
kalalabasan ang paghihiganti. At walang
makakatalo sa tunay na nag-iibigan at
nagmamahalan.

Mahusay!
Sino-sino ang mga tauhan sa epiko? Ang mga tauhan po sa epiko ay ang mag-
asawang Rama at Sita, si Lakshamanan
na kapatid ni Rama, si Surpnaka at
Ravana na magkapatid na naghihiganti sa
mag-asawa at si Maritsa na may angking
galing na mabago ang sarili sa kahit anong
anyo at hugis.

Magaling!

Ngayon, kung ikaw si Ravana gagawin Hindi po. Sapagkat ang pagkukunwari at
mo ba ang ginawa niya para lang pagsisinungaling ay hindi karapat-dapat
mapangasawa si Sita? na gawain, hindi sapat na dahilan ang
paghihiganti para makuha ang ninanais sa
buhay.

Paano mo mailalarawan si Rama bilang Mailalarawan ko po si Rama bilang isang


asawa ni Sita? matapang na tao at kaya po niyang gawin
ang lahat alang-alang sa kaniyang asawa.

Magaling!

Sa buhay natin, napakaraming pagsubok


na dumadaan. Pagsubok na humuhubog
sa ating pagkatao. Bilang isang tao na
nagkakasala, hindi rason ang paghihiganti
upang makamit natin ang tunay na
tagumpay at minimithi natin sa buhay.
Laging tatandaan, na walang mabuting
maidudulot ang paghihiganti lalong lalo na
ang pagkukunwari at pagsisinungaling
natin sa ating kapwa. Ito’y maglulunsad
lamang ng kaguluhan at problema sa ating
bayan at sa ating buhay.

Naunawaan? Opo ma’am.


D. APLIKASYON

Bibigyan ko kayo ng maliliit na papel at


gagawa kayo ng slogan ukol sa paksang (Kinuha ang mga papel at kumuha sila ng
ating tinalakay. Bibigyan ko lamang kayo tig-iisang piraso ng papel)
ng 2 minuto para gumawa.Huwag
kakalimutan na lagyan ng pangalan.

Tapos na ang 2 minutong ibinigay ko (Ipinasa ang mga papel)


sainyo, ipasa na ang mga papel.

Sino kaya ang maswerteng magbabahagi


ng kaniyang ginawang slogan?

(Tatawagin ang mga pangalan ng “Ang pag-ibig na wagas ay siyang


nakuhang papel na magbabasa ng naghahari hanggang wakas”
kanilang ginawa)
“Ang paghihiganti bunga nito’y pait na
magdudulot ng lahat ng sakit”

Magaling.

Bago matapos ang ating talakayan sa


araw na ito may iiwan ako sa inyong
paalala. Gumawa ng karapat-dapat
upang makamtan natin ang minimithi
nating kaligayahan at saya.

May katanungan ba? Wala po.

Naunawaan ba ang ating tinalakay sa Opo ma’am.


araw na ito?

Kung gayon kumuha ng isang kapat na


papel at magkakaroon tayo ng maikling
pagsusulit.
IV. Ebalwasyon

Panuto. Sa isang kapat na papel sagutan ang mga sumusunod na katanungan.

1. Saan nanggaling ang epikong Rama at Sita?


2. Sino ang kapatid ni Ravana?
3. Ano ang ginampanan ni Maritsa sa epikong Rama at Sita?
4. Saang kaharian nanggaling ang mag-asawang Rama at Sita pati na si
Lakshamanan na kapatid ni Rama?
5. Sino ang hari ng mga higante at demonyo?

Pagpapaliwanag (5 puntos)
Paano mo haharapin ang dagok o pagsubok sayong buhay?
Sagot:
1. India
2. Surpnaka
3. Nagpanggap na isang gintong usa
4. Kaharian ng Ayodha
5. Ravana
6-10
Haharapin ko ang mga pagsubok sa aking buhay sa pamamagitan ng aking
pananampalataya sa Panginoon kaakibat ng aking buong pagsasakripisyo na
walang natatapakang ibang tao.

V. Takdang Aralin
Basahin ang Ang Talinghaga Tungkol sa May-Ari ng Ubasan at gumawa ng
repleskyon ukol dito. Panitikang Asyano 9, p. 196.

INIHANDA NI:

JAIRA A. FAUSTO
Gurong Sinasanay

NABATID NI:

MERCY M. ALMONTE
Gurong Tagapamatnubay

You might also like