You are on page 1of 7

Banghay Aralin para sa Baitang 9

I. Layunin

Pagkatapos ng takakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Nahihinuha ang mga katangian ng parabula ayon sa napakinggang diskusyon sa klase.


2. Natutukoy at naipapaliwanag ang mensahe sa napanood na parabula.
3. Natutukoy ng mga mag-aaral ang kahalagahan ng parabula.

II. Paksang Aaralin

a. Paksa: Paghahambing na magkatulad at hambingang pasahol


b. Sanggunian: Panitikang Asyano pahina 192-194
c. Kagamitang panturo: Powerpoint presentation, video, at Laptop

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Panimulang Panalangin

1. Panalangin

Panginoon, maraming salamat po sa


ibinigay ninyong panibagong pagkakataon
upang kami ay matuto. Gawaran mo kami ng
isang bukas na isip upang maipasok namin
ang mga itinuturo sa amin at maunawaan
ang mga aralin na makatutulong sa amin sa
pagtatagumpay sa buhay na ito. Amen.

2. Pagbati

Isang mapagpalang araw sainyo


baiting 9. Ako’y natutuwa na tayo’y nagkita
ngayong araw. Ako ang inyong guro na taga
pagturo ngayong araw ako si Neifal John
Salimbao
(Wala po sir/May iilan lamang po sir)

3. Pagtatala ng mga liban at hindi sa


birtwal na klase

Bb. may mga liban ba tayo sa araw na


ito?

Maraming Salamat Bb.

4. Pamantayan habang ginaganap ang


klase

(Babanggitin ng guro ang mahahalagang


house rules o paalala bago magsimula ang
aral na tatalakayin ngayong araw)
1. Makinig nang mabuti sa guro at sa
kaklase na nagsasalita. (Malinaw po sir)

2. Lumahok sa mga gawain at


talakayan sa klase.

3. Maupo nang maayos.

4. Maging alerto lagi sa klase

Maaring sagot (Tungkol po sa


Gramatika/Retorika at Paghahambing)

Malinaw ba class?

Maaring sagot: Ubasan, bibliya, at


trabahador,

B. Balik Aral

Bago tayo magsimula sa paksang tatalakayin


natin ngayon araw tayo’y magbalik aral
muna.

Ano ang paksa nating tinalakay nung


nakaraang araw?

Mahusay, maraming salamat saiyo ginoo

C. Motibasyon

Bago magsimula ang ating klase ay may


pampasiglang gawain muna tayo. (May
ipapakitang mga larawan sa Estudyante)

D. Pagtalakay sa Paksang
Aaralin

Para sa araw na ito ang tatalakayin natin ay


tungkol sa parabula sa kanlurang asya Ang
talinghanga tungkol sa may ari ng ubasan.
Mula sa bibliyang Mateo 20: 1-16

May ideya ba kayo kung ano ang tatalakayin


natin ngayon?

Opo sir
Kung ganon ay simulan natin ang talakayan.

Ang salitang PARABULA ay buhat sa


salitang Griyego na “parabole” na nagsasaad
ng mga bagay katulad ng lugar, tao, hayop at
pangyayari upang paghambingin. Ito ay
makatotohanang pangyayaring nagaganap
noong panahon ni Hesus sa nakasaad sa
banal na aklat. Ang mga aral na mapupulot
dito ay nagsisilbing patnubay sa marangal na
pamumuhay ng mga tao. Ang mensahe ng
parabula ay isinulat sa patalinhangang
pahayag. Ang parabula ay di lamang Maaring sagot sa unang tanong: parabula
lumilinang ng mabuting asal na dapat ay isang maikling kuwentong may aral na
taglayin kundi binubuo rin ito ng moral at kalimitang hinahango mula sa Bibliya
espiritwal na pagkatao.
Maaring sagot sa pangalawang tanong:
Ang natutuhan kong aral dito ay dapat
pantay-pantay ang tingin natin sa ating
At tayo naman ay dumako sa mga elemento
ng parabula kapwa tao sa buhay anuman ang mga
katayuan nila.

Tauhan – Mga karakter na hango sa bibliya


na maaaring makapagbigay ng aral sa mga
mambabasa ng kwento.
1. Tayong mga tao
Tagpuan - Hindi kagaya sa maikling kwento, 2. Tatayu-tayo
minsan hindi matatagpuan sa simula ang 3. Isang pilang
tagpuan ng kwento at minsan ay hindi talaga 4. Parabula
nasasabi kung saan mismo nangyari ang 5. Parabole
kwento. 6. Bangang gawa sa lupa
7. Pagpapayo
8. Ang talinhaga tungkol sa may-ari
ng ubasan
Banghay - pagkasunod-sunod ng mga
9. Parabula ng banga
pangyayari sa kwento
10. Bayad

Naintindihan ba class kung ano ang


kahulugan ng Parabula?

Kung naintindihan niyo nga ang Parabula ay


may hinanda ako sainyong maiksing video
clip na pinamagatang Ang Talinhaga tungkol
sa may-ari ng ubasan.

(May ipapanood sa mga estudyante na video


clip)

E. Paglalahat

Dito matutukoy kung naintindihan nga ba ng


baitang 9 ang paksang tinalakay ngayong
araw.

May inihnda akong katanungan para sa mga


estudyante.

1. Ano ang parabula?


2. Anong aral ang nais iparating ng
parabulang Ang talinhaga tungkol sa
may-ari ng ubasan?

F. Paglalapat

Gamit ang graphic organizer magbigay ng


mga salitang maari niyong iugnay sa pinag-
aralang parabula.

IV. Ebalwasyon

1. Ang mga mangagawa sa parabula


ay sumisimbolo sa?

2. Mga taong nakita ng may ari ng


ubasan sa palengke

3. Salaping pilak na pinagkasunduan

4. Ito ang mga kwentong hango sa


bibliya na kakapulutan ng mga
aral.

5. Ang parabula ay hango sa salitang


griyego na?

6. Sino ang pangunahing tauhan sa


parabula ng banga?

7. Huwag mong kakalimutan na


ikaw ay isang banga na gawa sa
lupa, ito ay isang?

8. Ang nahuhuli ay nauuna, at ang


nauuna ay nahuhuli

9. Huwag mong kalimutan ikaw ay


bangang gawa sa lupa at ikaw ay
nararapat na makisalamuha sa
mga kauri mong banga.

10. Pare-pareho ang tinanggap nilang


upa sa kanilang pagtratrabaho.
Ang ibig sabihin ng upa ay?

V. Takdang Aralin

Ibigay ang mga simbolikong literal


na kahulugan, kahulugan, at ispirituwal
na kahulugan ng mga sumusunod ubasan,
mangagawa, usapang pilak, at oras.

Pagtatapos na panalangin

Maraming salamat po.

Sa mga aral na inyong itinuro,

Sa pamamagitan ng aming guro,

Na matiyagang nagbibigay-karunungan

Sa mga utak naming mangmang.

Nawa’y magamit ng lahat

Ang mga aral na ito

Sa pawang kabutihan lamang. Amen

Inihanda ni: Neifal John C. Salimbao


BSEd Filipino IV

You might also like