You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
CITY SCHOOLS DIVISION OF BACOOR
HABAY ELEMENTARY SCHOOL
April 1, 2024 (Monday)

LESSON PLAN IN EPP-Indistrial Arts IV (Quarter 4)

I. Layunin
A. Pamantayan Pangnilalaman: Naipamamalas ang pang-unawa sa batayang kaalaman at kasanayan sa
pagsususkat sa pagbuo ng mga kapakipakinabang na gawaing pang-industriya at ang maitutulong nito sa
pag-unlad ng isang pamayanan.
B. Pamantayan sa Pagganap: Naisasagawa nang may kasanayan sa pagsusukat at pagpapahalaga sa mga
batayang gawain sa sining pang-industriya na makapagpapaunlad sa kabuhayan ng sariling pamayanan.
C. Most Essential Learning Competencies (MELC):
1.1 Natatalakay ang mga kaalaman at kasanayan sa pagsusukat EPP4IA-0a-1
1.1.1 nakikilala ang mga kagamitan sa pagsusukat
1.1.2 nagagamit ang dalawang sistemang panukat (English at metric)

D. Mga Layunin sa Pagkatuto


Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
 Natatalakay ang mga kaalaman at kasanayan sa pagsusukat;
 Naiuuri ang mga kagamitang panukat ayon sa wastong gamit nito; at
 Nauunawaan ang kahalagahan ng mga wastong kagamitan sa panukat.

II. Nilalaman
Paksa/ Aralin: Mga Kagamitan sa Pagsusukat
III. Kagamitang Panturo
A. Sanggunian: K-12 MELC page 274; CLMD 4A Budget of Work page 29-31; ADM EPP-Agri
Mod.8 SDO Valencia, p.5-6; ADM EPP-Agri Mod.8 SDO Soccsksargen, p.5-6;
Pivot4A LeaP Q4 EPP4-IA W1, Pivot4A Q4 EPP-IA SLM V2, pahina 6-9
B. Iba pang Kagamitang Pangguro: PowerPoint Presentation Slides, Smart TV, laptop, manila
paper, marker, Show Me Board
Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa paggamit ng mga kagamitang panukat
Integrasyon: EsP, Math

IV. Pamamaraan
A. Balik-aral/ Paglalahad ng Bagong Aralin
Panuto: Suriin at ayusin ang mga letra upang mabuo ang tamang pangalan ng mga larawan. Gawin
ito sa kalakip na sanayang papel.

B. Pagganyak
Naiisip mo ba kung paano nabuo ang inyong bahay, ang iyong mga damit, at iba pang nga
kasangkapan? Ano kaya ang ginamit upang mabuo ang mg ito na nasa tamang sukat at laki

Address: Habay 1, City of Bacoor, Cavite


Telephone & Fax No.: (046) 432-9237
E-mail Address: 107870@deped.gov.ph FB Page: DepEd Tayo Habay ES-Bacoor
City
C. Pakitang-Turo/ Pag-uugnay ng mga Halimbawa sa Bagong Aralin

Ang pagsusukat ay isang paraan upang malaman ang angkop na sukat ng isang bagay.

May dalawang uri ng sistema ng pagsusukat;


 ang Sistemang Ingles at:
 ang Sistemang Metrik.

Ang Sistemang Ingles ay ang lumang pamamaraan sa pagsusukat samantalang ang


Sistemang Metrik ang ginagamit sa kasalukuyan. Upang maging matagumpay sa
pagsusukat, kailangang gumamit ng mga kasangkapan sa pagsusukat.
Napakadami po palang kagamitan sa pagsusukat ‘tay, gusto ko pong makilala at magamit ang
bawat isa’, tuwang-tuwa sabi ni Kai-kai.

D. Pagtatalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan


 Panuto:Tukuyin ang mga sumsusunod na kagamitan na maaring gamiting panukat ni Kai kai
ayon sa tsart na ipinakita ng kanyang tatay sa kwento. Isulat ito sa inyong sagutang papel

E. Paglinang ng Kabihasaan
Think-Pair-Share
 Kasama ang inyong kapareha. Naranasan mo na bang gumamit ng mga kasangkapang
panukat na ipinakita sa tsart kanina. Alin sa mga ito ang kilala mo na at alam ang kanyang
gamit. Tukuyin kung anong kasangkapang panukat ito at isalaysay ang iyong karanasan.
 Gawin ito sa inyong kwaderno.

F. Paglalahat
Panuto: Punan ang patlang ng tamang salita upang mabuo ang talata na siyang buod ng iyong
aralin. Pumili ng mga salita na nasa loob ng kahon.

Ang ____________________________ ay isang paraan upang malaman ang angkop na sukat


ng isang bagay. Gumagamit tayo ng iba’t ibang ______________________________ na angkop sa
mga bagay na paggagamitan nito. Sa pagsusukat, dapat nating tandaan na ito ay may
_________________________ na nangangahulugang dapat nating sukatin nang wasto ang haba o
kapal ng isang bagay. Dapat din itong may ____________________ upang masiguro na tama ang
ginamit na panukat upang ang iyong proyekto ay maging ____________________________.
G. Pagtataya
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa iyong sagutang papel.

1. Ang kasangkapang ito ay ginagamit sa pagkuha ng mga digri kapag gumagawa ng mga anggulo
sa iginuguhit na mga linya.
A. Pull-push rule B. Ruler at triangle C. Protraktor D. Zigzag rule
2. Ito ay kasangkapang yari sa kahoy na ang haba ay umaabot sa 6 na piye at panukat ng
mahahabang bagay tulad ng haba at lapad ng bintana.
A. Meter stick B. zigzag rule C. Pull-push rule D. T-square
3. Aling kagamitan ang ginagamit na panukat ng tela?
A. medida B. triangle C. T-square D. Ruler
4. Ginagamit sa pagsusukat sa paggawa ng mga linya sa drowing at iba pang maliliit na gawain na
nangangailangan ng sukat.
A. T-square B. Triangle C. Medida D. Protractor
5. Ginagamit din ito na gabay sa pagguhit ng mga linya sa mga drowing ngagawin.
A. iskwala B. meter stick C. T-square D. Zigzag rule

H. Karagdagang Gawain
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ito sa inyong kwaderno.

1. Bakit kailangang gumamit ng kasangkapang panukat?


2. Paano gamitin ang mga kasangkapang ito?

Index of Mastery
PL
IV- DEVOTION IV-HOPE IV- WISDOM IV- HONESTY IV- CLARITY
5 X = 5 X = 5 X = 5 X = 5 X =
4 X = 4 X = 4 X = 4 X = 4 X =
3 X = 3 X = 3 X = 3 X = 3 X =
2 X = 2 X = 2 X = 2 X = 2 X =
1 X = 1 X = 1 X = 1 X = 1 X =
0 X = 0 X = 0 X = 0 X = 0 X =

PL = % PL = % PL = % PL = % PL = %

Prepared by:

RAQUEL C. CORRE
Checked by:
Teacher II

You might also like