You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa EPP 4

I. Layunin:
 Nagagamit sa maayos at matipid na pamamaraan ang mga kasangkapan at
kagamitan sa paglilinis ng tahanan.
II. Paksang Aralin:

Mga Kagamitan sa Paglilinis

Sanggunian: Makabuluhang Gawaing Pantahanan IV


BEC – PELC 2.2.2.4, p. 6
Kagamitan: Larawan

III. Pamamaraan:
A. Talasalitaan:

walis tambo floor polisher


walis tingting iskoba
pandakot mop

B. Mungkahing Pamamaraan:

1. Magpakita ng mga larawan ng mga kagamitan sa paglilinis.Tulungan ang mga


bata kung alin sa mga kagamitang nasa larawan ang mayroon sila. Bayaan silang
magpalitan ng salaysay.

2. Magbigay ng isang sitwasyon na kung saan ginagamit ang mga salita sa


talasalitaan
Hal. Ako’y magwawalis sa mapinong sahig. Ano ang gagamitin kong walis?

IV. Pagtataya:

Isang Laro – Pagpapahula sa bagay na inilalarawan.


_____ 1. Ako'y isang bungkos ng maliliit na tangkay ng kawayan.Ginagamit
ako sa pagwawalis ng dumi sa magaspang na sahig. Ano ako?
_____ 2. Ako’y tuyong kalahating bahagi ng niyog na ginagamit sa
pagpapakintab ng sahig. Ano ako?
_____ 3. Ako'y yari sa isang lata na nakapako sa mahabang tangkay ng kahoy.
Dinadampot ko ang mga duming inipon sa isang sulok. Ano ako?
_____ 4. Ako’y sirang damit na ginagamit na pamunas sa mesa, bintana, at
sahig. Ano ako?
_____ 5. Ako'y may hawakang yari sa kawayan. Ang aking buhok ay ginagamit
na pangwalis ng dumi. Ano ako?

V. Takdang-Aralin:
Ipakita sa pamamagitan ng piping palabas ang wastong paraan ng paggamit at
pangangalaga sa mga kagamitan sa paglilinis ng bahay.
Inihanda ni: Geronimo, Jhoana Mae C.
BEED 3A

You might also like