You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Commission on higher education


Daraga Community College
Salvacion, Daraga, Albay

Marso 28, 2023


Masusing Banghay-Aralin

Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang
pampanitikan ng Kanlurang Asya.

Pamantayan sa Pagganap:
Ang mga mag-aaral ay masining na makapagtatanghal ng kulturang Asyano
batay sa napiling akdang pampanitikang Asyano.

I. Layunin:
Nahuhulaan ang Maaaring Mangyari sa akda batay sa ilang pangyayaring
napakinggan.

II. Paksang Aralin:


a. Paksa: Rama at Sita (epiko mula sa India)

b. Mga Sanggunian:
c. Kagamitan: kagamitang biswal, Laptop, speaker…

III. Pamamaraan:
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
a. Panimulang Gawain

Panalangin
Bago tayo magsimula, maari ba tayong
magsitayo at Bb. Pangulo maaari mo
bang pangunahan ang ating panalangin?
In the name of the Father, of the Son and
the Holy Spirit, Amen. Almighty
Father, we praise and thank you for
this day. Watch over us, as we go
about our works and studies. Help
us in every way so that we may become
the children you want us to be. Amen.
Pagbati
Magandang umaga klas!
Magandang umaga rin po Sir!

Pakiayos ng inyong mga upuan at pulutin


ang mga papel sa ilalim.

Pagkatapos ay pwede na kayong maupo.

Pagtala ng lumiban
Pwede ko bang malaman kung sino ang
mga lumiban sa klase ngayong araw?

Napakahusay! Wala po Sir.

Sana araw-araw ganyan tayo.

Balik-aral
Bago tayo dumako sa pagtanghal ay ano
nga ang ating tinalakay kahapon?

Tinalakay po natin ang tungkol sa epiko,


katangian ng mga hindo at ang epikong
nagmula sa India na napinamagatang
“Rama at Sita”.
Magaling!

Tinalakay natin ang tungkol sa epiko,


katangian ng mga hindo at ang epikong
nagmula sa India na napinamagatang
“Rama at Sita”.

Ano nga klas ang epiko?


(sasagot ang mga mag-aaral)
Mahusay!

Ito ay isang mahabang tula o kuwentong


nagsasalaysay o nagpapakita ng mga
kabayanihan at pakikibaka ng mga
tauhan sa isang epiko.

Ang naman ang mga katangian ng mga


hindo?

Mahusay!
(sasagot ang mga mag-aaral)
Ang mga katangian ng mga hindo na
makikita natin sa epiko ay ang
mapagmahal at ang pagkakaroon ng
respeto sa kapwa.

Makikita ba natin ang mga katangian na


ito sa epikong inyong napanood?
Opo Sir!
Magaling kung gayon.

Pangganyak
Ngayon ay bago tayo dumako sa ating
bagong talakayan ay may gawain muna
tayo.

Gawain:
Panuto: Magbibigay ako ng bugtong.
Hulaan niyo kung ano ang sagot sa
bawat bugtong na bibigkasin ko.
Mga larawan:
1. Tunog sa lalamunan,
Inumin ang kailangan.
2. Sa araw ay nahihimbing
Sa gabi ay gising.
3. Kung kailan tahimik
Saka nambubuwisit.
4. Hakot dito, hakot doon, kahit maliit ay
ipon ng ipon.
5. Isang bahay na bato
Ginagataan ng lola ko.

Mga sagot:
1. Sinok
2. Paniki
3. Lamok
4. Langgam
5. Suso(snail)
Paglalahad ng layunin
Nahuhulaan ang Maaaring Mangyari sa
akda batay sa ilang pangyayaring
napakinggan.

Pagtatalakay
Ngayon ay muli nating balikan ang
epikong pinanood kahapon.

Tungkol nga saan ang epiko?

Magaling!
(sasagot ang mga mag-aaral)
Ito’y tungkol sa pagmamahalan o
pagpapakita ng pagmamahal sa isa’t-isa
kahit marami mang pagsubok ang
harapin.

Sinu-sino nga ang mga tauhan sa


kuwento?

Magaling!
(sasagot ang mga mag-aaral)
Ang mga pangunahing tauhan ay sina
Rama, Sita, Laksabana at ang kanilang
kalaban naman ay sina Surpanaka,
Rabana at si Malitcha.

Maliwanag ba klas?

Paano nga nagkakaiba-iba ang mga


katangian ng mga tauhan sa kuwento?
Opo Sir!
Magaling!

Mayroong bamuti ay mayroon naman na (sasagot ang mga mag-aaral)


masama.
Paano nga ipinaglaban ni Rama at Sita
ang kanilang pagmamahalan?

Mahusay!
(sasagot ang mga mag-aaral)
Ipinaglaban nila ang kanilang
pagmamahalan sa pamamagitan ng
pagpili parin sa isa’t-isa kahit maraming
pagsubok ang kanilang nararanasan.

Makatutuhanan ba ang kanilang ginawa


upang mapatunayan ang kanilang pag-
iibigan?

Mahusay!
(sasagot ang mga mag-aaral)
Ito’y makatutuhanan dahil sa tunay na
buhay ay ito ay nangyayari.

Maliwanag ba klas?

May mga katanongan pa ba?


Opo Sir!
Magaling kung gayon.
Wala na po Sir.
Paglalahat
Bago tayo dumako sa ating tanghalan ay,
ano nga ulit ang epiko?

Magaling!

Ito’y ilan sa katangian ng mga hindo, ano (sasagot ang mga mag-aaral)
ito?

Paglalapat
Ngayon ay dadako na tayo sa (sasagot ang mga mag-aaral)
pagtatanghal ng bawat pangkat sa
kanilang mga inihandang role-play
tungkol sa epikong “Rama at Sita”.
Panuto para sa isasagawang
pagtatanghal:
Bumuo ng tatlong pangkat. Gawan ng
role-play ang epikong pinanood.
1 pangkat: Simula ng epiko
2 pangkat: gitna ng epiko
3 pangkat: wakas ng epiko

Bibigyan ko kayo ng 5 minuto para


ihanda ang inyong mga kagamitan at iba
pa.

Tapos na ang inyong limang minuto, tayo


na ay dumako sa pagtatanghal ng bawat
pangkat.

(pagtatanghal ng bawat pangkat sa


unahan)

Mahusay!

Ang bawat pangkat ay talagang


pinaghandaan ang role-play.

At para mas mapayabong pa ang inyong


kaalaman ay kumuha ng ¼ na papel at
sagutan ang mga katanungan.

IV. Pagtataya
1. “Sige patayin mo siya! Sabi ni Rama.
Ang pahayag ay___.
a. nakikiusap
b. nagmamakaawa
c. nag-uutos
d. nagpapaunawa

2. dinala ni Ravana si Sita sa Lanka, ang


kaharian ng mga higante at demonyo.
“mahalin mo lang ako ay ibibigay ko s
aiyo ang lahat ng kayamanan,” sabi ni
Ravana. Pero hindi niya napasuko si Sita.
Ang hindi pagsuko ni sita kay Ravana ay
nangangahulugang___.
a. natatakot
b. mahal niya ang kaniyang asawa
c. hindi si Ravana ang kaniyang gusto
d. naniniwala sa Milagro

3. ano ang ilan sa katangian ng mga


hindo?
a. mayaman sa kultura, likas na
pagmamahal at paggalang sa kapwa
b. mayaman sa kultura, likas na
pagmamahal at pagkakaroon ng
pagkakaisa
c. mayaman sa kultura, likas na
pagmamahal at tiwala sa sarili
d. mayaman sa kultura, likas na
pagmamahal at kabutihang asal

4. anong uri ito ng panitikan na galing sa


salitang Griyego na epos,
nangangahulugang ‘awit’ ngunit ngayon
ito’y tumutukoy sa pasalaysay ng
kabayanihan?
a. parabula
b. tula
c. epiko
d. pabula

5. Bihagin mo si Sita para maging asawa


mo. Ano ang kahulugan ng salitang
“bihagin”?
a. ikulong
b. bitagin
c. hulihin
d. akitin.

Susi sa Pagwawasto:
1. c
2. b
3. a
4. c
5. a

V. Kasunduan
Ibigay ang maaaring maganap sa sumusunod na pangyayari.
1. Nagpanggap naman si Ravana na isang matandang paring Bramin.

2. Isang umaga habang namimitas ng bulaklak, nakakita si Sita ng isang gintong usa.

3. hiningi ni Rama ang tulong ng hari ng mga unggoy para salakayin ang lanka.

Inilahad ni: LEANNE LAWRENCE A. BONAOBRA


IV-BSED FILIPINO C

Nabatid ni: GNG. KEITH BARCE

Mga Tala:

You might also like