You are on page 1of 6

LEARNER’S PACKET BILANG 1

Pangalan ng Mag-aaral:
Asignatura/Baitang: EPP-HOME ECONOMICS/Ika-4 na Baitang
Petsa:
Pamagat ng Gawain: PAG-AALAGA NG SARILING KASUOTAN

I. PANIMULANG KONSEPTO:

Ang ating sariling kasuotan ay kailangang pangalagaan na mabuti. Panatilihin ang


lahat na uri ng kasuotan na maayos at malinis sa tuwing kailangang gamitin.
Kinakailangan din na alam natin ang mga uri ng kasuotan na isusuot ayon sa panahon at
pupuntahan o pagdadaluhan. Mahalagang alam natin ang mga paraan ng pagpapanatili ng
kalinisan at kaayusan sa kasuotan.

A. IBAT’ IBANG URI NG KASUOTAN:

1. Damit Pamasok

 Karaniwang isinusuot ang uniporme sa paaralan o


opisina.Maaari itong blusa at palda o polo at pantalon.

2. Damit
Panlakad
 Ito ay magara at naiiba sa karaniwang damit na
isinusuot sa araw-araw. Ito ay isinusuot kung mayroong
okasyon tulad ng pista, handaan, salu- salo o iba pang
pagdiriwang na dadaluhan.

3. Damit
Panlaro
 Damit na magiginhawa tulad ng shorts at t-shirt ang
karaniwang gamit ng mga kabataan sa paglalaro.
RO_EPP-HE_Ikaapat na Baitang_Q1to4_LP
1 1
4. Damit Pantulog

 Maluwang ang damit pantulog tulad ng


pajama, daster at nighties.

5. Damit Pambahay

 Simple,madalinglabhan, at preskong suotin,


karaniwang yari sa cotton.

B. PAMAMARAAN SA PANGANGALAGA NG KASUOTAN

1. Ingatan ang palda ng uniporme o anumang


damit na may pleats. Huwag itong hayaang
magusot sa pag- upo.

RO_EPP-HE_Ikaapat na Baitang_Q1to4_LP
1 2
2. Kapag natastas ang laylayan ng damit at
napunit o nabutas ito, kailangang tahiin
ito kaagad pag-uwi sa bahay upang hindi
ito lumaki.

3. .Kapag namantsahan onarumihan ang damit


labhan ito agad para madaling matanggal at hindi gaanong
kumapit sa damit ang dumi o mantsa.

4. Itupi ng maayos ang mga damit at ilagay sa tamang


lalagyan o kabinet.

II. KASANAYANG PAMPAGKATUTO MULA SA MELC

1. Napapangalagaan ang sariling kasuotan

2. Naisa-isa ang mga paraan ng pagpapanatiling malinis ang

kasuotan (hal. Mag-ingat sa pag-upo, pagsuot ng tamang

kasuotan sa paglalaro, at iba pa)


EPP4HE-0b-3

III. MGA GAWAIN:

Gawain 1
Panuto: Isulat kung anong paraan ng pangangalaga sa sariling kasuotan ang tinutukoy sa
bawat pangungusap.

Paglalaba Pananahi Pagsusulsi/Pagtatagpi


Pag-alis ng mantsa
Pagsuot ng tamang uri ng damit
Paglalagay ng damit sa wastong lagayan
1.Nilalagyan ng katas ng kalamansi ang damit na may mantsa.
2.Kinukumpuni ang mga sirang kasuotan tulad ng punit at

butas.

3.Inilalagay ng wasto sa kabinet ang mga tinuping damit.

4.Pagsuot ng angkop na kasuotan na ayon sa gawain.

5.Tinatanggal agad ang kumapit na dumi sa damit.

Gawain 2: Basahin ang mga sumusunod na pahayag. Iguhit ang sa


kahon kung ang pahayag ay nagsasaad ng
pangangalaga ng kasuotan at kung hindi nagsasaad
ngpangangalaga ng kasuotan.

1. Mahalagang pangalagaan mo ang iyong kasuotan. Dapat na manatiling


maayos at malinis ang mga ito tuwing kailangan mong gamitin.

2. Ingatan ang palda ng uniporme na may pleats. Huwag itong hayaang


magusot sa pag-upo.

3. Huwag umupo kung saan-saang lugar nang hindi marumihan ang damit o
pantalon. Siguraduhing malinis ang lugar na uupuan.

4. Kapag namantsahan o narumihan ang damit, labhan ito agad para madaling
matanggal at hindi gaanong kumapit sa damit ang dumi o mantsa.

5. Gumamit ng bleach para matanggal ang dumi o mantsa.

6. Magsuot ng angkop na kasuotan ayon sa gawain tulad ng pajama,daster at


short na pantulog. Dapat maluwag na damit ang pantulog upang ito ay
maginhawa sa pakiramda

7. Kapag natastas ang laylayan ng damit,tahiin ito kaagad bago ito labhan upang
hindi ito lumaki.
8. Alagaan ang mga damit at iba pang gamit sa pamamagitan
ngpaglalagay ng mga ito sa tamang lagayan.

9. Ilagay sa ropero ang maruruming damit.

10. Maglaro ng basketbol na gamit ang damit na pamasok.

Gawain 3: Punan ang graphic organizer. Itala ang kinagawian sa kung paano mo
pinapangalagaan ang iyong kasuotan.

Ang mga Paraan ko sa Pag - aalaga ng aking Kasuotan.

Repleksiyon:

Isulat ang iyong naging karanasan sa pagsisiyasat sa iba’t ibang paraan para mapanatiling
maayos at malinis ang sariling kasuotan at ano ang magandang naidulot nito saiyo habang ito
ay iyong isinasagawa.

.
IV. SUSI SA PAGWAWASTO

Gawain Gawain 2 Gawain 3

1. Pag-alis ng mantsa. Ang sagot ay


2.Pagsusulsi/pagtatagpi. 1. 6. batay sa
ginawang
3. Paglalagay ng damit sa
pagpupuno sa
wastong lagayan. 2. 7. graphic
4. Pagsuot ng tamang uri organizer.
ng.damit
5. Paglalaba 3. 8.

4. 9.

5. 10.

V. SANGGUNIAN:

- Most Essential Learning Competencies (MELCs)sa Home Economics 4


- EdukasyongPantahanan at Pangkabuhayan 4 (Patnubay ng Guro) p. 74-
75
EdukasyongPantahanan at Pangkabuhayan 4 (Kagamitan ng Mag-aaral) p.221-226
- EPP-HE Ikaapat na Baitang Modyul 2
-

Tandaan: Sumunod sa mga


Protocol ng
Pangkalusugan sa lahat ng
oras.

Inihanda ni: Tagasuri: Editor:

MARIETTA B. NARDO LUCILLE T. LEDESMA ALBERT NOLASCO


Sinuri ni:
Sinuri ni:
LALAINE V. FABRICANTE
TagapagmasidPansangay 1,
EPP/TLE-Home Economics

You might also like