You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
CITY SCHOOLS DIVISION OF BACOOR
HABAY ELEMENTARY SCHOOL
February 12, 2024 (Lunes)

LESSON PLAN IN EPP-Home Economics IV (Quarter 3)

A. Pamantayan Pangnilalaman: Naipamamalas ang pang-unawa sa batayang konsepto ng “gawaing


pantahanan” at ang maitutulong nito sa pag-unlad ng sarili at tahanan
B. Pamantayan sa Pagganap: Naisasagawa ng may kasanayan ang mga gawaing pantahanan na
makatutulong sa pangangalaga ng pansarili at ng sariling tahanan
C. Most Essential Learning Competencies (MELC):
 Naisasaayos ang payak na sira ng kasuotan sa pamamagitan ng pananahi sa kamay (hal.
pagkabit ng butones) EPP4HE-0b-13
I. Layunin
Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
• Natutukoy ang mga paraan sa pagkabit ng butones;
• Naisasaayos ang payak na sira ng kasuotan sa pamamagitan ng pananahi sa kamay tulad ng
pagkabit ng butones; at
• Naipapakita ang pagiging maingat sa paggamit ng mga kagamitan sa pananahi.
II. Paksang Aralin
Paksa: Pagsasaayos ng Sirang Kasuotan
Sanggunian: K-12 MELC page 274; CLMD 4A Budget of Work page 29-31; CLMD Pivot4A EPP4-V2
pahina 11, EPP-HE4 ADM-SDO Valencia p.8-11;
Kagamitan: PowerPoint Presentation Slides, Smart TV, EPP 4 Pivot4A, manila paper
Pagpapahalaga: Pagiging responsable at maingat sa paggamit ng mga kagamitan sa pananahi
Integrasyon:
1) Math - Natutukoy ang mga paraan sa pagkabit ng butones sa pamamagitan ng paggawa ng
mga pattern sa pagbilang.
2) Filipino - Naisasaayos ang payak na sira ng kasuotan sa pamamagitan ng pananahi sa kamay
tulad ng pagkabit ng butones sa mga damit na may sira.
3) Science - Naipapakita ang pagiging maingat sa paggamit ng mga kagamitan sa pananahi
tulad ng pag-iingat sa paggamit ng karayom
III. Pamamaraan
A. Panimula/ Pagganyak
 Tingnan ang bawat larawan. Isulat ang nawawalang titik sa patlang upang mabuo ang
salita para sa larawan.

1. _________ 2. ___________ 3. _________

4. __________ 5. ____________

Address: Habay 1, City of Bacoor, Cavite


Telephone & Fax No.: (046) 432-9237
E-mail Address: 107870@deped.gov.ph FB Page: DepEd Tayo Habay ES-Bacoor
City
B. Pagpapaunlad
1. Paglalahad

 Tingnang mabuti ang larawan A at B. Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan sa ibaba at
sagutin.

1. Ano ang nakikita ninyo sa larawan A at B?


2. Alin ang larawan na may sira? Ano ang sira na mayroon ang damit?
3. Nasubukan mo na bang ayusin ang iyong nasirang damit? Paano?

2. Pagpapalalim ng Kaalaman
 May mga pagkakataon na natatanggal ang mga panara ng ating damit. Alam mo ba kung
paano ito ayusin?
 Sa araling ito, ay matutunan mong ayusin ang ganitong sira sa damit. Pag-aralan ang mga
sumusunod.
 Narito ang dalawang halimbawa ng butones na karaniwang nilalagay sa mga damit.

1. Butones na may manipis (flat button)


shorturl.at/fmzI4

2. Butones na may isang nakaalsa sa likud ( Shank button)

PARAAN NG PAGKABIT NG BUTONES.


1. Butones na manipis (flat button).
a. Maglagay ng marka sa damit na kakabitan ng butones at itusok ang
karayom na mayroong sinulid sa marka na iyong ginawa.

b. Isagawa ang pagtatahing lilip. Pagkatapos ay isara sa kabaligtarang panig


ng damit.

2. Butones na may nakaalsa sa likod (Shank button).


a. Maglagay ng marka sa damit na kakabitan ng butones at itusok ang
karayom na mayroong sinulid sa marka na iyong ginawa.

b. Isagawa ang pagtatahing lilip. Ibuhol ang sinulid at isara sa kabaligtarang


panig ng damit.

c. Bukod sa mga butones ay mayroon ding ibang uri ng pansara gaya ng


kutsetes at straight eye.

Iba pang paraan sa pagkabit ng butones


C. Pakikipagpalihan
 Pagtambalin ang Hanay A sa Hanay B. Isulat ang tamang titik sa patlang bago ang bilang.

_______1.
shorturl.at/fmzI4
a. thimble

b. shank button
_______2.

_______3. https://rb.gy/qebjob c. kutsetes

shorturl.at/qsHLZ
d. flat button
_______4.

_______5. e. karayom at sinulid

D. Paglalahat
 Ipabasa Mahalaga na tayo ay matuto kung paano ayusin at tahiin ang mga sirang kasuotan natin.
Ito ay hindi lang nakakatulong upang maisaayos ang mga nasirang damit kundi makatitipid rin sa
maaaring maging dagdag gastos sa pagbili ng bagong damit.
 Mahalagang matututunan nating ayusin ang natanggal na butones at iba pang uri ng panara ng
damit upang maging kaaya-aya itong tingnan kapag isusuot muli ang damit
IV. Pagtataya
Panuto: Isulat sa kahon ang T kung tama ang pangungusap at M kung mali naman ito.
_____1. Kailangang ibuhol muna ang sinulid bago isara ang tahi.
_____2. Ang butones na may nakaalsa sa likud ay tinatawag na flat button.
_____3. Ang butones na manipis ay tinatawag na shank button.
_____4. Gawin kaagad na basahan ang damit na natanggalan ng butones.
_____5. Ang flat button ay mayroon lamang dalawang butas.
V. Takdang Aralin
 Batay sa ating natalakay, magdala ng mga kagamitan sa pananahi. Maaari niyong dalhin ang
mga kagamitan sa pananahi na nasa inyong bahay.
 Maghanap sa inyong bahay ng kasuotan na may payak na sira tulad ng tanggal na butones at
dalhin ito sa klase.
VI. Index of Mastery
PL:
IV- DEVOTION IV-HOPE IV- WISDOM IV- HONESTY IV- CLARITY
5 X = 5 X = 5 X = 5 X = 5 X =
4 X = 4 X = 4 X = 4 X = 4 X =
3 X = 3 X = 3 X = 3 X = 3 X =
2 X = 2 X = 2 X = 2 X = 2 X =
1 X = 1 X = 1 X = 1 X = 1 X =
0 X = 0 X = 0 X = 0 X = 0 X =

PL = % PL = % PL = % PL = % PL = %

Prepared by:

RAQUEL C. CORRE Checked by:


Teacher II
RACHEL V. ABE
Master Teacher I

You might also like