Professional Documents
Culture Documents
FILIPINO VI
UNANG MARKAHAN-IKA-ANIM NA LINGGO
MGA PANGKAT
LOVE 5:50-6:40
INDUSTRIOUS 6:40-7:30
KIND 10:30-11:20
INDUSTRIOUS 7:50-8:40
I. MGA LAYUNIN
A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:
Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring panood ng iba’t ibang uri ng media.
B. ATAS:
Nakikinig at nakatutugon nang angkop at wasto.F6TA-0a-j-1
C. PAMANTAYAN SA PAGGANAP(MELC):
Nasusuri ang mga kaisipan/ tema/ layunin/ tauhan/ tagpuan at pagpapahalagang
nakapaloob sa napanood na maikling pelikula. F6PD-IF10; F6VC-Ile-13; F6PD-IIIh-1-
6
D. TIYAK NA LAYUNIN:
Nasusuri ang mga kaisipan/ tema/ layunin/ tauhan/ tagpuan at pagpapahalagang
nakapaloob sa napanood na maikling pelikula.
2. Padiktang pagsulat
1. mga gumaganap sa kwento
2. Ang tagpuan ay tumutukoy sa lugar na pinangyarihan.
3. ang mga pamagat
4. Ang pelikula ay mga pinapanood ng mga tao.
5. mga aral na napulot
3. Balik-aral
Ano ang ibig sabihin ng maikling pelikula?
4. Pagwawasto ng takdang-aralin
B. Gawain sa Pagkatuto
1. Pagganyak
Itanong:
Anong pelikula na ang inyong napanood at nagustuhan?
Naantig ba ang iyong damdamin sapagkat kaugnay ito sa iyong buhay?
Paano?
May mga eksena ba nito na tumatak sa iyong puso’t isipan?
2. Paglalahad
Ipanood sa mga bata ang maikling kuwentong “Ang Dalawang Gutom
na Aso”.
3. Pagtatalakay
a. Saan naganap ang kuwento?
b. Sino-sino ang nagsiganap nito?
c. Ano ang aral at mensaheng hatid ng kuwento?
d. Ano ang nais iparating ng kuwento sa iyo bilang manonood?
e. Ano ang layunin ng may-akda ng kuwento?
4. Pagsasanay
A. Pinatnubayang Pagsasanay
Balikan natin ang maikling kuwentong inyong napanood na
pinamagatang “Ang Dalawang Guto na Aso” at sagutan ang mga
sumusunod na pagsasanay. Isulat lamang ang letra ng tamang sagot.
1. Ang mga tauhan sa pinanood na maikling pelikula ay _______.
a. ang dalawang aso c. ang dalawang kuneho
b. ang dalawang pusa d. ang dalawang kabayo
2. Ang tagpuan sa napanood ay ________.
a. parke c. palengke
b. kalsada d. simbahan
3. Ano ang nais ipaabot ng manunulat sa mga tagapanood?
a. Ang pagmamadali ay nagbubunga ng kabutihan.
b. Maging mapagmatyag, bago isagawa ang isang bagay
c. Isagawa ang isang bagay na hindi pinag-isipang mabuti
d. Ang anumang gawain ay maging madali kapag may kasama kang
gumagawa nito.
4. Ano ang paksa ng iyong napanood?-FIL.5
a. Matalinong pagpapasiya
b. Pakikisama sa isang kaibigan
c. Pagmamadali sa paggawa ng desisyon
d. Pagtutulungan sa paggawa ng isang bagay
5. Ano ang nagging wakas ng pelikula?
a. Naging buto ang bola.
b. Nabusog ang dalawang aso sa kinain nilang buto.
c. Nasarapan ang dalawang aso sa kinain nilang buto.
d. Hinimatay ang dalawang aso dahil sa dami ng ininom nilang tubig.
b. Malayang Pagsasanay
Ipanood ang maikling pelikulang “Alamat ng Pakwan”. Suriin ninyo
ang mga elemento nito at punan ng tamang sagot ang tsart sa ibaba.
Pagpapahalaga: Pagiging mabuting tao
5. Paglalahat
Ano-ano ang mga mahahalagang elemento at mga dapat isaalang-
alang sa pagsusuri ng isang maikling pelikula?
6. Paglalapat
Ipanood ang maikling pelikula na pinamagatang “Ang Soro at ang
Pusa”. Punan ang sumusunod ayon sa hinihingi nitong elemento ng maikling
pelikula.
1. pamagat
2. tauhan
3. tagpuan
4. wakas
5. pagpapahalagang moral
V. Pagtataya
Balikan nating ang maikling pelikulang “Ang Soro at ang Pusa”. Hanapin sa Hanay B
ang tinutukoy ng nasa A. Isulat ang letra ng tamang sagot.
HANAY A HANAY B
1. Mapasaya ang manonood a. mensahe
2. Ang soro, pusa at mga aso b. tagpuan
3. Sa kagubatan c. wakas
4. Magkaroon ng tiyak na desisyon d. tauhan
5. Namatay and aso e. layunin