You are on page 1of 9

SELF-LEARNING MODULE

GRADE 5
N
QUARTER 1

WEEK 6
arts

• Creates mural and drawings of the old houses, churches or buildings of his/her
MOST community. (CODE: A5PR-1g)
ESSENTIAL • Participates in putting up a mini-exhibit with labels of Philippine artifacts and
LEARNING houses after the whole class completes drawings. (CODE: A5PR-Ih )
COMPETENCIES

TOPICS • PAGGAWA NG MURAL


• PHILIPPINE ARTIFACTS AND HOUSES

INAASAHAN

Ang modyul na ito ay ginawa para sa mga batang mag-aaral na nasa Ika-limang
Baitang. Layunin ng modyul na ito na makaguhit ng mga sinaunang bagay, bahay,
simbahan, gusali mula sa sariling bayan/ bansang Pilipinas sa pamamagitan ng cross
hatching technique, geometrikong hugis, espasyo na may ritmo at balance bilang disenyo,
masuri ang gamit ng mga linya, hugis at espasyo at ang prinsipyong paulit-ulit na ritmo at
balanseng asymmetrical at symmetrical balance mapahalagahan ang mga sinaunang
bagay, bahay, gusali, mga simbahan na binuo noong unang panahon.at maipagmalaki
ang katangi-tanging kagandahan at kahalagahan ng murals at pagpapanatili ng mga ito
upang lalong makilala ang ating bansa.

Layunin ng modyul na ito na matutunan mo rin ang iba’t ibang teknik sa paggawa ng
obra o likhang-sining tulad ng shading, paggawa ng ilusyon ng espasyo at 3D effect,
makakagawa ka ng isang obra gamit ang mga patapong bagay sa inyong tahanan sa
paraan ng pagrerecycle, at akibahagi sa exhibit gamit ang mga likhang-sining o obra
tungkol sa Disenyong Arkitektural at Arkeolohikal na Artifact ng bansa.

1
MAIKLING PAGPAPAKILALA
NG ARALIN

Maraming Pilipino noong unang panahon ang nakatira sa payak ngunit sapat sa
gamit na tirahan. Isang halimbawa nito ay nailahad sa awiting “Bahay Kubo”. Ang
bahay kubo ay salamin ng ating payak na tirahan ngunit maaliwalas at akma sa
topograpiya ng bansa. Ang ibang tirahan naman ay nagpapahayag ng katayuan ng
isang tao sa lipunan.
Ang mga masining na Disenyong Arkitektural mula sa ating pamayanang kultural
ay isa sa mga pamana ng sining sa ating bansa na bahagi na ng kasaysayan. Ang Calle
Crisologo sa Vigan, Ilocos Sur at pamayanan sa Intramuros ay mga halimbawa ng mga
sinaunang pamayanang cultural na yaman ng ating kasaysayan.
Mayaman din ang ating bayan sa Philippine Artifacts na nahukay sa iba’t ibang
bahagi ng bansa. Ang mga artifact na makikita sa aklat at museo ay iniingatan at
ipinananatili ang orihinal na anyo upang makita ng susunod na henerasyon. Ilang
halimbawa ng arkeolohikal na artifact ay mga banga, palayok, pana at bolo na
ginagamit ng ating mga ninuno sa pangangaso.
May mga teknik na maaari mong magamit sa paglikha ng iyong obra.
Teknik ng Shading
Ito ay paraan na ginagamitan ng lapis, krayola, o water color upang padiliman o
lagyan ng kulay ang drawing. Ang iba’t ibang teknik ng shading ay magagamit sa
pagpapakita ng mga detalye ng disenyo at ng lalim, kapal at tekstura ng bagay na
ginuguhit. Meron itong dalawang uri ang Cross-hatching at contour shading na
natutunan mo sa nagdaang mga aralin.
Paggawa ng Ilusyon ng Espasyo
1. Pagkakapatong-patong o overlapping ng mga bagay
Mas malapit tingnan ang isang bagay na iginuhit na nakapatong o nasa harap ng isang
bagay.
2. Posisyon ng mga bagay
Ang bagay na nasa bandang itaas ng isang larawan ay nagmumukhang mas malayo
sa mata ng tumitingin sa larawan.
3. Sukat ng mga bagay
Ang mga bagay na mas maliit ay nagmumukhang mas malayo.
4. Detalye ng mga bagay
Kapag mas malayo ang isang bagay, mas kaunti ang masisinagang detalye nito.
5. Kulay ng mga bagay
Mas madilim ang kulay ng mga bagay na mas malapit sa tumitingin habang mapusyaw
ang nasa malayo.

2
6. Perspektibo
Ito ang paggamit ng mga linya sa paglikha ng ilusyon ng espasyo.
Paglikha ng Three-Dimensional 3D Effect sa Pagguhit
Maaaring palabasin ang ilaw at anino sa ginuguhit sa pamamagitan ng iba’t-ibang
teknik ng shading.
Nakakita na ba kayo ng mural ? Ano kaya ang ginagawa ng mga bata?

Saan sila gumuguhit ng larawan?

Ang mural ay isang likhang-sining na kung saan nilalagayan ng artwork ang isang pader kisame o
kahit na anong estrukturang pang-arkitektura. Marami sa ating mga lumang bahay, simbahan, at
gusali sa komunidad ang kakikitaan nito. Kadalasan, ang mga mural ay nagbibigay ng mas malakas
na kagandahan sa arkitektura. Maari ring ipinta muna sa isang canvas at saka ito isabit sa pader.

3
GAWAIN 1
A. Panuto: Lumikha ng Disenyong Arkitektural. Sundin ang mga hakbang sa ibaba;
Disenyong Arkitektural (Bahay Kubo)

Mga Kagamitan: bond paper, lapis, krayola o anumang panguhit, mga recycled papers.
Hakbang sa Paggawa:
1. Ihanda ang kagamitan sa pagguhit at pagkulay.
2. Gamit ang lapis, gumuhit ng disenyong arkitektural sa pamayanang cultural sa recycled paper.
3. Gamitan ng naangkop na teknik ng shading upang makita ang detalye ng disenyo.
4. Pagkaguhit, kulayan upang mas lalong tumingkad ang mga disenyo.
5. Sikaping maging malinis at maayos ang ginawang obra.
Rubrik Para sa Disenyong Arkitektural (Bahay Kubo)
Mga Sukatan Nasunod Nasunod Hindi
ang mga ang nasunod ang
pamantayan pamantayan pamantayan
subalit may
hindi
nagawang
teknik
5 3 2
1. Nailarawan ko ba ng tama ang
disenyong arkitektural sa
pamamagitan ng aking iginuhit?

2. Nagamit ko ba ang angkop na


paraan ng shading
3.
4. Napahalagahan ko ba ang
disenyong arkitektural mula sa
pamayanang cultural sa aking
obra?

5. Nakadama ba ako ng kasiyahan


sa aking sining?

B. Panuto: Pumili ng isang Arkeolohikal na Artifact sa Bansa (banga, palayok, pana o bolo)
Arkeolohikal na Artifact ng Bansa Wall Décor

4
Kagamitan: lapis, recycled na karton at panali , gunting, pandikit, krayola o oil pastel o water
color
Mga Hakbang sa Paggawa
1. Pumili ng isang arkeolohikal na artifact ng bansa.
2. Mula sa recycled na karton, iguhit ang napiling arkeolohikal artifact.
3. Kulayan nang maayos ang mga espasyo sa ibang bahagi upang maging maganda at
kaakit-akit.
4. Tingnan ang bagsak ng ilaw sa ginuguhit. Gumamit ng mga teknik ng shading para
maipakita ang bagsak ng ilaw at makalikha ng ilusyong 3D sa ginagawang likhang-sining.
5. Kumuha ng tali at ilagay sa magkabilang dulo.

Rubrik Para sa Arkeolohikal Artifact Wall Decor


Mga Sukatan Nakasunod Nakasunod Hindi
ang mga ang nasunod ang
pamantayan pamantayan pamantayan
ng higit sa subalit may
inaasahan ilang
pagkukulang
5 3 2
1. Nakasunod ako nang tama sa
mga hakbang sa paggawa ng
arkeolohikal artifact wall décor.
2. Malinis at maayos ang
pagkakakulay sa wall Decor
3. Nagamit ang mga teknik ng
shading upang makalikha ng
ilusyong 3D.
4. Nailigpit ko ag mga ginamit sa
pagbuo ng likhang-sining o obra.

Ibahagi ang nagawang obra sa gaganaping exhibit ng ating pangkat.

5
GAWAIN 2

GAWAIN 1 (KULAYAN MO AKO)

Kagamitan:

bond paper o anomang malinis na papel, lapis, crayons o oil pastel

Hakbang sa Paggawa:

1, Kumuha ng bond paper o anumang malinis na papel. Tingnan ang nakapaskil na


larawan sa unahan na isang manunggul jar.

2. Matamang pagmasdan ang mga ito at iguhit sa papel gamit ang lapis.

3. Gamitin ang teknik na natutunan sa naunang aralin, halimbawa contour shading


at kulayan ito.

4, Ipakita rin ang uri ng balanse. Ito ba ay Pormal o symmetrical balance o di- Pormal
o asymmetrical balance.

5. Ipaskil ang iyong gawa.

GAWAIN 2 PAGGAWA NG MURAL

Mga lumang bahay, simbahan o gusali sa komunidad

Kagamitan:

white cartolina, lapis, marker, crayon, oil pastel

6
Mga Hakbang sa paggawa:

1. Gumawa sa white cartolina ng mural ng komunidad kung saan naipapakita ang alin
man sa sumusunod na artifact – lumang bahay, simbahan o gusali sa iyong
komunidad.

2. Gamitin ang imahinasyon upang makabuo ng kakaiba at orihinal na disenyo.


3. Gumamit ng shading o iba pang paraan sa pagguhit at siguraduhing may balance,
maaring Symmetrical o Asymmetrical, gamitin ang natutunan mo sa mga naunang
aralin.
4. Kulayan ng maayos ang iginuhit, maaring gumamit ng layering o pagpatong-
patong ng mga kulay upang ito ay maging maganda at kaakit-akit gamit ang
crayon o oil pastel.
5. Kapag tapos na ang iyong ginawang likhang-sining maari na itong ipaskil sa pader
at kuhaan ng litrato at ipakita sa guro.

RUBRIK SA PAGGAWA NG MURAL

Mga Sukatan Nakasuno Nakasunod Hindi


d sa sa nakasuno
pamantay pamantay d
an ng higit an subalit
sa
sa may
pamantay
inaasahan
ilang an
pagkukula
ng
3 pts.
1 pt.
2 pts.

1. Nalaman ko ang kahalagahan


ng mural

2. Nailarawan ko ang aking


komunidad sa pamamagitan
ng pagguhit ng mural.

3. Nakalikha ako ng mural ng


aking komunidad.

4. Naisaayos ko ang mga


kagamitang ginamit.

7
TANDAAN
Ang mga Pilipino ay likas na malikhain at may malalim na kaalaman sa
sining. Makikita ang mga katangiang ito sa mga Arkeolohikal na Artifact at
Disenyong Arkitektural sa mga pamayanan.
Naipapakita ang mga disenyong sining sa Arkeolohikal na Artifact at Disenyong
Arkitektural sa pamamagitan ng pamamaraang; shading, paggawa ng ilusyon
ng espasyo at 3D effects .
Mahalaga ang mga artifact sa ating sining at disenyong arkitektural sapagkat
ipinakikita nito ang kasaysayan, kabuhayan, at paraan ng pamumuhay noong
unang panahon. Sa pamamagitan ng paglikha mo ng sining o obra
napapahalagahan mo at napapaunlad ang ating pagkakakilanlan bilang
Pilipino.
Ang mural ay larawang nakapinta sa pader. Marami sa ating mga lumang
bahay, simbahan at gusali sa komunidad ang kakikitaan nito. Maari ring ipininta
muna sa isang canvas at saka isabit sa pader.
Gamitin ang imahinasyon upang makabuo ng kakaiba at orihinal na disenyo
sa paggawa ng mural. Ipakita ang shading o ibat-ibang teknik sa pagguhit at
siguraduhing may balance, maaring symmetrical o asymmetrical na natutunan
sa mga naunang aralin..

PAG-ALAM SA MGA
NATUTUHAN
Ating alamin ang iyong natutuhan sa ating aralin. Sagutin ng Tama kung ang
pahayag ay may katotohanan sa aralin at Mali kung walang katotohanan.
______ 1. Ang mga Pilipino ay may malikhaing sining na makikita sa Disenyong
Arkitektural sa mga sinaunang pamayanan.
______2. Noong unang panahon, ang katayuan ng isang Pilipino ay nasusukat sa
uri ng kanyang tirahan.
______3. Nakakalikha ng natatanging disenyong arkitektural sa tulong ng
pamamaraang shading.
______4. Nagiging hindi maganda ang isang disenyo kapag ginagamitan ng
shading.
______5. Maaaring makalikha ng isang obra sa mga patapong bagay tulad ng
lumang karton at papel.

8
PANUTO: Punan ng angkop na impormasyon ang kasunod na chart. Isulat sa iyong kwaderno
ang sagot.

Ang aking mga natutuhan sa araling Madali kong naisakatuparan ang


ito ay___ mga gawain tulad ng

Ang aking mga tanong sa araling ito Nahirapan ako na


ay______ mapagtagumpayan ang mga
gawain tulad ng___________________

____________________________________
____ ____________________________________
____
____________________________________
____

You might also like