You are on page 1of 25

4

Edukasyong Pantahanan
Quarter 3 - Modyul 4
Pamamaraan ng Basic Sketching,
Shading at Outlining
(Industrial Arts)

(Industrial Arts)
Kagawaran ng Edukasyon . Republika ng Pilipinas
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan – Grade 4
Alternative Delivery Mode
Quarter 3 – Modyul 4: Pamamaraan ng Basic Sketching, Shading at Outlining
Unang Limbag, 2020
Paunawa hinggil sa karapatang – sipi. Isinasaad ng Seksyong 176 ng Batas
Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-isip sa anumang akda ng
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o
tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing
akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng
bayad na royalty bilang kondisyon.

Ang mga akda / materyales (mga kwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang pahintulot ng mga may
karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng mga
tagapaglathala (publisher) at may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Division of Valencia City


Schools Division Superintendent: Rebonfamil R. Baguio

Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul sa EPP 4

Authors: Maria Luz T. Torda

Editor: Ronald I. Flores, HT-I

Reviewers: Fortunato R. Ocaya Jr. – EPS, MTB-MLE


Rocelyn G. Garcesa
Susan C. Sabacajan
Peter S. Abejuela

Illustrator: Juniver Kris B. Jimeno


Layout Artists: John Rimmon I. Taquiso
Israel C. Adrigado
Management Team:
Chairperson: Rebonfamil R. Baguio
Schools Division Superintendent
Co-Chairperson: Eugene I. Macahis, Jr.
Asst. Schools Division Superintendent
Members: Jayvy C. Vegafria, CID Chief ES
Sarah Jane A. Valdez, EPS – EPP/TLE/TVL
Analisa C. Unabia, EPS – LRMS
Zaldy G. Ampong, PSDS
Joan Sirica V. Camposo, Librarian II
Israel C. Adrigado, PDO II

Evaluator: Mary Joy R. Tymico, Lanao del Norte


Inilimbag sa Pilipinas ng:
Department of Education - Division of Valencia City
Office Address: Lapu-lapu Street, Poblacion, Valencia City 8709
Telefax: (088) 828-4615
Website: deped-valencia.org

1
4
Edukasyong Pantahanan
Quarter 3 - Modyul 4
Pamamaraan ng Basic Sketching,
Shading at Outlining
(Industrial Arts)

Ang kagamitan sa pagkatutong ito ay magkatuwang na


inihanda ta sinuri ng mga guro mula sa mga pampubliko at
pribadong paaralan. Hinihikayat naming ang mga guro at ibang
nasa larangan ng Edukasyon na mag-email ng kanilang puna,
komento at rekomendasyon sa Kagawaran ngEdukasyon sa
region10@deped.gov.ph.

Lubos naming pinapahalagahan ang inyong


mga puna at rekomendasyon.

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas

2
Panimula

Ang modyul na ito ay sadyang inilahad para sa mag-aaral na


nasa ikaapat na baitang. Upang maibahagi sa mga mag-aaral ang mga
pamamaraan ng basic sketching, shading at outlining.

Sa araling ito, ay lubos na binibigyan pansin ang kahalagahan ng


pagdidisenyo sa paggawa ng isang proyekto upang maipakita ang
larawan o kaayusan ng gagawing proyekto. Nakapaloob din ang
wastong paggamit ng mga kagamitan sa pagguhit ng krokis o disenyo.

Ang mga gawain dito ay sadyang ginawa para sa pansariling


kasanayan ng mga mag aaral kung saan sila ay malayang
makakagawa nito ng maayos at matiwasay sa mga sariling tahanan.

Inaasahan ang mga guro na ipaunawa ng mabuti ang modyul na


ito at gabayan ang mga mag-aaral sa mga panuto upang magkaroon
ng kawiliwiling karanasan sa pagkatuto.

Mga tala para sa Guro

o Gabayan ang mga mag-aaral sa


pagbasa, pag-unawa at pagpapahalaga

o Ipaunawa ang bawat panuto at gawain


upang ito ay lubos na maintindihan.

i
3
Alamin

Maraming mga pamamaraan kung paano ilalarawan ang basic


sketching, shading at outlining. Ang mga pamamaraan na ito ay
mahalaga sa paggawa ng isang kanais-nais, mabuti at maayos na anyo
ng isang gagawing proyekto. Sa paggawa ng disenyo ito ay may mga
pamamaraan. Sa araling ito, matutukoy mo ang mga pamamaraan ng
basic sketching, shading at outlining.

Layunin sa pagkatuto:

1. Natutukoy ang pamamaraan sa basic sketching, shading at


outlining.

2. Nakikilala ang iba’t ibang kagamitan sa paggawa ng krokis o


disenyo .

3. Nagagamit ng wasto ang iba’t ibang kagamitan sa paggawa ng


krokis o disenyo.

4. Napahalagahan ang tamang kasangkapan sa pagbuo ng krokis


o disenyo

Paano matuto sa Modyul na ito:

Upang makamit ang layunin na inilalahad sa itaas, gawin ang


mga sumusunod na hakbang:

• Basahin at unawain nang mabuti ang aralin.

• Sundin at gawin ang inilalahad na panuto sa bawat pagtataya at


pagsasanay.

• Sagutin ang lahat na pagtataya at pagsasanay.

ii
4
Subukin

Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap. Piliin at bilugan ang


titik ng tamang sagot.

1. Bakit kailangan nating igalaw ang ating mga kamay bago


gumuhit?

a. dudulas ang mga ito kapag gumuhit


b. gaganda ang iginuguhit
c. magiging masaya ang pagguhit
d. mapapagaan ang ating mga kamay

2. Ang cross hatching ay paggawa ng disenyo


na nagkakaroon ng ______na kulay.

a. mapusyaw c. overlapping
b. mapula d. pula

3. Alin ang pinakamadali at pinaka mabilis na teknik sa pagguhit.

a. cross hatching c. smooth


b. slinky d. stippling

4. Ang _________ ay pamamaraan ng shading na nagpapakita ng


makatotohanang guhit.

a. cross hatching c. smooth


b. slinky d. stippling

5. Alin sa sumusunod na hugis ang kailangan kapag mag-shade?

a. bilog c. malapad
b. kahit ano d. matulis

5
z

Aralin Mga Pamamaraan ng


1 Basic Sketching,
Shading at Outlining
Sa araling ito, matutukoy mo ang mga pamamaraan ng basic
sketching, shading at outlining. Mahalaga ang pagdidisenyo sa
paggawa ng isang proyekto upang maipakita ang larawan o ayos at
iba pang ispesipikasyon ng gagawing proyekto. Magagamit mo ito
upang makabuo o makagawa ng isang kapaki-pakinabang na proyekto
na maaaring pagkakakitaan.

Balikan

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan at isulat


ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Sa pamayanang urban alin sa sumusunod ang hanapbuhay na


gumagamit ng shading, basic sketching, at outlining?
a. arkitekto c. manlalaro
b. artista d. tinder

2. Aling hanapbuhay sa pamayanang rural ang gumagamit ng


shading, basic sketching at outlining?
a. guro c. sundalo
b. magsasaka d. tubero

3. Alin sa mga sumusunod ang produkto na ginagamitan ng basic


sketching, shading at outlining?
a. adobo c. pritong isda
b. damit pangkasal d. soft drink

4. Sino sa sumusunod ang gumagamit ng basic sketching,


shading at outlining?
a. abogado c. magsasaka
b. inhinyero d. magtataho

6
5. Alin sa mga sumusunod ang ginagamit sa basic sketching,
shading at outlining?

a. iskwala, lapis, compass c. tela, papel, plastik


b. kutsara, tinidor, baso d. tinidor , tasa , mangkok

Tuklasin

Panuto: Hanapin ang limang (5) mga salita na matatagpuan sa


palaisipan na may kaugnayan sa pamamaraan ng basic sketching,
shading at outlining. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Palaisipan

O S T I P P L I N G E Q A S E
A S A Z E M E F R T H Y U I L
M A E R P A G G A L A W H A N
M I O A F P A D S G E R O T V
L O I N J U M A E S F R G E S
A A C R O S S H A T C H I N G
H U G I S Y A E D R F T S A O
G B H M M A D I L I M O L I M
F A E I O W A D G S R T U O I
B D E D F T H U I O P L H M H
I M N O P L A S M O O T H A N
A S L I N K Y A E A S D E R F
D I N H F D G Q A D C F B M G
N V E R L A P A S H A D I N G
N A Z D F E R T R Y I U J L K

Pag-aralan Natin

Mga pamamaraan ng basic sketching,shading at outlining:

1.Pag-ehersisyo ng galaw ng mga Kamay (Hand Movement Exercise)


– Ito ay nagpapagaan ng mga kamay sa pagguhit at nagbibigay ng lakas
ng loob sa pagguhit.

7
2. Uri ng Shading (Types of Shading)- may mga uri at teknik sa
shading. Ito ay ang mga sumusunod:

a.) Cross Hatching –


ito ay paggawa ng disenyo
na nagkakaroon ng
overlapping.

b.) Smooth – ito ang


pinaka makatotohanang guhit.
Ang pamamarang ito ay
patuloy na nagpapakita ng
totoong kaanyuhan.

C.) Slinky- Ito ang


pinakamadali at pinakamabilis
na teknik sa pagguhit.

d.) Stippling- nagdagdag


dito ng maraming pressure
mula sa mapusyaw.
Nagdadagdag din ng tuldok at
dahandahang kumukunti
(decrease gradually).

3. Hugis na i-shade (Shapes for shading)- ito ay mga hugis na


lalagyan ng shades.

8
4. Paano gagawin ang shading (How to do shading)- Ito ang proseso
sa pagdadagdag ng pagdidiin (pressure) ng kulay upang makagawa ng
ilusyon (illusion) ng nga hugis mula sa space. Pinakamahalaga ang
liwanag sa guhit.

5.Shading mula mapusyaw padilim (shading from light to dark) - ito


ay isinasagawa kung ibig mong gumawa ng highlight. Ang guhit ay
magiging makakatotohanan kung dagdagan ng kunting madilim na
shading.

Suriin

Panuto: Basahing mabuti at kumpletuhin ang mga pamamaraang ng


basic sketching, shading at outlining. Piliin ang tamang sagot sa loob
ng kahon at isulat sa sagutang papel.
A. smooth F. hugis
B. slinky G. mapusyaw
C. paggalaw H. makatotohanan
D. stippling I. madilim
E. cross hatching J. teknik

1. Ang pagguhit ng _________ ay pamamaraan ng disenyo na


nagkakaroon ng overlapping.

2. Ang disenyong _________ ay ang pinaka makatotohanang guhit.

9
3. Sa pagsisimula ng pagguhit ay kailangan natin ang mga
___________ para sa shading.

4. Ang disenyong _________ ang pinakamadali at pinakamabilis na


teknik sa pagguhit.

5. Ginagawa ang disenyong __________ dahil ito ay nagdagdag ng


maraming pressure mula sa mapusyaw na kulay.

Pagyamanin

Panuto: Tukuyin kung ang sumusunod ay mga pamamaraan sa


basic sketching, basic shading at outlining. Lagyan ng ( ) kung
OO at ( ) kung HINDI. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

_____ 1. Smooth
_____ 2. Cross hatching
_____ 3. Slinky
_____ 4. Pag-ehersisyo ng mga kamay
_____ 5. Paano ginagawa ang shading

Isaisip

Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong at sagutin. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.

1. Ano-ano ang mga pamamaraan ng basic sketching,


shading at outlining?
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________

2. Ibigay ang apat (4) uri at teknik ng shading.


_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________

10
Isagawa

Panuto: Isulat sa sagutang papel ang nawawalang titik sa patlang


upang mabuo ang wastong salita.

1. Ang pagguhit ng cr_ss h_tc_ing ay pamamaraan ng


desinyo na nagkakaroon ng overlapping.

2.Ang disenyong s_oo_h ay ang pinaka makatotohanang guhit.

3. Sa pagsisimula ng pagguhit ay kailangan natin ang mga hugis na


i- s_ad_.

4. Ang disenyong s_i_k_ ang pinakamadali at pinakamabilis na teknik


sa pagguhit.

5.Ginagawa ang disenyong st_p_l_ng dahil ito ay nagdagdag ng


maraming pressure mula sa mapusyaw na kulay.

Tayahin

Panuto: Basahin ang pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot


at isulat sa sagutang papel.

1. Ang cross hatching ay paggawa ng disenyong


nagkakaroon ng ______.

a. mapusyaw na kulay c. overlapping


b. maputing kulay d. pulang kulay

2. Ito ang pamamaraan na pinakamadali at pinakamabilis na teknik


sa pagguhit.

a. shading c. slinky
b. stippling d. smooth

11
3. Ang pamamaraan ng shading na ito ay nagpapakita ng
makatotohanang guhit?

a. shading c. slinky
b. smooth d. stippling

4. Alin ang kailangang hugis kapag mag-shade?

a. kahit ano c. makapal


b. malaki d. bilog

5. Anong pamamaraan ng basic shading ang nagpapagaan


ng kamay sa pagguhit?

a. cross hatching c. slinky


b. pag-ehersisyo ng kamay d. stippling

6.Alin ang pinakamadali at pinaka mabilis na teknik sa pagguhit?

a. cross Hatching c. smooth


b. slinky d. stippling

7.Anong disenyo ang nagpapakita ng overlapping?

a. cross hatching c. smooth


b. slinky d. stippling

8. Aling pamamaraan ang nagdagdag ng maraming pressure


mula sa mapusyaw padilim, at nagdadagdag ng tuldok na
dahandahang kumukunti.

a. cross hatching c. slinky


b. shading d.stippling

9.Aling pamamaraan ng shading ang nagpapakita ng makatoto-


hanang pagguhit.

a. stippling c. slinky
b. shading d. smooth

10.Bakit kailangan nating igalaw-galaw ang ating mga kamay bago


gumuhit?

12
a. para maraming maguhit
b. upang lumambot ang mga kamay.
c. para gumaan ang mga kamay kapag gumuhit.
d. upang madulas ang mga kamay kapag gumuhit.

Karagdagang Gawain

Panuto: Magsaliksik at magtala sa sagutang papel ng iba pang


pamamaraan ng basic sketching, shading at outlining na hindi
nabanggit sa modyul na ito. Bigyan ng maikling paliwanag ang bawat
isa.

1.

2.

3.

13
14
Isagawa Suriin Tuklasin
1. Crosshatching 1. E STIPPLING
CROSS HATCHING
2. Smooth 2. A HUGIS
3. Pamamaraan 3. F SMOOTH
4. Slinky 4. B SLINKY
5. Stippling 5. D
Balikan
Tayahin Subukin 1. a
1.a 1. b
2. a
2.c 2. c 3. b
3. b 3. b
4. b
4. a 4. c 5. a
5.b 5. b
Pagyamanin
6. b
1.
7.a
2.
8. d
3.
9. d
4.
10. c
5.
Talaan sa Pagkatuto
Subukin

Panuto: TAMA o MALI. Basahin at unawaing mabuti ang


pangungusap. Isulat ang TAMA sa sagutang papel kung ang isinasaad
sa pangungusap ay tungkol sa mga kagamitan at kasangkapan sa
pagbuo ng proyekto. Isulat ang MALI kung hindi.

_____1. Ginagamit ang trianggulo sa paggawa ng patayo at pahilis na


linya.

_____2. Ginagamit ang T-square sa paggawa ng mga linyang pahiga


at gabay sa ibang kagamitan.

_____3. Ang protactor ay ginagamit sa pagkuha ng anggulong hindi


masusukat ng trianggulo.

_____4. Ang French curve ay ginagamit sa mga tuwid na linya.

_____5. Ang plastik, celopin at mga tela ay iba pang kagamitan sa


paggawa ng disenyo.

15
z

Aralin Mga Kagamitan at


2 Kasangkapan sa
Pagbuo ng Disenyo
Sa araling ito, ay tatalakayin ang iba’t ibang kagamitan at kasangkapan
sa pagbubuo ng disenyo at ang wastong paggamit ng mga ito sa
pagguhit ng krokis o disenyo upang maging maayos at tama ang
pagkagawa nito.

Balikan

Panuto: Pagtambalin ang Hanay A at Hanay B. tukuyin kung anong


pamamaraan ng basic sketching, shading at outlining. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa sagutang papel.

A B

_____1. Smooth a. pinakamadali at pinakamabilis


na teknik sa pagguhit.

_____2. Hugis na i-shade b. disenyong nagkakaroon ng


overlapping

_____3. Stippling c. shading na nagpapakita ng


makatutohanang guhit

_____4. Slinky d. ito ay mga hugis na nilalagyan


ng shades.

_____5. Cross Hatching e. nagdagdag ng maraming


pressure mula sa mapusyaw padilim
o tuldok na dahandahang kumukunti

16
Tuklasin

Panuto: Tingnan ang mga larawan at kilalanin ang mga kagamitan.


Sagutin ng OO kung ang ipinapakita ay kagamitan sa pagdidisenyo at
Hindi kung hindi kagamitan sa pagdidisenyo. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

Pag-aralan Natin:

Ang krokis ay isang dayagram, sketch o drawing at modelo o


basehan ng isang bagay. Halimbawa kung ikaw ay gagawa ng isang
flower vase, ang una mong gagawin ay isang krokis o disenyo ng isang
flower vase para makita mo ang gusto mong disenyo. Pagkatapos ay
gumawa ng sketch, mag-shade at lagyan ito ng outline.

17
Ito ang mga kasangkapan at kagamitang karaniwang ginagamit
sa paggawa ng mga krokis at drowing na mekanikal:

Kagamitan Larawan
1. T-square o Eskwala – Yari sa
kahoy o plastic at binubuo ng
dalawang bahaging nakadugtong
sa 90 degrees anggulo- ang ulo at
talim ng blade. Ginagamit ito sa
paggawa ng mga linyang pahiga at
gabay sa ibang kagamitan tulad ng
trianggulo.
2. Trianggulo – Ginagamit sa paggawa
ng mga patayo at pahilis na linya.

3. Protractor – Ginagamit sa pagkuha


ng anggulong hindi masusukat sa
alinmang trianggulo.

4. Compass –Ginagamit ito sa


paggawa ng mga bilog na
arko. Kailangang matulis ang dulo
n nito.

5. Divider – Ginagamit sa
paghati-hati ng linya at sa
paglilipat ng mga sukat.

18
Kagamitan Larawan
6. Lapis – iba-iba ang uri ng lapis ang
ginagamit sa pagguhit. Ang HB ang
karaniwang ginagamit sa pagguhit at
pagleletra.
Nauuri rin ang mga lapis sa 6B, 5B,
3B,2B, B, HB, H, 1H, 2H,3H, 4H, 7H,
8H, at 9H

7. French Curve – Ginagamit sa


pagbuo ng mga komplikadong kurba

8.Tabla o mesang pinagguguhitan- Yari


sa kahoy na karaniwang may sukat na
16 X 22 pulgada o 18 X 24 pulgada.
Kailangang makinis ang ibabaw nito at
diretso ang mga paligid na gumagawa
o working edge

9. Iba pang gamit – pambura, papel,


masking tape, at pantasa ng lapis

19
Suriin

Panuto: Ayusin ang mga titik upang matukoy ang mga kagamitan at
kasangkapan sa pagguhit. Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon
at Isulat sa sagutang papel.

Lapis T-square Divider protractor Compass

Trianggulo Pambura Tabla French Curve Papel

1. COMSSAP ___________
2. PAMBUAR ___________
3. T-QUEARS ___________
4. SIPAL ___________
5. TRINAGGULO ___________

Pagyamanin

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pangungusap.


Isulat ang UP kung ang pahayag ay tama at DOWN kung hindi.

_____1. Ang lapis ay ginagamit sa pagguhit at pagleletra.


_____2. Ginagamit ang French curve sa paggawa ng tuwid na linya.
_____3. Maaring gamitin ang T- Square sa pahiga na linya.
_____4. Mas madali ang pagguhit ng patayo at pahilis na linya gamit
ang trianggulo.
_____5. Ang tabla o mesang pinagguhitan ay yari sa makinis na kahoy.

20
Isaisip

Sa pagguhit ng krokis nangangailangan ng iba’t ibang kagamitan


at kasangkapan upang ito ay maging maayos at wasto, at hindi
maantala ang mga gawain.

Isagawa

Panuto: Gamit ang mga kagamitan sa pagbuo ng disenyo, gumawa ng


krokis o disenyo ng mukha ng isang tao na babae o lalake. Iguhit ito
sa loob ng kahon. I-sketch, I-outline at lagyan ito ng shade.

Sketch Outline Shade

Tayahin

Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap. Isulat ang tsek


(/) sa sagutang papel kung ang gamit ng mga kagamitan sa pagbubuo
ng disenyo ay tama, ekis kung hindi (x).

____1. Ginagamit ang protractor sa pagkuha ng anggulong hindi


masusukat ng trianggulo.

21
____2. Ang trianggulo ay ginagamit sa paggawa ng patayo at pahilis
na linya.

____3. Ginagamit ang T-square sa paggawa ng mga linyang


pahiga at gabay sa ibang kagamitan.

____4. Ang French curve ay ginagamit para sa mga tuwid na linya.

____5. Ang mga celopin, plastik at mga tela ay iba pang kagamitan
sa paggawa ng disenyo.

____6. Ang mga kasangakapan sa paggawa ay nagpapadali sa


gawaing proyekto.

____7. Ginagamit ang lapis sa paghati hati ng linya at paglipat

____8. Makakagawa na ng mga disenyo kahit kulang sa kagamitang


pagguhit.

____9. May mga kasangkapan at kagamitan para sa pagbuo ng


mga pang proyektong disenyo.

____10. Ang mga kasangkapan at kagamitan sa pagbuo ng disenyo


ng proyekto ay dapat na ingatan.

Karagdagang Gawain

Panuto: Magsaliksik ng iba pang kagamitan na maaring makatulong


din sa pagbuo ng krokis o disenyo ng proyekto. Maaaring mag –
interbyu ng mga propesyonal o mag-aaral na may kaugnayan sa
pagdidisenyo. Isulat ito sa malinis na papel at ipasa sa guro.

Iba pang mga kagamitan sa pagbuo ng krokis o disenyo.

22
23
Tayahin
1./
2./
3./
Subukin 4.X
1. Tama 5.X
Balikan
2.Tama 6./
1.c 3.Tama
2.d 7.X
4.Mali
3.e 5.Mali 8.X
4.a 9./
5.b 10./
Tuklasin Pagyamanin
1.UP Suriin
1. Oo
2.DOWN 1.Compass
2. Oo
3.UP 2.Pambura
3. Hindi 3.T-Square
4.UP
4. Oo 4.Lapis
5.UP
5. Oo 5.Trianggulo
Talaan sa Pagkatuto
Sanggunian:

Kagawaran ng Edukasyon. 2015. Edukasyong Pantahanan at


Pangkabuhayan 4. Gabay sa Pagtuturo. pp. 228-229; 230-231

Kagawaran ng Edukasyon. 2015. Edukasyong Pantahanan at


Pangkabuhayan 4. Kagamitan ng Mag-aaral. pp. 80-484; 485-
490

DepEd Valencia City DLP Quarter 3, week 4 - day 3

MELC Guide EPP 2.1.2

For inquiries and feedback, please write or call:

Department of Education – Division of Valencia City

Lapu - Lapu Street, Poblacion, Valencia City 8709

Telefax: (088) 828 - 4615

24

You might also like