You are on page 1of 34

Pananahi sa Makina

Ang paggamit ng makina sa pananahi ay isang kapaki-pakinabang na


gawaing maaari mong matutuhan. Hindi lamang ito makatutulong upang
maka panahi ng sariling damit at gamit. Makatutulong din itong
makapagdagdag ng pagkakakitaan ng mag-anak.
Tunay na mahalagang matutuhan ng isang mag-aaral kung gaano kahalaga
ang pananahi. Nagdudulot ito ng kabutihan sa buhay, katipiran sa gastusin
ng pamilya sa pananamit at nakadaragdag sa kinikita ng mag-anak.
Naipagmamalaki ng isang marunong manahi na siya ang nagtatahi ng
sariling damit. Panghabambuhay na kaalaman ang maibabahagi niya sa
kanyang mga kapamilya. Makagagawa ng damit sa kahit anong oras ang
sinumang marunong manahi. Makagagawa rin siya ng mga kagamitang
pambahay gaya ng punda, kurtina, mantel, at marami pang iba.
Mga Pangunahing Kagamitan sa Pananahi

Kailangan ang kumpleto at tamang kagamitan sa


pananahi. Importante na ang mga kagamitang ito ay
maayos at may uri upang maging kasiya- siya ang
pananahi. Maging matalino sa pagpili ng mga
kagamitan. Pangalagaan ng mabuti ang mga ito
upang makatipid sa pera, panahon, at lakas.
1. Kahong Panahian- Lalagyan ito ng mga
kagamitan sa pananahi.
Maaari itong isang basket o
kahon na matibay, magaan, at
may katamtamang lalim, laki
at partisyon para sa bawat uri
ng kagamitan.
2. Mga Panukat
Kailangan ang wastong pagsusukat sa
pananahi. Makatutulong ito sa pagkakaroon
ng magandang yari ng isang damit.
A. MEDIDA - May 150cm ang haba nito,
yari sa tela o plastik na hindi nababanat
at may bilang sa magkabilang bahagi.
Ginagamit ito sa pagkuha ng sukat ng
katawan.

B. SEWING GAUGE- Ito ay ruler na


humigit- kumulang sa 15cm ang haba.
Ginagamit ito sa pagsukat ng maikling
distansiya at sa tamang lapad ng tahi.
C. TRANSPARENT FLEXIBLE RULER-
Yari sa plastik ang panukat na ito at
ginagamit para sa pagsukat ng mga
tuwid na linya.

D. METER STICK - Ginagamit ito na


panukat o pang marka ng mga
mahahabang ng mahahaba at tuwid
na guhit sa tela.
E. TAILOR'S SQUARE - Nagbibigay
ito ng tamang sukat at marka ng mga
guhit sa mga tamang anggulo tulad
ng mga guhit na ginagamit sa
pagtatabas.

F. CURVE STICK- Ginagamit ito para sa


mabilis at tamang paraan ng pagsukat
sa mga baluktot na linya gaya ng mga
tahi sa tagiliran, tupi at iba pa
G. FRENCH CURVE - Ginagamit ito
sa paglalagay ng mga baluktot na
guhit sa pundilyo at kilikili.

H. HEM MARKER O GAUGE-


Ginagamit ito sa pagsukat ng
tamang lupi.
3. Mga Pantabas
- Maayos at matalim na pantabas ng tela ang
kailangan. Kabilang dito ang mga gunting na may
mataas na uri at yari. Malaking gunting ang ginagamit
para sa lana. Ang iba pang uri ay ang pinking shears
para pansigsag sa mga gilid at dugtungan.
4. Pangmarka
- Ginagamit ang pangmarka sa pagsasalin ng
marka ng batayang padron sa mga telang tatahiin.
Ang mga ito ay ang tailor's chalk o tisa, carbon
paper, at tracking wheel. Maari ding gumamit ng
lapis.
5. Iba pang Kagamitan

a. Karayom- Mula 7 hanggang 10 ang sukat ng


karayom. Piliin ang karayom na may magandang uri
at makinis ang pagkakagawa. Sa paggamit nito,
iangkop ang uri sa telang tatahiin.

b. Mga Aspile- Mayroong tatlong uri ng aspile na


ginagamit sa pananahi. Ang bank pins ay ginagamit
sa papel. Ang dressmaker pins ay katamtaman ang
laki at ginagamit sa mga karaniwang tela. Ang silk
pins naman ay mga balingkinitang aspile na may
matulis na dulo at ginagamit sa mga pinong tela.
c. Pin Cushion- Ito ay ginagamit na tusukan ng
aspile at karayom upang madaling makuha kung
kailangan. Maaaring gumawa nito na yari sa
pranela o laso na may lamang buhok o bulak sa
loob.
d. Sinulid- Sa pagpili ng sinulid isaalang-alang
ang kulay sukat at hibla. Ang higit na matibay na
uri ay ang mercerized, na makintab na klase ng
sinulid.

e. Didal- Isinusuot ito sa hinlalato upang maligtas


sa pagkatusok at mapadali ang pagtulak ng
karayom habang nananahi.
f. Needle Threader- Ginagamit ito upang mapadali ang
paghihibla o pagsusulot ng sinulid sa karayom.

g. Crocket Hook- Ginagamit ito sa pagbabaliktad ng


bagong tahing sinturon, kuwelyo at bow.

h. Tweezers- Ginagamit ito sa pag-alis ng maliit na


sinulid o iba pang dumi sa loob ng lalagyan ng karete.

i. Pantastas oRipper- Ginagamit ito sa pagtanggal ng


sinulid sa tahing tela kung dapat baguhin ang daan ng
sinulid.
Mga Bahagi ng Makinang de-Pidal
Mahalagang malaman ang mga bahagi ng makinang
de-pidal at ang gamit ng bawat Isa.
1.
2.
3. Bed o Kama- Ito ang patungan ng tinatahi.
4.
5.
6.
7.
8. Shuttle- Pinaglalagyan ito ng bobina sa ilalim ng makina.

9. Belt o Koreya/ Kulindang- Ito ang nagdurugtong sa maliit na gulong


sa ibabaw at sa malaking gulong sa ibaba ng makina.

10.
11.
12. Presser lifter- Ito ang nagtataas o nagbababa ng presser foot.

13.
14.
15.
16.
17. Stitch Regulator- Bahagi ito na nasa ibaba ng ikutan ng sinulid sa bobina na nag-aayos ng
haba o ikli ng mga tahi.

18. Tension Regulator- Ito ang bahaging nagluluwag o naghihigpit ng tahi.

19. Drive Wheel- Ito ang malaking gulong na nakikita sa gawing kanan ng makina sa ilalim ng
kabinet. Ito ang pinagkakabitan ng kulindang at nagpapaikot ng balance wheel.

20.
21.
Paggamit ng Makinang de-Pidal
Ang pagpapatakbo ng makina ay magagawa kung pagsisikapan.
Pagtutuunan ito ng pansin para matutong manahi ng gamit ang makina.

Pagpapatakbo ng Makinang de-Pidal


Kailangan ang mahusay at wastong pagpapatakbo ng makina. Gawing
madalas ang pagsasanay upang mapatakbo nang tama ang makina at
magkaroon ng iisang direksyon ang pananahi.

1. Tiyaking may tamang liwanag na nanggagaling sa likuran.


2. Umupo ng maayos. Ilipat ang mga paa sa tapakan o treadle.
3. Magpidal ng tuloy tuloy at matatag upang tumakbo ito sa isang direksyon at
maging maayos ang takbo ng makina.
4. Simulan ang pagpapatakbo ng Wala munang sinulid.
5. Paandarin ang makina sa pamamagitan ng pagpapaikot ng balance wheel
6. Magsanay manahi ng tuwid. Maglagay muna ng dalawang pirasong papel na may guhit
sa ilalim ng pisador o presser foot.
7. Tiyaking sarado ang slide plate habang tumatakbo ang makina.
8. Gumamit ng maliit na tela at subukin kung maayos ang tahi ng makina.
9. Ibaba ang karayom at guhit. Dahan-dahang ibaba ang presser foot. Gamitin ang kaliwang
kamay upang akayin ang papel. Iikot ang gulong at magpidal nang matatag. Bawasan ang
bilis ng takbo ng makina kapag nalalapit na sa dulo.
10. Iwasan ang di-kailangang paggalaw ng katawan. Sikaping maging tuwid ang likod at
hindi nakasubsob habang nananahi.
11. Maging maingat sa pagpapatakbo ng makina.
12. Tiyaking malinis ang kamay kapag nananahi.

Pag-aalis ng Tinahi sa Makinang de-Pidal


Kailangang maging maingat sa pag-aalis ng tinahi sa makina. Sundin ang tamang
paraan ng paggawa nito.
1. Itaas ang presser foot.
2. Hilain ang tela o tinahi sa may likuran ng makina papalayo sa iyo.
Paglalagay ng Sinulid
Ang tamang paglalagay ng sinulid ang magpapadali at magpapabilis sa
pananahi sa makina. Kailangan ang wastong pagsasanay sa pag-iikid ng
sinulid sa bobina at paglalagay ng sinulid sa makina.

Pag-iikid sa Bobbin o Bobina


Kailangan ang matibay at pantay-pantay na pag-iikid ng sinulid sa bobina.
1. Luwagan ang tornilyo na nagpipigil sa gulong.
2. Ilagay ang bobina sa kidkiran. Idiin ito nang paibaba
3. Ilagay ang sinulid sa karete sa kama ng makina.
4. Isuot sa pagitan ng panghigpit at sa butas sa bandang kaliwa ng bobina.
5. Hawakan ang sinulid at paandarin ang makina. Gawin ito hanggang
mapuno ang bobina.
6. Higpitan muli ang tornilyo na pumipigil sa gulong.
Paglalagay ng Sinulid
Sundin ang wastong paraan ng paglalagay ng sinulid sa Makinang
pananahi.
1. Ilagay ang sinulid sa spool pin.
2. Kunin Ang dulo ng sinulid at idaan sa thread guide.
3. Sunod na ilagay ito sa tension Regulator sa pagitan ng dalwang bilog
na metal.
4. Hilahin ang sinulid patungong thread take up lever.
5. Isuot ang dulo ng sinulid sa magkasunod na dalawang pangggabay
ng sinulid. Ituloy ito pababa sa butas ng karayom.
6. Tiyaking maayos ang pagkakalagay ng sinulid sa karayom.
7. Hatakin ang sinulid na hawak upang pumaibabaw ang sinulid galing
sa bobina.

You might also like