You are on page 1of 17

DON MARIANO MARCOS MEMORIAL STATE UNIVERSITY

South La Union Campus


COLLEGE OF EDUCATION
Agoo, La Union, Philippines
Email Address: ce.sluc@dmmmsu.edu.ph

BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 8
Petsa/Linggo ________________

I. LAYUNIN:

Pagkatapos ng isang oras na talakayan, ang mga mag-aaral ay


inaasahang:

a. Nabibiyang-kahulugan ang mga salita batay sa kontekstong


pinaggamitan.
b. Nakababahagi ng mga pangyayari mula sa epiko na naranasan o
maaaring naganap sa totoong buhay.
c. Nakabubuo ng isang E-Comics tungkol sa epikong binasa.
Napapalitan ang naging daloy ng wakas mula sa binasang epiko.
II. PAKSA
A. ARALIN: Epiko mula sa India Panitikan: Rama at Sita
B. SANGGUNIAN: Modyul sa Filipino sa Baitang 8
C. KAGAMITANG PANTURO: Power Point Presentation, Instructional
Materials
D. PAGPAPAHALAGA: Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-
unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng
Kanlurang Asya
E. PAMAMARAANG GINAMIT: Ugnayang tanong-sagot, Malayang
Talakayan

III. PAMAMARAAN

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL

I. ALAMIN/TUKLASIN
(Panimulang Gawain)

Magandang Umaga, Greyd 9! Magandang Umaga po ma’am.

Ginoo, maaari bang pumunta ka


rito sa harapan upang pangunahan
ang panalangin. Diyos Ama, hindi po magiging
madali para sa amin ang mga
susunod na araw kung wala po
Kayo sa aming tabi. Gabayan Niyo
po kami upang malinang ang
aming isipan at lubusan Kang
pagkatiwalaan sa anumang
pagsubok na darating sa aming
buhay. Ikaw lamang po Panginoon
ang tangi naming lakas at
sandigan. Maraming salamat po sa
pagmamahal at biyayang Inyong
DON MARIANO MARCOS MEMORIAL STATE UNIVERSITY
South La Union Campus
COLLEGE OF EDUCATION
Agoo, La Union, Philippines
Email Address: ce.sluc@dmmmsu.edu.ph

ipinagkakaloob sa amin.
Humihingi rin po kami ng
pagpapakumbaba at nawa’y
patawarin niyo po kami sa aming
pagkukulang at pagkakasala. Kayo
lamang po ang aming
pinaniniwalaan at kinikilalang
pinakadakila sa lahat, Amen.
Pagpalain tayo ng Diyos. Bago
kayo umupo pakipulot ang
anumang kalat sa ilalim ng
inyong mga upuan. Panatilihing
malinis ang inyong puwesto
hanggang matapos ang oras ng
ating talakayan.

Ngayon ay magtsetsek na tayo ng


attendance. May lumiban ba
ngayong araw Binibini? Wala po, ma’am.

Salamat, Binibini. Natutuwa


ako dahil walang lumiban
ngayon sa ating klase. Bago
tayo magsimula, kumusta ang
bawat isa? Masaya po.
Mabuti naman po, ma’am.
Ikinagagalak kong malamang kayo
ay masaya at nasa mabuting
kalagayan, klas.

A. Pagganyak

Klas, bago natin simulan ang ating


talakayan ay magkakaroon muna
tayo ng paunang gawain. May
inihanda akong gawain at mula rito,
kayo ay magkakaroon ng ideya kung
ano ang paksang ating tatalakayin
sa araw na ito. Handa na ba kayo? Handa na po.
Gawain 1: Paglinang ng
Talasalitaan

Panuto: Mula sa mga nakapaskil sa


pisara, punan ng nawawalang letra
ang bilog na walang nakasulat
upang mabuo ang kahulugan ng
salitang naka-bold at pagkatapos ay
gamitin sa makabuluhang
DON MARIANO MARCOS MEMORIAL STATE UNIVERSITY
South La Union Campus
COLLEGE OF EDUCATION
Agoo, La Union, Philippines
Email Address: ce.sluc@dmmmsu.edu.ph

pangungusap ang mga salitang


natutuhan.

1. Bihagin mo si Sita para 1. Ikulong


maging asawa mo. Labis ang aking pangungulila
noong bihagin ang aking tunay na
iniirog.

2. Hinablot ni Ravana ang 2. Hinila


mahabang buhok ni Sita. Hinablot ang aking mamahaling
kuwintas noong naglalakad ako sa
kalsada.

3. Nagpanggap si Ravana bilang 3. Nagkunwari


isang matandang paring Si Ken ay nagpanggap ng kaniyang
Brahman. nararamdaman mula kay Alexa.

4. Nakumbinsi ni Maritsa si 4. Napaniwala


Ravana kaya umisip sila ng Nakumbinsi ko ang aking mga
ilang paraan. magulang na ibili ako ng Laptop.

5. Gumawa sila ng patibong 5. Bitag


para maagaw nila si Sita. Nahuli sa bitag ang abusadong
mangangaso.

Mahusay, klas! Maraming


salamat sa inyong
partisipasyon.
Klas, batay sa isinagawa nating
panimulang gawain, may ideya ba
kayo kung ano ang paksang ating
tatalakayin batay na rin sa mga
pangalan ng mga tauhan, alam niyo
ba kung anong pamagat at uri ito ng
Rama at Sita po ma’am.
akdang pampanitikan?
Ito po ay isang uri ng epiko.

Magaling, klas! patungkol sa


Epiko ang ang ating magiging
paksa. Pag-aaralan natin ang
panitikang Rama at Sita.

II. PAUNLARIN/LINANGIN
DON MARIANO MARCOS MEMORIAL STATE UNIVERSITY
South La Union Campus
COLLEGE OF EDUCATION
Agoo, La Union, Philippines
Email Address: ce.sluc@dmmmsu.edu.ph

A. Paglinang ng Aralin

Klas, bago tayo dumako sa ating


talakayan nais ko muna kayong
tanungin kung may alam o nabasa
na ba kayong mga epiko?
Biag ni Lam-ang ma’am. (Iloko)
Kwento ni Aliguyon (Ifugao)
Indarapatra at Sulayman
(Maguindanao)
Mahusay, klas! Ang mga ibinigay
niyong halimbawa ng kwento ay uri
nga ng epiko. Ano ang masasabi at
obserbasyon niyo sa mga epiko o
akdang inyong nabasa? May aral pong mapupulot,
Maari niyo bang ibahagi ang mga
aral na inyong napulot sa epikong
ito? Natutuhan ko pong hindi mabuti
ang paghihiganti sa kapwa.
Maging maingat po sa mga
desisyon na ating isinasagawa.
Handang gawin at isakripisyo ang
lahat para sa minamahal.
Mahusay, Klas! ang bawat epikong
inyong ibinigay ay may kaakibat na
aral na mapupulot.

III. PAUNLARIN/LINANGIN
A. Talakayan

Klas, maaari ko bang malaman


kung ano ang sarili niyong
pagpapakahulugan sa epiko? Ma’am ang Epiko po ay tulang
pasalaysay na nagsasaad ng
kabayanihan ng pangunahing
tauhan.
May mga diyos at diyosa po ma’am
ang epiko
Magaling! Ang Epiko o Epic sa
Ingles ay nagmula sa salitang
Griyego na "Epos" na ang
kahulugan ay "Awit". Ito ay tulang
pasalaysay na nagsasaad ng
kabayanihan ng pangunahing
tauhan na nagtataglay ng
katangiang nakahihigit sa
karaniwang tao na kadalasan siya’y
DON MARIANO MARCOS MEMORIAL STATE UNIVERSITY
South La Union Campus
COLLEGE OF EDUCATION
Agoo, La Union, Philippines
Email Address: ce.sluc@dmmmsu.edu.ph

buhat sa lipi ng mga diyos o diyosa.


Ang kuwento ay hango kung minsan
sa mga karaniwang pangyayari
ngunit ang mga tauhan ay
kadalasang hango sa mga hindi
pangkaraniwang nilalang na
mayroong pambihirang katangian.

Ngayon ay tatalakayin natin ang


isang halimbawa ng Epiko na
pinamagatang Rama at Sita na
nagmula sa India.
Atin na itong basahin upang
maunawaan natin kung tungkol
saan nga ba ang epikong ito. Sa
unang hanay ng upuan, pakibasa Sa gubat tumira sina Rama, Sita at
ang unang talata ng kuwento. Lakshamanan nang ipatapon sila
mula sa kaharian ng Ayodha.
Minsan, isang babae ang dumalaw
sa kanila. Hindi nila alam,
nagpapanggap lamang ang babae.
Siya ay si Surpanaka, ang kapatid
ni Ravana, na hari ng mga higante
at demonyo. “Gusto kitang maging
asawa”, sabi nito kay Rama. “Hindi
maaari”, sabi ni Rama. “May asawa
na ako.” Narinig ni Sita ang dalawa
kaya lumabas siya. Niyakap ni
Rama si Sita sa harap ni
Surpanaka. Nagselos nang husto si
Surpanaka. Sa galit ay bigla siyang
naging higante. Nilundag niya si
Sita para patayin. Pero mabilis na
nayakap ni Rama ang asawa
at agad silang nakalayo kay
Surpanaka, siya namang pagdating
ni Lakshamanan.
“Sige patayin mo siya!” sabi ni
Rama. Binunot ni Lakshamanan
ang kaniyang espada at nahagip
niya ang tenga at ilong ng higante.
“Sino ang may gawa nito?” sigaw ni
Ravana nang makita ang ayos ng
kapatid. Nagsinungaling si
Surpanaka kay Ravana para
makaganti kay Rama. Sinabi niyang
nakakita siya ng pinakamagandang
babae sa gubat at inalok niya itong
maging asawa ni Ravana pero
tumanggi ang babae. Nang pilitin
daw niya, tinagpas ng isang
prinsepe ang kaniyang ilong at
DON MARIANO MARCOS MEMORIAL STATE UNIVERSITY
South La Union Campus
COLLEGE OF EDUCATION
Agoo, La Union, Philippines
Email Address: ce.sluc@dmmmsu.edu.ph

tenga. “Tulungan mo ako, Ravana”,


sabi pa nito. Bihagin mo si Sita para
maging asawa mo. Naniwala naman
si Ravana sa kuwento ng kapatid.
Pumayag siyang ipaghiganti ito.

Okay naiintindihan ba ang unang Opo, ma’am.


talata, Greyd 9?

Sino ang tatlong tauhang ipinatapon


na nagmula sa kaharian ng Ayodha Sina Rama, Sita at Lakshamanan
at tumira sa gubat? po ma’am.

Magaling, binibini. Sa unang talata


ano ang naging obserbasyon niyo? May problema o suliranin na pong
pong kinaharap ang mga
pangunagunahing tauhan.

Tama atin nga itong nabatid


kaagad. Maaari mo bang ilahad ang
problemang ito? Ito po ay sa pagitan ng dalawang
mag-asawa na sina Rama at Sita
na kung saan may nais sumira sa
kanilang pagmamahalan at ito po
ay si Supernaka. Nais niyang
mapangasawa si Rama kaya’t
nagpanggap siya upang maging
babae upang at subukang bihagin
si Rama.

Magaling, binibini. Klas,


nagtagumpay ba ang plano ni
Supernaka? Hindi po ma’am sapagkat mahal
na mahal nina Rama at Sita ang
isa’t isa.

Hindi po ma’am sapagkat


dumating po ang kapatid ni Rama
na si Lakshamanan at nilabanan
niya ang higanteng si Supernaka.
inilabas nito ang kaniyang espada
at natamaan ang higante sa tainga
at ilong.

Mula sa nangyari kay Supernaka,


sino ang nagalit sa kaniyang naging Si Ravana po ma’am.
kalagayan.
DON MARIANO MARCOS MEMORIAL STATE UNIVERSITY
South La Union Campus
COLLEGE OF EDUCATION
Agoo, La Union, Philippines
Email Address: ce.sluc@dmmmsu.edu.ph

Tama, ginoo. Si Ravana ang


kaniyang kapatid na hari ng higante
at demonyo. Anong sunod na
ginawa ni Supernaka? Nagsinungaling po siya sa
kaniyang kapatid dahil nais niyang
maghiganti.
Tama at minanipula niya ang
kaniyang kapatid na bihagin si Sita
upang kaniya itong mapangasawa
at upang mapasakamay niya rin si
Rama.
Naiintindihan ba ang unang binasa,
Greyd 9? Opo, ma’am.

Mahusay! Ngayon sa ikalawang


talata o bahagi na tayo ng epiko.
Pakibasa ito nang malinaw at
malakas, ikalawang hanay. Ipinatawag ni Ravana si Maritsa.
May kakayahan si Maritsa na
mabago ang sarili sa kahit anong
anyo o hugis. Nang malaman ni
Maritsa na sina Rama at
Lakshamanan ang makakalaban,
tumanggi itong tumulong. “Kakampi
nila ang mga diyos”, sabi ni Maritsa.
“Kailangang umisip tayo ng paraan
kung paanong makukuha si Sita
nang hindi masasaktan si Rama.”
Nakumbinsi naman si Ravana kaya
nag-isip sila ng patibong para
maagaw nila si Sita.
Isang umaga habang namimitas ng
bulaklak, nakakita si Sita ng isang
gintong usa. Tinawag agad niya sina
Rama at Lakshamanan para hulihin
ang usa na puno ng mamahaling
bato ang sungay. “Baka higante rin
iyan”, paalaala ni Lakshamanan.
Dahil mahal na mahal ang asawa,
kinuha ni Rama ang kaniyang
pana at busog. “Huwag mong iiwan
si Sita kahit ano ang mangyari”,
bilin ni Rama sa kapatid. Parang
narinig ng usa ang sinabi ni Rama.
Agad itong tumakbo kaya
napasigaw si Sita. “Bilis! Habulin
mo ang gintong usa!” Matagal na
naghintay ang dalawa pero hindi pa
rin dumarating si Rama. Pinilit ni
Sita si Lakshamanan na sumunod
sa gubat. “Hindi, kailangan kitang
bantayan”, sabi nito. Ilang oras pa
DON MARIANO MARCOS MEMORIAL STATE UNIVERSITY
South La Union Campus
COLLEGE OF EDUCATION
Agoo, La Union, Philippines
Email Address: ce.sluc@dmmmsu.edu.ph

silang naghintay nang bigla silang


nakarinig ng isang malakas na
sigaw. Napaiyak si Sita sa takot
pero ayaw pa ring umalis ni
Lakshamanan kaya nagalit si Sita.
“Siguro gusto mong mamatay si
Rama para ikaw ang maging hari”,
sabi nito kay Lakshamanan.
Nasaktan si Lakshamanan sa
bintang ni Sita. Para patunayang
mahal niya ang kapatid, agad
siyang sumunod sa gubat. Wala
silang kamalay-malay na sa labas
ay naghihintay si Ravana.
Sa gubat, napatay ni Ravana ang
usa at bigla itong naging si Maritsa.
Nagpanggap naman si Ravana na
isang matandang paring Brahman.
Nagsuot ng isang kulay kahel na
roba at humingi siya ng tubig kay
Sita. Hindi nakapagpigil si
Ravana. “Bibigyan kita ng limang
libong alipin at gagawin kitang
reyna ng Lanka!” sabi ni Ravana.
Natakot si Sita at nabitiwan ang
hawak na banga! Itinulak ni Sita si
Ravana. Bumalik sa anyong higante
si Ravana. Hinablot ni Ravana ang
mahabang buhok ni Sita at isinakay
sa karuwaheng hila ng mga
kabayong may malapad na pakpak.
Nagsisigaw at nanlaban si Sita pero
wala siyang magawa. Lihim na
nagsisi si Sita sa ginawa niya kina
Rama at Lakshamanan. Itinapon
niya ang mga bulaklak sa kaniyang
buhok. Nagdasal siya na sana ay
makita iyon ni Rama para
masundan siya at maligtas.

Naiintidihan ba ang ikalawang


talata, klas? Opo, ma’am.

Ano ang naging obserbasyon mo sa


iyong binasa, binibini. Dito po ma’am ay mayroong
pagkukunwari ulit na naganap
dahil nais nilang maghiganti at
mapagtagumpayan ang kanilang
planong makuha sina Rama at Sita
at maging kanilang asawa.
Ano ang unang hakbang na ginawa
ng magkapatid? Humingi sila ng tulong kay
DON MARIANO MARCOS MEMORIAL STATE UNIVERSITY
South La Union Campus
COLLEGE OF EDUCATION
Agoo, La Union, Philippines
Email Address: ce.sluc@dmmmsu.edu.ph

Maritsa. Siya ay may kakayahang


magbago ng anyo o hitsura.

Tama, ginoo. Noong una ay ayaw ni


Maritsa ngunit sa huli ay naging
patibong rin siya hindi ba?
Nagpanggap siyang isang usa. Dahil
wala silang kaalam-alam na
patibong labang ito, hinabol ito ni
Rama. Ngunit bago umalis si Rama
ay ibinilin niya sa kaniyang kapatid
na si lakshamanan ang kaniyang
asawang si Sita. Ano ang sinabi ni Sinabi po niyang huwag niyang
Rama sa kaniyang kapatid, iiwang mag-isa si Sita kahit anong
binibini? mangyari.

Hindi po ma’am dahil si Sita na po


Magaling! Ngunit nangyari ba ang ang nagpumilit kay Lakshamanan
bilin ni Rama? na sundan ang kaniyang kapatid
sa gubat buhat ng kaniyang pag-
aalala at takot. Dahil binitangan
niya rin si Lakshamanan na kung
hindi siya pupunta ay baka plano
nito o nagnanais itong maging
hari. Kaya napilitan pong
sumunod sa gubat si
Lakshamanan at naiwang walang
kasama si Sita.

Magaling, binibini. Ngayon, ano ang


masasabi niyo sa plano ng Naisakatuparan po nila ang plano
magkapatid na si Supernaka at ni Ravana na bihagin si Sita.
Ravana?

Magaling! tuluyan ngang nakuha ni


Ravana si Sita. Hinablot nito ang
mahabang buhok ni Sita at isinakay
sa karuwaheng hila ng mga
kabayong may malapad na pakpak. Opo, ma’am. Nagsisigaw at
Nagsisi kaya si Sita sa kaniyang nanlaban si Sita pero wala siyang
naging desisyon, klas? magawa. Lihim na nagsisi si Sita
sa ginawa niya kina Rama at
Lakshamanan.

Sa palagay niyo klas may pag-asa


DON MARIANO MARCOS MEMORIAL STATE UNIVERSITY
South La Union Campus
COLLEGE OF EDUCATION
Agoo, La Union, Philippines
Email Address: ce.sluc@dmmmsu.edu.ph

pa kaya ang pagmamahalan ng


mag-asawang sina Rama at Sita? Meron pa po ma’am.
Wala na po siguro ma’am.
Alamin natin ang susunod na mga
kaganapan ng kuwento. Dumako na
tayo sa panghuling bahagi at ang
susunod na magbabasa ay ang
ikatlong hanay. Mula sa isang mataas na bundok,
narinig ng isang agila ang sigaw ni
Sita. Hinabol ng ibon ang karuwahe
ni Ravana. Pinagtataga ni Ravana
ang agila at duguan itong bumagsak
sa lupa. Pabalik na sina Rama at
Lakshamanan nang makita nila ang
naghihingalong agila. “Dinala ni
Ravana ang asawa mo sa Lanka”,
sabi nito bago mamatay. Sinunog ng
magkapatid ang bangkay ng agila.
Pagkatapos ay naghanda sila upang
sundan ang hari ng mga higante sa
Lanka. Dinala ni Ravana si Sita sa
Lanka, ang kaharian ng mga
higante at demonyo. “Mahalin mo
lamang ako ay ibibigay ko sa iyo
ang lahat ng kayamanan”, Sabi ni
Ravana. Pero hindi niya napasuko
si Sita. Hiningi ni Rama ang tulong
ng hari ng mga unggoy para
salakayin ang Lanka. Sa labanang
naganap, maraming kawal na
unggoy ang napatay pero mas
maraming higante ang bumagsak
na pugot ang ulo. Hinanap ni Rama
si Ravana at silang dalawa ang
naglaban. Matagal na naglaban sina
Rama at Ravana hanggang sa
mapatay ni Rama ang hari ng mga
higante. Tumakas ang iba pang mga
higante nang makita nilang patay
ang kanilang pinuno. Umiiyak na
tumakbo si Sita sa asawa.
Nagyakap sila nang mahigpit at
muling nagsama nang maligaya.

Batay sa panghuli nating binasa,


ano ang ginawa ni Rama para
mabawi ang kaniyang asawa? Ipinaglaban ni Rama ang kaniyang
pagmamahal kay Sita. Humingi
siya ng tulong mula sa hari ng
unggoy upang Samahan siyang
makipaglaban sa mga higante at
kay Ravana. Hanggang sa tuluyang
DON MARIANO MARCOS MEMORIAL STATE UNIVERSITY
South La Union Campus
COLLEGE OF EDUCATION
Agoo, La Union, Philippines
Email Address: ce.sluc@dmmmsu.edu.ph

nagapi ni Rama si Ravana at


muling nahagkan ang mahal
Mahusay, binibini. Ipinaglaban nga niyang asawa.
ni Rama ang kaniyang pagmamahal
kay Sita. Sinundan niya ito sa
Lanka upang bawiin kay Ravana at
gapiin ang higanteng sumira ng
kanilang pagmamahalan.

Naging masaya ba ang wakas ng


kuwento, klas?
Opo, ma’am dahil sa kabila ng
nangyaring pagsubok sa
pagmamahalan ng mag-asawang
sina Rama at Sita ay nagawa pa
rin nilang inilaban upang sa huli
ay sila pa ring dalawa ang
magkapiling.

Opo ma’am dahil hindi hinayaan ni


Rama na mapasakamay ni Ravana
Magaling, klas! naiintindihan niyo ang kaniyang asawa.
ba ang epiko?
Opo, ma’am.
May mga katanungan pa ba kayo?
Wala na po, ma’am.
Sa epikong ating binasa. Isa itong
patunay na ang totoong
pagmamahal ay naipapanalo
anuman ang mga pagsubok na
dumating o kahaharapin ng mga
totoong nagmamahal.

IV. PAGNILAYAN AT
UNAWAIN

A. Pagpapalalim
Ngayon batid kong naunawaan niyo
na ang epikong ating binasa ano
ang mga aral na inyong napulot?
Ipaglaban po ang minamahal
hanggang sa kamatayan.

Huwag mapanlinlang o
mapagkunwari.

Gaya nga ng ginawa ni Rama ay Huwag maghiganti.


ipinaglaban niya ang kaniyang
minamahal na si Sita. Kung kayo ba
DON MARIANO MARCOS MEMORIAL STATE UNIVERSITY
South La Union Campus
COLLEGE OF EDUCATION
Agoo, La Union, Philippines
Email Address: ce.sluc@dmmmsu.edu.ph

ang nasa sitwasyon ni Rama


gagawin niyo rin ba ang kaniyang
ginawa para sa kaniyang
minamahal?

Opo, maam dahil kung mahal ko


Magaling, ginoo. po talaga ang isang tao ay gagawin
Kung kayo naman ang nasa ko ang lahat basta’t ‘wag lamang
sitwasyon ni Sita. Tama ba ang siyang mawalay sa akin.
kaniyang biglaang pagdedesisyon?

Hindi po ma’am dahil tulad nga ng


kaniyang naging pasya na
ipasunod si Lakshamanan sa
gubat nang hindi niya pinag-
iisipang mabuti ang maaaring
mangyari sa kaniya kaya’t sa huli
Mahusay, klas! Nais ko kayong ay pinagsisihan niya ito ng lubos.
tanungin, ang sitwasyon ba ng pag- Nasa huli po lagi talaga ang
iibigan nila Rama at Sita ay may pagsisisi.
pagkakataon na bang naranasan o
nalaman niyo na rin ang ganitong
mga sitwasyon sa inyong pamilya o
kakilala? Sino ang nais magbahagi?

Ang isa pong maibibigay kong


halimbawa rito ay ang pag-iibigan
ng aking nanay at tatay noong
kapanahonan nila na kanila ring
ibinahagi sa akin kaya’t aking
nalaman. Noong araw daw po ang
nanay at tatay ko ay sinusubukang
paghiwalayin ng tadhana. Ang
dating karelasyon ng aking ina
muling bumalik sa kaniya ngunit
sa panahon na iyon ay mayroon
nang nobyo ang aking ina at ‘yon
ang aking ama. Sobrang mahal
nila ang isa’t isa. Ang dating nobyo
ng aking ina ay sinusubukang
inilalayo siya nito sa aking ama
sapagkat nais niyang
mapasakamay muli ang aking ina
kahit wala na ring nararamdaman
ang ang aking ina sa kanyang
dating kasintahan. Sinubukan
ding lasonin ng dating nobyo ng
aking ina ang aking ama ngunit
DON MARIANO MARCOS MEMORIAL STATE UNIVERSITY
South La Union Campus
COLLEGE OF EDUCATION
Agoo, La Union, Philippines
Email Address: ce.sluc@dmmmsu.edu.ph

buti na lamang po ay naagapan at


nadala kaagad siya sa hospital at
naikulong ang dating nobyo ng
aking ina dahil sa ginawa niya.
Nang tuluyang makalabas at
gumaling ang aking ama ay
iniaayos na nila ang kanilang
pagpapakasal para mas lalong
maging banal ang kanilang
Maraming salamat sa pagbabahagi. pagsasama at wala ng
Nakamamangha naman ang iyong makahahadlang sa kanilang
pagbabahagi. Patunay lang ang mga pagmamahalan.
ganitong sitwasyon na ang totoong
pagmamahal ay naipaglalaban. Sa
kasalukuyang panahon, may mga
katulad pa rin ng kuwentong pag-
ibig nila Rama at Sita ngunit kahit
ganunpaman na may mga pagsubok
man silang kinakaharap sa kanilang
realsyon ay nagagawa pa rin nilang
solusyonan at ipanalo upang sa huli
ay manaig pa rin ang kanilang
pagmamahalan.

B. Paglalahat

Mula sa inyong mga naging


kasagutan ako ay natutuwa dahil
labis nga ninyong naunawaan ang
epikong ating binasa ngayon
balikan nga muli natin ito.

Ano muli ang Epiko?

Ito ay tulang pasalaysay na


nagsasaad ng kabayanihan ng
pangunahing tauhan na
nagtataglay ng katangiang
Mahusay! Tama ito ay tulang nakahihigit sa karaniwang tao na
pasalaysay na nagsasaad ng kadalasan siya’y buhat sa lipi ng
kabayanihan ng pangunahing mga diyos o diyosa.
tauhan na nagtataglay ng
katangiang nakahihigit sa
karaniwang tao.

Saan nagmula ang epiko na ating


binasa?
Tama, binibini.
DON MARIANO MARCOS MEMORIAL STATE UNIVERSITY
South La Union Campus
COLLEGE OF EDUCATION
Agoo, La Union, Philippines
Email Address: ce.sluc@dmmmsu.edu.ph

Sino ang mga panungahing tauhan Epiko mula po sa India.


sa epiko?

Sino ang nais mang-akit kay Rama? Rama at Sita po ma’am.

Sino ang may kapangyarihang


magbago ang hitsura o anyo na Supernaka
naging patibong din ng magkapatid
na sina Ravana at Supernaka at
napatay rin ni Ravana?

Magaling, klas! Tunay ngang


nauunawaan ninyo ang ating aralin. Si Maritsa po ma’am.
Ngayon ay magkakaroon na tayo ng
gawain.

V. ILIPAT

Gawain 3: Kuwento ko, kuwento


mo!

Panuto: Bumuo ng isang E-comics


tungkol sa epikong binasa. Gamitin
ang mga gabay na tanong para sa
pagbuo ng E-comics.

1. Ipagpalagay mong ikaw si


Rama itutuloy mo pa bang
hanapin at ipaglaban si Sita?
2. Kung ikaw si Supernaka,
itutuloy mo bang bihagin si
Rama kung tuluyan nang
wala si Sita sa piling niya?

Ipakita kung ano ang mga


kaganapang maaaring bumago sa
wakas ng epiko. Nasa sa’yo kung
paano mo babaguhin ang kuwento.
Maaring ito’y may kakaibang wakas,
nakakalungkot, nakakatuwa,
nakakatakot o iba pa. Gawan ito ng
wakas sa pamamagitan ng E-comics
at sa paggamit ng mga diyalogo
upang maipakita ang pagbabago ng
mga sitwasyon o daloy ng wakas sa
epiko.
DON MARIANO MARCOS MEMORIAL STATE UNIVERSITY
South La Union Campus
COLLEGE OF EDUCATION
Agoo, La Union, Philippines
Email Address: ce.sluc@dmmmsu.edu.ph

PAMANTAYAN SA PAGBUO NG E-COMICS


Kategorya 5 4 3 2 Punt
os
Pamagat Ang Ang Ang Walang
pamagat ay pamagat ay pamagat ay pamagat.
malikhain, nakaugnay naroon,
nakapupuk sa paksa. ngunit hindi
aw ng nakaugnay
interes at sa paksa.
nakaugnay
sa paksa.
Pagkamalik Ang mga Lahat Lahat Higit sa 2
hain larawan ay maliban sa maliban sa larawan ang
sumasalami isang 2 larawan nagpapakita
n sa isang larawan ay ay ng maliit na
natatanging nagpapakita nagpapakita antas ng
antas ng ng isang ng isang pagkamalik
pagkamalik pambihiran pambihiran hain ng
hain ng g antas ng g antas ng mag-aaral.
mga mag- pagkamalik pagkamalik
aaral. hain ng hain ng
mag-aaral. mag-aaral.
Tema Ang lahat 8 5 Mas
ng 10 kuwadrado kuwadrado
mababa sa
kuwadrado (frame) (frame)5
(frame) ay lamang ang lamang ang
kuwadrado
nakaugnay nakaugnay nakaugnay
(frame) ang
sa sa sa nakaugnay
sitwasyon. sitwasyon. sitwasyon.
sa
sitwasyon.
Mga Tauhan Malinaw na Malinaw na Ang mga Mahirap
at Diyalogo natukoy natukoy pangunahin matukoy
ang mga ang mga g tauhan ay kung sino
pangunahin pangunahin nakilala ang mga
g tauhan. g tauhan. ngunit hindi pangunahin
Ang mga Ang mga mahusay na g tauhan.
aksyon at aksyon at binuo. Ang
diyalogo ay diyalogo ay mga aksyon
tugma sa halos at diyalogo
isa’t isa. magkatugm ay
a. masyadong
malawak.
Nilalaman Ito ay Ito ay Ito ay Hindi ito
nagpapakita nagpapakita nagpapakita nagpapakita
ng ng ng ng pag-
kumpleto at katamtama mababang unawa sa
tumpak na ng pag- pag-unawa paksa.
pag-unawa unawa sa sa paksa.
sa paksa. paksa.
DON MARIANO MARCOS MEMORIAL STATE UNIVERSITY
South La Union Campus
COLLEGE OF EDUCATION
Agoo, La Union, Philippines
Email Address: ce.sluc@dmmmsu.edu.ph

Pagbaybay, Walang Mayroong 1 Mayroong 4 Mayroong


Bantas, at maling hanggang 3 hanggang 5 higit sa 5
Gramatika baybay, mga mga mga
bantas, o pagkakamal pagkakamal pagkakamal
pagkakamal i sa i sa i sa
i sa pagbaybay, pagbaybay, pagbaybay,
gramatika. bantas at bantas, at bantas, at
gramatika gramatika. gramatika.
Kalinisan Ang pinal Ang pinal Ang pinal Ang pinal
na awtput na awtput na awtput na awtput
ay ay ay ay hindi
nababasa, nababasa, nababasa. maayos at
malinis, malinis, Mukhang kaakit-akit.
maayos, at maayos, at ang mga Mukhang
kaakit-akit. kaakit-akit. bahagi nito ginawa ito
Ito ay hindi Ito ay ay minadali upang may
kakikitaan pinaghanda sa paggawa. maipasa.
ng an.
anumang
pagkakamal
i. Ito ay
labis na
pinaghanda
an.
Kabuoang
Puntos

Taboy, M. N. (2021). Rubric for Comic Strip ng English 9.


https://www.scribd.com/document/532568977/QUARTER-1

Takdang Aralin: Basahin at Galugarin

Gawain 4: Basahin ang epikong “Biag ni Lam-ang” at ihambing ito


batay sa nabasang epiko “Rama at Sita” sa pamamagitan ng mga tanong
sa ibaba. Ilagay ito sa inyong kuwaderno. 20 puntos.

1. Ano-ano ang pagkakaiba ng mga kapangyarihang ipinamalas ng mga


tauhan?
2. Ano ang naging kinahantungan ng pangunahing tauhan sa akda?s
DON MARIANO MARCOS MEMORIAL STATE UNIVERSITY
South La Union Campus
COLLEGE OF EDUCATION
Agoo, La Union, Philippines
Email Address: ce.sluc@dmmmsu.edu.ph

You might also like