You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF GENERAL TRIAS CITY
GENERAL TRIAS MEMORIAL ELEMENTERY SCHOOL

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 4


Ikatlong Markahan
Ika-anim na Linggo
March 25, 2023

I. LAYUNIN
1. Magagamit ng wasto ang mga pang-ankop na –ng –g –na sa pangungusap
2. Matukoy kung saan at kailan gagamitin ang pang-angkop na – ng – g – na
3. Nasasagot ang mga tanong tungkol sa tulang napakinggan.

II. PAKSA
Paggamit ng Pang-angkop

A. Kagamitan
PowerPoint presentation, TV, Laptop tarpapel

B. Sanggunian: Ramos Celia S.


Mahalin ang Ating Wika
Pahina 141- 144

C. Integrated Subjects:
EsP: Pagiging Mapagmahal sa matatanda/Masipag
English: Recite a Poem
Music: Pag-awit/
AP:Pamayanan
Mathematics: Numeracy

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Pagbati
2. Panalangin
3. Tsek attendance
4. Pampasiglang Awitin

B. Balik-aral

Habang tumutugtog ang musika ay magpapasahan ng bola ang mga bata. Kapag tumigil ang
tugtog ay bubunot sa kahon ang batang huling nakahawak sa bola at sasagutin ang mga salita o
sitwasyon na mabubunot nya. Makakatanggap ng premyo ang makakatama ng sagot.

Integrasyon sa Araling Panlipunan

Basahin at tukuyin ang opinyon o katotohanan ng mga sumusunod na sitwasyon. Sabihin ang O
kung ito ay opinyon at K kung ito ay katotohanan.
1. Ang pambansang watawat ng Pilipinas ay may kulay bughaw, pula, puti, at dilaw.

2. Ang Sahara ay isang malaking disyerto sa Aprika.

3. Maraming mga aso ang nahuhuli araw-araw kaya natuto na ang mga may ari na itali
ang kanilang mga alaga.

4. Higit na mas masarap ang pritong manok sa Jollibee kaysa sa McDonald’s.


5. Nagkaroon ng isang linggong tigil pasada dahil sa pagtutol ng mga jeepney driver sa
modernisasyon ng mga jeep.
6. Ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas o Armed Forces of the Philippines (AFP) ay ang
pangunahing lakas tagapagtanggol ng bansa.

C.Paghahabi sa layunin ng aralin (Motivation)

Ipakita ang larawan ng isang matanda.

Sino ang nakikita sa larawan?


Sino ang naalala nyo kapag nakakakita kayo ng matanda?
Sino sa inyo ang may Lolo?
Ano ang katangian niya?

PAGBABAYBAY PATINIG KATINIG


BUKIRIN I,U B,K,R,N
NAYON A, O N,Y
BAKURAN A,U B,K,R,N
MAHIRAP A,I M,H,R,P
Ano ang patinig?
Ano ang katinig?
Ilan titik meron ang patinig?Katinig?

D.Pag-alis ng sagabal:

1.Ang matandang dukha ay masipag.


2.Si lolo ay nakatira sa kanyang munting tahanan.
3.Ang bakuran ay ma
y mga pananim.
4.Ang aming nayon ay tahimik at payapa.
5.Ipadama natin ang ating pagmamahal sa ating lolo at lola.

D. PAG-UUGNAY NG MGA HALIMBAWA SA BAGONG ARALIN.


(Presenting examples/ instances of
the new lesson)
(ENGAGE)
1. Paglalahad
a. ibigay ang pamantayan sa pakikinig at pagbasa.
b. Ngayong hapon ay may pakikinggan kayong tula tungkol sa matandang masipag.
c. Pagbuo ng Pangganyak na tanong
Ano ang gusto ninyong malaman sa tula?
d. Iparinig ang tula-
“Matandang Masipag”

“Matandang Masipag”

May tao akong hinahangaan sa malayong nayon Isang


dukhang lalaking may magandang kaugalian Mapagmahal,
maalaga, at masipag na matanda Palaging nag-iisip ng
gawaing marangal

Bakurang malawak puno ng pananim


Sariwang hangin kay sarap langhapin
Makikita rin alagang manok na inahin
Mabuting libangan hatid ay pagkain

Bakasyong kay saya aking inaabangan Sabik akong


puntahan ang munting tahanan Ng lolo kong matiyaga at
abala sa paggawa
Pagtulong at pag-alaga sa kanya’y aking ipadama.

D. PAGTALAKAY NG BAGONG
KONSEPTO AT PAGLALAHAD NG BAGONG KASANAYAN #1
(Discussing new concept and
practicing new skills #1)
(EXPLAIN)

a. Pagsagot ng Pangganyak na tanong


Sino ang naging huwaran ng bata sa tula?

b. Pagsagot pa ng ibang tanong


- Tungkol Saan ang tula?
- Saan nakatira ang matandang masipag?
Anong katangian mayroon ang matanda?

(Semantic Web)

Katangian ng matanda

Tandaan:
Pang-angkop
Ang pang-angkop ay mga katagang nag-uugnay sa dalawang salita upang maging
madulas o tuloy-tuloy ang pagbigkas nito.
- na = ginagamit ito kapag ang unang salita ay nagtatapos sa katinig maliban sa -
n.
Halimbawa:
masipag na doktor,
mabigat na sako ng bigas
- ng = ginagamit ito kapag ang unang salita ay nagtatapos sa patinig gaya ng
(a, e, i, o at u).
Halimbawa:
masayang pamilya,
malayong lugar
- g = ito ay idinudugtong kapag nagtatapos sa - n ang salita.
Halimbawa:
balong malalim,
mayamang pamilya

c. Basahin ang sumusunod na dalawang salita. Pansinin ang mga titik na may salungguhit.
I. matandang mahirap
malayong gubat

II. masipag na matanda

manok na inahin

III. bakurang malawak


gawaing kapaki-pakinabang

Anong kataga ang may salungguhit?


Ang mga katagang –ng, -na-, at –g ay mga pang-angkop.
Aling pang-angkop ang nakadugtong?
Aling pang-angkop ang nakahiwalay?

Anong pang-angkop ang ginamit sa unang pangkat na parirala?


Anong titik ang sinusundan nito?
Anong masasabi ninyo sa gamit ng pang-angkop na –ng?

Anong pang-angkop ang ginamit sa ikalawang pangkat na parirala?


Anong titik ang sinusundan nito?
Anong masasabi ninyo sa gamit ng pang-angkop na –na-?

Anong pang-angkop ang ginamit sa ikatlong pangkat na parirala?


Anong titik ang sinusundan nito?
Anong masasabi ninyo sa gamit ng pang-angkop na –g?

E.Paglinang sa kabihasnan (Tungo sa Formative Assessment)

A. Gawain I
Lagyan ng kaukulang pang-angkop ang mga parirala.

1. masipag mag-aaral
2. pagkain pampalusog
3. dalawa anak
4. buhangin pino
5. tulay kawayan

B. Gawain 2 (Pangkatang Gawain

Gamit ang mga pang angkop, gawin ang mga sumusunod:


I. Gumawa ng liham para sa inyong lolo.
II. Gumawa ng isang awit para sa inyong lolo
III. Gumawa ng isang balita para sa inyong lolo.
C.Paglalahat
Ano ang tawag sa mga katagang nag uugnay sa dalawang salita?
Ilang titik meron ang patinig?katinig?
Kailan ginagamit ang ng? na? g?

1. Paglalapat (Pangkatang Gawain-bawat bata sa pangkat ay sasagot)

a.Show-me-board
Isulat ang tamang pang-angkop sa inyong show-me-board para sa sagot ng
mga pangungusap na ipapakita ko.

1. Maraming magaganda balak si Linda sa kanyang pagtatapos.


2. Ang batang magala ay dangal ng magulang.
3. Pinutulan niya ang mataas puno
4. Dumaan sila sa tulay mahaba.
5. Naglalaro sila sa buhangin pino malapit sa daan.

2. Pagpapahalaga
Batay sa tulang ating binasa kanina, paano ninyo ipakikita ang pagmamahal sa mga
matatanda?

F.Pagtataya ng Aralin(Evaluation)
Gamitin ang wastong pang-angkop sa pagbuo ng bawat pangungusap.

1. Umalis patungo probinsya ang mag-anak.


2. Siya ay isang matulungin anak.
3. Mangunguha rin sila ng sariwa prutas at gulay sa bukid.
4. Maliligo rin sila sa malinis tubig sa ilog.
5. Makikipaghabulan din sila sa mga hayop maamo sa parang.

G.TAKDANG ARALIN

Sumulat ng dalawang pangungusap sa bawat uri ng pang-angkop.

Inihanda ni:

ROSEMARIE E.POLITADO
Teacher I

Iniwasto ni:

ROWENA R. SUSTAL
Master Teacher II

Noted by:

NICOLAS D. TACCAD
Principal II

You might also like