Professional Documents
Culture Documents
q2 W4-February 19,2024 DLP
q2 W4-February 19,2024 DLP
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
CITY SCHOOLS DIVISION OF BACOOR
HABAY ELEMENTARY SCHOOL
February 19, 2024 (Monday)
I. Layunin
Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Natutukoy ang angkop na mga kagamitan sa paglilinis ng bahay at bakuran
II. Paksang Aralin
Paksa: Kagamitan sa Paglilinis ng Tahanan at Bakuran
Sanggunian: K-12 MELC page 274; CLMD 4A Budget of Work page 29-31; CLMD Pivot4A EPP4-V2
pahina 16-25, EPP-HE4 ADM-SDO Valencia p.15;
Kagamitan: PowerPoint Presentation Slides, Smart TV, EPP 4 Pivot4A, manila paper
Pagpapahalaga: Pagiging responsable at malinis sa loob at paligid ng bahay
Integrasyon: 1. Paggamit ng Matematika sa Pagtuturo ng Sukat: Ang pagtuturo ng
wastong paglilinis ng bahay at bakuran ay maaaring isakatuparan sa
pamamagitan ng paggamit ng mga sukat sa matematika.
2. Paggamit ng Halaman sa Pag-aaral ng Agham: Ang pag-aaral ng mga halaman ay
nagbibigay ng kaugnayan sa wastong pangangalaga sa kapaligiran, na nauugnay
sa paglilinis ng bakuran.
III. Pamamaraan
A. 1. Balikan
2.Panimula/ Pagganyak
Gawain A- Subukin ang mga mag-aaral kung matutukoy ang mga nasa larawan
Gawain B
a. Bigyan ang mga piling bata ng cartolina strips na may larawan ng kagamitan ng
paglilinis.
b. Bigyan din sila ng pentel pen at ipasulat dito ang gamit ng kagamitan na nasa larawan
na nakuha niya.
c. Hayaan tumawag ang mag-aaral na may cartolina strip ng isang kaklase, upang iulat at
ipaliwanag ang kaniyang naisulat na gamit ng kagamitan na nasa larawan.
2. Pagpapalalim ng Kaalaman
C. Pakikipagpalihan (Pangkatang Gawain)
Bukod sa mga nabanggit na kagamitan, mayroon ding pantulong na mga gamit sa paglilinis
upang mas maging madali at kaaya-aya ang paglilinis. Tingnan ang mga larawan kung ang mga
ito ay ginagamit din sa kaniya-kaniyang tahanan:
Bumuo ng apat na pangkat para sa gawain. Sa bawat pangkat, pag-usapan ang gamit ng bawat
isa. Ipasulat ang mga sagot sa nakahandang tsrat.
D. Paglalahat
IV. Pagtataya
Panuto: Isulat sa patlang kung anong kagamitan ang tinutukoy ng pangungusap sa bawat bilang:
_____1. Ginagamit sa pag-aalis ng alikabok at pagpupunas ng kasangkapan.
_____2. Ginagamit sa pagpapakintab ng sahig.
_____3. Ginagamit sa pagwawalis ng magaspang na sahig at sa bakuran.
_____4. Ginagamit na pamunas sa sahig.
_____5. Ginagamit upang pulutin ang mga dumi o basura.
V. Takdang Aralin
Magtala ng limang (5) kagamitang panlinis na madalas ginagamit sa paglilinis ng
bahay.. Isulat ito sa inyong EPP notebook.
PL = % PL = % PL = % PL = % PL = %
Prepared by:
RAQUEL C. CORRE
Teacher II
Checked by:
RACHEL V. ABE
Master Teacher I