You are on page 1of 4

nnex 2 B.1 to DepEd Order No. 42, s.

2016

Paaralan Antas IV
PANG-ARAW- Guro Asignatura ESP
ARAW NA TALA Petsa November 11, 2019 Quarter Ikatlong Markahan
SA PAGTUTURO
Binigyan
Oras 07:45 – 08:15 am
Pansin ni

I. LAYUNIN
A. Pamsantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang pag-unawa sa pagmamahal sa bansa sa
pamamagitan ng pagpapahalaga sa kultura

B. Pamantayang Pagganap Naisasabuhay ang mga gawaing nagpapakita ng pagpapahalaga sa


kultura

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Naipagmamalaki/napahahalagahan ang nasuring kultura ng iba’t ibang


(Isulat ang code sa bawat kasanayan) pangkat etniko tulad ng kuwentong-bayan, katutubong sayaw, awit,
laro at iba pa

EsP4PPP- IIIc-d–20

II. NILALAMAN Pagpapahalaga sa Kultura (Appreciation of One’s Culture)

III. KAGAMITANG PANTURO


A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay sa p. 59
Pagtuturo
2. MgaPahina sa Kagamitang 207 - 218
Pang Mag-aaral
3. Mga Pahina saTeksbuk N/A
4. Karagdagang Kagamitan mula http://lrmds.deped.gov.ph/ .
sa LRMDS
B. Iba Pang Kagamitang Panturo Picture, Cellphone, Projector, laptop
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang Aralin o Song: “Sagisag Kultura: Filipino Ako, Filipino Tayo”
pasimula sa bagong aralin
(Drill/Review/Unlocking of Difficulties) Tukuyin ang inilalarawan sa bawat pahayag ng awit na “Sagisag Kultura:
Filipino Ako, Filipino Tayo”. Piliin ang sagot sa mga salitang nasa kahon.

Agta Amerasian Tau't Bato


Indigenous People Mansaka

a. Sila ay mga katutubo na matatagpuan sa Compostela Valley. Isa sa


ikinabubuhay nila ang pagmimina ng ginto.

b. Sila ay karaniwang matatagpuan sa Isabela, Quezon, at Rizal. Isa sa


ikinabubuhay nila ay paghuli ng pugita o octopus.

c. Ito ang tawag sa isang batang ang ama ay Amerikano at ang ina ay Pilipino.

d. Sila ay matatagpuan sa Palawan. Marami sa kanila ay nabubuhay sa


pangangaso at pangangalap ng bungang-kahoy.

e. Sila ang mga pangkat etnikong napanatili ang kanilang katutubong kultura
hanggang ngayon.

B. Paghahabi sa layunin ng aralin Magpakita ng mga ilang Kultura ng pangkat-etniko


(Motivation)
Mga Pangkat Etniko sa Luzon

Ilokano - Pangatlo sa may pinakamaraming myembro ang pangkat na ito.


Nakilala bilang masisinop o matitipid sa kanilang mga pera. Bukod sa
pagsasaka ng tabako, paggawa ng gitara ang mga pangunahing hanap-buhay
nila.

Kapampangan - Nakilala sila sa husay sa pagluluto at pagsusuot ng


magagarang mga kasuotan. Sila ang nagpasimula ng pagdiriwang ng Pista ng
mga Parol.

Tagalog - Pumapangalawa sa dami ng populasyon ng pangkat. Tinatayang


mahigit 15 milyong mga Filipino ang gumagamit ng wikang tagalog.

Bikolano - Sagana ang tinitirhan nila sa matatabang lupain na may likas na


yaman. Nakilala sila sa mga pagkaing may sili at gata ng niyog.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa Sa araw na ito, papag-aralan natin susuriin ang kultura ng iba’t ibang pangkat
sa bagong aralin (Presentation) etniko tulad ng kuwentong-bayan, katutubong sayaw, awit, laro at iba pa

D. Pagtatalakay ng bagong Basahin ang kuwento.


konsepto at paglalahad ng bagong
kasanayan No.1 Maipagmamalaking T’boli si Tatay!
(Modelling)
E. Pagtatalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng bagong MagLAR-NUNGAN Tayo! (Larong-Tanungan)
kasanayan No. 2
(Guided Practice) Sagutin ang sumusunod na tanong:

1. Ilarawan ang kultura ng mga T’boli pagkatapos nilang magtanghal na


hinangaan ng nanay nina Hadji at Abegail.

2. Humanga rin ba ang magkapatid na Hadji at Abegail sa kultura ng mga


T’boli na kanilang nasaksihan? Paano nila ipinakita ito?

3. Bakit kaya nagkatinginan sina Hadji at Abegail nang sabihin ng


kanilang tatay sa kanilang nanay ang, “Kaya naman ako ay talagang
nagmamalaki sa mga katutubong T’boli. At dahil doon, nakilala at
mahal na mahal mo ako, di ba? Ha ha ha!” Pangatwiranan.

4. Sang-ayon ka ba sa sinabi ng nanay na, “Dapat lang na ang isang tao


ay may pagpapahalaga sa kaniyang sariling kultura. Paraan iyon ng
pagmamahal niya sa kaniyang bansa?” Pangatwiranan.

5. Bakit kaya mahalagang malaman mo ang iba’t ibang kultura ng mga


pangkat etniko ng ating bansa?

F.Paglilinang sa kabihasan (Tungo Gawin natin ang mga sumusunod na gawain:


sa Formative Assessment)
(Independent Practice) Gawain 1:
Isulat sa iyong kuwaderno ang sarili mong saloobin sa sumusunod:

Ang mga T’boli ay isang pangkat etniko sa Pilipinas na may


sariling mga kuwentong bayan, katutubong sayaw, awit, laro, at iba
pa.
Isulat ang iyong mga gagawin kung papaano mo
maipagmamalaki at mapahahalagahan ang mga ito.
Kung ikaw ay isang T’boli, paano mo maipakikita sa kapuwa
Pilipino at mga dayuhan ang yaman ng iyong kultura?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
______________________________________________

Gawain 2:
Makinig sa guro. Pakinggan ang sanaysay na kaniyang babasahin. Mula sa
napakinggang sanaysay, buuin ang tsart ng mga alam mong
maipagmamalaking kultura ng pangkat etnikong kinabibilangan mo. Gamitin
ang kuwaderno sa gawaing ito.

Kultura Mga halimbawa mula sa pangkat etnikong


kinabibilangan mo
Kuwentong Bayan
Katutubong Sayaw
Awit
Laro

G. Paglalapat ng aralin sa pang Bakit kailangang pahalagahan ang mga kultura ng iba’t ibang pangkat etniko
araw-araw na buhay tulad ng kuwentong-bayan, katutubong sayaw, awit, laro at iba pa?
(Application/ Valuing)
 Dahil ang mga ito ay itinuturing na yaman ng ating bansa.
Kinabibilangan ng mga mamamayan ang iba't-ibang pangkat Bawat
pagkat ay may sariling kultura na nagiging tatak ng kanilang
pagkakakilanlan. Iba't-iba rin ang bawat pamumuhay ng mga
pangkat. Sila ay tinatawag na pangkat etniko.
H. Paglalahat ng Aralin (AP Integration)
(Generalization) a. Magbigay ng ilang mga kultura ng iba’t ibang pangkat etniko tulad ng
kuwentong-bayan, katutubong sayaw, awit, laro at iba pa

I. Pagtataya ng Aralin Gawain 1:

Pangkatang Gawain

Napabalita kamakailan ang mga mag-aaral ng isang paaralan sa Baguio City


na ipinakita ang paglalaro ng basketball habang nakasuot ng bahag na
kanilang katutubong kasuotan. Ito ay bahagi ng pagdiriwang ng barangay sa
pagtatapos ng Brigada Eskuwela at sa pagsisimula ng pasukan. Naipakita ba
nila ang pagmamalaki sa kanilang sariling kultura?

Sumulat ng isang maikling talata hinggil sa bagay na ito at ilahad sa harap ng


klase sa pamamagitan ng sumusunod na gawain:

Pangkat 1 - Pakoro
Pangkat 2 - Rap
Pangkat 3 - Sabayang Bigkas
Pangkat 4 - Haiku (isang uri ng tula na may lima-pito-lima (5-7-5)
na pantig at binubuo ng tatlong taludtod)
J. Karagdagang Aralin para sa 1. Ano ang dapat kailangang gawin upan mapangalagaan ang kultura ng
Takdang Aralin at Remediation iba’t ibang pangkat etniko tulad ng kuwentong-bayan, katutubong
sayaw, awit, laro at iba pa. Ipaliwanag.

2. Bakit kailangang ibahagi ito sa kasalukuyang henerasyon at sa mga


sumusunod pa?

V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral nanakakuha
ng 80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng gawain para sa
remediation
C. Nakatulong ba ang remediation?
Bilang ng mag-aaral na nakaunawa
sa aralin
D. Bilang ng mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong ng lubos?
Paano itona katulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na nasolusyonan sa tulong
ng aking punongguro at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang
aking nadibuho na nais kong ibahagi
sa mga kapwa ko guro?

Prepared by:

Teacher III

Observed by:

Master Teacher II
Noted:

Principal II

You might also like