You are on page 1of 16

EPP 6 Date:_____________

Ikatlong Markahan (3:00 p.m. – 3:50 p.m.)

I. Layunin:
 Natutukoy ang mga bahagi ng bahay na dapat ayusin

Pagpapahalaga: Pagkamaagap, Pagkamatigyaga

II. Paksa: Pagtukoy sa mga Bahagi ng Bahay na Dapat Ayusin


Sanggunian: PELC 7.1.1, p.65
Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan 6, p.162-164
Kagamitan: mga larawan ng iba’t ibang sirang bahagi ng bahay, tsart

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Pagsasanay:
Pagsunud-sunurin ang mga hakbang sa paggawa ng proyekto. Lagyan ng bilang 1-5.
_____ Pagpapahalaga
_____ Pangalan ng Proyekto
_____ Pamamaraan sa Paggawa
_____ Materyales na kailangan at mga Kasangkapang Kailangan
_____ Layunin

2. Balik-aral:
Tama o Mali
a. Ang krokis o disenyo ng proyekto ay dapat na naiguhit nang maayos.
b. Insinasaalang-alang din ang anggulo sa paggawa ng krokis
c. Hindi kailangang wasto ang sukat sa paggawa ng krokis.

B. Panlinang na Gawain:
1. Pagganyak:
Ipakita ang mga larawan ng iba’t ibang sira ng bahay. Itanong.” Sino sa inyo ang
nakaranas ng pagkumpuni ng sira ng inyong bahay?”

2. Suliranin:
Anu-ano ang mga simpleng sira ng bahay?

3. Paghawan ng Balakid:
Baldoza white cement silicon
bilog na outlet Flat na outlet

4. Karanasan sa Pagkatuto:
a. Ipakita ang mga larawan ng iba’t ibang sira ng bahay.
b. Itanong kung paano napansin na ang mga ito ay may sira.

5. Paglalahat:
Mahalaga ang maagap na pagkumpuni sa mga simpleng sira ng bahay upang hindi na ito
lumaki pa.

6. Paglalapat:
Pumili ng isang uri ng sira sa bahay at ipaliwanag sa sarili ninyong pangungusap kung
paano ito kukumpunihin.

IV. Pagtataya:
Punan ang patlang ng tamang sagot. Pumili ng sagot sa ibaba
Sapatilya baldoza gomang pambomba silicon plais
1. Kailangan ang ________ sa pagputol at pagbabalat ng kuryente
2. Ang tumutulong gripo ay kailangang palitan ng __________.
3. Ang basag na __________ ay dapat palitan at pahiran ng white cement.

1
V. Takdang-Aralin:
Pumili ng 3 simpleng sira ng bahay na ating napag-aralan. Sa inyong sariling pangungusap ay
ipaliwanag kung paano ito kukumpunihin.

2
EPP 6 Date:_____________
Ikatlong Markahan (3:00 p.m. – 3:50 p.m.)

I. Layunin:
 Nasusuri ang mga kagamitan/materyales na maaaring pansamantalang magamit.

Pagpapahalaga: Pagkamatipid, Pagkamapamaraan

II. Paksa: Pagsusuri ng mga Kagamitan/Materyales na Maaaring Pansamantalang Magamit.


Sanggunian: PELC 7.1.2, p.65
Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan 6, p.162-164
Kagamitan: kapirasong kahoy, kapirasong screen, plais

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Pagsasanay:
Magbigay ng halimbawa ng iba’t ibang sira sa tahanan.

2. Balik-aral:
Pagtsetsek ng takdang-aralin.

B. Panlinang na Gawain:
1. Pagganyak:
Kung mayroong sira sa inyong bahay, dapat pa ba ninyong ipagawa sa iba kung kaya
naman ninyo itong gawin?

2. Suliranin:
Anu-anogn mga kagamitan o materyales na maaaring pansamantalang magamit sa
pagkukumpuni ng mga sira sa bahay?

3. Karanasan sa Pagkatuto:
a. Muling ipabigay sa mga bata ang iba’t ibang sira sa bahay
b. Pagsagot sa suliranin at pagbibigay-lagom sa paksa

4. Paglalahat:
Ang mga materyales o kagamitan ay maaring gamiting pansamantala upang makatipid at
hindi na gumastos pa ng malaki.

5. Paglalapat:
Pumili ng isa sa mga sira ng bahay ay ibigay ang materyales o kagamitan na maaaring
gamiting pansamantala.
Pintuang maingay Pumutok na piyus Tumutulong gripo
Nasirang switch Baradong lababo Bisagrang maluwag ang turnilyo

IV. Pagtataya:
Tama o Mali
_____ 1. Maaring taliang pansamantala ng goma ang gripo upang matigil sa pagtulo.
_____ 2. Pinapataan ng langis ang bisagra ng maingay na pinto.
_____ 3. Kailangan ang sinsil at martilyo sa pag-aalis ng sirang baldosa.

V. Takdang-Aralin:
Basahin ang Batayang Aklat MGPP 6, pp. 162-164. Humanda sa pagdiriwang ng mga paraan sa
pagkukumpuni ng:
1. Sirang bisagra
2. tumutulong gripo
3. pagkakabit ng kawad ng kordon ng plantsa sap lag
4. pagpapalit ng basag na baldosa
5. pagpapalit ng sirang switch

3
EPP 6 Date:_____________
Ikatlong Markahan (3:00 p.m. – 3:50 p.m.)

I. Layunin:
 Nakasusunod sa wastong paraan ng pag-aayos ng sirang bahagi ng bahay.

Pagpapahalaga: Pagkamasinop, Pagkamaparaan, Pagkamaagap

II. Paksa: Wastong Paraan ng Pag-aayos ng Sirang Bahagi ng Bahay


Sanggunian: PELC 7.1.3, p.65
Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan 6, p.162-164
Kagamitan: Larawan ng iba’t ibang sira ng bahay

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Pagsasanay:
Magbigay halimbawa ng iba’t ibang sira ng bahay.

2. Balik-aral:
Ipaliwanag sa sarili ninyong pangungusap kung paano pansamantalang magagamit ang
mga sumusunod na materyales o kagamitan pagkukumpuni ng bahay.

B. Panlinang na Gawain:
1. Pagganyak:
Itanong:
Kung sira ang ilang bahagi ng inyong bahay, ano ang marapat ninyong gawin?

2. Suliranin:
Paano ang wastong pagkukumpuni ng mga sirang kasangkapan o bahagi ng bahay?

3. Paghawan ng Balakid:
sapatilya tester piyus martilyo long nose

4. Karanasan sa Pagkatuto:
a. Pagbasa ng malakas na isa sa mga bata sa bawat hakbang sa pagkukumpuni ng sira ng
bahay.
b. Pagsagot sa suliranin at sa Alamin Mo sa p. 164MGPP 6.

5. Paglalahat:
Ang sapat na kaalaman sa pagkukumpuni ng mga payak na sira ng kasangkapan o bahagi
ng bahay ay naklilibang at nakatutulong nang malaki sa mag-anak.

6. Paglalapat:
Ipaliwanag sa bawat pangkat ang wastong paraan sa pagkukumpuni ng mga sumusunod:
Pangkat 1 - pintuang maingay
Pangkat 2 - bisagrang maluwag ang mga turnilyo
Pangkat 3 - tumutulong gripo
Pangkat 4 - pumutok na piyus
IV. Pagtataya:
Tama o Mali
_____ 1. Ang gripong tumutulo ay pinapalitan ng sapatilya.
_____ 2. Madaling alisina ng sirang baldosa.
_____ 3. Maaaring maalis ang ingay ng pinto kung lalagyan natin ng langis ang lumang bisagra.

V. Takdang-Aralin:
Kumpunihin ang mga sirang kasangkapan o bahagi ng bagay at gawing batayan ang mga
natutunan sa araling ito. Ibahagi sa klase kung paano ito isinagawa.

4
EPP 6 Date:_____________
Ikatlong Markahan (3:00 p.m. – 3:50 p.m.)

I. Layunin:
 Napapahalagahan ang natapos na pag-aayos ng sirang bahagi ng bahay

Pagpapahalaga: Pagmamahal sa Paggawa, Pagkamasayahin

II. Paksa: Pagpapahalaga sa Natapos na Pag-aayos ng Sirang Bahagi ng Bahay


Sanggunian: PELC 7.1.4, p.65
Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan 6, p.162-164
Kagamitan: larawan ng iba’t ibang sira ng bahay

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Pagsasanay:
Tukuyin kung anong sira ng bahay ang ipinahihiwatig sa bawat larawan.

2. Balik-aral:
Ipaliwanag sa inyong sariling pangungusap ang wastong pagkukumpuni ng mga
sumusunod: Baradong inidoro, sirang switch, tumutulong gripo, pumutok na switch

B. Panlinang na Gawain:
1. Pagganyak:
Itanong:
Paano ninyo napahahalagahan ang inyong mga natapos na gawain tulad ng
pagkukumpuni ng sirang bahagi ng bahay?

2. Karanasan sa Pagkatuto:
a. Hayaang magbigay ang bawat bata ng kanilang sagot at isulat ito sa pisara.
b. Talakayin, bigyang pagpapahalaga ang kaunting paliwanag ang bawat sagot ng mga bata.

3. Paglalahat:
Mahalaga ang magkaroon ng pagpapahalaga sa paggawa upang magtagumpay sa lahat ng
gawaing isasagawa at upang magkaroon ng kasiyahan at pagmamalaki sa inyong paggawa.

4. Paglalapat:
Magkuwento ng sarili ninyong karanasan kung saan naipakita ninyo ang kawilihan sa
pagkukumpuni ng sirang kagamitan o bahagi ng inyong bahay.

IV. Pagtataya:
Iguhit ang mukhang masaya  kung ito ay nagpapakita ng kawilihan sa paggawa at mukahang
malungkot  kung ito ay nagpapakita ng hindi kawilihan sa paggawa.
_____ 1. Hindi nakatapos si Joel sa pagkukumpuni ng sirang upuan.
_____ 2. Nakikinig ng magandang awitin sa radyo habang gumagawa.
_____ 3. Hindi alintana ang gutom sapagkat abala sa pagkukumpuni ng sirang switch.

V. Takdang-Aralin:
Sumulat ng 5 paraan kung paano maipapakita ang kasiyahan at pagpapahalaga sa paggawa.

5
EPP 6 Date:_____________
Ikatlong Markahan (3:00 p.m. – 3:50 p.m.)

I. Layunin:
 Nagtatalakay ang kabutihang natatamo ng mag-anak o pamayanan mula sa iba’t ibang industriya.

Pagpapahalaga: Masipag/ Pagtutulungan

II. Paksa: Kabutihang Natatamo ng Mag-anak o Pamayanan mula sa Iba’t ibang Industriya
Sanggunian: PELC 8.1.1, p.65
Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan 6, p.138
Kagamitan: tsart, larawan

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Ano ang kahalagahan ng iba’t ibang gawaing Industriya?

2. Pagganyak:
Sino sa inyo ang mahilig sa mga gawaing pang-industriya?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad:
Pagpapakita ng mga larawan ng mag-anak na tulung-tulong sa paggawa ng iba’t ibang
gawaing pang-industriya.

2. Pagtatalakay:
a. Ano ang kabutihang natatamo ng mga-anak mula sa gawaing pang-industriya?
b. Sa pamayanan, ano ang kapaki-pakinabang na gawaing pang-industriya?
c. Sa pamamagitan ng gawaing industriya, maaari bang makatulong ito sa kabuhayan?

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalapat:
Mahalaga ba sa mag-anak o pamayanan ang iba’t ibang gawaing pang-industriya? Bakit?

2. Paglalahat:
Ano ang kahalagahan ng gawaing industriya sa mag-anak o pamayanan?

IV. Pagtataya:
Ano ang kabutihang natatamo na mag-anak o pamayanan mula sa iba’t ibang industriya?

V. Takdang-Aralin:
Anu-ano ang mga gawaing industriya sa inyong barangay?

6
EPP VI

Date: __________

I. Layunin:
 Nakapipili ng isang makapagkakakitaang gawain

Pagpapahalaga: Malikhain

II. Paksa: Pagpili ng Isang Mapagkakakitaang Gawaing Pang-industriya


Sanggunian: PELC 8.2, p.65
Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan 6, p.139-141
Kagamitan: tsart, larawan

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Ano ang kabutihang natatamo ng mag-anak sa pamamagitan ng iba’t ibang industriya?

2. Pagganyak:
Pagtatanong ng guro sa bata kung sino ang mahilig sa mga gawaing kamay, hakoy, metal,
at elektrikal.

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad:
Pagpapakita ng iba’t ibang Gawaing Pang-Industriya

2. Pagtatalakay:
a. Anu-ano ang mga gawain sa sining pang-industriya?
b. Anu-ano ang mga hanapbuhay na maaaring pasukan sa
1. Gawaing kamay
2. Gawaing kahoy
3. Gawaing elektrikal

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalapat:
Anu-anu ang mabuting dulot ng may kaalaman sa iba’t ibang Gawaing Industriya?
2. Paglalahat:
Gumawa ng isang gawaing kamay.
IV. Pagtataya:
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Anu-ano ang mga Gawaing Pang-Industriya?
a. gawaing kamay c. gawaing metal
b. gawaing kahoy d. gawaing elektrikal

V. Takdang-Aralin:
Mamasyal sa pamayanan at itala ang gawaing pangkabuhayan na makikita.

7
EPP VI

Date: __________

I. Layunin:
 Nakalilikha ng disenyo ng napiling gawain

Pagpapahalaga: Naipapakita ang pagiging malikhain

II. Paksa: Pagguhit ng Disenyo o Krokis


Sanggunian: PELC 8.3.1, p.66
Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan 6, p.158-161
Kagamitan: tsart, larawan

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Anu-ano ang mga gawain sa sining pang-industriya?

2. Pagganyak:
Sino sa inyo ang mahilig gumuhit ng mga iba’t ibang disenyo?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad:
Ipakita ang tsart ng mga kagamitan sa paggawa ng krokis.

2. Pagtatalakay:
a. Ano ang krokis
b. Anu-ano ang uri ng krokis?
c. Anu-ano ang kailangan sa pagguhit ng krokis?
C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalapat:
Bakit mahalaga ang disenyo sa napiling gawain?
2. Paglalahat:
Gumawa ng disenyo na nais mo.
IV. Pagtataya:
1. Ano ang naglalarawan ng kabuuang anyo ng gawaing proyekto?
2. Anu-ano ang tatlong uri ng pagguhit o krokis?
3. Bakti mahalaga nag matutong bumasa ng sukat?

V. Takdang-Aralin:
Subuking gumuhit ng larawan ng proyektong nais gawin.

8
EPP VI

Date: __________

I. Layunin:
 Nakapagkukuwento ng mga materyales na gagamitin

Pagpapahalaga: Pagiging masipag

II. Paksa: Pagkukuwenta ng Materyales


Sanggunian: PELC 8.3.2, p.66
Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan 6, p.142-147
Kagamitan: tsart

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Ano ang dapat isaalang-alang sa pagklikha ng disenyo?

2. Pagganyak:
Sino sa inyo ang may planong gumawa ng isang proyekto?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad:
Ipakita ang tsart ng kuwento ng materyales.

2. Pagtatalakay:
1. Ano ang plano ng proyekto?
2. Bilang ng materyales kung ilan.
3. Pangalan ng materyales na gagamitin.
4. Halaga ng bawat isa
5. Kabuuang magagastos sa materyales.

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalapat:
Bakit mahalaga ang pagkukuwenta ng materyales?
2. Paglalahat:
Gumawa ng plano sa proyektong gagawin at isaalang-alang ang halaga ng materyales.
IV. Pagtataya:
1. Anu-ano ang mga datos na itinatala sa bawat bahagi ng plano?
2. Bakit mahalagang isaalang-alang ang halaga ng materyales?

V. Takdang-Aralin:
Pumili ng isang proyektonng gagawin ay gawan ito ng plano.

9
EPP VI

Date: __________

I. Layunin:
 Natutukoy ang mga angkop na kasangkapang gagamitin.

Pagpapahalaga: Pagkamaingat

II. Paksa: Mga Kasangkapan sa Paggawa


Sanggunian: PELC 8.3.3, p.66
Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan 6, p.95-96
Kagamitan: Mga tunay na bagay

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Paano ang wastong paraan ng pagpaplano?

2. Pagganyak:
Paano inuuri ang kasangkapan?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad:
Ipakita sa mga bata ang mga kasangkapan
Ipalarawan ang bawat-isa.

2. Pagtatalakay:
a. Talakayin ang kahulugan ng mga salita at ipagamit sa pangungusap.
katam lanseta sinsil kikil
C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Gumawa ng talang ng mga kasangkapan.
Ipauri sa mga bata ang mga kasangkapan ayon sa tamng pamagat at gawain nito.
2. Paglalapat:
Bakit kailangang alamin ang wastong gamit ng bawat kasangkapan?
IV. Pagtataya:
Piliin ang tamang sagot.
1. Pangmarka sa proyektong yari sa metal. (lapis, brad awl, granil_
2. Pamutol at pangtistis ng kahoy. (pait, lanseta, lagari)
3. Pamputol at pangpilipit ng kawad ng idinudugtong. (plais, lanseta, lagari)
4. Panghigpit ng mga turnilyo (martilyo, disturnilyador, plais)
5. Pambutas ng kahoy. (barena, iskwala, pait)

V. Takdang-Aralin:
Magtala ng mga materyales na patapon na maaari pang pakinabangan.

10
EPP VI

Date: __________

I. Layunin:
 Naitatala ang wastong hakbang sa paggawa ng proyekto.

Pagpapahalaga: Mapamaraang paggawa

II. Paksa: Wastong Hakbang sa Paggawa


Sanggunian: PELC 8..3.4, p.66
Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan 6, Manwal ng Guro ph. 99
Kagamitan: Plano ng proyekto

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Pagbalik-aralan ang mga kasangkapan sa paggawa at gamit nito.

2. Pagganyak:
Sa paggawa ng proyekto, ano ang kailangang gawin?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad:
Pangkatin ang mga bata ayon sa proyektong napili.

2. Pagtatalakay:
a. Talakayin ang kahulugan:
- pagsusukat - panapos
- pagpuputol - pagkikinis
C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Anu-anu ang mga wastong hakbang sa paggawa ng proyekto?
2. Paglalapat:
Bakit kailangang malaman ang mga wastong hakbang sa paggawa ng proyekto?

IV. Pagtataya:
Itala ang mga hakbang sa pagbubuo ng inyong proyekto?

V. Takdang-Aralin:
Pumili ng iba pang proyektong maaaring gawin at itala ang mga hakbang sa pabubuo nito.

11
EPP VI

Date: __________

I. Layunin:
 Nakapaghahanda ng mga kasangkapan, kagamitan at materyales na kakailanganin.

Pagpapahalaga: Mapamaraang paggawa

II. Paksa: Makapaghanda ng mga kasangkapan, kagamitan at materyales na kakailanganin


Sanggunian: BEC – RA 8.4.1 ph. 66
Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan 6
Kagamitan: larawan

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Anu-ano ang mga wastong hakbang sa paggawa ng proyekto?

2. Pagganyak:
Pagkilala sa mga kasangkapan at ang gamit ng bawat isa.

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad:
Pag-iisa-isa sa mga kasangkapan, kagamitan at materyales na kakailanganin.

2. Pagtatalakay:
Anu-ano ang mga kasangkapan, kagamitan at materyales na kakailanganin sa pagbuo ng
ating proyekto ngayon?

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Ipasabi ang mga kasangkapan, kagamitan at materyales na kakailanganin.
2. Paglalapat:
Bakit mahalagang ihanda ang mga kasangkapan, kagamitan at materyales na
kakailanganin?

IV. Pagtataya:
Piliin ang tamang sagot
1. Ginagamit ang paggawa ng mga laruan at paglilok ng mga palamuti at iba pang kasangkapan.
a. kahoy o tabla b. kawayan c. water lily
2. Ginagawang abaniko, salako o balabal ang pang-ulan ang malalapad na dahon.
a. kabibe b. anahaw c. niyog
3. Ginagamit ang mga mahahaba at malalapad na dahon sa paggawa ng banig, bag, sombrero, sapin
sa plato.
a. pandan b. anahaw c. abaka

V. Takdang-Aralin:
Anu-ano ang mga pangkaligtasan at pangkalusugang panuntunan sa paggawa?

12
EPP VI

Date: __________

I. Layunin:
 Nakasusunod sa panuntunang pangkaligtasan na kaugnay ng mga gawain.

Pagpapahalaga: Pagkamaingat

II. Paksa: Pangkaligtasan at Pangkalusugang Panuntunan sa Paggawa


Sanggunian: PELC 8..4.2, p.66
Kagamitan: Batayang Aklat sa EPP ph. 151-152

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Pagbalik-aralan ang mga kasangkapan sa paggawa.

2. Pagganyak:
Pag-iisa-isa sa mga wastong hakbang sa paggawa ng proyekto.

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad:
Ipabasa ang kasabihan: “May lugar para sa lahat ng bagay at ang lahat ng bagay ay nasa
kanyang lugar.”

2. Pagtatalakay:
a. Ipagamit sa pangungusap:
- ligtas - makaiwas
- maingat - angkop
b. Talakayin ang mga panuto sa pagkalusugan at pangkaligtasan sa paggawa.

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Ipaayos ang mga kasangkapan sa sining pang-industriya ayon sa panuntunang
pangkaligtasan.
2. Paglalapat:
Bakit mahalagang sundin ang mga pangkaligtasan/pangkalusugan sa paggawa?
IV. Pagtataya:
Punan ang patlang ng tamang sagot:
1. Maglaan ng ______ para sa kasangkapan.
2. Ang ______ ay maiiwasan ang maingat na paggawa.
3. Ituon ang _____ ang ginagawa upang maiwasan ang sakuna

V. Takdang-Aralin:
Pumili ng proyektong gagawin
Magsaliksik ng mga kakbang kung paano ito bubuuin.

13
EPP VI

Date: __________

I. Layunin:
 Nakasusunod sa wastong hakbang ng pagbuo ng gawain tulad ng pagsusukat, pagputok,
pagpapakinis, pagbubuo, pagtatapos at iba pa.

Pagpapahalaga: Pagiging Maingat, Malinis at Malikhain

II. Paksa: Wastong Hakbang sa Pagbubuo ng Proyekto o Gawain


Sanggunian: BEC 8.5 p.66
Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan 6, pp. 153-155
Kagamitan: Iba’t ibang kagamitan sa pagbubuo ng proyekto
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral: Bakit kailangang maging maingat sa paggawa?
2. Pagganyak:
Magpakita ng iba’t ibang kagamitan at kasangkapan sa pagbubuo ng proyekto. Paano
ginagamit ito?
B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad:
Anu-ano ang kasanayan ang ating kailangan sa pagbuo ng isang proyekto?
2. Pagtatalakay:
Pagrereport ng mga piling mag-aaral tungkol sa iba’t ibang kasanayan sa pagbubuo ng
proyekto.
Pangkat 1 - Pagsusukat Pangkat 4 - Pagbubuo
Pangkat 2 - Pagpuputol Pangkat 5 - Pagtatapos
Pangkat 3 - Pagpapakinis

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Anu-ano ang mga hakbang sa pagbubuo ng mga proyekto o gawain?
2. Paglalapat:
Ilagay ang lahat ng kasangkapan sa ibabaw ng mesa.
Tukuyin ang mga kasangkapang gagamitin sa bawat hakbang ng pagbuo ng proyekto.
IV. Pagtataya:
Isulat ang uri ng kagamitang kailangan sa pagbuo ng proyekto.
Kasangkapang Kailangan
1. Pagsusukat
2. Pagpapakinis
3. Pagpuputol
4. Pagtatapos
5. Pagbubuo

V. Takdang-Aralin:
Anu-ano ang mabuting epekto ng mga panapos na materyales?
EPP VI

Date: __________

I. Layunin:
 Nakapagsusuri ng gawaing natapos upang lalo itong mapabuti

Pagpapahalaga: Pagiging Mapanuri

II. Paksa: Pagsusuri ng mga Gawaing Natapos


Sanggunian: BEC 8.6 p. 67

14
Kagamitan: Mga proyektong tapos, Hal. Basket, picture frame atbp.

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral: Anu-ano ang wastong hakbang sa pagbubuo ng proyekto?

2. Pagganyak:
Magpakita ng mga proyektong tapos. Ano ang masasabi ninyo sa proyekto?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad:
Mahalagang suriin ang mga proyektong natapos upang higit itong mapaganda at
mapabuti ang paggawa.

2. Pagtatalakay:
Anu-ano ang dapat suriin sa mga natapos an proyekto?
- Paraan ng Paggawa
- Materyales na Ginagamit
- Takdang Oras
- Kahalagahan ng Proyekto o Gamit nito

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Bakit kailangang suriin ang gma natapos na proyekto?

2. Paglalapat:
Sa pagsusuri ng mga proyekto, ano ang dapat tandaan?
IV. Pagtataya:
Ilagay ang iba’t ibang proyekto sa mesa.
Hatiin ang klase sa 5 grupo. Ipasuri ang bawat grupo ang napiling proyekto ayon sa sumusunod
na pamantanayan.
1. Maayos at maganda ba ang pagkakagawa?
2. Mayroon pa bang dapat ayusin o palitan upang lalong gumanda ang proyekto
3. Madali bang matagpuan o makakuha ng mga materyales na ginagamit sa proyekto?

V. Takdang-Aralin:
Ano ang mga palatandan ng isang taong nagpapahalaga at paglilipat ng mga kasangkapan,
materyales at kagamitang ginagamit.

EPP VI

Date: __________

I. Layunin:
 Naisasagawa ang wastong pangangalaga at pagliligpit ng mga kasangkapan, materyales at
kagamitang ginagamit.

Pagpapahalaga: Pagiging Masinop

II. Paksa: Wastong Pangangalaga at Paglilipat ng mga Kasangkapan, Materyales at Kagamitang


Ginamit.
Sanggunian: BEC – 8.7 p. 67
Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan 6, pp. 151-152
Kagamitan: paper strip, iba’t ibang kasangkapan
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Anu-anong pamantayan ang dapat gawin sa pagsusuri ng natapos na proyekto?
2. Pagganyak:
Sino ang may bodega sa bahay? Ano ang inilalagay doon?

15
B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad:
Maghanda ng 10 strip na papel. Isulat doon ang wastong pangangalaga at pagliligpit ng
mga kasangkapan. Ang sino mang bata na makakabunot ng mga papel ay bibigyan ng
pagkakataong sagutin ang bawat tanong.
2. Pagtatalakay:
 Bakit kailangang maging matibay ang lalagyan ng mga kasangkapan?
 Ano ang dapat gawin kung hindi alam gamitin ang mga kasangkapan?
 Tama bang gamitin pa ang mga kasangkapan mapupurol o may sira Bakit?
C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Paano mapangangalagaan ang mga materyales at kasangkapan?
2. Paglalapat:
Upang maiwasan ang anumang aksidente, ano ang dapat gawin sa mga kasangkapan?
IV. Pagtataya:
Ano ang dapat isaisip kung gagamit ng:
1. Kasangkapan dekuryente
2. Kasangkapang matatalas at may talim.
3. Makinang pang welding at pangtono
4. Kasangkapang mapupurol
5. Kasangkapang hindi alam gamitin

V. Takdang-Aralin:
Ipaliwanag sa sariling pangungusap ang kasabihang
“May lugar para sa lahat ng bagay at ang lahat ng bagay ay nasa kanyang lugar.”
Quick access to more DepEd stuff: Deped tambayan club

16

You might also like