You are on page 1of 9

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

BAITANG 10
DISYEMBRE 9, 2021

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at


pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan.

Pamantayan sa Pagaganap: Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng kritikal na pagsusuri


sa mga isinagawang critique tungkol sa alinmang pampanitikang Mediterranean.

I. LAYUNIN
Matapos ang talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a) Nailalarawan ang pangunahing tauhan sa Epikong tinalakay, Epiko ng Manobo
Tulalang.
b) Naiuugnay ang sariling karanasan sa mga pangyayari na naganap sa buhay ni
Tulalang.
c) Nakasusulat ng sanaysay hinggil sa pagpapahalaga ng sariling kultura at
paniniwala.

II. PAKSANG-ARALIN
Paksa: EPIKO NG MANOBO - Tulalang
Sanggunian: Sangwikaan Sining ng Komunikasyon para sa Mataas na
Paaralan, nina Bro. Andrew Gonzalez et al., pahina 170-175
Kagamitan: Printed handouts ng Epiko para sa kopya ng mag-aaral, Bidyu
Klip ng mga kilalang superhero para sa Pagganyak, Kahon ng regalo para sa
Paghawan ng Sagabal, Larawan ng isang bayani para sa Abstraksiyon,
Projector at Laptop
Kasanayan: Pakikinig, Pagsasalita, Pagbasa, Pagsulat at Panonood.
Pagpapahalaga: Pagbibigay importansiya sa buhay ng isang tao at ang
kakayahan na huwag sumuko sa hamon ng buhay.

III. PAMAMARAAN: 4A’S


GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL

1. PANIMULANG GAWAIN

Magandang umaga, Klas.


Magandang umaga rin po, Binibini.
Kamusta ang bawat isa?
Nasa mabuting kalagayan naman po,
Binibini.
Mabuti naman kung ganon.

Ngayon, inaanyayahan kong tumayo


ang lahat para sa ating panalangin.
Maari mo bang pangunahan ito,
Clarisse.
Opo Binibini. Sa Ngalan ng Ama, ng Anak
at ng Espirito Santo. Amen.
Bago kayo umupo, pakipulot ng mga
kalat sa sahig at pakiayos ang hanay
ng inyong mga upuan.
(Pinulot ang mga kalat sa sahig at inaayos
ang mga upuan)
Kung kayo ay tapos na, maaari ng
umupo.
Maraming Salamat po, Binibini.
Mayroon bang liban sa klase ngayon
ating Kalihim?
Wala po, Binibini.
Magaling, nawa’y kumpleto tayong
palagi sa ating klase.

Naalala ko na mayroon akong


pinagawa sainyong Takdang-Aralin.
Tama po ba?
Opo, Binibini.
Maaari niyo ng ipasa ang inyong
Takdang-Aralin.

Sige po, Binibini.


(Pinasa sa unahan ang mga Takdang-
Aralin)

2. PAGGANYAK

Bago tayo magsimula sa ating


panibagong aralin. Mayroon akong
ipapanood sainyo na maikling bidyu na
nagpapakita ng mga kilalang
superhero. Handa na ba kayo, klas?
Opo, Binibini.
Magaling, simulan na natin.
(Ipapanood ang bidyu ng mga kilalang
superhero)

Naunawaan ba klas?
Opo, Binibini.
Napakagaling niyo naman klas.
Ipagpatuloy niyo lamang iyan.
Mahusay.

3. PAGLALAHAD NG ARALIN

Ngayon ating tatalakayin ang isang


epiko na nagmula sa Manobo. Ito ay
patungkol sa isang bayani na may
pambihirang lakas at katangian.
Narito ang layunin sa araw na ito.
Maaari mo bang basahin ang ating
layunin, Mae.
Matapos ang talakayan, ang mga mag-
aaral ay inaasahang:
a) Nailalarawan ang pangunahing
tauhan sa Epikong tinalakay, Epiko
ng Manobo Tulalang.
b) Naiuugnay ang sariling karanasan
sa mga pangyayari na naganap sa
buhay ni Tulalang.
c) Nakasusulat ng sanaysay hinggil
sa paraan ng pagpapahalaga ng
sariling kultura at paniniwala.
Maraming salamat sa iyong
napakahusay na pagbabasa, Mae.

Ang mga sumusunod na layunin ay


dapat nating maisakatuparan
sapagkat batayan ito na kayo ay
natuto sa ating talakayan ngayong
araw. Maliwanag ba klas?
Opo, Binibini.

4. PAGHAWAN NG SAGABAL
Kailangan ng guro ng mga mag-aaral
na magbibigay ng mga
kasingkahulugan ng sumusunod na
salitang nasa kahon.
Panuto: Sa bahaging ito, hahatiin ang
klase sa dalawang pangkat. Tutukuyin ang
mga kasing-kahulugan ng mga salita na
nasa kahon. Gagawin ito sa loob lamang
ng 3 minuto.

Balaraw Silain

Torohan Nilaslas

Napakahusay ng niyo naman mag-isip


ng mga salitang may kaugnayan sa
ibinigay na salita. Tandaan ang mga
salitang iyan sapagkat mamaya ay
maririnig niyo iyan sa ating talakayan.
Opo, Binibini.

5. PAGTALAKAY
A. AKTIBITI (Indibiduwal)

Bago natin simulan ang talakayan ay


may mga katanungan muna ako
sainyo. Naunawaan ba?
Opo, Binibini.
Ano sa tingin niyo ang taglay na
katangian ng isang bayani, Claire.
Isa po sa mga taglay na katangian ng
isang bayani ay ang pagiging isang
matapang sapagkat po kapag ang isang
tao ay matapang wala siyang hindi kayang
gawin at harapin.
Mahusay Claire, isa nga ang
pagiging matapang sa mga
katangian ng isang bayani sapagkat
ang tapang ng isang tao ay siyang
pighuhugutan ng lakas ng loob.

Sino pa ang may karagdagan,


Aimee.
Ang pagiging mapagmahal at matulungin
po sapagkat dito natin makikita kung ang
isang bayani ba ay tunay na may
malasakit sa kaniyang mga tinutulungan.
Mahusay na pagbibigay katuturan,
Aimee. Tunay nga na hindi natin
masasabi na bayani ang isang tao
kung siya ay walang katangian ng
pagiging mapagmahal at
matulungin. Hindi lamang ang
pagiging matapang o malakas ang
dapat taglayin ng isang bayani.

Mayroon na ba kayong idea sa ating


paksa ngayong araw?
Mayroon na po, Binibini. Ito po ay
patungkol sa isang bayani.
Tumpak. Ngayong araw na ito, ating
tatalakayin ang buhay ni Tulalang na
Epiko ng Manobo.

Handa na ba klas?
Opo, Binibini.
Mainam. Simulan na natin.
(Ipinasa ang kopya ng Epiko sa mga mag-
aaral para basahin)
Naunawaan ba ang inyong binasa,
klas?
Opo, Binibini.
Mabuti naman kung ganon.

B. ANALISIS
Ano ang mga katangian na
tinataglay ni Tulalang, Anna.
Si Tulalang po ay isang binatang
matangkad, payat, may maitim na ngipin
at mahabang buhok. Siya ay may sinturon
na may isang damak lamang ngunit
naipupulupot niya ito ng pitong ulit sa
kaniyang baywang. Ang kaniyang mga
daliri ay nagkikislapan sa mga gintong
singsing.
Mahusay, Anna. Nailarawan mo ng
mabuti ang pangunahing tauhan sa
epiko. May kakayahan din siya na
lumipad gamit ang kaniyang pulang
turban na nasa kaniyang ulo. Gusto
niyo rin bang lumipad?
Opo, Binibini.
Biro lamang. Hindi tayo maaaring
lumipad sapagkat wala tayong
pakpak katulad ng mga ibon.
Ano ang katayuan ng buhay ni
Tulalang, Tope.
Simple lamang po ang nagging buhay ni
Tulalang. Mahirap sila noong una subalit
tinulungan sila ng isang matanda upang
maging masagana sa buhay.
Magaling, Tope. Galing nga sa hirap
ang pamilya na pinagmulan ni
Tulalang at dahil sa matanda sila ay
naging masagana. Sa kabila nito
nanatili pa rin ang pagiging isang
masipag at matulungin ni Tulalang.

Ano kaya ang naging epekto ng


pagiging isang masipag at
matulungin ni Tulalang, Liofer.
Umunlad po ang kanilang kabuhayan at ito
ay nabantog sa kapuluan. Marami rin ang
nagtungo sa kanilang kaharian upang
pumailalalim sa kanilang kapangyarihan.
Mahusay na paglalahad, Liofer.
Nanatili sa kanila ang pagiging
mapagkumbaba kaya sila rin ay
biniyayaan ng masaganang buhay.

Maituturing bang mabuting pinuno si


Tulalang, Shaira.
Opo, Binibini. Sapagkat hindi niya
pinabayaan ang kaniyang nasasakupan
kahit siya ay nahihirapan na sa mga
kalaban.

Mahusay, Shaira. Naging mabuti


nga na pinuno si Tulalang dahil wala
siyang inuurungan na laban para sa
katahimikan ng kaniyang kaharian at
kaligtasan ng kaniyang
nasasakupan.

Ano ang napansin niyo sa ugali ni


Tulalang kapag may lumulusob na
kalaban, Emily. Hinahayaan niya lamang po itong lumusob
dahil alam niya sa kaniyang sarili na
matatalo rin niya ito sa huli.
Magaling na pagbibigay tugon,
Emily. Ginagamit niya rin ang
kaniyang mga anting-anting na nasa
kaniyang katawan bilang pampuksa
sa kalaban.

Kung ikaw si Tulalang, gagawin mo


rin ba ang kaniyang ginawa kahit na
maaari nitong wakasan ang iyong
buhay, Luis.
Opo, Binibini. Kung ako si Tulalang,
gagawin ko rin ang kaniyang ginawa dahil
simbolo ito ng pagiging matapang at may
paninindigan sa buhay. Gagawin ko to
hindi lamang para sa aking sarili kundi pati
na rin sa aking mga nasasakupan.
Mahusay, Luis. Minsan ka na rin
sigurong may ipinaglaban sa iyong
buhay. Tama ba ko? Opo naman, Binibini.

Kung ganoon, Bakit nga kaya tayo


may ipinaglalaban, Kris. Sa tingin ko po dahil ito sa mga naranasan
natin sa buhay na nagbigay impluwensiya
sa ating pagkatao. Higit pa rito,
kinakailangan na tayo ay lumaban lalong-
lalo na kung tayo ay nasa tuwid at tamang
desisyon.
Magaling, Kris. Kinakailangan natin
na lumaban lalo na kung tayo ay
nasa tama ngunit huwag din nating
kakalimutan na mayroon tayong mga
limitasyon o hangganan sa mga
dapat nating ipaglaban.

C. ABSTRAKSYON

Pansinin ang larawan at ito ay suriin


ng mabuti.

Ano ang inyong mapapansin sa


larawang nakadikit sa pisara, Paul.
Ito po ay nagpapakita ng larawan ng isang
bayani na nakikipaglaban.
Napakagaling na pagsusuri, Paul.
Ang larawan na ipinakita ay
naglalarawan ng pakikipagtunggali
sa kalaban.

Kung ikaw ay magiging isang katulad


ni Tulalang, anong katangian ang
mayroon ka para maipakita ang
pagiging isang bayani, Mhel. Katulad po ni Tulalang marami din po
akong pagsubok na naranasan. Laki rin po
ako sa hirap at tumutulong din sa aking
mga magulang sa paghahanap ng
makakain sa araw-araw. Kaya isa po sa
katangian na mayroon ako ay ang
pagiging matiyaga at masipag. Pangarap
ko rin makamtan ang kasaganahan sa
buhay.

Mahusay, Mhel. Lahat tayo ay


libreng mangarap. Tamang tiyaga at
sakrisipisyo lamang ang sekreto ng
pagiging matagumpay sa buhay.

Sino pa ang may karagdagan?


Ako po, Binibini.
Sige nga, Mary.
Katulad ni Tulalang, marami din pong
pagsubok ang dumating sa aking buhay,
ngunit natuto akong lumaban at hindi
nagpatalo sa mga hamon na iibigay sa
akin.
Maraming salamat sa pagbabahagi,
Mary. Tama nga naman na huwag
tayong sumuko dahil hindi ito
magiging rason para tayo ay
magtagumpay.

Ano kaya sa tingin niyo ang


paniniwala ng mga taga Manobo na
inilarawan ng epiko, Kim.
Ayon po sa binasang epiko, naniniwala
ang mga taga-Manobo na kapag gumawa
sila ng mabuti, bababa ang sarimbar para
kunin na ang kanilang mga katolosan at
doon sa kalangitan ay magkakaroon sila
Magaling, Kim. Isa ito sa mga ng buhay na walang hanggan.
pinapaniwaalaan ng mga taga-
manobo hanggang ngayon.

Karagdagan, Kyra.
Isa sa mga gawain ng mga Manobo ay
kapag may isang mayamang pamilya sa
kanilang lugar sila ay nagpapasakop dito.
Mahusay, Kyra. Ang mga mahihirap
ay nagpapasakop o nagpapaalipin
para umunlad din ang kanilang
buhay. Ang mayayaman naman ay
agad silang tinutulungan hindi para
ituring na alipin kundi kapamilya.

Naintindihan ba ang tinalakay natin


ngayong araw? Opo, Binibini.

Maari niyo bang ibahagi ang iyong


natutuhan, Mika.
Natutuhan ko po ngayong araw ang
pagpapahalaga sa mga bagay na
mayroon tayo at hindi pagsuko sa hamon
ng buhay.
Magaling, Mika. Dapat natin
pahalagahan ang mga bagay sa
ating buhay dahil daan ito tungo sa
magandang buhay.

Karagdagan, Leo.
Napansin ko lamang po na ang buhay ni
Tulalang ay kadalasang nararanasan ng
iilan sa atin dito. Siya ay laki sa hirap,
ngunit sa kabila nito siya ay nagsumikap
pa ng husto makamit lamang ang
kasaganahan.
Mahusay na pagbabahagi, Leo.
Marami sa atin ang nakakaranas
nagyon ng hirap ngunit sa kabila nito
ay hindi dapat tayo sumuko.
Kung sakali man na magkaroon kayo
ng problema sa buhay, huwag dapat
tayong sumuko agad dahil lahat
naman ay may sagot sa ating
kahilingan. Matuto sana nating
pahalagahan kung ano tayo at kung
nasaan tayo ngayon.

Naunawaan ba klas?
Opo, Binibini.
Mayroon bang tanong bilang
paglilinaw?
Wala na po, Binibini.

D. APLIKASYON (Indibiduwal)

Ngayon, magkakaroon tayo ng isang


indibidwal gawain. Isulat ito sa isang
buong malinis na papel. Gagawin ito
sa loob ng 5 minuto at pagkatapos
ay ibahagi sa klase sa loob ng 2
minuto.
Opo, Binibini.
Handa na ba klas?
Panuto: Ang bawat mag-aaral ay gagawa
ng isang sanaysay na may temang
“Pagpapahalaga ng sariling kultura at
paniniwala”.

Ang inyong awtput ay mamarkahan sa


pamamagitan ng sumusunod na
Pamantayan:

Kaugnayan sa Tema 40%


Organisasyon ng Idea 30%
Gramar at Palabantasan 20%
Kakanyahan 10%
Kabuoan: 100%

Binabati ko kayo sapagkat batid ko


na marami kayong natutuhan sa
ating aralin ngayon. Hangad ko na
maikintal niyo ito sa inyong mga
isipan at maisabuhay.

Bilang gantimpala, bigyan ng


malakas na palakpak ang bawat isa
sa atin klas.
(Palakpakan ang buong klase)
IV. PAGLALAHAT

Sa ating buhay maraming pagsubok ang dumarating, maaaring humantong ito sa


masalimoot na kaganapan o di kaya naman kasiyahan. Ngunit, huwag sana nating
kaligtaan na lumaban at magpursige sa buhay dahil ang lahat ng ito ay simula pa lamang
ng pakikibaka sa tunay na hamon ng buhay.

V. PAGTATAYA

PANUTO: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa isang malinis na kalahating papel.

1) Ito ay epiko na nagsasalaysay ng buhay ni Tulalang?


a. Ifugao b. Bicol c. Manobo
2) Siya ang panganay na anak ng mag-asawang mahirap?
a. Lam-ang b. Tulalang c. Darangen
3) Ilan ang kapatid na babae ni Tulalang?
a. Isa b. Dalawa c. Tatlo
4) Sino ang Heneral ng Kulaman?
a. Tulalang b. Sarimbar c. Agio
5) Ano ang naging sandata ni Tulalang upang mapatay si Agio?
a. Espada b. Kutsilyo c. Sibat

VI. TAKDANG-ARALIN

A. Tanong para sa Pag-Unawa

PANUTO: Sagutan ang bawat tanong. Isulat ito sa inyong mga kuwaderno.

1. Kung maaari mong payuhan si Tulalang, ano ang babaguhin mo sa


kaniyang ugali? Bakit?
2. Alin sa mga paniniwala ng mga taga-Manobo ang maaaring masabing
maka-Kristiyano?

B. Simulan ng basahin at pag-aralan ang mga Pokus ng Pandiwa.

GABAY NA TANONG:

1. Ano ang Pandiwa?


2. Magbigay ng mga halimbawa ng Pandiwa.

Sangwikaan Sining ng Komunikasyon para sa Mataas na Paaralan nina: Bro.


Andrew Gonzalez et al., pahina 176-178

Inihanda ni:
Shela Marie M. Vega
BSE 3 FILIPINO

You might also like