You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Commission on Higher Education


Region V (Bicol)
LIGAO COMMUNITY COLLEGE
Ligao City

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO


LP No.
Learning Area Panitikang Filipino Kwarter Linggo/Araw
#2
Araw at Oras ng
Pagtuturo
I. Layunin
Pamantayang Natutukoy ang kaisipan o ideya na nakapaloob sa akda.
Pangnilalaman
Pamantayang Nasusuri ang kaisipan o ideya na nakapaloob sa akda.
Pagganap
Kompetensi(Codes) Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1.1 nailalahad ang mga kaisipan na nakapaloob sa akda;

1.2 nahihinuha ang mga pangyayari sa kuwento;


1.3 Nakalilikha ng isang salawikain mula sa binasang maikling kwento.
II. Nilalaman
Paksang -Aralin Salawikain Time 30
Maikling kwentong Walang Panginoon ni Allotment minutes.
Deogracias Rosario
III. Kagamitang - Power Point Presentation
Pampagkatuto
Sanggunian - Sandigan 3, pahina 144

Karagdagang
Kagamitan
IV. Pamamaraan
A. Panimula Panimulang Gawain
Pagganyak 1. Panalangin
2. Pag-tsek ng atendans
3. Pagbati;
Kumusta kayo? Maayos ba ang inyong pakiramdam, o kaya naman
kayo ba ay nababahala?
Ano-anong dahilan ng inyong pagkabahala?Paano ninyo hinaharap
ang mga ito?
Ano ang naging epekto ng pandemya sa inyong sarili at sa inyong
pamilya?
4. Pagbabalik-tanaw

Panimulang Gawain:
Tingnan at unawaing mabuti ang bawat larawan na makikita sa screen. Ano
ang mapapansin dito?
Larawan 1
Pera, mansiyon, at latigo

Larawan 2
Kubo at kalabaw

B. Paglalahad (Ilalahad sa screen ang isang salawikain)


“Ang dahon ay nalaglag sa kanyang kapanahunan”
Ang salawikaing binasa ay mayroong kinalaman sa paksang tatalakayin
natin ngayon. Ito ay ang maikling kwento na Walang Panginoon ni
Deogracias Rosario.
C. Gawain Pagtalakay sa Aralin:
1. Pagbabasa ng maikling kwento.
2. Layunin ng maikling kwentong binasa sa ating buhay.
Mula sa naging talakay sagutin ang mga sumusunod:
(Mga Gabay na Tanong)
1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento at katungaling tauhan?
2. Bakit ayaw marinig ni Marcos ang animas?
3. Sino-sino ang dapat ipagdasal ni Marcos?Bakit?
4. Sino si don Teong ano ang kaugnayan niya kay Marcos?
5. Nangyayari ba ang ganitong kalagayan sa tunay na buhay?
Pagsasanay:
-pagsagot ng oral sa mga gabay na tanong na binigay.
-Pagbibigay linaw sa mga kasagutan ng mag-aaral.
-Ang guro ay maaaring sumagot sa mga katanungan ng mag-aaral .
Pagpapahalaga:
May kaugnayan ba ang ating aralin sa ating pang araw-araw na
pamumuhay? Paano?
Sa inyong palagay may aral ba kayong natutunan sa buhay mula sa maikling
kwentong binasa? Maaari mo ba itong ibahagi upang magbigay inspirasyon
sa iyong kapwa?

D.Paglalahat 1. Sa kabuuan ano ang ating tinalakay?


2. Ano ang natutunan ninyo mula rito?
3. Dapat bang ipaghiganti ng tao ang kaapihang natamo sa kapwa?
E.Ebalwasyon Ebalwasyon: (10 puntos)
Bumuo ng isang salawikain tungkol sa binasang kwento na “Walang
Panginoon” ni Deogracias Rosario at iugnay ito sa isang pangyayari sa
inyong buhay na minsan nang nasaksihan.

Pamantayan sa pagmamarka:
Nilalaman-5 puntos
Paksa-3 puntos
Mensahe-2 puntos
Kabuoan:10 puntos

IV. Kasunduan Gumawa ng isang replektibong sanaysay mula sa binasang kwento at pag-
aralang muli ang tinalakay sapagkat tayo ay magkakaroon ng isang
pagsusulit bukas.

V. Puna

Refleksyon:

Inihanda ni:

Kathleen Kyla Manlangit

You might also like