You are on page 1of 7

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9

I. LAYUNIN
Pagkatapos ng isang oras na talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Nalalaman ang kahulugan ng pangatnig at mga uri nito,


b. Naipapaliwanag ng malinaw ang pangatnig
c. Nakalilikha ng mga pangungusap gamit ang pangatnig.

II. PAKSANG ARALIN


Paksa: Pangatnig
Kagamitan: Pantulong na visual

III. PAMAMARAAN :

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


• Panimulang Gawain
• Pagbati
Magandang Hapon klas!
Magandang hapon po guro!
• Panalangin
Bago nating umpisahan ang aralin ngayon Ama, maraming salamat po sa iyong
hapon na ito pangunahan ang ating panalangin binigay na araw para sa amin. Isang araw na
Angelo. puno ng biyaya at umaapaw na kasiglahan
sa bawat isa na naririto sa aking klase.
Bigyan niyo po kami kaalaman at
karunungan, upang aming maunawaan ang
aming aralin ngayong hapon na ito.
Gabayan niyo din po ang aming guro sa
kanilang gagawin sa araw na ito. Sa ngalan
ng panginoong hesus kristo aming
tagapagligtas. Amen.
• Pagpuna ng Kaayusan
Bago kayo umupo paki –ayos ang inyong
upuan at pulutin ang mga kalat sa inyong
paligid.

• Pagtatala ng lumiban
Bb. Soriano, maari mo bang sabihin
saakin kung sino ang lumiban sa ating
klase. Wala po ma’am

• Pagbabalik- Aral
Bago tayo dumako sa ating bagong aralin,
balikan muna natin ang araling tinalakay natin
noong nakaraang araw.

Sino ang makakapagbigyay kung ano ang Tungkol po ito sa sanaysay ng Taiwan.
tinalakay natin?

Mahusay! At ano ang pamagat ng ating Ang Kababaihan ng Taiwan: Ngayon at


binasang sanaysay? Noong Nakalipas na 50 Taon
Sanaysay- Taiwan Isinalin sa Filipino ni
Sheila C. Molina

Tama! Ang Kababaihan ng Taiwan: Ngayon at


Noong Nakalipas na 50 Taon

B. Panlinang na Gawain

1. Pagganyak
May inihanda akong Gawain para sa
pagtuklas ng ating aralin ngayon hapon.
May nakatalang pangungusap sa
television sa bawat numero ay may Mga sagot:
dalawang kaisipan na inyong pag- 1. At
uugnayin gamit ang mga salitang nasa 2. Upang
kabilang kahon. 3. Kapag
1. Sina Jaydon _____ Marky at 4. O
matalik na magkaibigan. 5. Sapagkat
2. Kailangan natin ng isang magaling
na lider ______ maisaayos ang
ating bansa.
3. Maari siyang mapahamak _____
hindi siya sumusunod sa kanyang
mga magulang.
4. Ako nga baa ng mahal mo _____
siya na kanina pang nakatitig sayo.
5. Hindi na tayo tutuloy ____ malakas
na ang ulan.

At kapag
O
Upang para
sapagkat
Ngayon ay may nahinuha na ba kayo kung ano Pag-uugnay sa dalawang kaisipan o
sa tingin niyo ang paksa natin ngayon? pangungusap.

Maari, sa inyong nakaraang pag-aaral alin baa Maam, nasa bahagi po iyan ng pananalita.
ng may kahulugan ng pag-uugnay ng mga Ito ay ang pangatnig.
kaisipan?

Mahusay!
2. Paglalahad ng aralin
Ang paksa natin ngayon hapon ay
pangatnig.

3. Pagtatalakay

Ano nga ba ang pangatnig?


Pangatnig- ito ay kataga, salita o grupo
ng mga salitang nagpapakita ng
pagkaugnay ng isang salita o kaisipan
sa isa pang kaisipan.

Mga pangatnig at mga halimbawang


pangungusap:

1. Subalit - dinudugtong upang


magkaroon ng isang pangungusap
ng ;positibong resulta at negatibong
resulta. (datapwat, ngunit)
Halimbawa:
a. Si Nena ay ginugulo ng kaniyang
kapatid habang nag-aaral subalit hindi
siya nagpatinag at patuloy siyang nag
aral.
b. Si Laura ay inutusan ng kaniyang
tatay subalit hindi niya ito sinunod.

2. Samantala, Saka - ginagamit na


pantuwang
Halimbawa:
Si Mang Ben ay matalino saka mabait
pa.
Abala ang lahat, samantalang ikaw ay
hindi.

3. Kaya, Dahil sa – gianagamit na


pananhi
Halimbawa:
Kaya hindi natututo ang tao ay dahil sa
kaniyang kapalaluan.
Siyay nagtagumpay dahil sa kaniyang
pagsisikap.

4. Sa wakas, sa lahat ng ito- panapos


Halimbawa:
Sa wakas, nanalo din an gaming
pangkat.
Sa lahat ng ito, nalaman nila na mahal
sila ng kanilang mmga magulang.
5. Kung gayon- panlinaw

Halimbawa:
Malinaw ang paalala sa kaniya, kung
gayon kailangan niyang pagbutihin ang
kaniyang pag-aaral.

Mga uri ng pangatnig


1. Pamukod- ginagamit sa pagbukod
o pagtatangi, gaya ng : o, ni,
maging, at man.
Halimbawa:
4. Ikaw man o ako ay hindi naghahangad
na siya ay mabigo.
5. Batid ko ang pagkapanalo ng ating
grupo kung si Roger man ang pipiliing
lider natin.
6. Walang diprensiya sa akin maging si
Jose ang magwagi sa paligsahan.

2. Panubali- nagsasabi ito ng pag-


aalinlangan, gaya ng: kung, kapag,
pag, sakali, disinsana.
Halimbawa:
7. Kung uulan, hindi matutuloy ang ating
palatuntunan.
8. Hindi ako matutuloy sa sine kapag
hindi umuwi nang maaga ang tatay.
9. Pag umulan, hindi makakapunta rito si
Boyet.
10. Hindi tayo makakahuli ng maraming
isda sakaling lumitaw ang buwan.

3. Paninsay- kapag sinasalungat ng unang


bahagi ng pangungusap ang ikalawang
bahagi nito. Gaya ng: ngunit,
datapwat, subalit, bagaman,
samantala, kahiman, kahit.
Halimbawa:
Nakatakda siyang umani ng
tagumpay kahit (kahit na)
maraming naninira sa kanya.
Nakatapos si Ramon ng
medisina bagaman tindera lang
sa palengke ang kanyang ina.
Nanalo pa ring musa si Rosa
datapwat may mga kaibigang
bomoto sa kalaban niya.
Maganda nga ang kaibigan mo
ngunit suplada naman.
4. Pananhi- nagbibigay ito ng dahilan o
katuwiran para sa pagkaganap ng kilos.
Ang mga ito ay: dahil sa, sanhi sa,
sapagkat, mangyari.
Halimbawa:
• Namaos siya dahil sa matagal na
pagtatalumpati.
• Sanhi sa init ng panahon kaya siya
nilagnat.
• Umapaw ang ilog sapagkat walang
tigil ang ulan.
• Nahilo si Ann mangyari ay ikot siya
nang ikot.

5. Panapos- nagsasabi ito ng nalalapit na


katapusan ng pagsasalita, gaya ng:
upang, sa lahat ng ito, sa di-kawasa,
sa wakas, at sa bagay na ito.
Halimbawa:
• Sa di-kawasa, ang pulong ay tinapos
na.
• Makukuha ko na rin sa wakas ang
inaasam kong promosyon sa trabaho.
• Sa lahat ng ito, dapat tayong magkaisa.
• Sa bagay na ito, nasa ating mga kamay
na ang paghuhusga.

6. Panlinaw- ginagamit ito upang
ipaliwanag ang bahagi o kabuuan ng
isang banggit.
Halimbawa:
• Nagkasundo na ang mag-asawa, kung
gayon magsasama na silang muli.
• Nahuli na ang tunay na maysala kaya
makakawala na si Berto.

7. Panimbang- ginagamit sa paghahayag


ng karagdagang impormasyon at
kaisipan, gaya ng: at-saka, pati, kaya,
anupa’t.
Halimbawa:
• Sina Jose at Pedro ay nagtungo sa
bukid.
• Pati ang gamit ng iba ay kanyang
iniligtas.
• Anupa’t pinagbuti niya ang kanyang
pag-aaral para makaahon sa kahirapan.
• Nagtanim siya ng upo at saka patola

8. Pamanggit- gumagaya o nagsasabi


lamang ng iba, tulad ng daw, raw, sa
ganang akin/iyo, di umano.
Halimbawa:
• Sa ganang akin, ang iyong plano ay
mahusay.
• Siya raw ang hari ng sablay.
• Di umano, mahusay umawit si Blanca.
• Masisipag daw ang mga taga-ilocos.

9. Paunlad- tumutulad ng mga pangyayari


o gawa, tulad ng: kung sino, siyang,
kung ano, siya rin, kung gaano, siya
rin.
Halimbawa:
• Kung ano ang mga nangyayari noon,
siya ring, mangyayari ngayon
• Kung sino ang unang tumakbo, siyang
mananalo.
• Kung gaano ang iyong itinulong, siya
ring ibibiyaya sa iyo.
Pangatnig- ito ay kataga, salita o
4. Paglalahat grupo ng mga salitang nagpapakita
ng pagkaugnay ng isang salita o
Ngayon ano nga ulit ang pangatnig? kaisipan sa isa pang kaisipan.

Mga uri ng pangatnig:

Isa-isahin natin ang mga uri ng Pamukod


pangatnig. Panubali
Paninsay
Pananhi
Panapos-
Panlinaw
Panimbang
Pamanggit
Paunlad

5. Paglalapat

Indibidwal na Gawain pumili ng kahit


anong paksa, gumawa ng isang
sanaysay at salungguhitan ang mga
pangatnig na ginamit.
IV. Pagtataya

Panuto: Punan ang patlang ng wastong pangatnig

Maging datapwat daw kung gayon

Sakaling ngunit kung gaano

1. Maganda nga ang kaibigan mo _______ suplada naman.


2. Nanalo pa ring muse si rosa ______ may mga kaibigang bomoto sa kalaban niya.
3. Hindi tayo makakahuli ng maraming isda______ lumitaw ang buwa.
4. Walang diprensiya sa akin _____ si jose ang magwagi sa pagligsahan
5. Masisipag _____ ang mga taga- Isabela.

V. TAKDANG ARALIN:
Magsaliksik kung ano ang sa maikling kwento at magbigay ng limang halimbawa ng maikling
kwento.

Inihanda nina:

Arlyn Bocgel
Jessica Marie Edralin

You might also like