You are on page 1of 4

Petsa: Marso 7, 2017

Baitang at Seksyon: Baitang IV-SPED


Paaralan: Mababang Paaralan ng Kumalarang Sentral
Gurong Tagapayo: Bb. Melchora V. Ortiza
Gurong Mag-aaral: Dacula, Nor-asia D.

Banghay Aralin sa Filipino IV

I- Layunin:
1. Nagagamit ang mga pang-angkop na na, -ng at -g;
2. Naisusulat nang wasto ang mga pang-angkop; at
3. Natutukoy at nagagamit sa pangungusap ang mga pang-angkop.

II- Paksang Aralin:


Mga Pang-angkop
A. Sanggunian: Hiyas sa Wika 4, Pp. 155-159
B. Kagamitan: Kagamitang Biswal

III- Pamamaraan:
A. Paghahanda
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
Panalangin
Simulan natin ang klase sa pamamagitan ng Oh, God Almighty, behold us, Thy loving
panalangin. Lorraine, pangunahan mo ang children. Offering Thee today our works, place
pagdarasal. and studies. Help us, Dear Lord, to be obedient
to our teachers; kind to our companions;
diligent to our studies; that we may merit the
blessings for ourselves, our school, our
beloved country, the Philippines. Amen.
Pagbati sa klase
Magandang umaga, mga bata! Magandang umaga po, Bb. Dacula;
magandang umaga, mga kaklase.
Pagtala ng liban
Sino ba ang absent ngayong araw? Wala po, Maam.

B. Balik-Aral
Ano ba ang tinalakay natin kahapon? Maam, tinalakay po natin ang tungkol sa
pagsulat ng liham.

C. Pagganyak
Ano-anong isports o laro ang paborito ninyo? Maam, ang paborito kong isports o laro ay
basketball.

Bakit naging paborito ninyo ang larong ito? Naging paborito ko po ang larong basketball
dahil paborito rin ito ng kuya ko.
D. Paglalahad
Basahin ninyo nang sabay-sabay ang liham na (babasahin ang lunsarang liham na nasa pisara)
nasa pisara.

Sa liham na binasa ninyo, sino ang mahilig sa Ang mahilig sa larong boksing ay si Nel po,
larong boksing? maam.

Sino naman ang mahilig sa paglangoy? Maam, si Alfred po ang mahilig sa paglangoy.

Sino-sino ang kampeong Pilipinong Ang mga kampeong Pilipinong boksingerong


boksingerong binanggit sa sulat ni Alfred? binanggit sa sulat ni Alfred ay sina Morris
East, Manny Melchor at Manny Pacquiao,
Maam.

Ipinagmamalaki mo ba ang mga Pilipinong Opo, Maam.


boksingero?

Bakit? Dahil sa kanila nakilala ang ating bansa,


Maam.

E. Pagtatalakay
Ang pang-angkop ay mga titik/katagang nag-
uugnay ng isang salita sa iba pang salita sa
pangungusap upang maging madulas ang
bigkas ng pinag-ugnay na salita.

Tatlo ang pang-angkop:


1. na inilalagay o iniuugnay sa pagitan ng
salitang naglalarawan at inilalarawan na ang
nauuna ay nagtatapos sa katinig maliban sa n.
Halimbawa: likas na matalino
kapatid na mabait
2. -ng ikinakabit o iniuugnay sa naunang
salitang nagtatapos sa patinig sa magkasunod
na salitang inilalarawan at naglalarawan.
Halimbawa: gabing madilim
matalinong bata
3. -g ginagamit sa pag-uugnay ng dalawang
salita kung ang unang salita ay nagtatapos sa
katinig na n.
Halimbawa: kahong malaki
pagkaing masarap

Makikita ninyo sa pisara ang mga pariralang


may pang-angkop. Sasalangguhitan ng
tatawagin ko ang pang-angkop ng mga
pariralang narito. Naunawaan? Opo, maam.

1. maputing bulaklak 1. -ng


2. masipag na bata 2. na
3. ibong lumilipad 3. -g
4. mabangong bulaklak 4. -ng
5. batang maganda 5. -ng
6. itlog na pula 6. na
F. Pagpapayamang Gawain
Pangkatang Gawain
Mga bata, gusto nyo ba ng kendi? Opo!

Kumuha kayo ng isa lamang. Salamat po, Maam.

Ngayon, magkakaroon tayo ng pangkatang


gawain. Ang pangkat ninyo ay ibabatay sa
napili ninyong kendi.
Ang unang pangkat ay uupo sa bandang dito.
Dito naman uupo ang ikalawang pangkat.
Ang ikatlong pangkat naman ay dyan at ang
ikaapat na pangkat naman ay doon.
Maliwanag, mga bata? Opo, Maam.

Okay, pumunta na kayo sa pangkat ninyo.


Iwasan ang ingay. (pupunta na sa pangkat nila)

Isulat ninyo ang tamang pang-angkop sa mga


patlang. Pangkat 1
1.lumang simbahan
2.pintong sarado
3.kamay na bakal
4.marupok na pinto
5.matigas na bato
Pangkat 2
1. bayang api
2. kilusang propaganda
3. tulay na kahoy
4. sanayang aklat
5. maitim na budhi
Pangkat 3
1. dahong berde
2. aklat na makapal
3. batang malikot
4. kahong maliit
5. asong puti
Pangkat 4
1. bughaw na ulap
2. ibong lumipad
3. madaling tanong
4. singsing na ginto
5. lalaking payat

G. Paglalahat
Ano ang pang-angkop? Ang pang-angkop ay mga titik/katagang nag-
uugnay ng isang salita sa iba pang salita sa
pangungusap upang maging madulas ang
bigkas ng pinag-ugnay na salita, Maam.

Ano-ano ang mga pang-angkop? Ang mga pang-angkop ay ang na, -ng at -g,
Maam.

Kailan ginagamit ang pang-angkop na na? Ginagamit ang pang-angkop na na sa pagitan


ng salitang naglalarawan at inilalarawan na
ang nauuna ay nagtatapos sa katinig maliban sa
n, Maam.

Kailan naman ginagamit ang pang-angkop na Maam, ginagamit ang pang-angkop na -ng sa
-ng? naunang salitang nagtatapos sa patinig sa
magkasunod na salitang inilalarawan at
naglalarawan.

Kailan naman ginagamit ang pang-angkop na Ginagamit ang pang-angkop na -g sa pag-


-g? uugnay ng dalawang salita kung ang unang
salita ay nagtatapos sa katinig na n, Maam.

IV- Pagtataya:
A.
Panuto: Sipiin ang dalawang salitang pinag-
ugnay ng pang-angkop. Salangguhitan ang
pang-angkop na ginamit.
Halimbawa: Nilipad ng hangin ang mga
dahong tuyo.
1.) Lalaking masipag ang gusto ng mga
babae.
2.) Si Nardo ay matapat na mag-aaral.
3.) Matalinong bata iyong si Rose.
4-7.) Maraming nalalaglag na dahong tuyo
araw-araw dito sa aming malawak na
bakuran.
8.) Magalang na nakipag-usap si Mario sa
matanda.
9-10.) Malambot na unan ang gusto kong
gamitin.

B.
PANUTO: Isulat ang wastong pang-angkop na
na, -ng at -g, sa wastong puwang upang mabuo
ang pangungusap.
1.) Ang magaling ___ manggagamot ang
dinarayo ng marami.
2.) Ang mga kabibi ___ uwi ni Ate ay
gagawin niyang palamuti sa aming hardin.
3.) Ang pilyo ___ si Boyet ay anak ni Mang
Isidro.
4.) Ang tubig ___ mainit ay isasalin ko sa
termos.
5.) Mabibili ang pahayagan ___ pang-umaga
sa tindahan ng mga dyaryo.

V-Takdang Aralin
Bilang takda, sumulat ng dalawang
pangungusap sa bawat pang-angkop na na, -
ng, at -g.

You might also like