You are on page 1of 6

Masusing Banghay – aralin ( Grade 4 )

Pang- abay Pamanahon

I. Mga Layunin
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Natutukoy ang pang-abay na pamanahon sa isang dayalogo
b. Nagagamit ang pang – abay na pamanahon upang mabuo ang pangungusap.
c. Naisasadula ang mga halimbawa na ginagamitan ng pang-abay na pamanahon.

II. Paksang Aralin

Paksa : Pang – abay na Pamanahon


Sanggunian : Aklat sa Filipino 4
Kagamitan : Larawan, Diyalogo
Estratehiya : Pagtuturong nakapokus sa mag – aaral

III. Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

Lahat magsitayo at
manalangin tayo.

Sa ngalan ng Ama, Anak at Sa ngalan ng Ama, Anak at


espirtitu Santo, Amen. espirtitu Santo, Amen. Salamat
Salamat po Panginoon sa lahat po Panginoon sa lahat ng bagay
ng bagay na binibigay Niyo sa na binibigay Niyo sa amin sa
amin sa araw-araw. Nawa’y araw-araw. Nawa’y bigyan
bigyan Niyo po kami ng lakas Niyo po kami ng lakas upang
upang magawa po naming ang magawa po naming ang aming
aming mga adhikain. mga adhikain. Minamahal po
Minamahal po namin Kayo. namin Kayo. Hinihiling po
Hinihiling po namin ito sa namin ito sa Ngalan ni Kristo.
Ngalan ni Kristo. Amen. Amen.

Magandang umaga po sa aming guro,,


Magandang umaga sa lahat magandang umaga rin mga kaklase,
ikinagagalak naming Makita kayo.
Mabuhay!
Kamusta kayo? Mabuti po

Balik aral

Magaling kung ganoon. Ngunit bago


ang lahat, maglalaro muna tayo. Ang
gagawin ninyo ay ipapa-pasa ang
bagay na ito kasabay ang saliw ng Opo
musika, at kapag ito’y humito, ang
studyanteng may hawak ng bagay na (isinasagawa ang laro)
ito ay tatanungin patungkol sa
nakaraang leksyon. Handa naba kayo?

Ano ang huling tinalakay natin Tungkol po sa pang-ugnay.


kahapon?

Magaling.

Ano ang gamit ng pang-ugnay? Ito po ay nag-uugnay sa dalawa o higit


pang pangungusap.

Pagganyak.

May nalalaman ba kayong mga Meron po.


bugtong?

Sinu-sino sa inyo ang mahilig sa


bugtong? Kami po.

Mahalaga ba ang bugtong sa Opo, dahil napapalaganap nito


kulturang Pilipino? Bakit? ang diwa ng pagkapilipino at
matalas na kaisipan.
Ngayon, may ibibigay akong bugtong
sa inyo, sagutin ninyu ito ng
mabilisan. Handa na ba kayo? Opo.

1. Nagising si Insyong, sa
ilalim ng gatong. Ano ang Ito po ay bibingka.
sagot?

2. Wala sa langit, wala sa lupa,


kung maglakad patihaya. Bangka po ang sagot.
3. Bituing buto’t balat, kung Parol naman po ang sagot sa bugtong
pasko lamang kumikislap. na ito

Bago ang pagbasa: Babasahin ng walang ingay,

Mayroon akong dayalogo na ipapaskil Umupo nang matuwid at unawain ang


sa pisara. Ngunit bago yan, anu-ano binabasa.
ba ang mga pamantayan sa pagbasa
nang tahimik?

Ngayon, basahin na natin nanag


tahimik ang dayalogo sa pisara sa
loob ng limang minute.

“ Sa Parke “
Masayang nakaupo ang magkaibigan ,
araw na naman ng Linggo sa ika
Dapit Hapon hinihintay nila ang
paglubog ng araw upang sila ay
makauwi na rin. Araw araw itong
ginagawa ni Alexa at Mary rose lalo
na kung tapos na ang mga Gawain
nila sa loob ng bahay.

Alexa : Kay ganda talagang


pagmasdan Melissa ang unti unting
paglubog ng araw.

Mary rose : Oo tama ka Alexa ! Ang


sarap makagaan sa pakiramdam tila
baga kasama nitong napapawi ang
lahat ng pagod nang ating ginawa sa
buong araw.

Alexa : Sana sa susunod ay makasama


pa ang ating ibang kaibigan upang
matunghayan nila ang ganitong
kakaibang ganda.

Mary rose : Ayan na Alexa !


papalubog na ang araw, mag ayos
kana at tayo ay aalis na. Bukas uli
Alexa Paalam!

Alexa : Paalam !
Tanong :

Ano sa tingin ninyo ang paksa ng Tungkol po sa paglubog ng Araw


kanilang dayalogo?

Sinu-sino ang mga nag-uusap sa Si Alexa at Mary Rose


dayalogo?

Saan nagpunta sina Alexa at Mary Sa Parke


Rose?

Paglalahad:

Muli ninyong titigan at punahin ang Ang mga salita ng tumutukoy


mga nasa dayalogo. Anu ang sa mga lugar , oras o panahon.
napapansin niyo dito?

Ano ang tawag sa kanila? Mga pang-abay na pamanahon


po.

Tama. Ito ay mga pang-abay na


pamanahon.

Ano ang ibig sabihin ng pang-abay na Ito po ay tumutukoy sa kataga


pamanahon ? o salita na naglalarawan ng
petsa, panahon at oras, dalas at
Magaling. Ito ay tumutukoy sa kataga dalang.
o salita na naglalarawan ng petsa,
panahon at oras, dalas at dalang.

Magbigay ng halimbawa ng pang- 1. Magsisimba ka sa Linggo.


abay na pamanahon. 2. Oras-oras kitang iniisip.
3. Palagi akong nagluluto.
4. Pumanaw siya kamakailan
lamang.
5. Nalulungkot ako sa tuwing
ikaw ay umiiyak.

Magaling
Ngayon ay mga mga halimbawa ako
ditto tutukuyin ninyo kung ano ang
pang abay na pamanahon

1. Araw-araw akong nagbabasa ng Araw araw po


aking mga module.

2. Uso na noon ang paggamit ng Noon po


ballpen.

3. Pumunta kahapon sina mama at Kahapon po


papa galing Cavite.

Paglalagom/paglalahat

1. Ano ang pang-abay na Ang Pang abay na pamanhon ay


pamanahon? naglilinaw ito kung kailan naganap,
nagaganap at magaganap ang isang
kalagayan. Sa pamamagitan ng mga
salitang ito, nailalagay sa tamang
kapanahunan ang isang pangyayari na
siyang diwa ng pangungusap.

Sa pagtiyak ng isang ebidensya,


kailangan ang tamang pang-abay na
pamanahon lalo na sa pagkilala ng mga
katotohanan at lohikal na
pagkakasunud-sunod.

2. Magbigay ng Limang 1.Madalas akong bumisita sa kanila.


Halimbawa ng Pang abay na 2.Ni minsan ay hindi kita pinagtaasan
Pamanahon sa isang pangungusap. ng boses.
3.Araw-araw ko siyang kinukumusta.
4.Umalis siya kani-kanina lang.
5. Magaganap ang reunion sa
Setyembre 26.

PANGKATANG GAWAIN
Bumuo ng tatlong grupo at gumawa
ng isang dula – dulaan na nagpapakita
ng Pang abay na Panahon.
PAGTATAYA

Kumuha ng kalahating bahagi ng


papel.

Magkakaroon tayo ng maikling


pagsusulit. Sagutin ang mga Opo
sumusunod: handa na kayo?

Isulat sa patlang ang mga Pang abay


na pamanahon sa Pangungusap.

1. Si tatay ay pumunta kanina sa


lungsod para mamalengke.
2. Nanood ako kagabi ng
paborito kong Korean Drama.
3. Aalis na bukas si Peter
patungong Bacolod.
4. Pupunta kami ngayon sa
parke.
5. Si Eva ay mamamasyal
mamaya sa MOA.

Ipasa ang papel sa harap kapag tapos


na.

TAKDANG ARALIN

Kunin ninyo ang kwaderno sa


takdang aralin at isulat ito.

Magsalaysay ng isang karanasan na


hindi mo makakalimutan. Gumamit
ng mga pang-abay sa pasalaysay.

Paalam na sa lahat Maraming salamat at paalam na po,

You might also like