You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
CITY SCHOOLS DIVISION OF BACOOR
HABAY ELEMENTARY SCHOOL
April 10, 2024 (Wednesday)

LESSON PLAN IN EPP-Indistrial Arts IV (Quarter 4)

I. Layunin
A. Pamantayan Pangnilalaman: Naipamamalas ang pang-unawa sa batayang kaalaman at kasanayan sa
pagsususkat sa pagbuo ng mga kapakipakinabang na gawaing pang-industriya at ang maitutulong nito sa
pag-unlad ng isang pamayanan.
B. Pamantayan sa Pagganap: Naisasagawa nang may kasanayan sa pagsusukat at pagpapahalaga sa mga
batayang gawain sa sining pang-industriya na makapagpapaunlad sa kabuhayan ng sariling pamayanan.
C. Most Essential Learning Competencies (MELC):
1.1 Natatalakay ang mga kaalaman at kasanayan sa pagsusukat EPP4IA-0a-1
1.1.1 nakikilala ang mga kagamitan sa pagsusukat
1.1.2 nagagamit ang dalawang sistemang panukat (English at metric)

D. Mga Layunin sa Pagkatuto


Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
 Nakikilala ang dalawang pamamaraan ng pagsusukat;
 Nagagamit ang dalawang pamamaraan ng pagsusukat sa mga gawaing pang-industriya; at
 Napapahalagahan ang tamang paggamit ng dalawang pamamaraan ng pagsusukat.

II. Nilalaman
Paksa/ Aralin: Mga Dalawang Pamamaraan ng Pagsusukat
III. Kagamitang Panturo
A. Sanggunian: K-12 MELC page 274; CLMD 4A Budget of Work page 29-31; ADM EPP-IA Q4
Mod.1 SDO Soccsksargen, p.17-24; Pivot4A Q4 EPP-IA SLM V2, pahina 10-13; W2 Pivot4A EPP-
IA LeaP
B. Iba pang Kagamitang Pangguro: PowerPoint Presentation Slides, Smart TV, laptop, ruler, lapis,
bond paper, Show Me, Board, chalk/marker
Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa tamang paggamit ng dalawang pamamaraan ng
pagsusukat
Integrasyon: EsP, Math, ICT

IV. Pamamaraan
A. Balik-aral/ Paglalahad ng Bagong Aralin
 Ano-ano ang dalawang Sistema ng pagsusukat?
B. Pagganyak
Panuto: Suriin at yusin ang mga letra upang mabuo ang tamang pangalan ng mga simbolo. Gawin
ito sa inyong Show Me Board.

1. _____________ gadapul
2. _____________ yepi
km 3. _____________ metrokilo
yd 4. _____________ dayar
mm 5. _____________ metromili

C. Pakitang-Turo/ Pag-uugnay ng mga Halimbawa sa Bagong Aralin

Address: Habay 1, City of Bacoor, Cavite


Telephone & Fax No.: (046) 432-9237
E-mail Address: 107870@deped.gov.ph FB Page: DepEd Tayo Habay ES-Bacoor
City
 Buksan ang modyul v2 sa pahina 10. Pag-aralan ang dalawang pamamaraan sa pagsusukat.
 Karagdagang impormasyon:
i. Ito naman ang mga yunit at simbolo ng pagsusukat sa Sistemang English.
1. pulgada (inch) = ( ʺ )
2. piye (feet) = ( ʹ )
3. yarda (yard) = (yd.)
- Ito naman ang mga yunit at simbolo ng pagsusukat sa Sistemang Metric.
1. milimetro (millimeter) =(mm.)
2. sentimetro (centimeter) =(sm.)
3. desimetro(decimeter) =(dm.)
4. metro (Meter) =(m)
5. kilometro (Kilometer) =(km.)

D. Pagtatalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan


 Isulat kung ang yunit ng pagsusukat ay sistemang Ingles o sistemang Metrik. Isulat ang sagot
sa inyong Show Me Board.
1. yarda - 4. metro –
2. sentimetro – 5. desimetro -
3. pulgada –

E. Paglinang ng Kabihasaan
 Gawin ang Gawain sa Pagkatuto Bilang 3 at 4 sa pahina 11-12 ng modyul.

F. Paglalahat
 Ano-ano ang dalawang Sistema ng pagsusukat?
 Ano-ano ang mga yunit na bumubuo sa bawat Sistema?

G. Pagtataya
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong sanayang papel.

1. May dalawang sistemang pagsusukat, ang Sistemang English at ang sistemang Metric. Alin sa
sumusunod na sukat ang Sistemang English?
a. kilometro b. millimetro c. sentimetro d. pulgada
2. Ang ruler na kasangkapang panukat ay may habang 1 piye o isang talampakan sa sistemang
English at may katumbas na ______ sukat sa sistemang metric.
a. 30 millimetro b. 30 metro c. 30 sentimetro d. 30 kilometro
3. Ang bawat yunit ng sukat ay may simbolo. Ano ang simbolong sukat ng yunit na yarda?
a. ʺ b. ʹ c. dm d. yd
4. Kung ang 1 yarda ay katumbas ng 3 piye/talampakan, ilang piye o talampakan ay katumbas ng 3
ng yarda?
a. 11 b. 9 c. 10 d. 8
5. Bukod sa gamit sa paggawa ng tuwid na guhit, ang ruler ay ginagamit din sa pagkuha ng maikling
sukat. Kung ang haba ng ruler ay 1 piye na may 12 pulgada, ano ang katumbas ng 2 piye?
a. 75 pulgada b. 50 pulgada c. 24 pulgada d. 42 pulgada

H. Karagdagang Gawain
C. Gawin ang Gawain sa Pagkatuto Bilang 5 sa pahina 12 ng modyul.

V. Mga Tala
PL:
IV- DEVOTION IV-HOPE IV- WISDOM IV- HONESTY IV- CLARITY
5 X = 5 X = 5 X = 5 X = 5 X =
4 X = 4 X = 4 X = 4 X = 4 X =
3 X = 3 X = 3 X = 3 X = 3 X =
2 X = 2 X = 2 X = 2 X = 2 X =
1 X = 1 X = 1 X = 1 X = 1 X =
0 X = 0 X = 0 X = 0 X = 0 X =

PL = % PL = % PL = % PL = % PL = %

VI. Pagninilay
Isulat ang iyong nararamdaman at realisasyon ayon sa iyong napag aralan. Gamitin ang mga
sumusunod na salita sa simula ng iyong pangungusap.

Nauunawaan ko na _____________________________________________________.
Nabatid ko na _________________________________________________________.
Naisasagawa ko na _____________________________________________________.

Prepared by:
Checked by:
RAQUEL C. CORRE
Teacher II
RACHEL V. ABE
Master Teacher I

You might also like