You are on page 1of 32

Mother Tongue-Based

Multilingual Education
Ikalawang Markahan
Modyul 1: Tamang Tanong, Tamang Sagot!
Modyul 2: Anong Reaksyon Mo?
3

Mother Tongue-Based
Multilingual Education
Ikalawang Markahan – Modyul 1:
Tamang Tanong, Tamang Sagot!
Mother Tongue-Based Multilingual Education – Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 1: Tamang Tanong, Tamang Sagot!
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Glaiza A. Dela Cruz


Editor: Babeth P. Gevila, Jesusa P. Ambrona, Lourdes C. Manlapus
Tagasuri: Grace L. Completo, Jennie T. Calamba, Myleen C. Robinos
Tagaguhit: Elmer E. Dela Cruz
Tagalapat: Hazel Jane A. Villegas
Tagapamahala: Evelyn R. Fetalvero Winnie E. Batoon
Janette G. Veloso Chona M. Calatrava
Analiza C. Almazan Teresita E. Helgason
Ma. Cielo D. Estrada Jesusa P. Ambrona
George N. Wong

Inilimbag sa Pilipinas ng __________________________________________

Department of Education – Region XI

Office Address: F. Torres St., Davao City


Telefax: (082) 291-1665; (082) 221-6147
E-mail Address: regionxi@deped.gov.ph * lrms.regionxi@deped.gov.ph
Alamin
Kumusta? Maligayang pagdating sa Ikalawang
Markahan! Halika at sabay natin alamin ang nilalaman ng
modyul na may pamagat na Tamang Tanong, Tamang Sagot!
Subukin mong alamin kung ano ang mga panghalip na
pananong. May mga gawain akong inihanda para sa iyo
upang mahasa ang iyong kaalaman tungkol dito.
Pagkatapos pag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay
inaasahang:
● nakikilala ang iba’t ibang panghalip na pananong
(MT3G-IIa-b-2.2.3).

Mga Tala para sa Guro


Ang modyul na ito ay makatutulong sa mga
mag-aaral upang mapaunlad ang kanilang mga
ideya, pag-iisip at nararamdaman sa sarili, pamilya,
paaralan at komunidad.
Paalalahanan sila na hindi ito dapat sulatan
dahil gagamitin pa ito ng ibang mga mag-aaral sa
mga susunod pang mga taon.

1
Subukin
Basahin ang maikling kuwento sa ibaba.

Si Elsa at ang Alagang si Mingming


ni: Glaiza A. Dela Cruz

Ako si Elsa at ito naman ang alaga kong pusa


na si Mingming. Nakita ko itong si Mingming noong
ako’y naglalakad pauwi galing sa paaralan. Muntik
na siyang masagasaan ng mga panahon na iyon.
Sinundan niya ako pauwi sa bahay. Kaya simula noon
ay inalagaan ko na si Mingming. Palagi ko siyang
pinapakain at nililinis. Paminsan-minsan ay naglalaro
din kami sa labas ng bahay namin. Mahal na mahal
ko si Mingming at mahal din niya ako.

Pillin ang tamang panghalip na pananong mula sa loob ng


kahon upang mabuo ang diwa ng mga katanungan sa bawat
bilang. Isulat ang titik ng iyong sagot sa papel o sa kuwaderno.

A. Ano B. Saan C. Sino D. Kailan

1. ________ ang pangunahing tauhan sa kuwento?


(Si Elsa ang pangunahing tauhan sa kuwento.)
2. ________ ang nangyari sa pusa?
(Muntik ng masagasaan ang pusa.)
3. ________ ang ginawa ng pusa kay Elsa?
(Sinundan ng pusa si Elsa nang pauwi siya ng bahay.)
4. ________ nakita ni Elsa si Mingming?
(Nakita ni Elsa sa daan si Mingming nang siya ay naglalakad
pauwi galing sa paaralan.)
5. ________ inalagaan ni Elsa si Mingming?
(Simula nang dumating ang pusa sa bahay nina Elsa
inalagaan na niya ito.)

2
Aralin
Tamang Tanong,
1 Tamang Sagot!
Naranasan mo na bang tawagin ng iyong guro at tinanong
nang biglaan? Sa iyong pagkabigla, iba ang iyong nasagot.
Matatawa ka na lang sa iyong sarili at maiisip na kung pwede
lang sana maibalik ang panahon upang masagot ng tama ang
tanong ng guro.
Sa modyul na ito ay may iba’t ibang angkop na tanong na
may angkop na sagot na ating tatalakayin. Paniguradong
hinding-hindi ka na magkakamali pa sa susunod na tatawagin at
biglaang tatanungin ng iyong guro.

Balikan
Bago tayo dumako sa bagong leksiyon, balikan muna natin
ang natutuhan mo sa naunang modyul.

Ano ang idyoma? Sumulat ng dalawang pangungusap


na may idyoma. Gawin ito sa malinis na papel.

_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

3
Tuklasin
Basahin ang usapan ng magkaibigang sina Karin at Kaloy sa
ibaba.
Kaloy: Karin, saan ka pupunta?
Karin: Pupunta ako sa tindahan, bibili ng toyo.
Kaloy: Pupunta ka ba sa bahay nina Karla?
Karin: Anong meron sa bahay nina Karla?
Kaloy: Birthday ni Karla.
Karin: Saan nga banda ang bahay nila?
Kaloy: Diyan lang sa may parke. Sabay
tayong pumunta.
Karin: Sige, sabay tayo. Sino pa ang
kasama natin na pupunta doon?
Kaloy: Sina Karlo at Kris.
Karin: Sige, kita-kita tayo mamaya.

Sagutin ang sumusunod na tanong tungkol sa binasang


usapan. Isulat ang titik ng wastong sagot sa papel o sa
kuwaderno.
1. Ano ang tanong ni Kaloy kay Karin nang magkita sila?
a. Ilang taon ka na?
b. Saan ka nakatira?
c. Saan ka pupunta?
2. Ano ang itinanong ni Karin kay Kaloy ng magkita sila na
sinagot ni Kaloy ng “Birthday ni Karla?”
a. Sino siya?
b. Nasaan siya?
c. Ano ang meron sa bahay nila Karla?
3. Ano ang itinanong ni Karin kay Kaloy na sinagot ni Kaloy ng
“Sina Karlo at Kris.”
a. Ilang taon na siya?
b. Kailan ang kanyang kaarawan?
c. Sino pa ang kasama natin na pupunta doon?

4
Suriin

Ngayon pag-usapan natin ang iyong mga sagot sa unang


gawain. Handa ka na ba?

Kung ang sagot mo sa unang tanong ay (Saan ka


pupunta?) tama ang sagot mo. Sa pangalawang tanong naman
kung ang sagot mo ay (Anong meron kina Karla?) tama ang
sagot mo. Sa pangatlong tanong kung ang sagot mo ay (Sino
ang kasama nilang pupunta kina Karla?) tama ulit ang sagot mo.

Ang mga salitang ano, saan, kailan at sino ay mga salitang


humihingi ng sagot at ito ay tinatawag na mga panghalip na
pananong o mga salitang nagtatanong. Kilala naman ito sa
tawag na Interrogative Pronoun sa Ingles.

Tandaan

May mga salitang dapat mong gamitin at tandaan


upang ito ay masagot ng tama. Ito ay ang mga panghalip na
pananong.
 Sino – ang panghalip na pananong na ginagamit kung
tayo ay magtatanong tungkol sa tao o ngalan ng tao.
Halimbawa: Sino ang guro mo sa Ikatlong Baitang?
Sino ang paborito mong artista?

 Saan – ang panghalip na pananong na ginagamit kung


tayo ay magtatanong tungkol sa lugar o ngalan ng lugar.
Halimbawa: Saan ka nag-aaral?
Saan ang lalagyanan ng mga damit?

5
 Kailan – ang panghalip na pananong na ginagamit kung
tayo ay magtatanong tungkol sa oras o panahon.
Halimbawa: Kailan ipapasa ang ating takdang-aralin?
Kailan ang kaarawan mo?

 Ano – ang panghalip na pananong na ginagamit kung


tayo ay magtatanong tungkol sa isang bagay o isang
pangyayari.
Halimbawa: Ano ang ginawa ninyo kahapon?
Ano ang magandang ibibigay na regalo
para sa kaniyang kaarawan?

Pagyamanin
Basahin ang usapan nina Mama Belen at kaniyang anak na
si Jimmy. Hanapin at isulat sa papel ang mga panghalip na
pananong na iyong makikita sa kanilang usapan.

Mama Belen: Kumusta ang klase ninyo kanina anak?

Jimmy: Ok naman po, Mama. May gagawin nga po pala kaming


outreach program.
Mama Belen: Ano ang gagawin ninyo sa outreach program na
iyan, anak?

6
Jimmy: Magbibigay po kami ng mga pagkain at mga damit na
pinaglakihan na puwede pang gamitin ng iba, Ma.
Mama Belen: Sino naman ang bibigyan ninyo niyan, anak?
Jimmy: Ang mga nasalanta po ng kalamidad, Ma.
Mama Belen: Ano ang ibibigay mo para maihanda ko? Saan at
kanino natin ito ibibigay?
Jimmy: Ang mga damit ko po na hindi na kasya sa akin. Ako na
po ang maghahatid kay Gng. Delos Reyes bukas.
Mama Belen: Kailan ninyo ihahatid iyan sa mga nasalanta ng
kalamidad, anak?
Jimmy: Sa Biyernes po, Ma. Sina Gng. Delos Reyes at ibang guro
po ang maghahatid kasama po kaming iilang mga mag-
aaral.
Mama Belen: Hala, sige anak kumain ka na diyan at nang
matulungan mo akong mahanap ang ibang mga damit
na hindi na rin kasya sa amin ng Papa mo para
makadagdag.

Isaisip

Kailan gagamitin ang mga panghalip na pananong


na Ano, Saan, Kailan at Sino? Isulat ang iyong sagot sa
papel.
____________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________

7
Isagawa

Piliin ang mga panghalip na pananong na makikita sa mga


sumusunod na mga salaysay. Isulat ang iyong sagot sa papel o sa
kuwaderno.
1. Kailan naganap ang usapan nina Mama Belen at Jimmy?
2. Saan isusulat ang ating takdang aralin sa MTB-MLE?
3. Sino ang kasama mong nagsimba noong nakaraang linggo?
4. Ano ang magandang regalo para kay Mama?
5. Saan pumunta si kuya?

Tayahin

Hanapin at isulat sa sagutang papel ang panghalip na


pananong na angkop gamitin sa mga pahayag.
1. (Saan, Sino) ka galing kagabi?
2. (Kailan, Sino) ang kasama mong namili ng gulay sa
palengke?
3. (Kailan, Ano) ipapasa ang proyekto natin sa MTB-MLE?
4. (Saan, Ano) ang ipinagawa ng guro natin kahapon?
5. (Sino, Saan) pumunta si Papa?

Karagdagang Gawain

Basahin ulit ang usapan nina Kaloy at Karin. Isulat sa


sagutang papel ang mga panghalip na pananong na
ginamit sa kanilang usapan.

8
9
Tuklasin
Subukin Balikan
1. C
1. C Inaasahang ang 2. C
2. A magkaibang sagot. 3. C
3. A
4. B
5. D
Pagyamanin Isagawa Tayahin
Mama Belen: Ano ang gagawin ninyo sa outreach
program na iyan anak? 1. Kalian 1. Saan
2. Saan 2. Sino
Mama Belen: Sino naman ang bibigyan ninyo
3. Sino 3. Kalian
niyan, anak?
4. Ano
Mama Belen: Ano ang ibibigay mo para maihanda 4. Ano
5. Saan
ko? Saan at kanino natin ito ibibigay? 5. Saan
Mama Belen: Kailan ninyo ihahatid iyan sa mga
nasalanta ng kalamidad anak?
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Curriculum Guide sa MTB-MLE 3
Most Essential Learning Competencies (MELC) 2020 for MTB-MLE
Grade III Q2
Bamba, Nelia D. et.al, MTB-MLE Kagamitan ng Mag-aaral
(Tagalog- Baitang 3) 2014, 21 E Boni Serrano Ave., Quezon
City, Book Media Press, Inc.,122, 137, 139

10
3

Mother Tongue-Based
Multilingual Education
Ikalawang Markahan – Modyul 2:
Anong Reaksyon Mo?
Mother Tongue-Based Multilingual Education – Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 2: Anong Reaksyon Mo?
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Charmaine R. Lavador


Editor: Babeth P. Gevila, Jesusa P. Ambrona, Lourdes C. Manlapus
Tagasuri: Rochien R. Titong, Glofer Jane T. Ubando, Bryan Ephraem E. Miguel
Tagaguhit: Elmer E. Dela Cruz
Tagalapat: Hazel Jane A. Villegas
Tagapamahala: Evelyn R. Fetalvero Winnie E. Batoon
Janette G. Veloso Chona M. Calatrava
Analiza C. Almazan Teresita E. Helgason
Ma. Cielo D. Estrada Jesusa P. Ambrona
George N. Wong

Inilimbag sa Pilipinas ng __________________________________________

Department of Education – Region XI

Office Address: F. Torres St., Davao City


Telefax: (082) 291-1665; (082) 221-6147
E-mail Address: regionxi@deped.gov.ph * lrms.regionxi@deped.gov.ph
Alamin
Kumusta? Halika at sabay nating alamin ang nilalaman
ng modyul na may pamagat na Anong Reaksyon Mo?
Subukin mo kung paano ang wastong paraan upang
makapagbigay ng iyong reaksyon. May mga gawain akong
inihanda para sa iyo upang mahasa ang iyong kaalaman
tungkol dito.
Pagkatapos pag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay
inaasahang:
● nagagamit ang mga pahayag na angkop sa baitang
upang makapagbigay reaksiyon sa lokal na balita,
impormasyon, at propaganda tungkol sa paaralan,
komunidad at iba pang mga lokal na gawain
(MT3OL-IId-e-3.6).

Mga Tala para sa Guro


Ang modyul na ito ay makatutulong sa mga
mag-aaral upang mapaunlad ang kanilang mga
ideya, pag-iisip at nararamdaman sa sarili, pamilya,
paaralan at komunidad.
Paalalahanan sila na hindi ito dapat sulatan
dahil gagamitin pa ito ng ibang mga mag-aaral sa
mga susunod pang mga taon.

1
Subukin
Basahin ang talata at sagutin ang mga tanong kasunod
nito. Isulat ang iyong sagot sa papel o sa kuwaderno.

Labis ang pagkalungkot at paghihinagpis ng mga taga


baryo Katagbawan dahil sa sinapit ng mag-anak na
Santillan. Halos wala ng natira sa kanila maliban sa suot
nilang mga damit ng araw na nangyari ang sunog. Kaya
naman bawat isa sa kanilang mga kapitbahay ay
nagpulong-pulong upang mapagkasunduan ang
gagawing pagtulong sa mag-anak. Pinamunuan ang
pagpupulong-pulong na ito ni Kapitan Isko. Sila ay nag-
ambagan ng mga bagay na maaari nilang maibigay sa
pamilya. May nagbigay ng pagkain, damit, salapi, at iba
pang kinakailangan. Dahil dito unti-unting nakabangon
ang mag-anak mula sa trahedyang sinapit.

1. Anong nangyari sa pamilya Santillan?


2. Paano sila tinulungan ng kanilang mga kapitbahay?
3. Kung ikaw ay isa sa mga kapitbahay ng pamilyang
Batumbayan, ano ang magiging reaksyon mo sa nangyari?
4. Paano mo sila tutulungan?
5. May nangyari na bang ganito sa inyong komunidad? Ano
ang mga karanasan mo na may kaugnayan dito? Ano ang
naging reaksyon mo?

2
Aralin

1 Anong Reaksyon Mo?

Lahat tayo ay napapabilang sa isang komunidad o


pamayanan. Dito ay mababatid natin na may kanya-kanya
tayong karapatan at responsibilidad bilang isang mamamayan
ng komunidad.

Maaari tayong makilahok sa iba’t ibang gawaing


nagaganap sa ating paligid.

Paano nga ba natin magagampanan ang pagiging isang


responsableng mamamayan sa ating pamayanan?

Balikan
Bago tayo dumako sa bagong leksiyon, balikan muna natin
ang natutuhan mo sa naunang modyul.
Pumili ng sagot mula sa mga Panghalip na Pananong na
napapaloob sa kahon. Isulat ang iyong sagot sa papel o sa
kuwaderno.

Saan Kailan Ano


Sino Paano

1. _______ mo isinulat ang iyong takdang-aralin?


2. _______ sila pupunta sa kanilang bukid?
3. _______ ang kasama mong naligo sa sapa noong isang araw?
4. _______ ang dahilan ng kanyang pag-iyak?
5. _______ ka bibili ng mga gamit para sa proyekto natin sa
Matematika?

3
Tuklasin

Naranasan mo na bang lumipat sa bagong paaralan o


magpunta sa bagong mga lugar? Basahin ang kuwento ni Eloisa.
Papaano kaya ang magiging unang araw niya sa pag-aaral,
ngayong maraming pagbabago ang kanyang tiyak na
pagdaraanan? Halina’t ating tuklasin ang kanyang kuwento.

Sa Bago kong Papasukan


ni: Charmaine R. Lavador

Pasukan na naman at sabik na sabik si Eloisa sa pagbabalik-


eskwela. Sa taong ito ay papasok siya sa ibang paaralan bilang
bagong-lipat. Maagang gumising si Eloisa at hindi maitatanggi
ang kanyang pananabik sa pagpasok sa eskwela.

4
Papasok siya sa bagong paaralan sa taong ito dahil sa
trahedyang nagdaan sa buhay nilang mag-anak na naging
dahilan upang sila ay lumipat ng bagong tirahan. Inabutan ng
bagyo ang kanilang lugar at nawalan sila ng tirahan dahil dito.

“Magandang umaga sa’yo, Nanay!” sabi niya sabay halik


sa pisngi ng ina. “Ihahatid niyo po ba ako sa papasukan ko?”,
tanong niya pagkatapos. “Aba’y oo naman, anak. Hindi kita
pwedeng pabayaan at maninibago ka sa lugar ng paaralan, at
saka hindi mo pa kabisado ang daan patungo doon.”

5
Pagkatapos maghanda
ay nagtungo na nga ang
mag-ina sa Paaralang
Elementarya ng Tagbaobo.
Tuwang-tuwa na sinalubong si
Eloisa ng kanyang magiging
guro na si Bb. Magtalas.
Malugod na ipinakilala siya
nito sa kanyang mga
magiging kaklase. Maligaya
rin siyang binati ng mga ito
bilang pagtanggap sa kanya
sa kanilang paaralan.

Nang sumapit ang


recess ay sinamahan siya
ng mga kaklase sa
paglilibot sa buong
eskwelahan. Bumili muna
sila ng pagkain sa kantina
bago pumunta sa silid-
aklatan. Pagkatapos
nilang umikot-ikot sa loob
ng silid-aklatan ay
nagtungo naman sila sa
palaruan ng paaralan at
doon masayang naglaro
kasama ng iba pang
mag-aaral. Napakasaya
ng unang araw ni Eloisa sa kanyang bagong pinapasukan.

6
Matapos nilang maglaro, nagpasama si Eloisa sa isa niyang
kaklase papunta sa palikuran dahil naiihi siya. Habang
naglalakad, nagkuwento si Lea kay Eloisa na may babaeng putol
ang ulo sa loob ng banyo. Nagpapakita raw ito kapag ayaw nito
sa pumapasok na tao. Kinabahan si Eloisa at hindi na nila itinuloy
ang pag-ihi. Nagtanong siya sa iba niyang kaklase kung totoo
ang sinabi ni Lea. May ibang nagsabing hindi mayroon ding
nagsabi na totoo ito. Ngunit, hindi nagpatinag si Eloisa, siya ay
nagsaliksik at naghanap ng mga impormasyon hinggil sa
makapanindig balahibong kuwento na kanyang narinig mula sa
kaklase. Tinanong niya ang kanyang guro tungkol dito at
nabigyan naman siya ng kompletong detalye ng kanyang guro.
Dahil doon hindi makakalimutan ni Eloisa ang unang araw niya sa
kanyang bagong paaralan.

7
Basahin at sagutin ang mga tanong tungkol sa binasang
kuwento. Isulat ang iyong sagot sa papel o sa kuwaderno.

1. Saan nagtungo si Eloisa at ang kanyang kaklase?


2. Ano ang kanyang naramdaman sa kanyang karanasan?
3. Ano ang natuklasan niya tungkol sa paaralan? Ano ang
reaksyon niya dito?
4. Paano nakaapekto sa kanya ang sinabi ni Lea?
5. Kung ikaw si Eloisa, ano ang magiging reaksyon mo sa
nalamang impormasyon tungkol sa paaralan?

Suriin
Hindi maipagkakaila ang pananabik ni Eloisa sa kuwentong
iyong nabasa ngunit ang kanyang damdamin ay nagbago dahil
sa narinig niyang impormasyon galing kay Lea.
Tayo ay may kaniya-kaniyang karanasan sa ating
kinabibilangang lipunan. Ang mga karanasang ito ay
nakaaapekto kung paano tayo magbigay ng reaksyon sa mga
pangyayari sa ating paligid. Maari rin makapagbigay tayo ng
reaksyon batay sa ating mga naririnig, nababasa o natatanggap
na impormasyon.

Lagi natin tandaan na tayo ay maaaring magbigay ng


opinyon ukol sa mga impormasyon, balita o propaganda na
ating narinig o nalaman ngunit ang lahat ay may limitasyon.
Palagi natin isaisip na wala tayong karapatang manghusga ng
kapwa tao. Upang maisagawa ito, pag-isipang mabuti kung ano
ang tamang paraan at kailan ang tamang pagkakataon sa
pagbibigay ng ating reaksyon.

8
Tandaan

Sa pagbibigay ng reaksiyon, tandaan natin ang mga


sumusunod na gabay upang tayo ay hindi makapanakit ng
kapwa:
 Siguraduhin na ang balita ay galing sa
mapagkakatiwalaang tao o organisasyon.
 Huwag maniwala sa sabi-sabi lang. Maniwala lang kung
ang impormasyon ay may totoong basehan.
 Palaging suriin ang propaganda kung ito ba ay may
katotohanan o gawa-gawa lamang.
 Umasal ng naaayon sa iyong edad.
 Laging sumangguni sa mga nakatatanda.

Pagyamanin

Basahin ang bawat sitwasyon na nasa ibaba. Isulat ang titik


ng iyong sagot sa papel o sa kuwaderno.

1. Ibinalita sa telebisyon na makararanas ng malakas na


pag-ulan ang inyong lugar kinabukasan. Malayo ang iyong
paaralan mula sa inyong tirahan. Ano ang iyong gagawin?
A. Hindi ako papasok.
B. Papasok pa rin ako sa eskwela.
C. Hindi ako papasok at ipapaalam ko sa aking guro sa
pamamagitan ng pag-text ang aking dahilan.

9
2. Nalaman mong nagsusugal ang iyong kapitbahay. Alam
mong ipinagbabawal sa inyong barangay ang gawaing ito.
Ano ang gagawin mo?
A. Manahimik nalang upang hindi magalit sa akin ang
aming kapitbahay.
B. Sumangguni sa aking mga magulang at hikayatin
silang ireport ito sa barangay.
C. Pupuntahan ko ang aking kapitbahay at pagsabihan
silang bawal ang kanilang ginagawa.

3. May gaganaping Oplan Bayanihan sa inyong lugar.


Hinihikayat ang bawat isa sa inyo na makikilahok sa paglilinis
ng kapaligiran. Ano ang gagawin mo?
A. Magpanggap na maysakit at huwag makilahok.
B. Maglalaro ako at hindi makikialam sa gawain dahil
bata pa ako.
C. Gawin ang mga bagay na aking makakaya upang
makatulong sa nasabing gawain.

4. Narinig mong nagtatalo ang dalawa mong kapitbahay. Ano


ang gagawin mo?
A. Awatin ang kapit-bahay.
B. Ipagsasabi ko sa lahat ang nangyari.
C. Pumasok sa loob ng bahay at hayaan sila sa
ginagawa nila.

5. Hindi na makakapagpatuloy sa pag-aaral ang isa mong


kaklase dahil sa paghihiwalay ng kanyang mga magulang.
Ano ang gagawin mo?
A. Kakausapin ko siya at hihikayating ipagpatuloy pa rin
ang pag- aaral.
B. Pabayaan siyang huminto sa pag-aaral dahil hindi ko
siya kamag- anak.
C. Ibubully ko siya at ipagsasabi ko sa mga kaklase ko
ang nangyari sa kanyang mga magulang.

10
Isaisip

Isulat ang Oo kung sang-ayon ka sa pahayag at


Hindi kung ikaw ay hindi sang-ayon dito. Isulat ang iyong
sagot sa papel o sa kuwaderno.

1. Kapag may impormasyon tayong natatanggap,


dapat na maniwala tayo agad dito.
2. Pag-isipang mabuti kung totoo ba ang balitang
narinig bago magbigay ng reaksyon.
3. Ipagkalat ang impormasyon kahit hindi sigurado
kung ito ay totoo.
4. Magpatulong sa mga nakakatanda tungkol sa
angkop na reaksyon na ibibigay.
5. Hindi lahat ng impormsayon, balita, o propaganda
tungkol sa iyong komunidad, paaralan o ano
mang gawain ay totoo.

Isagawa

Isulat ang T kung ang pangungusap ay naglalahad ng


tamang gawain at M naman kung ito ay maling gawain. Isulat
ang iyong sagot sa papel o sa kuwaderno.

____1. Sinabi ng kaklase ni Katya na lilipat na raw siya sa ibang


paaralan dahil ayaw niya sa kanyang guro. Hinikayat ni
Katya ang kanyang mga magulang na siya ay ilipat na rin.

11
____2. Lumiban sa klase si Drew dahil sinabi ni Laika sa kanya na
hindi siya matalino.
____3. Narinig ko sa balita sa radyo na ikakansela ang klase
bukas dahil sa paparating na bagyo. Nagtext ako sa aking
guro upang magtanong sa kanya ukol dito.
____4. Nanalo si Catriona Gray bilang “Miss Universe 2018.” Labis
akong natuwa bilang isang Pilipinong kagaya niya.
____5. May napapabalitang aswang sa inyong lugar pero wala
pang nakakakita nito. Takot na takot ka at ayaw mo nang
lumabas ng inyong bahay.

Tayahin
Basahin ang impormasyon na nasa ibaba at sagutin ang
mga katanungan kasunod nito. Isulat ang titik ng iyong sagot sa
papel o sa kuwaderno.

Manny ang Boxing Champ ng Pilipinas


ni: Charmaine R. Lavador

Isang sikat na boksingero ang pinoy na si Emmanuel


Dapidaran “Manny” Pacquiao. Sa maraming pagkakataon ay
nakapag-uwi na siya ng mga titulong kaniyang napanalunan
mula sa mga laro niya laban sa mga boksingerong nagmumula
sa iba’t ibang bansa.

12
Ito ay nakamit niya mula sa kanyang matinding pagsisikap
at pagsasanay upang maging malakas at magaling sa larong
boxing.
Talagang isa si Manny Pacquiao sa mga tunay na
maipagmamalaki nating mga Pilipino.

Mga Tanong:

1. Narinig mo na ba ang tungkol kay Manny Pacquiao? Ano


ang masasabi mo tungkol sa kanya?
A. Siya ay kahanga-hanga.
B. Ordinaryong tao lamang si Manny.
C. Wala akong pakialam kung sino siya.

2. Nakapanood ka na ba ng laro ni Manny? Ano ang


nararamdaman mo sa tuwing naglalaro siya?
A. Ako ay natutuwa.
B. Ako ay nagagalit.
C. Ako ay nalulungkot.

3. Maipagmamalaki mo bang kalahi mo ang isang Manny


Pacquiao? Bakit?
A. Hindi, dahil hindi ko kilala si Manny.
B. Hindi, dahil hindi ako mahilig sa boksing.
C. Oo, dahil ako ay isang Pilipinong kagaya ni Manny
at siya ay magaling.

13
Nag-anunsyo ang inyong punong-guro na
walang pasok sa susunod na Linggo dahil
magsasagawa nang inspeksyon sa mga gusali ng
paaralan dahil sa nagdaang lindol.

4. Ano ang magiging reaksyon mo sa sinabi ng inyong


punong-guro?
A. Iiyak ako dahil isang linggo akong walang baon.
B. Matutuwa ako dahil walang pasok at magkakaroon
ako ng mahabang panahon sa paglalaro.
C. Malulungkot ako dahil walang pasok ngunit
maiintindihan ko na para ito sa aming kaligtasan.

5. Paano mo maipapakita ang suporta mo sa desisyon ng


inyong punong-guro?
A. Matutulog ako buong maghapon.
B. Sisigaw ako sa tuwa dahil walang pasok.
C. Mag-aaral pa rin ako ng mga leksyon sa bahay.

Karagdagang Gawain

Mag-isip ng isang mahalagang pangyayari sa


komunidad na kinabibilangan mo. Iguhit ito sa malinis na
papel at ipaliwanag kung ano ang nais mong
ipakahulugan sa iyong ginawa.

14
15
Tuklasin
Subukin Balikan
1. Sa kanyang bagong
1. Sila ay nasunugan 1. Saan papasukan
2. Nagtulong-tulong 2. Kailan 2. Siya ay
ang mga kapi- 3. Sino natuwa/nasiyahan
bahay sa 4. Ano 3. Marami siyang
pamamagitan ng
5. Saan naranasang
pagbibigay ng mga
pagbabago
pangangailangan
4. Ang kanyang ina,
nila.
guro at mga kaklase
3-5. Nakadepende sa
5. Depende sa sagot
sagot ng mag-aaral
ng mag-aaral
6.
Pagyamanin Isagawa Tayahin
1. C 1. M 1. A
2. B 2. M 2. A
3. C 3. T 3. C
4. C 4. T
4. C
5. A 5. M
Isaisip 5. C
1. Hindi
2. Oo
3. Hindi
4. Oo
5. Oo
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Curriculum Guide sa MTB-MLE 3, 139
Most Essential Learning Competencies (MELC) 2020 for MTB-MLE
Grade III Q2
Bamba, Nelia D. et.al, MTB-MLE Kagamitan ng Mag-aaral
(Tagalog- Baitang 3) 2014, 21 E Boni Serrano Ave., Quezon
City, Book Media Press, Inc.,122, 216-217

16
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like