You are on page 1of 4

Masusing Banghay Aralin sa Filipino

Petsa: ika-14 ng Marso 2022

I. LAYUNIN
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nakikilala ang na, ng at g bilang mga pang-angkop.
b. Nasasabi kung kailan dapat gamitin ang na, ng, at g sa pangungusap.
c. Nagagamit ang mga katagang pang-ugnay ng mga salita sa pangungusap.

II. PAKSANG-ARALIN
a. PAKSA: Mga Pang-angkop na na, ng at g
b. SANGGUNIAN: Batayang Aklat pp. 130-136
c. KAGAMITAN: powerpoint presentation

III. PAMAMARAAN:

A. PAUNANG GAWAIN:
Gawain ng Guro Gawain ng Maag-aaral
Magsitayo ang lahat para sa
panalangin. Opo ma’am.

Panginoon, maraming salamat po sa


araw na ito na ipinagkaloob niyo sa
amin, nawa’y gabayan mop o kami sa
mga Gawain na aming gagawin sa
araw na ito. Amen.
Magandang-araw din po ma’am.
Magandang-araw mga bata!

Bago kayo maupo pakiayos ang mga (Magpupulot ng kala tang mga
kalat na nasa ilalim ng inyong mga mag-aaral at aayusin ang kanilang
upuan mga upuan)

Maari na kayong umupo.


Wala po ma’am.
Mayroon bang liban sa klase ngayong
araw?

Bago tayo tumungo sa ating talakayan


sa araw na ito ay akin munang Itaas ang kamay kung nais
ipapaalala ang tatlong bagay na dapat sumagot.
natin tandaan sa loob ng klase ang una
ay? Maupo ng maayos at makinig ng
maigi.
Pangalawa?
Wag makipagdaldalan kung
natuturo ang guro sa harapan.
At?

Ayan tama.

B. PAGSASANAY
Gawain ng Guro Gawain ng Maag-aaral
Basahin ang mga sumusunod na
salita.
1. Pula rosas
2. Mabait guro
3. Hinog bayabas
4. Matulin sasakyan
5. Bago damit
6. Sira laruan

Ano ang inyong napansin sa mga Hindi po maintindihan ang mga


salitang ito? kataga.

Malinaw bang naiinitindihan ang


Hindi po.
kataga?

Ano kaya ang dapat nating gawin para


maintindihan ang mga salita?

C. PAGLALAHAD
Gawain ng Guro Gawain ng Maag-aaral
Mahalaga ang mga pang-angkop sa (makikinig ang mga bata sa
pagsasalita at pagsusulat. eksplanasyon ng guro)

Dahil sa paggamit sa pang-angkop ay


nagiging malinaw ang gusto nating
sabihin.

Tatlo ang ating mga pang-angkop: na,


ng at g.

Ang bawat pang-angkop ay may


nakatakdang paraan ngpaggamit.

1. Ginagamit ang ng kung ang


sinusundang salita ay nagtatapos sa
patinig (a,e.i.o.u).

Halimbawa:
Babaeng maganda
Mesang mahaba
Bibeng maputi
Labing mapula
Asong malaki
Sampung susi

2. Ginagamit ang na kung ang


sinusundang salita ay nagtatapos sa
katinig maliban sa katinig na n.

Halimbawa:
Matigas na kendi
Lapis na matulis
Lukot na papel
Pakpak na puti
Bakod na sira

3. Ginagamit naman ang g kung ang


salitang sinusundan nito ay nagtatapos
sa n.

Halimbawa:
Basahang tuyo
Asing maalat
Halamang malago
Ngiping malinis

D. PAGLALAPAT
Gawain ng Guro Gawain ng Maag-aaral

Bibigyan ko kayo ng tig-iisang activity


paper at gusto kong sagutan ninyo ito kung
ano ang sa tingin ninyong tamang pang-
angkop na ilagay sa bawat patlang. Gawin
niyo ito sa loob ng limang minuto.
Opo ma’am.

Tapos niyo na ba?

Magpalit ng papel at ating sasagutan ang


bawat tanong.

Opo maam

(magpapalit ang mga bata ng


kanilang mga papel at iwawasto ito.)

E. PAGLALAHAT
Gawain ng Guro Gawain ng Maag-aaral
Ano ang pang-angkop? Ang pang-angkop ay mahalaga sa
pagpapadulas ng pagbigkas ng
Filipino. Ginagawa nitong malinaw
ang mga salita at katagang nasasabi.

Ano ang iba’t-ibang mga pang-angkop? Na, ng at g


IV. PAGTATAYA
A. Subukan natin
Panuto: Tukuyin ang uri ng pang-angkop ayon sa gamit. Isulat ang na, ng at sa bawat
patlang kung saan ito ay natutukoy.

V. TAKDANG-ARALIN
Gumawa ng isang pangungusap tungkol sa sarili. Gumamit ng mga pang-angkop.
Halimbawa:
Ako ay isang malusog na bata.
Matalinong mag-aaral ako.

Inihanda ni: Iniwasto ni:

Rhoma P. Tadeja Veronica Madagsen


Student Teacher Subject Instructress

You might also like