You are on page 1of 12

MAPEH 5 - Arts

S.Y. 2020-2021 – THIRD QUARTER – WEEK 3

DAY 1
Content Standard:
-demonstrates understanding of new printmaking techniques with the use of lines, texture through
stories and myths
Performance Standard:
-creates a variety of prints using lines (thick, thin, jagged, ribbed, fluted, woven) to produce visual
texture
Learning Competencies:
1. discusses new printmaking technique using a sheet of thin rubber (used for soles of shoes),
linoleum, or any soft wood that can be carved or gouged to create different lines and
textures A5EL- IIIa
2. discusses possible uses of the printed artwork A5EL- IIIc
3. shows skills in creating a linoleum, rubber or wood cut print with the proper use of carving
tools A5PL- IIId
I. OBJECTIVES:
1. Natatalakay ang bagong paraan ng paglilimbag gamit ang mga bagay sa paligid.
2. Nakasusunod sa panuto at makapaglilimbag ng sariling likhang-sining.
3. Natatalakay ang mga posibleng mapaggagamitan ng likhang sining.
4. Nakalilikha ng malikhain at natatanging disenyo na magagamit sa paglilimbag

II. CONTENT: Ang Sining ng Paglilimbag

III. LEARNING RESOURCES:


1. 3rd Quarter MELC sa MAPEH
2. Manwal ng Guro: Halinang Umawit at Gumuhit 5, pahina 20 – 23
3. Batayang Aklat: Halinang Umawit at Gumuhit 5, pahina 25 – 29

IV. PROCEDURES:

DAY 1
A. Reviewing previous lesson or presenting the new lesson
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Anong mahalagang bagay ang nakatutulong sa atin upang matuto tayong bumasa?
2. Paano nga ba nagagawa ang isang aklat?
Ang sining ng paglilimbag ay pamamaraan ng paglipat ng larawang iginuhit at inukit na
maaaring ginawa mula sa kahoy, goma, metal, at iba pa. Inililimbag ito sa anumang bagay
tulad ng papel at tela gamit ang tinta.

B. Establishing a purpose for the lesson


Ang sining ng paglilimbag ay nagsimula sa bansang Tsina dantaon na ang nakalipas.
Ginamit nila ang paglilimbag bilang pamamaraan ng pagtala ng kasaysayan ng kanilang
bansa. Ginamit din nila itong paraan ng pagkukuwento gamit ang mga larawan.
Sa bansang Hapon, ang paglilimbag ay pinalawak bilang isang sining. Ang ukiyo-e ay
mga larawang nilimbag na nagpapakita ng pang araw-araw na gawain at larawan ng
buhay.
May iba’t-ibang uri ng sining ng paglilimbag na ipinakilala at pinasikat sa Asya, Europa,
Africa, at iba pang bahagi ng mundo.
Ang iba’t ibang uri nito ay monoprint, intaglio, aquatint, engraving, etching, mezzotint,
linocut, block print, lilthography, silk screen o serigraph, woodblock print, at drypoint.
Sa araling ito ay matututuhan mo ang isang uri ng paglilimbag na tinatawag na rubber
cut print.
C. Presenting examples/instances of the lesson
Narito ang isang halimbawa ng larawan ng rubber cut o inukit na disenyo at ang likhang
sining na nalimbag. Suriing mabuti ang dalawa.

D. Discussing new concepts and practicing new skills #1


Ang rubber cut print ay isang uri ng paglilimbag kung saan gumagamit ng hindi
masyadong matigas na bagay tulad ng goma o malambot na kahoy. Hinahalintulad ito sa
linoprint o linocut print gamit ang linoleum. Ang tunay linoleum na ginagamit sa sahig ay may
makapal na sapin na parang goma, di tulad ng linoleum na alam natin, na manipis lamang.
Dahil mahirap hanapin ang tunay na linoleum, kadalasan ay goma na lamang ang
ginagamit kapalit nito, kaya nagiging rubber cut print na lang ang ginagawa.
Isinasagawa ang rubber cut printing sa pamamagitan ng pag-uukit sa disenyo nang
baligtad (tulad ng nasa larawan). Nang sa gayon ay kapag inilipat ang disenyo sa papel ay
nasa tamang anyo ang disenyo. Katulad ng ibang paraan ng paglilimbag, lalagyan ng tinta o
pintura ang ibabaw ng disenyo, ipapatong ito sa papel at didiinan ito upang mailipat ang
disenyo.

1. Panuto: Alin sa mga sumusunod na larawan ang rubber cut print?

E. Discussing new concepts and practicing new skills #2


Rubber Cut Print
Mga kagamitan:
1. luma, sira at patapong tsinelas (magpatulong sa magulang o nakatatanda na maghanap)
Linisin ito bago gamitin at maghugas ng kamay pagkatapos itong linisin. Magpatulong sa
magulang o nakatatanda.
2. cutter (mag-ingat at magpatulong sa magulang o nakatatanda sa paggamit nito).
3. Lapis
4. Putting papel, pintura, brush
Paraan sa paggawa:
1. Gumuhit ng isang malapad na titik sa goma ng tsinelas.
Siguraduhing baligtad ito. Halimbawa ang titik B:
Ang mga titik A, H, I, M, O, T, V, W, at X ay baligtarin.
2. Simulan ang pag-ukit (humingi ng tulong sa nakatatanda). Tanggalin ang mga nasa gilid
at loob ng titik, hanggang maiwan ito at nakaalsa na.
3. Pahiran ng tinta o pintura ang ibabaw ng titik at idiin ito sa papel

F. Developing Mastery
Gamit ang inukit na disenyo o titik, gumawa ng panibagong likhang-sining na simple lamang.
Gamitin ito nang paulit-ulit sa iisa o pare-parehong kulay lamang.

G. Finding practical applications of concepts and skills in daily living


Sa iyong palagay, magagamit ba ang kaalaman at kasanayan sa paglilimbag bilang
gawaing pangkabuhayan? Ipaliwanag ang iyong sagot.
H. Making generalizations and abstractions about the lesson
Sagutin ang mga sumusunod na tanong bilang paglalahat:
1. Ano ang sining ng paglilimbag?
2. Ano ang uri ng paglilimbag na isinagawa?
3. Sa anong uri ng paglilimbag ito ihinalintulad?
I. Evaluating learning
A. Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot sa notebook.
1. Saang bansa nagsimula ang sining sa paglilimbag?
a. Philippines b. China c. Korea d. Japan
2. Anong uri ng paglilimbag ang gumagamit ng goma?
a. String printing b. cardboard printing c. linocut print d. rubbercut print
3. Anong uri ng paglilimbag ang gumagamit ng linoleum?
a. String printing b. cardboard printing c. linocut print d. rubbercut print
4. Bakit hindi maaaring gamitin ang linoleum na ginagamit natin sa linocut print?
____________________________________________________________________________
5. Bakit kailangang pabaligtad inuukit ang disenyo sa rubbercut print at linocut print?
____________________________________________________________________________

B. Gamit pa rin ang inukit na disenyo o titik, gumawa ng panibagong likhang-sining. Gamitin
ito nang paulit-ulit sa iba’t ibang kulay at direksiyon upang makabuo ng isang disenyo.
mas maganda kaysa sa mga naunang ginawa.

Tayain kung natamo ang layunin sa paggawa ng monoprint. Gawing batayan ang rubric.

J. Additional activities for application or remediation


1. Magsaliksik at alamin kung anong uri ng paglilimbag ang sikat sa ating bansa at anong
mga paksa ang ginagamit dito?
2. Ano-ano ang uri ng paglilimbag ang nais mong masubukan? Ipaliwanag kung bakit ito
ang napili.
MAPEH 5 - Arts
S.Y. 2020-2021 – THIRD QUARTER – WEEK 3

DAY 2

Content Standard: demonstrates understanding of new printmaking techniques with the use
of lines, texture through stories and myths
Performance Standard: creates a variety of prints using lines (thick, thin, jagged, ribbed,
fluted, woven) to produce visual texture

Learning Competencies:
4. creates variations of the same print by using different colors of ink in printing the master plate
A5PR- IIIe

5. follows the step-by-step process of creating a print: A5PR-IIIf


5.1 sketching the areas to be carved out and areas that will remain
5.2 carving the image on the rubber or wood using sharp cutting tools
5.3 preliminary rubbing
5.4 final inking of the plate with printing ink
5.5 placing paper over the plate, rubbing the back of the paper
5.6 impressing the print
5.7 repeating the process to get several editions of the print

6. works with the class to produce a compilation of their prints and create a book or calendar
which they can give as gifts, sell, or display on the walls of their school A5PR- IIIg

I. OBJECTIVES:
1. Naipapakita ang pagkamalikhain sa pagguhit at paglilimbag ng larawan.
2. Nakasusunod sa panuto ng paglilimbag.
3. Naipamamalas ang pagkagiliw sa paglikha ng likhang-sining mula sa paglilimbag.

II. CONTENT: PAGLILIMBAG SA BLOKE O MATIGAS NA BAGAY (BLOCK PRINTING)

III. LEARNING RESOURCES:


MELC Grade 5

IV. PROCEDURES:
A. Reviewing previous lesson or presenting the new lesson
Nakagawa na ba kayo ng sining sa paglilimbag noong nasa ika-apat na baitang?
Ano ang uri ng paglilimbag ang inyong ginawa?

B. Establishing a purpose for the lesson


Gawain 1
Panuto: Subukang tukuyin ang paraan ng paglilimbag. Isulat ang LETRA ng tamang
sagot. Pumili sa mga sumusunod na salita bilang sagot:
A. MONOPRINTING C. STRING PRINT
B. CARDBOARD PRINTING D. BLOCK PRINTING

1. 2. 3. 4. 5.
Iba-iba ang paraan ng paglilimbag. Sa araling ito, gagamitin mo ang
ritmo sa paglilimbag.

C. Presenting examples/instances of the lesson


Bago ang lahat ay kailangang bigyang halaga ang kaalaman sa ritmo, upang
magamit at maipakita ito nang wasto sa iyong likhang sining.
Ang Paggamit ng Rhythm
Ang rhythm o ritmo ay ginagamit upang magpakita o magparamdam ng
paggalaw sa isang likhang-sining. Maipakikita ito sa maingat na paglalagay at
pagsasaayos ng kulay, linya, o hugis. Maaaring maipakita ang ritmo sa tatlong
paraan: sunod-sunod, pasalit-salit o parayos.

D. Discussing new concepts and practicing new skills #1


Ang Block Printing
Ang block printing ay uri ng paglilimbag na kung saan inuukit ang isang matigas
na bagay. Tinatanggal ang mga gilid ng disenyo o hugis upang umangat ito. Sa block
printing, kailangan ng kasanayan sa pag-uukit upang mabuo ang plate.
Pinipintahan o nilalagyan ng pangkulay ang ibabaw ng disenyo at pagkatapos
ay ipapatong ang bahaging may kulay sa papel na para kang nagtatatak.
Narito ang halimbawa ng block printing:

Gawain:
Panuto: Magbigay ng mga halimbawa ng mga bagay sa paligid na maaaring gamitin
sa pag-ukit.
1. ______________ 2. ________________ 3. __________________

E. Discussing new concepts and practicing new skills #2


Maraming mga bagay ang maaaring gamitin sa paggawa ng block printing.
Narito ang ilan sa mga materyales na ginagamit ng mga taong bihasa na, at may
kagamitan sa pag-ukit: 1. Kahoy 2. Goma
Narito ang mga unang gagawin:
1. Ihanda ang bagay na uukitin.
Ang gagamitin mo ngayon ay mga bagay sa paligid na madaling ukitin at
magamit sa paglilimbag tulad ng sabon, gulay at prutas. Halimbawa ay kalabasa,
patatas, singkamas, at iba pa. Dahil sa hirap ng buhay sa panahon ng pandemya,
kukuha ka lang ng maliit na bahagi sa sukat na 1 square inch lamang. Ingatan ang
gawain upang hindi masasayang ang uukiting bagay.
*Paalala: Hingin ang gabay at patnubay ng magulang o magpatulong sa
nakatatanda sa pag-ukit.
*Kung kayang mag-isa, mag-ingat sa paggamit ng matutulis o matatalim na bagay at
huwag paglaruan ang mga ito.
2. Mag-isip ng pinakasimpleng disenyo, o mga hugis, tulad ng bilog, puso, parisukat,
parihaba, tatsulok, oblong o biluhaba.

Mga Kagamitan: lumang diyaryo, carving tools o gamit pang-ukit, papel, lapis,
lagayan ng pintura o watercolor, paint brush
Hakbang sa Paggawa:
1. Ihanda ang mga kagamitan.
2. Gumuhit ng isang hugis. Kailangang malinaw ang pagkakaguhit.
3. Sa gabay ng iyong mga magulang o nakatatanda sa bahay, iukit ang disenyong
iginuhit.
* Siguraduhing magsagawa ng pag-iingat sa paghawak at paggamit ng cutter.
4. Pintahan ng nais na kulay ang ibabaw ng disenyo gamit ang paint brush.
5. Kung malapad at malaki ang plate, o inukit na bagay, ilagay ang papel sa
ibabaw, at diinan ng malinis na roller ang ibabaw ng paulit-ulit. Kung maliit naman, ay
ito na lamang ang ipatong ninyo sa papel.
6. Dahan-dahang tanggalin ang papel at patuyuin.

DAY 3

F. Developing mastery
Ngayon naman ay mag-isip ng ibang disenyo. Siguraduhing maipapakita ang
ritmo sa iyong disenyo. Sundin ang rubric sa itaas.
Idikit ito sa karton at isabit sa dingding.

G. Finding practical applications of concepts and skills in daily living


Ang sining sa paglilimbag ay mahalaga upang makilala ang isang tao,
pangkat, bagay, at iba pa, sa pamamagitan ng nakalimbag sa mga bagay na tulad
ng damit, kamiseta, uniporme, at iba pa. Ito rin ay ginagamit sa sining sa pagpipinta.
Maghanap ng mga bagay sa paligid na nagpapakita ng ritmo.

H. Making generalizations and abstractions about the lesson


Sagutin ang mga sumusunod na tanong bilang paglalahat:
1. Ano ang block printing?
2. Ano-anong mga bagay sa paligid ang maaaring gamitin sa paglilimbag?
3. Ano-ano ang tatlong uri ng rhythm?

I. Evaluating learning

A. Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot.


1. Ito ay uri ng paglilimbag na gumagamit ng bloke o makapal na bagay na yari sa
goma at inuukitan upang magamit at makapaglipat ng disenyo.
a. monoprinting b. cardboard printing c. string print d. rubber-cut
2. Ito ay ang sining sa paglilipat ng disenyo
a. pagsulat b. pagpinta c. paglilimbag d. pagsketch
3. Alin sa mga sumusunod na larawan ang ritmong sunod-sunod?

a. c.

b. d.
4. Alin sa mga sumusunod na larawan ang ritmong parayos?
a. c.

b. d.
5. Alin sa mga sumusunod na larawan ang ritmong salit-salit?

a. c.

b. d.
6. Ito ay prinsipyo ng sining kung saan maipapakita sa maingat na paglalagay at
pagsasaayos ng kulay, linya, o hugis.
a. Balance b. Line c. Color d. Rhythm

7. Alin sa mga sumusunod na larawan ang nagpapakita ng block printing?

A. B. C. D.

B. Gamit ang naukit na hugis, lumikha o gumawa ng isa pang likhang sining na may
ibang disenyo. Gawing batayan ang Rubrik
Higit na nasusunod Nasunod ang Hindi nasunod ang
ang pamantayan sa pamantayan sa pamantayan sa
Mga Sukatan pagbuo ng Iikhang- pagbuo ng Iikhang- pagbuo ng Iikhang-
sining sining sining
5 4 3
Ang larawan ay
nabuo gamit ang
proseso ng block
printing.
Nakasunod sa mga
panutong binigay sa
paglimbag ng
larawan.
Malinaw at
nakikitang mabuti
ang paksa ng
larawan.
Maayos at malinis
ang pagkakagawa
ng block print.

J. Additional activities for application or remediation


A. Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Ano ang tawag sa uri ng ritmo kung saan nagsasalitan ang dalawa o higit pang
mga disenyo?
a. parayos o radial b. sunod-sunod c. pasalit-salit d. palaktaw
2. Ano naman ang tawag sa uri ng ritmo kung saan ang isang disenyo ay paulit-ulit
na ginagamit?
a. parayos o radial b. sunod-sunod c. pasalit-salit d. palaktaw
3. Ano ang tawag sa uri ng ritmo kung saan ang disenyo ay nagsisimula sa gitna at
pagkatapos ay mula sa gitna, papalayong palabas ang direksiyon?
a. parayos o radial b. sunod-sunod c. pasalit-salit d. palaktaw
MAPEH 5 - Arts
S.Y. 2020-2021 – THIRD QUARTER – WEEK 3

DAY 4

Content Standard:
Demonstrates understanding of new printmaking techniques with the use of lines, texture
through stories and myths
Performance Standard:
Creates a variety of prints using lines (thick, thin, jagged, ribbed, fluted, woven) to produce
visual texture

Learning Competencies:
• Demonstrates contrast in a carved or textured area in an artwork A5PR-IIIh-1
• Produces several editions of the same print that are well-inked and evenly printed
A5PR- IIIh-2
• Participates in a school/district exhibit and culminating activity in celebration of the
National Arts Month (February) A5PR- IIIh-3

I. OBJECTIVES:
1. Naisasalaysay ang mga kuwento tungkol kay Bernardo Carpio.
2. Naiuugnay ang konsepto ng kuwento tungkol kay Bernardo Carpio sa kahalagahan
ng politika sa ating bansa.
3. Nakasusunod sa panuto at napaglilimbag ng larawan.

II. CONTENT: STRING PRINTING AT CARDBOARD PRINTING: Ang mga Simbolo ni Bernardo
Carpio

III. LEARNING RESOURCES:


A. Sanggunian (References)
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro (TGs): Halinang Umawit at Gumuhit 5, Manwal ng Guro,
pahina blg. 20-23
2. Mga pahina sa Kagamitang Pang-mag-aaral (LMs): Halinang Umawit at Gumuhit 5,
batayang aklat pahina 25-29

IV. PROCEDURES:
A. Reviewing previous lesson or presenting the new lesson
Sagutin ang mga sumusunod na tanong at pumili sa mga sagot sa ibaba:
1. Ano ang tawag sa uri ng ritmo kung saan nagsasalitan ang dalawa o higit pang
mga disenyo?
2. Ano naman ang tawag sa uri ng ritmo kung saan ang isang disenyo ay paulit-ulit
na ginagamit?
3. Ano ang tawag sa uri ng ritmo kung saan ang disenyo ay nagsisimula sa gitna at
pagkatapos ay mula sa gitna, papalayong palabas ang direksiyon?
a. parayos o radial b. sunod-sunod c. pasalit-salit d. palaktaw

Narito ang larawan ni Bernardo Carpio.


Kilala mo ba siya?
B. Establishing a purpose for the lesson
May iba't ibang kuwento ang maririnig tungkol kay Bernardo Carpio. Mayroong
kuwento tungkol sa kanyang pambihirang lakas at kakisigan, may mga kuwento ng
kabayanihan, at mayroon din namang kuwentong nagbibigay ng simbolo tungkol sa
politikal na buhay ng mga Pilipino.
• Ano-ano ang narinig mong kuwento tungkol kay Bernardo Carpio?
• Paano mo inilarawan ang katauhan ni Bernardo Carpio sa mga kuwentong
iyong nabasa at narinig?
• Ano ang sinisimbolo ni Bernardo Carpio?
Sa araling ito, makikilala si Bernardo Carpio at kung ano ang mga katangian ang
kanyang sinisimbolo. Tatalakayin ang kanyang kuwento.
Gagamitin mo ang kaalamang ito sa paglilimbag.

C. Presenting examples/instances of the lesson


Ang Kuwento ni Bernardo Carpio
Maraming iba't ibang pagtatalakay sa katauhan ni Bernardo Carpio. May mga
kuwentong naglalarawan na siya ay isang higante. Mayroon ding mga kuwentong
nagsasabi na si Bernardo Carpio ay isang karaniwang tao lamang ngunit siya ay
nagtataglay ng pambihirang lakas. Subalit ang lahat ay naglalarawan sa kanya na
may mahabang buhok at siya ay may malaki at may matipunong pangangatawan.
Ang kuwento ng kabayanihan ni Bernardo Carpio ay tungkol sa pagpigil niya sa
dalawang bundok na nagbabanggan. Ginamit niya ang kanyang matipunong
katawan upang mailigtas niya ang maraming buhay sa pamayanan ng Montalban.
Ayon sa alamat, sa bawat paggalaw ni Bernardo Carpio ay nagkakaroon ng
paglindol.

D. Discussing new concepts and practicing new skills #1


Ang Paggamit ng Contrast at Rhythm
Natutuhan at nagamit mo na ang rhythm sa nakaraang aralin. Ngayon naman ay
tatalakayin ang contrast.
Ang contrast ay ang pagkakaiba o pagkakasalungat ng kulay, hugis, o linya
upang mabigyan emphasis o diin ang mga ito. Halimbawa, ang isang pulang payong
na pinaliligiran ng mga itim na payong ay pagpapakita ng contrast. Ang paggamit ng
makakapal na linya sa hanay ng maninipis na linya ay pagpapakita rin ng contrast.

Gawain:
Panuto: Alin sa mga sumusunod na larawan ang hindi nagpapakita ng contrast?
Lagyan ng ekis ang bilang.

1. 2. 3. 4.

E. Discussing new concepts and practicing new skills #2


Paglilimbag gamit ang string print:
Batay sa paglalarawan kay Bernardo Carpio sa itaas, gamitin ang iyong
imahinasyon upang makabuo ng natatanging larawan ni Bernardo Carpio at ipakita ang
paggamit ng contrast at rhythm sa iginuhit na larawan.
Mga Kagamitan:
Itim at pulang watercolor pang-imprenta, oslo a puting papel, glue, yarn o makapal
na sinulid, gunting, lapis, brayer o brush, pambura, dalawang makapal na karton, sabon para
sa paglilinis ng kamay, libro.

Mga Hakbang sa Paggawa:


1. Ihanda at ayusin ang mga kagamitan sa paglilimbag gamit ang idinikit na sinulid.
2. Iguhit si Bernardo Carpio sa isang piraso ng makapal na karton gamit ang lapis. Burahin
ang mga linyang hindi kailangan pagkatapos gumuhit.
3. Lagyan ng glue ang mga linya ng guhit pagkatapos ay dikitan ng lubid, sinulid o yarn.
Patuyuin ito.
4. Pahiran ng pula ang yarn na idinikit sa larawang iginuhit gamit ang brush. Siguraduhing
pantay pantay at nalagyan ng tinta ang lahat ng bahagi ng yarn.
5. Ilagay ang oslo o puting papel sa ibabaw ng larawan. Igitna ito.
6. Ang pangalawang piraso ng karton ay kukulayan ng itim.
6. Ilagay din ito at patungan ng na aklat.
7. Ilimbag ang larawan sa pamamagitan ng pagdidiin ng iyong mga kamay.
8. Ulitin ang paraan. Gawing itim ang mga inulit na paglilimbag at sikaping matingkad ang
pulang nasa gitna upang maipakita ang contrast.
9. Patuyuin ang mga nilimbag na larawan at ipakita sa guro.

Gawing batayan ang Rubrik


Higit na nasusunod ang Nasunod ang Hindi nasunod ang
pamantayan sa pamantayan sa pamantayan sa
Mga Pamantayan pagbuo ng likhang- pagbuo ng likhang- pagbuo ng likhang-
sining sining sining
5 4 3
Ang larawan ay nabuo
gamit ang teknik o
paraang string print.
Malinaw at nakikitang
mabuti ang paksa ng
larawan.
Naipakita ang contrast
sa likhang-sining
Maayos at malinis ang
pagkakagawa rig string
print.

DAY 5

F. Developing mastery
Panuto: Isulat ang T kung tama ang isinasaad ng pangungusap at M naman kung hindi.
Isulat ang sagot sa notebook.
____1. Ang rhythm ay ang pagkakaiba o pagkakasalungat ng kulay, hugis, o linya upang
mabigyan emphasis o diin ang mga ito.
____2. Ang larawan isang mansanas na may matingkad na kulay pula sa gitna ng maraming
mansanas na kulay berde ay nagpapakita ng contrast.
____3. Ang larawan isang puting bituwin sa gitna ng maraming bituwin na kulay dilaw ay
nagpapakita ng contrast.
____4. Ang uri ng paglilimbag na ginagamitan ng karton ay tinatawag na cardboard
printing.
____5. Ang uri ng paglilimbag na ginagamitan ng makapal na sinulid o yarn ay tinatawag na
block printing.

G. Finding practical applications of concepts and skills in daily living


Sundin ang mga sumusunod na panuto:
1. Kumuha ng karton na may kaparehong sukat ng iyong likhang sining.
2. Idikit ang mga likhang sining sa karton
3. Lagyan ng disenyo sa gilid upang magkaroon ng frame.
4. Butasan ito at lagyan ng tali, upang maisabit sa dingding.
Nasiyahan 11 aba sa iyong gawain? Maaari ka pang magsanay upang lalong
mapabuti ang iyong kakayahan at kasanayan sa paglilimbag.
Katulad ng kakayahan at kasanayan natin sa paglilimbag, maaari rin nating
ilimbag ang kinabukasan natin sa pamamagitan ng pag-aaral nang mabuti.

H. Making generalizations and abstractions about the lesson


Sagutin ang mga sumusunod na tanong bilang paglalahat:
1. Ano ang contrast? Ipaliwanag ito sa sariling paraan.
2. Ano ang dalawang uri ng paglilimbag na naisagawa mo ngayon?
3. Ilarawan ang pagkakaiba ng dalawa.

I. Evaluating learning
A. Panuto: Punan ang mga patlang ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa notebook.
1. Ang __________ay ang pagkakaiba o pagkakasalungat ng kulay, hugis, o linya upang
mabigyan emphasis o diin ang mga ito.
2. Ang uri ng paglilimbag na ginagamitan ng karton ay tinatawag na _________________.
3. Ang uri ng paglilimbag na ginagamitan ng makapal na sinulid o yarn ay tinatawag na
________________.
4. Alin sa mga sumusunod na larawan ang nagpapakita ng string printing?

A. B. C. D.

5. Alin sa mga sumusunod na larawan ang nagpapakita ng cardboard printing?

A. B. C. D.

B. Paglilimbag gamit ang string print: Mga Simbolo ni Bernardo Carpio


Mga Kagamitan:
lumang diyaryo, karton na makapal, papel, lapis, lagayan ng tinta o pintura, roller o brush

Mga Hakbang sa Paggawa:


1. Ihanda ang mga kagamitan.
2. Gumuhit ng isang simbolo na may kaugnayan sa lakas ni Bernardo Carpio para sa iyo
tulad ng kidlat, bundok, at iba pa sa karton, kailangang malinaw ang pagkakaguhit.
3. Sa gabay ng iyong magulang o nakatatanda, gupitin ang disenyong iginuhit gamit ang
gunting.
* Siguraduhing magsagawa ng pag-iingat sa paghawak at paggamit ng gunting.
4. Idikit ang ginupit na simbolo sa isang karton na may kaparehong sukat ng iyong papel.
6. Pintahan ng nais na kulay ang ibabaw ng disenyo o simbolo gamit ang roller o brush.
7. Ilagay ang papel sa ibabaw, at diinan ang ibabaw nang paulit-ulit.
8. Ulit-ulitin ang paglilimbag sa pareho o iisang kulay maliban sa isa, upang maipakita ang
contrast.
8. Dahan-dahang tanggalin ang papel at patuyuin.
Gawing batayan ang Rubrik
Higit na nasusunod ang Nasunod ang Hindi nasunod ang
pamantayan sa pamantayan sa pamantayan sa
Mga Pamantayan pagbuo ng likhang- pagbuo ng likhang- pagbuo ng likhang-
sining sining sining
5 4 3
Ang larawan ay nabuo
gamit ang teknik o
paraang cardboard
printing.
Malinaw at nakikitang
mabuti ang paksa ng
larawan.
Nakasunod sa mga
panutong binigay sa
paglimbag ng larawan.
Naipakita ang contrast
sa likhang-sining
Maayos at malinis ang
pagkakagawa ng
string print.

J. Additional activities for application or remediation


1. Panuto: Gumawa ng isang cardboard printing o string print na nagpapakita ng
Rhythm at Contrast.
Gawing gabay ang rubric: Lagyan ng tsek ang pamantayang natamo.

Lagyan ng tsek ang


Pamantayan pamantayang natamo

Ang larawan ay nabuo gamit ang teknik o paraang


cardboard printing.
Malinaw at nakikitang mabuti ang paksa ng
larawan.
Naipakita ang contrast sa likhang-sining
Naipakita ang rhtym sa likhang-sining
Maayos at malinis ang pagkakagawa ng string print.

You might also like