You are on page 1of 6

Quarter: 4 Week: 4 Learning Area: EPP 5

May 22,23,24, 2023 - Modular Distance Learning

Day 1
Home-Based Activities
A. NILALAMAN (Content ) Pagtatanim ng halamang gulay
B. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN (Content Standard) naipamamalas ang pang-unawa sa panimulang
kaalaman at kasanayan sa pagtatanim ng gulay at ang maitutulong nito sa pag-unlad ng pamumuhay
C. PAMANTAYAN SA PAGGANAP (Performance Standard) naisasagawa nang maayos ang pagtatanim, pag-
aani, at pagsasapamilihan ng gulay sa masistemang pamamaraan
D. PAMANTAYAN SA PAGKATUTO ( Learning Competencies)
naisasagawa ang masistemang pagsugpo ng peste at kulisap ng mga halaman
1.6.1 intercropping
1.6.2 paggawa ng organikong pangsugpo ng peste at kulisap

I. PAKSA

CODE: EPP5AG 0c-6

Masistemang Pagsugpo ng Peste

at Kulisap ng mga Halaman

Upang magkaroon ng masaganang ani ang isang magsasaka, kailangang puksain nito ang anumang peste o kulisap
na naninirahan sa kanyang taniman. Ang peste ay alin mang sakit na nagsasanhi ng kamatayan ng halaman
samantalang ang kulisap naman ay insekto na siyang kumakain sa mga dahon, balat o kahoy. Kailangang malaman
kung anong uri ng peste o kulisap mayroon ang isang halaman sapagkat iba-iba ang paraan ng pagpuksa nito. Ang
maling paraan ng pagpuksa sa kanila ay maaring magdulot ng pinsala ng mga tanim.
Mga Paraan ng Pagpuksa ng mga Peste o Salot sa mga Halaman
A. Paghahalo ng dinurog na sili o katas ng dahon ng Neem Tree sa tubig na pandilig
B. Pagpapausok sa mga puno at halaman gamit ang mga tuyong dahon o damo. Tiyaking usok lamang ang lalabas at
hindi apoy.
C. Ang mga kulisap na sumisira o kumakain sa mga dahon ng mga halaman ay alisin kaagad.
Mga Kulisap na Naninira sa mga Halaman at Paraan ng Pagpuksa Dito
I. Armored Scale (Family Diaspididae)
Mapaminsala sa mga punongkahoy
 Panatilihing malinis ang kapaligiran at linisin lagi ang mga dahon
at puno ng mga halaman.
 Maaring gumamit ng pamatay-kulisap tulad ng Parathion.

II. Ring Borer

 Insekto na bumubutas sa mga dahon o balat ng halaman
 Gumamit ng panghuling may ilaw upang mahuli at mapuksa ang gamugamu.
 Alisin ang mga dahong tuyo na at bahaging may sakit at sunugin ito.
 Maaring gumamit ng pamatay-kulisap tulad ng Methyl Parathion.

III. Melon Aphid

Naninirahan sa ilalim ng mga dahon na nagiging sanhi ng pagkulot ng mga ito.
 Parang kuto
 Mapupuksa sa pamamgitan ng pagwiwisik ng Endrin, Malathion at Serin.
IV. Plant Hoppers
Gumagapang sa damuhan at nangingitlog sa malagong tanim.
Pinupuksa ito tuwing tag-araw sa pamamagitan ng paggamit ng sprayer na may lamang pestesides.
V. Leaf Rollers
 Binubutas ng mga ito ang dahon
 Kayasin ang lahat ng dahon o foliage hanggang maiwan ang buong panloob na sanga
VI. Webworm
 Ang tanim na may ganitong kulisap ay magkakaroon ng malubhang pagka-ubos ng mga dahoon
 Pagputol at pagsunog ng sapot na kasama ang uod ang paraan ng pagpuksa nito
VII. Ladybug
 Ang mga dahon na may ganitong insekto ay nagkukulay-balat at
nalalagas.
 Pagsisiga o pagpapausok ang paraan ng pagpuksa nito

Ang mga peste at kulisap na naitala sa itaas ay suliranin sa mga halamanan. Nabubuhay ang mga ito sa pagkain ng
mga bahagi ng halaman katulad ng ugat, dahon, malalambot na bahagi ng sanga, bulaklak, at prutas.
Nararapat lamang na sugpuin ang problemang dulot nito sapagkat ang kalidad at dami ng mga bunga, ang pagtubo
at paglaki ng mga halaman, at ang gugugulin sa pagtatanim ay higit na naaapektuhan. Lahat ng halaman, dinadayo
at dinudumog ng mga insekto at peste. Ang mga insekto, ang karaniwang inaatake ay ang dahon, tangkay at
mismong bunga ng mga halaman. Ang mga peste naman, karaniwang nginangatngat ang mismong binhi o di kaya
naman ay ang ugat at base ng puno. Ang pangkaraniwang alituntunin, pag insekto ang sinusugpo, insecticide ang
gagamitin. Kapag peste naman, pesticide, siyempre. Karamihan sa mga peste ay fungi, galing mismo sa
punla o sa lupang pinagtataniman.

GAWAIN 1
Kompletohin ang tsart sa ibaba. Punan ang mga hinihingi sa bawat kahon.

Day 2
Home-Based Activities
a. NILALAMAN (Content ) Pagtatanim ng halamang gulay
b. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN (Content Standard) naipamamalas ang pang-unawa sa panimulang
kaalaman at kasanayan sa pagtatanim ng gulay at ang maitutulong nito sa pag-unlad ng pamumuhay
c. PAMANTAYAN SA PAGGANAP (Performance Standard) naisasagawa nang maayos ang pagtatanim, pag-
aani, at pagsasapamilihan ng gulay sa masistemang pamamaraan
d. PAMANTAYAN SA PAGKATUTO ( Learning Competencies)
naisasagawa ang masistemang pagsugpo ng peste at kulisap ng mga halaman
1.6.1 intercropping
I.6.2 paggawa ng organikong pangsugpo ng peste at kulisap

I. PAKSA
1.6.1 intercropping
1.6.2 paggawa ng organikong pangsugpo ng peste at kulisap
CODE: EPP5AG 0c-6

GAWAIN 2
Piliin sa Hanay B ang paraan ng pagpuksa ng bawat peste o kulisap na iyong natutunan.
DAY 3
Home-Based Activities

a. NILALAMAN (Content ) Pagtatanim ng halamang gulay

b. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN (Content Standard) naipamamalas ang pang-unawa sa panimulang
kaalaman at kasanayan sa pagtatanim ng gulay at ang maitutulong nito sa pag-unlad ng pamumuhay
c. PAMANTAYAN SA PAGGANAP (Performance Standard) naisasagawa nang maayos ang pagtatanim, pag-
aani, at pagsasapamilihan ng gulay sa masistemang pamamaraan
d. PAMANTAYAN SA PAGKATUTO ( Learning Competencies)
naisasagawa ang masistemang pagsugpo ng peste at kulisap ng mga halaman
1.6.1 intercropping
I.6.3 paggawa ng organikong pangsugpo ng peste at kulisap

I. PAKSA
1.6.1 intercropping
1.6.2 paggawa ng organikong pangsugpo ng peste at kulisap
CODE: EPP5AG 0c-6

GAWAIN 3

Pumili nang isang kulisap na iyong natutunan at iguhit ito sa short bondpaper. Sa ilalim ng iyong iginuhit, lagyan ng
pangalan ng kulisap na iyong napili. (3 puntos ang isang guhit)

Day 4-5
I. LAYUNIN
a. NILALAMAN (Content ) Pagtatanim ng halamang gulay
b. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN (Content Standard) naipamamalas ang pang-unawa sa panimulang
kaalaman at kasanayan sa pagtatanim ng gulay at ang maitutulong nito sa pag-unlad ng pamumuhay
c. PAMANTAYAN SA PAGGANAP (Performance Standard) naisasagawa nang maayos ang pagtatanim, pag-
aani, at pagsasapamilihan ng gulay sa masistemang pamamaraan
d. PAMANTAYAN SA PAGKATUTO ( Learning Competencies)
naisasagawa ang masistemang pagsugpo ng peste at kulisap ng mga halaman
1.6.1 intercropping
1.6.2 paggawa ng organikong pangsugpo ng peste at kulisap

II. NILALAMAN
A. PAKSA
1.6.1 intercropping
1.6.2 paggawa ng organikong pangsugpo ng peste at kulisap

B. CODE:
EPP5AG 0c-6

III. KAGAMITANG PANTURO:

A. SANGGUNIAN
1. GABAY NG GURO
MELC, PIVOT BOW, SELF LEARNING MODULES, CG 2016
B. IBA PANG KAGAMITANG PANGGURO

Classroom-Based Activities
IV. PAMAMARAAN:
A. PAGGANYAK

Anong insekto ang madalas kumain ng inyong pananim na halaman?

Paanong paraan ang iyong gagawin upang ang mga insekto ay pasugpo?
B. PAKITANG - TURO/ PAG - UUGNAY NG MGA HALIMBAWA SA BAGONG ARALIN

Upang magkaroon ng masaganang ani ang isang magsasaka, kailangang puksain nito ang anumang peste o kulisap
na naninirahan sa kanyang taniman. Ang peste ay alin mang sakit na nagsasanhi ng kamatayan ng halaman
samantalang ang kulisap naman ay insekto na siyang kumakain sa mga dahon, balat o kahoy. Kailangang malaman
kung anong uri ng peste o kulisap mayroon ang isang halaman sapagkat iba-iba ang paraan ng pagpuksa nito. Ang
maling paraan ng pagpuksa sa kanila ay maaring magdulot ng pinsala ng mga tanim.

C. PAGTATALAKAY NG BAGONG KONSEPTO AT PAGLALAHAD NG BAGONG KASANAYAN

Mga Paraan ng Pagpuksa ng mga Peste o Salot sa mga Halaman

A. Paghahalo ng dinurog na sili o katas ng dahon ng Neem Tree sa tubig na pandilig
B. Pagpapausok sa mga puno at halaman gamit ang mga tuyong dahon o damo. Tiyaking usok lamang ang lalabas at
hindi apoy.
C. Ang mga kulisap na sumisira o kumakain sa mga dahon ng mga halaman ay alisin kaagad.
Mga Kulisap na Naninira sa mga Halaman at Paraan ng Pagpuksa Dito
I. Armored Scale (Family Diaspididae)
Mapaminsala sa mga punongkahoy
 Panatilihing malinis ang kapaligiran at linisin lagi ang mga dahon
at puno ng mga halaman.
 Maaring gumamit ng pamatay-kulisap tulad ng Parathion.

II. Ring Borer

 Insekto na bumubutas sa mga dahon o balat ng halaman
 Gumamit ng panghuling may ilaw upang mahuli at mapuksa ang gamugamu.
 Alisin ang mga dahong tuyo na at bahaging may sakit at sunugin ito.
 Maaring gumamit ng pamatay-kulisap tulad ng Methyl Parathion.

III. Melon Aphid

Naninirahan sa ilalim ng mga dahon na nagiging sanhi ng pagkulot ng mga ito.
 Parang kuto
 Mapupuksa sa pamamgitan ng pagwiwisik ng Endrin, Malathion at Serin.
IV. Plant Hoppers
Gumagapang sa damuhan at nangingitlog sa malagong tanim.
Pinupuksa ito tuwing tag-araw sa pamamagitan ng paggamit ng sprayer na may lamang pestesides.
V. Leaf Rollers
 Binubutas ng mga ito ang dahon
 Kayasin ang lahat ng dahon o foliage hanggang maiwan ang buong panloob na sanga
VI. Webworm
 Ang tanim na may ganitong kulisap ay magkakaroon ng malubhang pagka-ubos ng mga dahoon
 Pagputol at pagsunog ng sapot na kasama ang uod ang paraan ng pagpuksa nito
VII. Ladybug
 Ang mga dahon na may ganitong insekto ay nagkukulay-balat at
nalalagas.
 Pagsisiga o pagpapausok ang paraan ng pagpuksa nito

Ang mga peste at kulisap na naitala sa itaas ay suliranin sa mga halamanan. Nabubuhay ang mga ito sa pagkain ng
mga bahagi ng halaman katulad ng ugat, dahon, malalambot na bahagi ng sanga, bulaklak, at prutas.
Nararapat lamang na sugpuin ang problemang dulot nito sapagkat ang kalidad at dami ng mga bunga, ang pagtubo
at paglaki ng mga halaman, at ang gugugulin sa pagtatanim ay higit na naaapektuhan. Lahat ng halaman, dinadayo
at dinudumog ng mga insekto at peste. Ang mga insekto, ang karaniwang inaatake ay ang dahon, tangkay at
mismong bunga ng mga halaman. Ang mga peste naman, karaniwang nginangatngat ang mismong binhi o di kaya
naman ay ang ugat at base ng puno. Ang pangkaraniwang alituntunin, pag insekto ang sinusugpo, insecticide ang
gagamitin. Kapag peste naman, pesticide, siyempre. Karamihan sa mga peste ay fungi, galing mismo sa
punla o sa lupang pinagtataniman.

D. PAGLINANG NG KABIHASAAN (TUNGO SA FORMATIVE ASSESSMENT)

GAWAIN 1
Kompletohin ang tsart sa ibaba. Punan ang mga hinihingi sa bawat kahon.

E. PAGLALAHAT
Ano ang mga Paraan ng Pagpuksa ng mga Peste o Salot sa mga Halaman?
Ano ang mga Kulisap na Naninira sa mga Halaman?

F. PAGTATAYA

GAWAIN 2
Piliin sa Hanay B ang paraan ng pagpuksa ng bawat peste o kulisap na iyong natutunan.

A. TAKDANG ARALIN

Pumili nang isang kulisap na iyong natutunan at iguhit ito sa short bondpaper. Sa ilalim ng iyong iginuhit, lagyan ng
pangalan ng kulisap na iyong napili. (3 puntos ang isang guhit)
PROFICIENCY

You might also like