You are on page 1of 9

Masusing Banghay-Aralin sa Filipino

I. Layunin
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Natutukoy ang mga maganda at di-mabuting pag-uugali;
b. Nabibigyang halaga ang kahulugan ng tunay na kagandahan;
c. Nakapagsasagawa nang debate hinggil sa kabutihan ng kalooban at pisikal na
kaanyuan.

II. Paksang Aralin


a. Paksa: Aralin 39 Donya Consolacion
b. Sanggunian: Noli Me Tangere pahina 266-272
May-akda: Rogelio De Guzman
c. Kagamitan: kagamitang biswal, laptop, Tv at power point presentation

III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaaral
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
 Michelle maaari mo bang
panguhanahan ang panalangin?  Ama naming sumasalangit ka…
Amen.
2. Pagbati
 Magandang tanghali sa inyong  Magandang tanghali din po Bb.
lahat. Ako nga pala si Bb. Cristy Cristy Lintot.
Lintot ang magiging guro ninyo
sa mga oras na ito.

3. Pagsasa-ayos ng silid-aralan
 Bago kayo magsiupo pakipulot ng (aayusin ng mga mag-aaral ang upuan
kalat sa inyong paligid at at maglilinis ng paligid)
pakiayos ng linya ng inyong mga
upuan.

4. Pagtatala ng liban sa klase


 Sarrah maari mo bang iulat kung  Sa aking palagay po ay walang
sino ang liban sa klase ngayong liban sa klase ngayong araw.
oras na ito.
5. Pagbabalik-aral
 Bago tayo dumako sa panibagong
paksang ating tatalakayin ay  Ma’am tungkol po sa
magbalik-aral muna tayo. Heidi Kasaysayan ng isang Ina.
ano ang pinag-aralan natin
kahapon?

 At ano naman ang nilalaman  Tungkol po ito sa pagiging


paksang Kasaysayan ng isang Ina dakilang ina ni Sisa sa kanyang
Angelica? anak na sina Crispin at Basilio.

 Mahusay bigyan ng tatlong


bagsak si Angelica.
 1,2,3!
 Batid kong lubos na ninyong
naunawaan ang paksang tinalakay
natin kahapon, ngayon ay dadako
na tayo sa susunod nating paksa.

B. Pagganyak
 Pero bago ang lahat ay may
ipapanood akong maikling video
clips sa inyo at pagkatapos ay
susuriin ninyo ang mga nilalaman  Opo Ma’am.
ng video na ito .Nauunawaan ba (tahimik na manonood ang mga
ang gagawin? mag-aaral)

C. Paglalahad ng aralin
 Naunawaan nyo ba ang inyong
napanood?
 Opo Ma’am
 Mahusay kung ganun. Ngayon
kung lubos ninyong naunawaan
ang inyong napanood, tungkol
saan ito? Heidi
 Tungkol po sa isang babae na
may kapansanan at
pinagmamalupitan dahil sa pangit
 Magaling. Bigyan siya ng tatlong niyang kaanyuan.
palakpak.
 1,2,3!
 Tungkol ito sa pang-aapi ng mga
tao sa isang babaeng may
kakaibang kaanyuan. Pero sa
kabila nito ay nananatiling
mabuti ang kalooban ng bida..

 Ang video clips na inyong


napanood ay may kaugnayan sa
paksang tatalakayin natin
ngayong hapon na ito. Pero ang
bida dito ay hindi inaapi at
walang kapansanan, kundi siya
mismo ang nangmamalupit sa
kapwa nya sapagkat napakataas
ng tingin niya sa sarili niya.Ito ay
tungkol sa Aralin 39 ng Noli Me
Tangere na pinamagatang “ Si
Donya Consolacion”

D. Paglalahad ng Layunin
 Bago natin simulan ang ating
aralin, Jovietz maari mo bang
basahin ang ating layunin , Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-
aaral ay inaasahang:
a.Natutukoy ang mga maganda at di-
mabuting pag-uugali;
b.Nabibigyang halaga ang kahulugan
ng tunay na kagandahan;
c.Nakapagsasagawa nang debate
hinggil sa kagandahang asal at pisikal na
kaanyuan.
E. Pagtalakay sa aralin
 Ngayon ay tatalakayin natin ang
Aralin 39 sa Noli Me Tangere na
pinamagatang “ Si Donya
Consolacion”.

 Tatalakayin ko ito sa
pamamagitan ng pagpapanood
muli sa inyo ng isang video
tungkol sa kabanatang ito at
nararapat na makinig kayo dahil  Opo Ma’am
pagkatapos nito ay may (Tahimik na manonood at
ipagagawa ako sa inyong makikinig ang mga mag-aaral)
gawain. Nauunawaan ba ang
gagawin?

 Lubos nyo bang naunawaaan


ang inyong napanood?
 Opo Ma’am..

 Mabuti kung ganon, ngayon ay


papangkatin ko kayo sa
dalawang pangkat upang
malaman ko kung lubos ba
ninyong naunawaan ang video \
na ipinapanood ko. Ang bawat
pangkat ay pipili ng pitong (7)
reprisentante na syang sasagot sa
mga katanungang itatanong ko.
Paunahan sa pagdidikit ng mga
kasagutan sa pisara ang bawat
pangkat.

 Ang pangkat na syang


makakukuha ng
pinakamaraming wastong sagot
ang syang makatatamo ng
gantimpala pagkatapos ng
pagtuturo ko. Nauunawaan ba  Opo Ma’am.
ang gagawin?

 Mabuti kung ganun. Aella


simulan mo ang bilang.  1,2,1,2…

Mga Katanungan Mga Kasagutan


1. Sino ang hindi pumayag na 1. Ang alperes na asawa niya.
makapagsimba si Donya (karagdagang sagot ng bawat
Consolacion nang umagang iyon? pangkat)
Bakit?
2. Hindi maganda ang kanyang ayos
2. Ilarawan si Donya Consolacion. at nakakainis tingnan. (Kapansin-
Ganito ba ang pagkakakilala niya pansin sa kanya ang namimintog
sa kanyang sarili? Bakit? na ugat sa noo, maitim na labing
laging may hithit na tabako at
3. Paano ipinakikita ni Donya higit sa lahat ang kanyang tinging
Consolacion ang pagkukunwari mapanlibak).
bilang isang tunay na Europea?
Kapanipaniwala ba ang ginagawa
niyang pagkukunwari? Bakit? 3. Nagpapanggap siyang mahusay
magsalita ng Kastila.
4. Bakit pinatigil ni Donya
Consolacion sa pag-awit si Sisa 4. Pinatigil niya sa pag-awit si Sisa
ng Kundiman ng Gabi? sapagkat nahahapis siya sa tinig
nito.
5. Paano sinaktan ni Donya
Consolacion si Sisa? Bilang
asawa ng alperes, may karapatan 5. Pinaghahampas niya ito ng latigo.
ba siyang saktan si Sisa? (karagdagang sagot ng bawat
Pangatwiranan ang sagot. pangkat).

6. Kung ikaw ang alperes, ikahihiya


mo ba si Donya Consolacion na 6. Opo, sa akin pong palagay
iyong asawa? Ano ang dapat ikakahiya ko sya dahil ang
gawin ni Donya Consolacion ganung ugali ay hindi mabuti.
upang ikarangal siya ng alperes? Kung magiging ako si Donya
Consolacion ay babaguhin ko
ang aking pag-uugali, magiging
totoo ako sa aking sarili at
 Maraming salamat sa inyong mabuting asawa kay alperes.
kooperasyon.
(Iaanunsyo ng guro ang pangkat
na nakakuha nang maraming
tamang sagot)

F. Paglalapat
 Ngayon ay magkakaroon ulit
kayo ng pangkatang gawain. Sa
dati pa ring pangkat.
Magkakaroon tayo ng debate
tungkol sa paksang “Ano ang
iyong
pipiliin,Kagandahan ng
kalooban o Kagandahang
pisikal?
 Pumili ng isang reprisentante na
syang bubunot dito ng panig na
ipaglalaban nyo.
 Bibigyan ko kayo ng dalawang
(2) minuto upang mag-usap-usap
sa mga ideyang sasabihin ninyo.
Ang pagpapalitan ng ideya ay
gagawin ninyo lamang sa loob
ng pitong (7) minuto.
 Malinaw ba ang aking panuto?
 Mabuti kung ganon. Pero bago
ninyo simulan ay narito ang  Opo Ma’am.
aking pamantayan sa
pagpupuntos.

Pamantayan
Paksa/Kaisipan 40 pts
Pangangatwiran 30 pts
Pagpapahayag/
Pagsasalita 20 pts
Kooperasyon 10 pts
Kabuuan 100 pts

(Iaanunsyo ng guro ang pangkat (Gagawin ng mga mag-aaral ang


na nakakuha ng pinakamataas na pangkatang gawain)
puntos at bibigyan ng Powerful
Clap).

G. Paglalahat
 Muli nating balikan ang paksang
ating tinalakay tungkol saan nga
ito Sherry Ann?
 Tungkol po sa Aralin 39 ng
Noli me Tangere na
 Sino naman si Donya pinamagatang “Si Donya
Consolacion Jecell? Consolacion”.

 Connie paano mo ilalarawan si


Donya Consolacion?  Siya po ang asawa ng alperes.

 Siya po ay hindi kanais-nais


tingnan, sapagkat namimintog
ang ugat niya sa noo at masama
 Mahusay Connie, tama ang pa ang ugali.
iyong kasagutan. Paano naman
ipinapakita ng Donya ang
kanyang pagkukunwari bilang
isang tunay na Europea Mhary  Nagpapanggap po siyang
Rhose. mahusay magsalita ng Kastila at
umaaktong kagalang-galang.
 Tama pinipilit niyang magsalita
ng Kastila kahit ang totoo ay
hindi niya kaya. Isa itong
dahilan kaya’t lagi silang nag-
aaway ng alperes at idagdag pa
ang ugali nitong hindi kanais-
nais. Buong pag-aakala niya sa
kanyang sarili ay maganda siya
at kahanga-hanga sa paningin ng
kanyang asawa at mga kapwa.
Kaya’t gayun na lang sya kung
mangmaltrato sa kapwa niya.

H. Pagpapahalaga
 Jessabel paano mo bibigyan ng
kahulugan ang tunay na
kagandahan?

 Magaling Jessabel,  Para po sa akin ang tunay na


napakaganda ng iyong kagandahan ay makikita sa
kasagutan. Bigyan siya ng kabutihan ng iyong kalooban.
Congratulations Clap.

(Magpapakita ng mga larawan  1,2,3. 1,2,3. Congratulations.


ang guro).

 Nilikha ng Diyos ang tao na


may iba’t ibang anyo ang
bawat indibidwal, katulad na
lamang ng mga ipinakita ko sa
inyong mga larawan. Sa
pamantayan ng tao may
maganda at pangit. Ngunit lagi
nating tatandaan na ang
kagandahan ng tao ay hindi
lamang sa pisikal na aspekto
dapat ibase kundi sa buti ng
kanyang kalooban.
 Ang pisikal na anyo ay
napapawi paglipas ng
maraming panahon at maaring
mabura sa isipan ng kapwa,
ngunit ang kagandahan ng
kalooban ay hindi kailan man
mabubura sa isipan ninuman.

 Ang mga taong nagtataglay ng


kagandahang pisikal ay hindi
dapat magmataas at manyapak
ng pagkatao ng kapwa niya
bagkus ay nararapat na matuto
silang magmahal at rumespeto
sa mga ito nang sa gayon ay
irespeto rin sila nito

IV. Pagtataya
 Ngayon ay kumuha kayo ng
kalahating buong papel.
Gagawa kayo ng kongklusyon
kung ano ang ikinagaganda ng
isang tao.

Konklusyon: Ano ang ikinagaganda ng


isang tao
1.

2.

3.

V. Takdang Aralin

Isulat sa isang buong papel kung


sino ang taong pinaniniwalaan mo na
nagtataglay ng tunay na kagandahan.
Idikit ang kanyang larawan at sumulat
ng apat na pangungusap kung ano ang
kagandahang nakita mo sa kanya.
Inihanda ni
Cristy F.Lintot
Gurong Nagsasanay

Isinangguni kay

Bb. Maria Theresa Q. Ondoy


Gurong Tagapagsanay

You might also like