You are on page 1of 12

PAARALAN EMA EMITS College BAITANG/ Baitang 11

Philippines ANTAS

GURO: Bb. Cristy F. Lintot DISIPLINA: Filipino

PANG-ARAW-ARAW NA ORAS/PETSA 09:00-10:00 n.u MARKAHAN: Unang markahan


BANGHAY-ARALIN SA NG
FILIPINO PAGTUTURO

LAYUNIN: Tiyakin ang pagtatamo ng layunin sa bawat linggo na nakaangkla sa Gabay na Kurikulum.Sundin ang
pamamaraan upang matamo ang layunin,maaari ring magdagdag ng iba pang gawain sa paglinang ng Pamantayang
Pangkaalaman at Kasanayan.Tinataya ito gamit ang istratehiya ng Formation Assessment.Ganap na mahuhubog ang
mga mag-aaral at mararamdaman ang kahalagahan ng bawat aralin dahil ang mga layunin sa bawat linggo ay mula sa
Gabay ng Kurikulum at huhubugin ang bawat kasanayan at nilalaman.
A. Pamantayang Nauunawaan ang mga konsepto, elementong kultural, kasaysayan, at gamit ng wika sa
Pangnilalaman lipunang Pilipino.
B. Pamatayan sa Nakagagawa ng isang sanaysay batay sa isang panayam tungkol sa aspektong kultural o
Pagganap lingguwistiko ng napiling komunidad.
C. Mga Kasanayan Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
sa Pagkatuto a) naipaliliwanag ang heograpikal, morpolohikal, at ponolohikal na varayti ng
wika;
b) natutukoy kung ang mga halimbawang pangungusap ay heograpikal,
morpolohikal at ponolohikal; at
c) nakagagawa ng isang dayalogo na nagpapamalas ng heograpikal, morpolohikal
at ponolohikal na varayti ng wika.
II. NILALAMAN:
Ang nilalaman ay ang mga aralin sa bawat linggo. Ito ang paksang nilalayong ituro ng guro na mula sa Gabay sa
Kurikulum. Maaari itong tumagal ng isa hanggang dalawang linggo.
a. Paksa Heograpikal, Morpolohikal, at Ponolohikal na Varayti ng Wika

III. KAGAMITANG PANTURO


Itala ang mga kagamitang panturo ng gagamitan sa bawat araw.Gumamit ng iba’t ibang kagamitan upang higit na
mapukaw ang interes at pagkatuto ng mga mag-aaral.
a. Sanggunian
1. Mga pahina ng Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Gabay ng Guro Mga may-akda: Dolores R. Taylan, Jayson D. Petras at Jonathan V. Geronimo
Koordineytor: Aurora E. Batnag
2. Mga pahina ng Pahina 38-44
Kagamitang Pang-
mag-aaral
3. Mga Pahina sa Pahina 38-44
Teksbuk
4. Karagdagang
Kagamitan mula sa
portal ng Learning
Resources (LR)
b. Iba pang Kagamitang biswal, ICT materials
Kagamitang
Panturo
IV. PAMAMARAAN: Gawin ang mga pamamaraang ito ng buong linggo at tiyakin na may gawain sa bawat araw.
Para sa holistikong pagkahubog , gabayan ang mga mag-aaral gamit ang mga istratehiya ng Formative Assessment.
Magbigay ng maraming pagkakataon sa pagtuklas ng bagong kaalaman, mag -isip ng analitikal at kusang magtaya ng
dating kaalaman na iuugnay sa kanilang pang-araw-araw na karanasan.

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG- AARAL


A..Balik – aral sa A. Panimulang Gawain
nakaraang aralin o 1. Panalangin
pagsisimula ng bagong
aralin Magsitayo ang lahat, Analyn maaari mo
bang pangunahan ang ating panalangin. Ama maraming salamat po sa
panibagong araw na ipinagkaloob mo sa
amin. Dalangin ko po na gabayan mo
kami at ang aming mga magulang sa
araw na ito. Maraming salamat po sa
lahat ng mga biyayang dumadating sa
buhay namin. Ama patawarin mo po
kami sa mga pagakakasalang nagagawa
namin hayag man po ito o patago. Nawa
po ay ang inyong presensya ang
maghari ngayong umagang ito. Ang
lahat ng dalangin kong ito ay iniaalay
ko sa matamis mong pangalan Hesus
amen.
2. Pagbati

Magandang umaga sa inyong lahat.


Magandang umaga rin po.
Ako si Cristy ang magiging guro
ninyo sa araw na ito.

3. Pagsasaayos ng silid-aralan

Bago kayo magsiupo maaari bang


pakiayos ng linya ng inyong mga
upuan at pakipulot na rin ng kalat sa (Aayusin ng mga mag-aaral ang linya ng
inyong paligid. upuan at pupulutin ang mga kalat sa
kanilang paligid.)
4. Pagtatala ng Liban
Kung tapos na ay maaari na kayong
umupo. Krizelle, maaari mo bang Ma’am wala pong liban ngayong
iulat kung sino ang liban ngayong umaga.
umaga.

Maraming Salamat.

5.Balik-aral

B. Paghahabi sa Bago tayo magpatuloy sa ating


Layunin ng Aralin gawain atin munang basahin ang mga
layunin na dapat nating matamo sa
araw na ito. Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-
aaral ay inaasahang;
a) naipaliliwanag ang heograpikal,
morpolohikal, at ponolohikal na
varayti ng wika;
b) natutukoy kung ang mga
halimbawang pangungusap ay
heograpikal, morpolohikal at
ponolohikal; at
c) nakagagawa ng isang dayalogo
na nagpapamalas ng
heograpikal, morpolohikal at
ponolohikal na varayti ng wika.

C. Pag – uugnay ng Bago ako umalis sa bahay namin


mga halimbawa sa kanina ay tinawag ako ng aking nanay
aralin at ibinigay sa akin ang malaking
kahon na ito, pasalubong ko raw ito
mula sa aking Tita Josie na
nanggaling sa Hongkong.

Nang buksan ko ito ay labis akong


nagulat dahil sa dami ng laman nito
kaya’t naisip kong ibahagi na lang sa
inyo ang iba.

Gusto ninyo rin bang makatanggap ng


pasalubong? Opo Ma’am.

Ibibigay ko sa inyo ang mga


pasalubong na ito sa isang kondisyon,
papangkatin ko kayo sa tatlong
pangkat at pagsusunud-sunurin ninyo
ang mga larawang ibibigay ko upang
makuha ang salitang nais ipabatid
nito.

? ? ? ?
1 2 3 4 Ang pangkat na makakukuha ng
tamang sagot ay makatatanggap ng
mga pasalubong na sinasabi ko.

Nauunawaan ba?

Mga larawang pagsusunod-sunurin ng Opo Ma’am.


mga mag-aaral.

Sagot ng mga mag-aaral

1, 2, 3, 1, 2, 3 Duh duh duh!

Ang unang pangkat ang nakagawa ng


tamang pagkakasunod-sunod ng mga Ma'am!
larawan kaya’t tumayo ang lahat at
bigyan sila ng Duh Duh Duh Clap.

Ano naman kaya ang mga salitang


mabubuo gamit ang apat na larawang Barayti ng Wika po Ma’am.
iyan. Sino ang may alam?

1, 2, 3!
Pangkat dalawa ano ang inyong
ideya?

Mahusay pangkat dalawa. Bigyan sila


ng 3 palakpak.

Gaya ng sinabi ko ang sinumang


pangkat na makakasagot ng tama ay
makatatanggap ng mga pasalubong.
Kaya naman heto na ang inyong mga
pasalubong.

Para sa pangkat isa, pangkat dalawa at


syempre kahit hindi kayo nakasagot
ng ayos pangkat tatlo, makakatanggap
pa rin kayo ng mga pasalubong.

(Ibibigay ang mga pasalubong sa mga (Bubuksan ng mga mag-aaral ang


mag-aaral) pasalubong na kanilang natanggap)
Maaari na ninyong buksan ang mga Ma’am panulat, manila paper at
pasalubong na inyong natanggap. gunting po.

Ano ang pasalubong na inyong


natanggap Cyreel? Opo.

Nagustuhan ba ninyo?

Mabuti naman kung ganun.

D. Pagtalakay ng
bagong konsepto at Manatili sa inyong mga pangkat,
paglalahad ng bibigyan ko kayo ng kanya-kanyang
bagong kasanayan mga paksa sapagkat nais kong kayo
mismo ang tumuklas kung ano ang
heograpikal, morpolohikal, at
ponolohikal na varayti ng wika, kaya
tamang-tama ang mga pasalubong na
inyong natanggap dahil magagamit
ninyo ito sa inyong pag-uulat.

Ang bawat pangkat ay pipili ng


dalawang kinatawan na siyang mag-
uulat dito sa unahan. Bibigyan ko
kayo ng 3 minuto upang basahin at
pag-aralan ito, at 3 minuto muli para
sa pagpapaliwanag nito sa unahan.

Nauunawaan ba ang gagawin?

Mga paksang tatalakayin ng bawat


pangkat; Opo Ma’am.

1. Heograpikal
na varayti
2.

2. Morpolohikal na
varayti

3. Ponolohikal na
varayti
(magsasama-sama ang mga
magkakapangkat at magpaplano ng gagawin
nila.)
(makalipas ang 3 minuto tatalakayin na ng
bawat pangkat ang paksang kanilang
nakuha.)

Pangkat isa
 Magandang umaga po, ako po si
Arlene ang kinatawan ng pangkat
isa at ang tatalakayin naming paksa
ay tungkol sa Heograpikal na
varayti ng wika.

 Heograpikal na varayti ng wika-


ito ay ang pagkakaiba sa mga
katawagan at kahulugan ng salitang
ginagamit sa iba't-ibang lugar.

Halimbawa: Ang “ibon” sa pilipino


ay "langgam" naman sa
Sinugbuanong binisaya.

Iba pang halimbawa


Ang “wala” sa Pilipino ay
“mayo” naman sa Bicolano.
 Ngayon naman ay ang kasama kong
si Cyreel ang magbibigay ng iba
pang halimbawa sa inyo.

(babasahin at ipaliliwanag ni Cyreel


ang iba pang halimbawa.)

Salita: mangungutang
Maynila:manghihiram ng pera
Pampanga: magtatanong ng
direksyon.

Halimbawa ng Varayti sa Heograpiya

Mga Katawagan sa Katumbas na salita


Tagalog-Maynila sa ibang lugar At dito na po nagtatapos ang pag-uulat ng
aming pangkat.
Lupa Mukha
(Pampangga)
Lumiban Tumawid
1, 2, 3, 4, 5!
(Tagalog)
Pangkat dalawa
Pating Kalapati (Iloilo)
Magandang umaga po, ako po si
Hilom Tahimik (Cebu)
Mary Rose ang unang mag-uulat
Doon Dito (Antique) para sa pangkat dalawa. Iuulat po
namin ang Morpolohikal na
Iyo Oo (Bikol)
varayti ng wika.

Morpolohikal- ang salitang


morpolohikal ay nagmula sa
salitang morpema at ang
kahulugan nito ay salita.

Ito rin ay ang pagkakaiba-ibang


pagbuo ng mga salita dahil sa
paglalapi.

Halimbawa:
Bigyan ng limang palakpak ang
unang pangkat. “Napatak ang mga dahon”
“Nasuray ang dyipni”
“Mapurol ang ulo”

Sa unang pahayag ginamit ang


salitang “napatak” para sa dahon, sa
iba pang lalawigang Tagalog,
maaaring gamitin ang salitang
“napatak” para tukuyin ang mga
bagay na nalalaglag o nahuhulog
mula sa itaas.
Sa pangalawang pahayag naman
ginamit ang salitang “nasuray ng
Tagalog -Batangas para sa isang
sasakyan. Sa Maynila, ginagamit
ang salitang “nasuray” sa tao. Mas
ginagamit ang salitang
“gumegewang” o “pagewang-
gewang” kapag sasakyan ang
tinutukoy.

Halimbawa: “pagewang-gewang”
ang sasakyang minamaneho ng
lasing na drayber.

Ngayon ay narito ang kasama kong


si Ariane upang ipagpatuloy ang
aking pag-uulat.

(ipagpapatuloy ni Ariane ang pag-


uulat ni Mary Rose.)

Dahil sa paiba-iba ang wikang


ginagamit sa iba’t ibang lugar,
nagkakaiba rin ang paraaan ng
pagbuo ng salita ng mga
naninirahan sa mga ito, at ito nga
ang tinatawag na morpolohikal na
varayti ng wika.

Pag-aralan ang iba pang halimbawa sa


ibaba.

Tagalog-Maynila kumain
Tagalog-Batangas nakain
Camarines Sur makakan
Legaspi City magkakan
Ang morpolohikal na varayti ng
wika ay ginagamitan ng mga
panlapi.
Halimbawa:
Salitang-ugat: bili
Panlapi: -um
Nabuong salita: bumili (sa Ingles,
to buy)

Salitang-ugat: bili
Panlapi: mag-
Nabuong salita:magbili(sa ingles, to
sell)

May mga pagkakaton naman na


kahit magkaibang panlapi ang
ginamit, hindi pa rin nagbabago ang
kahulugan ng salita.

Halimbawa:
Iluto lutuin
Iihaw ihawin
Iinit initin
Igisa gisahin
Ang mga salitang ito ay ginamitan
ng mga panlaping i- (unlapi) at in
(hulapi)

Minsan, hindi lamang varayti o


magkaibang anyo ng iisang salita
ang sangkot sa usapan; maaari ding
maging iba ang kahulugan nito
kaya’t maging maingat sa paggamit
ng panlapi.

Hanggang dito lamang po ang


aming pag-uulat tungkol sa
morpolohikal na varayti ng wika.

1, 2, 3, 1, 2, 3, Yes oh Yes!

Pangkat tatlo
Magandang umaga po kami po ang
pangkat tatlo at ang aming iuulat ay ang
ponolohikal na varayti ng wika na
pangungunahan ni Jecell.

Bukod sa pagkakaiba sa katawagan at


kahulugan (heograpikal na varayti),
anyo at ispeling (morpolohikal na
varayti), nagkakaroon rin ng ng
pagbabago sa bigkas at tunog ng mga
salita ayon sa pangkat ng mga taong
gumagamit nito.
Sa paglikha ng kani-kaniyang wika,
hindi maiiwasang malikha rin ang
magkakaibang tunog at bigkas sa mga
salita. Tinatawag itong dialectal accent.
Halimbawa sa Bisaya, nagkakapalitan
ang bigkas ng /e/ at /i/ at ng /o/ at /u/
Halimbawa maaaring ang maging
bigkas ng Bisaya sa “pera” ay “pira”,
ang “pitaka” ay “petaka” at ang “kuya”
ay “koya”
Mali ba ang ganitong pagbigkas
Ajay?

(Sasagot si Ajay ng “hindi”)

Tama, ang ganitong pagbigkas ay hindi


mali sapagkat ang nagsasalita ay
bumibigkas ayon sa kanyang diaclectal
accent.
Ang pagkakaiba-ibang ito sa bigkas at
tunog ng mga salita ang tinatawag na
varayti sa ponolohiya.
Maraming salamat sa napakaayos na pag-
uulat. Bigyan ng Yes oh Yes Clap ang Ang ganitong varayti sa ponolohiya ay
pangkat dalawa. hindi ekslusibo sa mga wika sa
Pilipinas. Nangyayari rin ang mga mga
ganitong pagkakaiba sa bigkas at tunog
At ngayon naman ay ang huling pangkat. sa mga wika sa daigdig.

Halimbawa;
Often - /o-fen/ vs. /of-ten/
Nike - /Nayk/ vs. /Nay-ki/
Away - /a-wey/ vs. /a-way/
Today - /tu-dey/ vs. /tu-day/
Porshe - /por-sha/ vs. /porsh/

At hanggang dito lang po ang


nilalaman ng aming ulat. Maraming
salamat po sa pakikinig.
(papalakpak ang mga mag-aaral)
Opo Ma’am

1, 2, 3!
Maraming salamat sa kooperasyon ng
bawat pangkat. Palakpakan ang mga
sarili.

Nauunawaan na ba ang mga varayti


ng wika?

Ito ang inyong tatandaan, sa


Heograpikal na varayti, nasa
katawagan at kahulugan ng salita ang
pagkakaiba.

Sa morpolohikal na varayti, ang


pagkakaiba ay nasa anyo at ispeling
ng salita at hindi sa taglay na
kahulugan nito.

Samantala, sa ponolohikal na
varayti, nasa bigkas at tunog ng salita
ang pagkakaiba.

Nauunawaan na ba? Pumalakpak ng


tatlong beses kung nauunawaan na
ninyo.

E. Pagtalakay ng
bagong konsepto
paglalahad ng
bagong kasanayan
#2
F. Paglinang sa Manatili sa inyong mga pangkat
kabihasaan sapagkat magkakaroon naman tayo ng
(Tungo sa gawaing tatawagin nating “Bunot ko,
Formative sagot mo”.
Assessment)
Bibigyang ko ang bawat pangkat ng
tatlong watawat na may kulay pula,
dilaw at asul. Babasahin ko ang
pangungusap at sasabihin ninyo kung
ito ba ay Heograpikal,
Morpolohikal at Ponolohikal na
Varayti ng wika.

Bago kayo sumagot ay hihintayin


ninyo muna akong magbigay ng
signal.

Bubunot ako ng bola na may


katumbas sa kulay na hawak ninyong
watawat, at kung sino man ang may
hawak ng kulay na nabunot ko ay siya
lamang ang may karapatan na
sumagot sa mga katanungan,
magpapaunahan ang mga itong
maitaas ang kanilang watawat.

Ang pangkat na magtatamo ng


pinakamataas na puntos ay
makatatanggap ng gantimpala sa
pagtatapos ng aralin.  Opo!

Nauunawaan ba ang gagawin?


Mga isasagot ng mga mag-aaral.
Mga pangungusap na pasasagutan ng guro; 1. Heograpikal na Varayti
1. Marhay na aga/hapon/banggi 2. Morpolohikal na Varayti
2. Nagewang ang bahay. 3. Ponolohikal na Varayti
3. Si koya Mark ay nag-aaral sa EMA EMITS 4. Morpolohikal na Varayti
College Philippines. 5. Heograpikal na Varayti
4. Sama-sama tayong magpugay sa bandila. 1.
5. Tatao ka magtataram Tagalog.
2.
(Ang pangkat na makakukuha ng 1.
pinakamataas na puntos ay bibigyan ng 3.
Powerful Clap)
G. Paglalapat ng Ngayon ay hahatiin ko naman kayo sa
Aralin sa Pang- dalawang pangkat.
araw – araw na
buhay Ang unang pangkat ay mula kay Ella
hanggang kay Ana Rose. Pangkat dalawa
naman mula kay Jovietz hanggang kay
Marijoy.

Bubuo kayo ng isang dayalogo na


nagpapamalas ng heograpikal,
morpolohikal at ponolohikal na varayti ng
wika at humandang iparinig ito sa inyong
mga kaklase.

Bibigyan ko kayo ng 3 minuto para sa


paggawa at 2 minuto para sa pagbabasa
nito sa unahan.

Unang Pangkat: Pagkikita-kita ng mga


magkakalase matapos ang sampung
taon
Ikalawang Pangkat: Pagbisita ng mga
magkakaibigan sa isang probinsya. (gagawin ng mga mag-aaral ang pangkatang
gawain)

Maraming salamat sa inyong


kooperasyon. Ang pangkat isa ang
nagtamo ng mas mataas na puntos na
may kabuuang 18 puntos.
Tumayo ang lahat at bigyan ng Bang
Bang Clap ang pangkat isa.
1, 2, 3, 1, 2, 3 Bang Bang Bang!

H. Paglalahat ng Aralin May mga katanungan akong inihanda


at listahan ng inyong mga pangalan
dito. Ang sinumang mabunot ko ang
siyang sasagot sa mga tanong ko.
3. Sa ponolohikal
na varayti, nasa
Ang una kong nabunot ay si Orlan,
bigkas at tunog ng
magbigay ng isa sa halimbawa ng
salita ang
mga varayti ng wika.
pagkakaiba.
Heograpikal po.
Magaling Orlan.

Heidi magbigay pa ng isa.


Morpolohikal po
At ang huling varayti Ella.

(bubunot pa ang guro hanggang sa masagutan Ponolohikal po.


lahat ng katanungang kanyang inihanda)

I. Pagtataya ng aralin
2. Morpolohikal Kumuha ng mga panulat at sagutan
ang mga katanungang nakasulat sa
na varayti, ang
pagkakaiba ay papel na ibibigay ko sa inyo.
nasa anyo at
ispeling ng salita Panuto: Sagutin ang mga tanong. Isulat ang
at hindi sa taglaysagot sa loob ng thought bubble.
na kahulugan nito. Mga sagot ng mag-aaral.
1. Ano ang heograpikal na varayti ng wika?

1. Heograpikal na
varayti, nasa
katawagan at
2. Ano ang morpolohikal na varayti ng wika?
kahulugan ng
salita ang

3. Ano ang ponolohikal na varayti ng wika?

J. Karagdagang Takdang Aralin


Gawain at Takdang- Panuto: Isulat ang “H” kung Heograpikal,
Aralin “M” kung Morpolohikal at “P” kung
Ponolohikal ang mga salita.
1. Bundok-Bunrok
2. Lumayo-Nalayo
3. Hubog-Hugis
4. Anim-Innem
5. Hugasan-Hugasi
6. Paaram-Paalam
7. Dala-Bitbit
8. Dalhan-Dalhi
9. Bigas-Bugas
10. Wala-Wara
V. MUNGKAHI

VI. REPLEKSYON: Magnilay sa iyong mga istratehiyang panturo.Tayain ang paghubog ng iyong mga mag-aaral sa
bawat lingggo.Paano mo naisakatuparan .Ano pang tulong ang maaari mong gawin upang sila’y matulunga ? Tukuyin
ang maaari mong itanong/ilahad sa iyong supebisor sa anumang tulong na maaari nilang ibigay sa iyo sa inyong
pagkikita.
A. Bilang ng Mag-aaral na
nakakuha ng 80% resulta ng
pagtataya
B. Bilang ng Mag-aaral na
nangangailangan ng paggabay
ng guro (bawat pangkat)
C. Nakatutulong ba ang
remedyasyo sa pagkatuto ng
mag-aaral?
D. Bilang ng mag-aaral na
magpapatuloy sa remedyasyon
E. Alin sa aking mga estratehiya
ang epektibong gamitin? Bakit
nasabing ito ay epektibo?
F. Anong mga kahinaan ang
aking naranasan?
G. Anong inobasyon o local na
kagamitan sa pagtuturo ang
iyong ginamit o tinuklas na
maaari mong ibahagi sa iba
ang guro?

Inihanda ni:
Bb. Cristy Lintot
Gurong Nagsasanay

Iniwasto ni: Mga Komento at Mungkahi

G. Emerson Guerra
Gurong Tagapagsanay

Sinuri ni:
Bb. Cherryl G. Marigocio
Tagapag-ugnay ng Asignatura ( Filipino )

You might also like