You are on page 1of 23

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
SCHOOLS DIVISION OFFICE
Quezon City
Nueva Ecija St. Bago Bantay
MAPEH 5
Yunit III – Paglilimbag Aralin Bilang 6
Buod ng Aralin
Art History Art Production Art Criticism Art Appreciation
Ang mga Filipino ay Nakakapaglimbag na Nasusuri ang bawat Napapahalagahan ang
sadyang malikhain sa gamit ang goma at paraan sa paglilimbag sariling gawa at gawa ng
paglilimbag gamit ang kahoy mga mag-aaral
iba’t-ibang bagay

I. LAYUNIN
a. Natutukoy ang pagkakasunud-sunod na paraan sa pagsasagawa ng malikhaing paglilimbag
b. Nakaguguhit sa goma/kahoy ng iba’t-ibang imahe na maaring gamitin sa paglilimbag
c. Nakauukit ng iba’t-ibang imahe sa goma/kahoy gamit ang matalim na pang-ukit

II. PAKSANG ARALIN


Pagsunod sa mga Paraan sa Paggawa ng Paglilimbag Gamit ang Goma/Kahoy
Elemento ng Sining: hugis, kulay
Prinsipyo ng sining: contrast
Sanggunian: k-12 Curriculum Guide Art (Grade 1-10)
Kagamitan: goma, kahoy, cutter, lapis, ink, stamp pad, glue or rugby

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain:
1. Awit
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak:
Anu-ano ang mga bagay na nakikita ninyo sa ating mesa?
2. Pagtalakay sa Aralin:
- Ipakita ang gawang sining sa mga bata
- Paano nagagamit sa paglilimbag ang mga bagay tulad ng tansan, takip, ng bote, atbp.
- ngayon ay matututuhan natin gumawa ng paglilimbag gamit ang goma/kahoy
3. Paraan sa Paggwa
- Pagsasabi ng mga alituntunin sa pagsasagawa ng paglilimbag
- Pakitang turo ng guro
- Paghahanda ng mga bata sa kanilang kagamitan
- Pagbibigay ng “task card” sa bawat grupo
(Pangkatang Gawain)
TASK CARD

Paglilimbag Gamit ang goma/kahoy

1. Gamit ang “rubber” o goma gumuhit ang imaheng naibigan nyo.


2. Pagkatapos iguhit ang imaheng napili unti-unting ukitin ang bahagi ng goma na walang imahe.
3. Sa pag-uukit kailangan lahat ng may iginuhit na imahe ay maiwan sa goma, upang ito ang magamit sa
paglilimbag.
4. Idikit ang goma na may inukit na imahe sa kahoy sa pamamagitan ng paggamit ng rubgy.
5.Maari ng gamitin ang nagawang sining sa pag pi-print gamit ang stamp pad.

C. PANGWAKAS NA GAWAIN:
1. Pagbibigay puna sa mga gawa ng bawat grupo.
2. Pagbibigay ng marka sa bawat gawa ng grupo

D. PAGTATAYA:
Lagyan ng tsek ( ) ang column na iyong nasunod ayon sa antas ng iyong nagawa.

Kasanayan Naisagawa ng maayos Naisasagawa nang Naisagawa ng may


at higit pa maayos kaunting pagkukulang
1. Makapaglimbag ka
ba ng iyong sariling
disenyo at hindi ginaya
ang iba?
2. Naging malikhain ka
ba sa inyong mga
kagrupo sa paggawa ng
task?
3. Nakipagtulungan ka
ba sa inyong mga ka
grupo sa paggawa ng
task?
4. Nakasunod k aba sa
mga pamamaraan sa
paggawa ng rubber
printing?
5. Nakalikhang? k aba
ng maayos at malinis na
rubber print

IV. KASUNDUAN

Gumawa sa bahay ng iba pang rubber printing, gamit ang ibang imahe.
Inihanda ni:

Evangelina R. Bautista
Diosdado P. Macapagal Elementary School

Binigyan – pansin nina:

MENCIO L. RUBIO BELINDA L. GUIAMBANGUNA


Tagapagsanay Tagapagsanay

Pinagtibay ni:

CRISPIN D. DUKA
Tagamasid Pansangay sa MAPEH

Paksang Aralin: Paglilimbag


Ikatlong Markahan
Unit III ; Aralin 4

ART HISTORY
Ang mga Filipino ay likas na malikhain at may kakayahan sa paggamit ng iba’t ibang bagay at
kagamitan.

ART PRODUCTION
Nakakagawa ng mga disenyo sa pamamagitan ng paggamit ng mga bagay katulad ng dahon,
tansan, takip ng bote at matitigas na bagay.

ART APPRECIATION
Napapahalagahan ang sariling likha at ang mga likha ng mga mag-aaral.

ART CRITICISM
Nasusuri ang paraan ng paglilimbag.

I. Layunin:

A. Naipapakita ang kakayahan sa paggamit ng iba’t ibang bagay at kagamitan sa


paglimbag tulad ng banana stalk, takip ng bote, dahon, walis tingting at iba pang
patapong bagay.
B. Napahahalagahan ang paglimbag ng iba’t ibang disenyo
C. Nakalilimbag ng iba’t ibang disenyo na may pantay at matingkad na kulay.

II. Paksang Aralin: Paglilimbag


Elemento ng Sining: Kulay, Hugis
Kagamitan: dahon. Walis tingting, takip ng bote, tansan
Sanggunian: A5PR-IIIg

III. Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Anu-ano ang mga nalikha na ninyo na naipanregalo o naibenta?
Nakatulong ba ito sa pamumuhay ninyo: Bakit?

B.Panlinang na Gawain
1. Pagganyak:
Tanungin ang mga mag-aaral kung nakaranas na silang maglimbag.
2. Pagtatalakay sa Aralin
a. Magpakita ng mga larawan sa paglimbag na ginagamitan ng banana
stalk, dahon o tansan at may pantay na kulay.
b. Tatanungin ang mga bata kung ang mga patapong bagay at iba pang
bagay sa kapaligiran ay nakakalikha rin ba ng mga iba’t ibang disenyo.
c. Tatalakayin ang mga kagamitan sa paglilimbag.
d.Ipakilala ang likhang sining sa mga mag-aaral.
e.Ipaliwanag ang paraan ng paggawa.
f.Pagtatakda ng pamantayan.
g. Pagguhit// Paggawa ng mga mag-aaral.
h. Pagsubaybay ng guro sa paggawa ng mga mag-aaral

C. Pangwakas na Gawain
1. Pagsama - samahin ang mga magkakaugnay na disenyong nabuo. Bumuo ng
tugma tungkol sa mga ito.

D. Paglalagom
Nararapat na pahalagahan ang mga bagay na nakapaligid sa atin sa
pamamagitan ng paggamit nito sa kapaki-pakinabang na gawain.

IV. Pagtataya:

Sagutin ng buong katapatan ang bawat tanong sa tseklis. Lagyan ng tsek ( ) ang kolum ng
angkop na kasagutan.

Mga Tanong Oo Hindi Di-tiyak

1. Nagamit ko ba
nang maayos ang
mga patapong bagay
tulad ng tansan, takip
ng bote at walis
tingting sa
paglilimbag?
2. Naipamalas ko ba
ang kasanayan sa
paglilimbag gamit
ang iba’t ibang bagay
mula sa paligid?

3. Nagamit ko ba ang
mga dalawang paraan
ng paglilimbag sa
paglikha ng mga
disenyo?

4. Nasunod ko ba nag
mga hakbang sa
paglilimbag?

5. Naipamalas ko ba
ang kawilihan sa
paggawa ng likhang
sining?

V. Kasunduan:
Gumawa ng mga disenyo sa pamamagitan ng paglilimbag na ginagamitan ng mga bagay
na nakikita sa kapaligiran at iba pang patapong bagay.
Inihanda ni:

Yunit III –Paglilimbag


Araling Bilang 3
Buod ng Aralin
Art History Art Production Art Criticsm Art Appreciation
Nakagawa ng iba’t Nasusuri ang paraan ng Napahahalagahan ang
Ang Pilipinas ay hitik
ibang disenyo sa paggawa ng iba’t ibang sariling gawa at kamag-
sa likas na yaman na
pamamagitan ng mga disenyo. aral.
ginagamit sa paglikha
patapong bagay na
ng iba’t ibang disenyo
makikita sa paligid.
sa paglilimbag tulad ng
okra, patas, dahon, at
iba pa na siyang
nagbibigay ng ganda sa
iba’t ibang gawaing
pansining.

I-Layunin:
1. Naipapakita ang kakayahan sa paggamit ng iba’t-ibang bagay at kagamitan sa paglilimbag.
2. Nakakalikha ng disenyo sa pamamagitan ng iba’t ibang patapong bagay at pagkuskos ng
krayola.
3. Nadarama ang kawilihan sa pagsasa ng gawaing sining
II-Paksang Aralin: Paglilimbag
Elemento ng sining- Tekstura
Prinsipyo ng Sining- Contrast
Kagamitan- pangkulay, krayola, patapong bagay, dahon, corrugated cardboard at iba pang
nakikita sa paligid.
Sanggunian- Sanayang Aklat Musika, Sining at Edukasyong Pagpapalakas ng Katawan.
III-Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
Ipaawit – sa himig ng “Magtanim ay Di Biro”.
Ibig mo bang bumuo ng disenyong bulaklak?
Maisasagawa ito sa paraang paglilimbag.
Iba’t ibang disenyo ay kaya ring buuin
Kung imahinasyon ay inyong pagaganahin.
Maaaring gamitin ang bagay sa paligid.
Akala lang ay patapon ngunit may silbi pa rin.
Magkulay, magpinta, magsaya at gumawa.
Maglimbag, maglimbag, halina at maglimbag.

B. Panlinang na Gawain:

1. Pangganyak:
Tanungin ang mga mag-aaral kung ano ang nakikita nila sa harapan.
Saan natin ito makikita?

2. Pagtalakay sa aralin:
a. Ipakita ang iba’t ibang bagay na maaaring gamitin sa paglilimbag na
ginagamitan ng tuyong dahon, corrugated cardboard, krayola, dahon at
iba pang makikita sa paligid.
b. Anong ibig sabihin ng paglilimbag?
c. Talakayin kung paano gagamitin ang mga kagamitan sa paglilimbag.
d. Lumabas at maghanap ng mga bagay na maaaring gamitin sa
paglilimbag.

C.
e. Pag-usapan ang tuntunin sa paggawa ng pangkatang gawaing sining.
1.Pumili ng mga bagay na may teksturang taktil tulad ng cardboard,
dahon, krayola, papel at iba pa.
2. Gupitin ang mga ito sa hugis na nais ninyo.
3. Ayusin ang mga ginupit na bagay upang makabuo ng disenyo.
4. Ipatong sa isang puting papel ang mga bagay. Ikuskos ang krayola sa
papel hanggang sa lumitaw ang tekstura ng bagay ng nasa ilalim ng
papel.

3. a. Pagsasagawa ng mga bata. (Pagsubaybay ng guro sa mga bata habang gumagawa ng


gawaing sining).
3.b. Pagligpit ng pinaggawaan.
C. Pangwakas na Gawain:
c.1. Pagpapaskil ng natapos na gawain.
c.1.1. Gallery walk sa pangunguna ng art curator ng bawat pangkat.
c.2. Pagsusuri ng ginawa.
Elemento ng sining : Textura
Prinsipyo ng sining : Contrast (makapal/manipis)
D. Paglalapat
1. Paano mo ginamit ang mga bagay na nakita mo sa paligid?
2. Anong tekstura ang inyong ginamit?

E. Pagtataya
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot:
1. Ito ay gawaing sining na ginagamitan ng iba’t ibang patapon na bagay tulad ng okra,
patatas, dahon, at iba pa na siyang nagbibigay buhay at ganda sa mga gawaing
pansining.
A. Pagguhit B. Pagpipinta
C. Paglilimbag D. Paglililok

2. Alin sa mga sumusunod ang kadalasang ginagamit sa paglilimbag


na makikita o matatagpuan sa paligid.
A. Dahon B. Tinta
C. Makina D. Papel

Sagutan ang rubriks ayon sa iyong ipinakitang kakayahan sa paggawa ng sining. Lagyan ng tsek
ang kahon.

Kasanayan Naisasagawa nang Naisagawa nang Naisasagawa nang


maayos at higit pa sa maayos ayon sa may kaunting
inaasahan. inaasahan. pagkukulang.
1. Nakagawa ng
disenyo gamit ang
ibang materyales at
bagay nasa paligid at
may kaayusan sa
itinakdang oras.
2. Naging malikhain
sa pagsasagawa ng
disenyo.
3.Naipakita ang
ccontrast ng maliit at
malaking sa
disenyong nilimbag.
IV. Kasunduan:

Magtala ng 5 patapong bagay na matatagpuan sa inyong bahay na maaaring gamitin sa


paglilimbag.

Disyembre 13, 2016


Martes
10:00-10:20 V-Mapagpakumbaba 2:20-2:40 V- Masunurin
10:20-10:40 V-Masikap 2:40-3:00 V- Matapat
10:40-11:00 V- Maalalahanin 3:00-3:20 V- Matiyaga
11:10-11:30 V- Magalang 3:20-3:40 V- Maparaan
12:00-12:20 V-Matulungin
Banghay Aralin sa sining
3rd QUARTER

ART HISTORY ART PRODUCTION ART CRITICISM ART APPRECIATION

Ang mga Pilipino ay Nakalilikha ng Nasusuri ang paggawa Napahahalagahan ang


likas na malikhain sa “ Scrapbook “ sa ng “Scrapbook”. sariling gawa at gawa ng
paggawa ng likhang pamamagitan ng kamag-aral.
sining gamit ang mga paggamit ng mga
recycled materials. recycled materials.

I. Layunin :
1. Nasasabi ang mga kagamitang maaaring gamitin sa paglilimbag.
2. Nakalilikha ng “ Scrapbook “ sa pamamagitan ng ng mga recycled materials sa kapaligiran.
3. Nakabubuo ng kaaya-ayang disenyo sa “ Scrapbook “ na gagawin.

II. Paksang Aralin : Paglilimbag


Elemento ng Sining : linya , tekstura
Prinsipyo ng Sining :
Kagamitan : Lumang magasin, mga recycled materials tulad ng takip ng bote, butones, retaso ng
tela atbp.
Sanggunian : Sanayang aklat sa MSEP
III. Pamamaraan :
A. Panimulang Gawain :
Balik – Aral
Itanong sa mga mag-aaraal kung anu-anong kagamitan ang maaaring gamitin sa paggawa ng
paglilimbag.
B. Panlinang na Gawain :
1. Pagganyak
Aawit ang mga mag-aaral sa tono ng
“ Fur Elise “.
Huwag basta itapon ang basura nyo,
Pagpilian to, itago nyo.
Magagamit ang mga ito,
Sa mga iba’t ibang paraan.

2.
Pagtatalakay sa Aralin :
a. Magpapakita ang guro ng mga recycled materials na makikita sa kapaligiran.
b. Tatanungin ang mga mag-aaral kung anu-ano ang maaari nilang gawin dito upang
mapakinabangan muli.
3. Ipakikilala ang likhang sining na kanilang gagawin ( Scrapbook ).
4. Ituro ang pagiging masinop, matipid at malikhain.
5. Ipaliliwanag ang paraan ng paggawa
“ SCRAPBOOK MAKING “
Mga Kagamitan : Mga recycled materials tulad ng takip ng bote, butones, retaso ng tela atbp., pandikit, gunting,
krayola.
Mga hakbang sa paggawa :
a. Ihanda ang mga kagamitan.
b. Pagsama-samahin ang mga recycled materials upang makagawa ng maganda at
kaaya-ayang disenyo.
c. Idikit ang mga recycled materials ayon sa disenyong napili.
d. Gumuhit ng iba pang disenyo gamit ang krayola .
e. Ilagay na ang mga nagawang paglilimbag sa loob ng “scrapbook” na nabuo.
f. Ipakita sa harap ng klase ang natapos na likhang sining ( scrapbook ).
6. Pagbibigay ng mga alituntunin sa mga mag-aaral habang ginagawa ang likhang sining.
7. Paggawa ng mga mag-aaral
Pagsubaybay ng guro sa mga mag-aaral habang ginagawa ang likhang sining na “
scrapbook ‘.
C. Pangwakas na Gawain :
1. Pagpapaskil ng mga natapos na Gawain.
2. Pagsusuri ng ginawa.
a. Elemento ng sining
b. Prinsipyo ng sining
D. Rubrics
Lagyan ng masayang mukha ang angkop na kahon. Gawin ito sa sagutang papel.

Sukatan Higit na nasunod Nasunod ang Hindi nasunod ang


ang pamantayan sa pamantayan sa pamantayan sa pagbuo
pagbuo ng likhang pagbuo ng likhang ng likhang sining.
sining. sining .
1.Nakabuo ako ng scrapbook gamit
ang ibat ibang recycled materials.
2.Nagamit ko ang sariling mga linya
at tekstura ayon sa disenyong nabuo.
3.Naipakita ko ang pagpapahalaga ng
pagiging matipid at malikhain sa
pamamagitan ng paggamit ko ng
aking ginawang likhang sining.

IV. Pagtataya
Pagsunud-sunurin ang mga paraan ng paggawa ng “ Scrapbook “. Isulat ang bilang 1-5 sa
espasyo.
_______ Ilagay na ang mga nagawang paglilimbag sa loob ng
“scrapbook” na nabuo.
_______ Ihanda ang mga kagamitan.
_______ Ipakita sa harap ng klase ang natapos na likhang sining
( scrapbook ).
_______ Pagsama-samahin ang mga recycled materials upang
makagawa ng maganda at kaaya-ayang disenyo.
_______ Idikit ang mga recycled materials ayon sa disenyong napili.
V. Takdang Aralin :
Sagutin ang mga tanong at isulat sagot sa inyong kwaderno.
1. Anu- ano ang kahalagahan ng paggamit na muli ng mga recycled materials ?
2. Ano pa maaaring paggamitang mga recycled materials ?
Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office
Quezon City
Nueva Ecija St., Bago Bantay, Quezon City

Banghay Aralin sa Sining


Ikalimang Baitang

Yunit III Printmaking


Aralin 1 Bilang 4 Linoleum, Rubber Print o Wood Print of a Philippine Mythological
Creature

Art History
Ang mga Pilipino ay sadyang mahuhusay ang mga kamay sa paglikha ng mga bagay-
bagay mula sa sinaunang pagguhit sa mga bato, kung saan makikita ang kanilang
kasaysayan hanggang sa panahon ngayon na kung saan inililimbag na ang disenyo sa iba’t
ibang midyum.

Art Production
Nakalilikha ng limbag ng iba’t ibang mythological creatures.

Art Criticism
Nasusuri ang kakayanan sa paglilimbag mula sa mga gawang mythological creatures.

Art Appreciation
Napahahalagahan ang sariling kakayanan sa paglilimbag mula sa mga gawang
mythological creatures.

I. Layunin
a. Naipapakita ang kakayanan sa paglilimbag sa pamamagitan ng mga gawang
mythological creatures mula sa linoleum, rubber print o wood print.
b. Nakagagawa ng limbag ng mga mythological creature mula sa linoleum,
rubber print o wood print.
c. Napahahalagahan ang kakayanan sa paglilimbag ng mga mythological
creatures mula sa linoleum, rubber print o wood print.

II. Paksang Aralin : Printmaking


Elemento ng Sining : Hugis, linya, tekstura, espasyo
Prinsipyo ng Sining :
Kagamitan :
Sanggunian : A5 PL-IIId

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balik-Aral
Magbigay ng mga gamit ng printed artwork.
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Pagbabasa ng isang kwento tungkol sa mga mythological creature.
Itanong sa mga bata:
Anu-anong mga mythological creature ang nabanggit sa kwento?
2. Pagtatalakay sa Aralin
a. Ipakita ang iba’t ibang midyum na ginagamit sa paglilimbag.
b. Magpakita ng halimbawa ng mga kagamitan sa paglilimbag.
c. Tatalakayin ang iba’t ibang midyum at pamamaraan sa paglilimbag.
3. Ipaliliwanag ang paraan ng paggawa
4. Pagtatakda ng Pamantayan
5. Paglilimbag ng mga bata ng iba’ ibang mythological creatures sa linoleum,
rubber print o wood print nang may gabay ng guro.

C. Pangwakas na Gawain
Pagpapaskil ng mga natapos na gawain.
Pagkukwento tungkol sa karanasan sa paggawa.

D. Rubrics
Lagyan ng tsek ang kolum ng inyong kasagutan.

PINAKA - DI-GAANONG
MAHUSAY
PAMANTAYAN MAHUSAY MAHUSAY
3
5 2
1. Naipapakita mo ba ang iyong kakayanan sa
paglilimbag ng mga Philippine mythological
creature sa linoleum, rubber print o wood
print?
2. Nakagawa ka ba ng isang Philippine
mythological creature mula sa linoleum,
rubber print o wood print?
3. Napahalagahan mo ba ang iyong kakayanan sa
paglikha ng mga nilimbag na Philippine
mythological creatures mula sa linoleum,
rubber print o wood print?

E. Paglalagom
IV. Pagtataya
Panuto : Isulat ang TAMA kung ang pahayag ukol sa paglilimbag ay katotohanan; MALI
kung hindi.
1. Ang paggawa ng bakas o marka ng isang bagay sa papel o tela ay tinatawag na
paglilimbag.
2. Ang pagpipinta ay isang teknik sa pagmimake-up.
3. Ginagamit sa paglilimbag ang mga bagay na may teksturang taktil.
4. Sa paglilimbag, inilalagay sa ilalim ng papel o sa ibabaw ang disenyong nais ninyo.
5. Maaaring gumamit ng bato sa pag-aapply ng pintura.

V. Kasunduan
Gumuhit ng larawan ng mga magagandang tanawin sa bansa gamit ang uri ng
paglilimbag na nais mo. Gawin ito sa isang puting papel.

Inihanda ni:

JULIE ANN VIC M. QUIACHON


Teacher
Rosa L. Susano-Novaliches Elementary School

Republic of the Philippines


Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office
Quezon City

Ikatlong Markahan
Yunit I Paglilimbag
Aralin Bilang 1 Mga Iba’t-ibang Mito at Alamat ng Pilipinas
Buod ng Aralin

Art History Art Production Art Criticism Art Appreciation

Ang mga Pilipino ay Nakagawa ng likhang- Nasusuri ang paraan ng Napapahalagahan ang
likas na malikhain, sining sa pamamagitan paglilimbag. mga kultura (mito at
mapamaraan at may ng paglilimbag. alamat) ng bawat
kakayahan sa paggamit lalawigan ng Pilipinas.
ng iba’t-ibang bagay na
nakikita sa kapaligiran.
I. Layunin
A. Natutukoy ang mga iba’t-ibang mito at alamat ng Pilipinas. (dwende,sirena,kapre atbp.)
B. Napapahalagahan ang paglimbag ng iba’t-ibang disenyo.
C. Nakalilimbag ng isang disenyo ng mga kilala ng mito at alamat ng Pilipinas.

II. Paksang Aralin: Paglilimbag


Elemento ng sining: Kulay, Porma
Prinsipyo ng sining:
Kagamitan: okra, kamatis, banana stalk, taro stalk, water color, drawing paper
Sanggunian: A5EL-IIIa

III. Pamamaraan
A. Panimulang gawain
1. Balik-aral
Anu-ano ang mga magagandang tanawin na makikita sa Pilipinas?
B. Paglinang na gawain
1. Pagganyak
Tanungin ang mga bata tungkol sa mga pinoy super heroes, maligno o mga lamang
lupa.
2. Pagtatalakay sa aralin
a. Magpakita ng mga larawan ng dwende, tik-tik, kapre, Darna, diwata at iba pa.
b. Tatanungin ang mga mag-aaral kung may narinig na silang kwento tungkol sa
mga kababalaghan o mga pinoy super heroes ng Pilipinas. (Darna, Captain
Barbel, Lastikman, Panday atbp)
c. Tatalakayin ang mga kagamitan sa paglilimbag.
3. Ipakilala ang likhang sining sa mga mag-aaral.
4. Ipaliliwanag ang paraan ng paggawa.
5. Pagtatakda ng pamantayan.
6. Paglimbag/paggawa ng mga mag-aaral.
7. Pagsubaybay ng guro sa paggawa ng mga mag-aaral.
C. Pangwakas na gawain
1. Pagpapaskil ng mga natapos na gawain.
2. Pagkukwento tungkol sa karanasan sa paggawa.
D. Rubrics

1. Nakapaglimbag
ng sariling
disenyo na
hindi ginaya sa
iba.
2. Naging
malikhain sa
paglimbag.
3. Nakasunod sa
pamantayan sa
paggawa.
4. Naging malinis
sa lugar-gawa
an.

5. Naging
mahusay sa
paggamit ng
mga materyales
sa paglimbag.
(Okra, banana
stalk,kamatis
etc.)

E. Paglalagom
Ang Pilipinas ay may mayamang kultura na naisalin-salin sa bawat henerasyon sa
pamamagitan ng mito,alamat at mga kwentong-bayan.
IV.Pagtataya
Panuto: Pagtambalin ang mga mitolohiyang nilalang sa hanay B na naglalarawan nito sa hanay A. Isulat ang titik
sa patlang.

A. B.
___1. Maliliit na tao. a. shokoy
___2. Miyembro ng bantay tubig na b. Panday
karaniwang lalaki. c. dwende
___3. Pinoy super hero na may espadang d. Darna
humahaba at lumiliit. e. aswang
___4. Babaeng nagpapalit ng anyo tuwing
kabilugan ng buwan na karaniwang
nahahati ang katawan.
___5. Pinoy super hero na lumulunok ng
mahiwagang bato.

V.Takdang Aralin
Magtanong ng mga mito o alamat mayroon sa inyong probinsya at ilarawan ito sa pamamagitan ng
paglilimbag.

Prepared by:
Mark James U. Manuel
Diosdado P. Macapagal Elementary School
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division Offices
Quezon City

Yunit III – Paglilimbag


Aralin Bilang 7
Buod ng Aralin

Art History Art Production Art Criticism Art Appreciation


 Likas na sa mga  Nakakalikha ng  Nasususri ang  Nabibigyang
Pilipino ang isang disenyo na mga paraang halaga ang
pagiging may iba’t – ibang ginagawa sa ginagawang
malikhain. Dito hugis, laki, at paglilimbag. disenyo at ang
nila kulay. kasanayang
naipapahayag nalinang sa
ang kanilang pagsasagawa ng
mga pananaw at paglilimbag.
saloobin.

I. Layunin
A. Nauunawaan ang tamang paraan ng paglilimbag.
B. Napapahalagahan ang paglilimbag at mga kagamitan para ditto.
C. Nakakagawa ng disenyong may iba’t – ibang kulay, hugis, at laki sa pamamagitan ng
paglilimbag.

II. Paksang Aralin : Paglilimbag


Elemento ng Sining : Kuay, Hugis, Sukat
Prinsipyo ng Sining : Balanse
Kagamitan : krayola, lapis, kartolina
Sanggunian : Sanayang Aklat sa MAPEH 5 ( Sining )

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balik – aral
Anu – ano ang mga kasanayang inyong ipinakita sa paggawa ng woodprint?
Ibahagi ito sa klase.
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Hayaang maglibot ang mga bata sa loobng paaralan at tanungin sila ng mga bagay na
kanilang nakita.
Ipalarawan ang mga ito.
2. Pagtalakay sa Aralin
a. papilihin sila ng isang bagy na nakatawag pansin sa kanila.
b. Ipalarawan ang bagay na kanilang napili.
c. Tatalakayin ang mga kagamitan sa paglilimbag.
3. Ipakilala ang Paglilimbag sa mga bata.
4. Isa – isahin ang mga paraan ng tamang paggawa.
5. Ibigay ang mga panuntunang naayon sa paglilimbag.
6. Paggawa ng mga bata.
- Paggabay ng guro sa paggawa ng mga bata.

C. Pangwakas na Gawain
Ipapaskil ang kanilang ginawa at ipalarawan ito.
Hayaang ibahagi ng bawat bata ang kanilang naging karanasan sa paglilimbag.

D. Rubrics
Lagyan ng tsekang tamang kahon.
Di- Gaanong Mahusay Mahusay Napakahusay
(1) (3) (5)

E. Paglalagom
Ang lahing Pilipino ay may mayaman na kultura. Ang bawat Pilipino ay may talent lalo na sa
larangan ng sining. Isang halimbawa nito ang apaggamit ng paraang paglilimbag sa paggawa ng
isang disenyo.

IV. Pagtataya
Lagyan ng tsek ang tamang hanay ayon sa inyong nagawa.
Kriterya Oo Hindi Di - Tiyak
1. Nagamit ko ba ng maayos ang mga
kagamitan sa paglilimbag?
2. Naipamalas ko baa ng kasanayan sa
paglilimbag?
3. Nasunod ko baa ng mga hakbang sa
paggawa?
4. Naipakita ko baa ng kawilihan sa
paggawa ng likhang sining?
5. Natapos ko baa ng Gawain sa takdang
oras?

V. Kasunduan
Magsaliksik ng iba pang paraan ng paglilimbag.

Inihanda ni :
PRECIOUSS C. BANDAYREL
DOÑA JOSEFA E. MARCOS ELEMENTARY SCHOOL

Banghay Aralin sa Sining

Yunit : IV - Paglilimbag
Aralin Bilang : 10
Buod ng Aralin

ART HISTORY ART ART CRITICISM ART


PRODUCTION APPRECIATION
Ang mga Nakalilikha ng Nasusuri ang
Pilipino ay likas Mga bagay na paggawa ng mga Napahahalagahan
na malikhain sa puwedeng gamitin bagay na gagawin ang sariling gawa
paggawa ng sa eksibisyon sa sa Buwan ng at gawa ng kamag-
likhang sining na Buwan ng Sining . Sining aral.
gianagamit sa
eksibisyon.

VI. Layunin :
4. Nasasabi ang mga bagay na ginagamit sa eksibisyon sa buwan ng
sining.
5. Nakikilahok ang mga mag – aaral sa buwan ng sining.
6. Naisagawa ng tama ang mga kagamitan na ginamit sa eksibisyon.
VII. Paksang Aralin : Paglilimbag
Elemento ng Sining : linya , tekstura
Prinsipyo ng Sining :
Kagamitan : t- shirt , plate ,poster paint, wood/ bamboo bag, slipper.
Sanggunian :

VIII. Pamamaraan :
E. Panimulang Gawain :
Balik – Aral
Anu – ano ang mga paglilimbag ng likhang sining na ating
nagawa.
F. Panlinang na Gawain :
8. Pagganyak
Tanungin ang mga mag – aaral kung anu – ano ang kanilang
mga paborito na puwede nilang ilimbag.

9. Pagtatalakay sa Aralin :
g. Magpakita ng mga larawan sa paaralan na puwedeng gamitin
sa eksibisyon.
h. Tatanungin ang mga bata kong anong mga bagay ang kanilang
pinapakita / dinidisplay sa Araw ng Buwan ng Sining.
i. Magbigay ng isang bagay na ginamit sa eksibisyon at kong ano
ang mga kagamitan na ginagamit dito.
10.Ipakilala ang mga bagay na puwedeng ibenta sa Araw ng Buwan
ng Sining.
11. Ipaliwanag ang mga kagamitan o paraan sa paggawa ng mga ito
tulad ng (printed t-shirt , plate with printed ink , rubber curving.
12.Pagtatakda ng pamantayan .
13.Paggawa ng mga mag – aaral pagsubaybay ng guro sa paggawaa
ng mga mag - aaral.
G. Pangwakas na Gawain :
3. Ipakita ang mga natapos na gawain.
4. Pagsusuri ng ginawa.
c. Elemento ng sining
d. Prinsipyo ng sining
H. Rubrics
Lagyan ng masayang mukha ( ) ang angkop na kahon.
Gawin ito sa sagutang papel.
Sukatan Higit na nasunod Nasunod ang Hindi nasunod
ang pamantayan pamantayan sa ang pamantayan
sa pagbuo ng pagbuo ng sa pagbuo ng
likhang sining. likhang sining . likhang sining.
1.Nakabuo ako ng
ibat ibang uri ng
imprenta sa bagay
ng eksibisyon .
2.Nagamit ko ang
sariling mga linya
tekstura at kulay
ayon sa disenyong
nabuo.
3.Naipakita ko ang
pagpapahalaga ng
pagiging matipid at
malikhain sa
pamamagitan ng
paggamit ko ng
aking ginawang
likhang sining.

IX. Pagtataya
Alamin ang mga sumusunod na mga larawan .

1. 2. 3.
4. 5.

X. Takdang Aralin :
Gumawa ng isang bagay sa bahay at imprintahan ito
Prepared by :
Ronie E. Necor
Bagbag Elementary School

You might also like