You are on page 1of 24

Welcome to E.P.P. 4 Class!

Ms. Unielyn A. Despogado


Guro
Mga Kagamitan sa Pagsukat at Mga Sistema
ng Panukat
(EPP4IA-0a-1)

Ang Layunin:
1. Makapagtatalakay ng mga kaalaman at kasanayan sa
pagsusukat
Pambungad na Kanta at Panalangin
Pagganyak
Naiisip mo ba kung paano nabuo ang inyong bahay, ang iyong
mga damit, at iba pang nga kasangkapan? Ano kaya ang ginamit
upang mabuo ang mg ito na nasa tamang sukat at laki?
Pagtatalakay
 Ang bawat kasangkapang panukat ay may kaniya- kaniyang
bagay na pagagamitan. Narito ang mga kagamitan sa
pagsusukat na maari mong magamit sa susunod na proyekto
na iyong gagawin.
Mga Kagamitan sa Pagsusukat at Gamit Nito
1. Push –Pull Rule - ang kasangkapang ito ay yari sa metal at
awtomatiko na may haba na dalawampu’t limang (25) pulgada
hanggang isang daang (100) talampakan. Ito ay may gradasyon
sa magkabilang tabi. Ang isa ay...
Pagtatalakay
... nasa pulgada at ang isa ay nasa metro.
2. Tape Measure- ang kasangkapang ito ay
ginagamit sa pagsusukat ng mga bahagi ng katawan kapag
tayo ay nagpapatahi
ng damit, pantalon, palda, barong,
gown, atbp.
3. Trianggulo- ginagamit ito sa paggawa
ng mga patayo at pahilis na linya at
iba pang maliliit na gawain na
nangangailangan ng sukat.
Pagtatalakay
4. Zigzag Rule- ito ay kasakapang yari sa
kahoy na ang haba ay umaabot sa
anim na piye. Ito ay panukat ng
mahabang bagay.

5. Meter Stick- ito ay karaniwang


ginagamit ng mga mananahi sa
pagsukat para sa paggawa ng
pattern at kapag nagpuputol
ng tela.
Pagtatalakay
6. Iskwala- ito ay sang kasangkapang
hugis L na may 90 digri upang
makatiyak na iskwalado ang ginawang proyekto.
7. Protraktor- ginagamit ito sa pagkuha ng anggulong hindi
masusukat ng alinmang trianggulo. May anggulo itong 180 digri
na masusukat mula kanan pakaliwa. Ang panlabas na gilid ay
nagsisimula sa 0 digri sa kanan at nagtatapos ito
sa 180 digri sa kaliwa. Sa dakong
loob ng gilid ng iskala, mula kaliwa
pakanan naman ang pagbabasa…
Pagtatalakay
…0 hanggang 180 digri.
8. T- Square- ito ay yari sa kahoy o plastic at binubuo ng
dalawang bahaging nakadugtong sa 90 digri anggulo ang ulo at
talim o blade. Ginagamit ito sa paggawa ng mga linyang pahiga
at gabay sa ibang kagamitan tulad ng trianggulo.
Pagtatalakay
9. Divider – ginagamit ito sa paghahati
–hati ng linya at sa paglilipat ng
mga sukat. Hindi katulad ng
compass na may lapis ang isang
dulo, tila karayom ang tulis ng
magkabilang dulo ng divider.

10. French Curve - ginagamit ito sa


pagbuo ng mga komplikadong
kurba.
Pagtatalakay
11. Lapis - may iba’t iba uri ng lapis na
ginagamit sa pagguhit. Ang HB
ang karaniwang ginagamit sa
pagguhit at pagmamarka.
12. Ruler – ito ay yari sa kahoy, metal
o plastic na may sukat na 12 na
pulgada(inch) sa Sistemang Ingles
at 30 sintemetro (cm) naman sa sistemang metric. Ito ay
ginagamit sa pagsusukat sa paggawa ng mga linya sad rowing at
iba pang maliliit na gawain.
Pagtatalakay
 Sa pagsusukat, dapat nating tandaan ang mga sumusunod na
kaisipan upang maging matagumpay ang ating bubuuing
proyekto.

1. Ganap na kawastuhan (accuracy) – nangangahu- lugan ito


na dapat nating sukatin ang wastong haba o kapal ng isang bagay
para mabuo ng tama ang isang proyekto. Kung tayo ay gagawa
ng isang bagay kailangan gamitin din natin ang tamang panukat
para makuha o tumpak ang sukat nito
Pagtatalakay
2. Katumpakan (precision) -Sa isang proyekto kailangan ang
tumpak o sakto lamang ayon sa mga ginamit na panukat nito.
3. Katatagan (stability) - kinakailangan ang tamang pagsukat ng
mga bagay para maging matatag ang proyekto. Halimbawa
gagawa ka ng bahay kailangang tama at wasto ang mga sukat at
matibay na mga materyales upang maging matatag ang iyong
bahay.
Paglalapat

Ibigay ang pangalan ng mga kagamitan sa pagsusukat. Isulat ang


sagot sa espasyo pagkatapos ng larawan.
Paglalapat
Paglalahat
 Ang pagsusukat ay isang paraan upang malaman ang angkop
na sukat ng isang bagay. Gumagamit tayo ng iba’t ibang
kagamitan na angkop sa mga bagay na paggagamitan nito.
Sa pagsusukat, dapat nating tandaan na ito ay may
katumpakan na nangangahulugang dapat nating sukatin nang
wasto ang haba o kapal ng isang bagay.
Pagtataya
Bilugan ang titik ng tamang sagot sa pagpipilian.
1. Gusto mong bumili ng tela pang uniporme. Anong kagamitan
na panukat ang gagamitin ng sales lady upang makabili ka ng
tela na gusto mo? a. zigzag ruler c. tape measure
b. iskwalang asero d. meter stick
2. Inutusan ka ng nanay mo na bumili ng kahoy pang poste para
maitayo niya ang kulungan ng manok. Ang sukat ng posteng
kahoy ay 4 pulgada
x 4 pulgada x 8 piye. Ang gagamiting
kagamitang panukat ay ____________.
Pagtataya
a. ruler c. trianggulo
b. iskwalang asero d. push-pull rule
3. Engineer ang tatay mo. Isa sa mga kagamitan nito ang panukat
sa paggawa ng mga maliliit na linya sa pag guhit. Ano ang tawag
sa kagamitang ito?
a. protractor c. tape measure
b. trianggulo d. T- square
4. Mananahi ang lolo mo, may magpapatahi
ng pantalon sa kanya. Bago niya ito tahiin
gagawa muna sya ng pattern upang…
Pagtataya
…hindi sya magkamali at tama ang sukat nito. Kung gagawa
siya ng pattern anong kasakapan ang gagamitin niya?
a. push-pull rule c. tape measure
b. iskwalang asero d. protractor
5. Gusto mong alamin ang iyong Body Mass Index (BMI), anong
panukat ang gagamitin sa pagkuha ng taas (height).
a. protractor c. push-pull rule
b. T- square d. ruler
Takdang-Aralin
Tukuyin kung anong kagamitan sa pagsusukat
ang maaaring gamitin sa mga sumusunod
at isulat sa patlang ang sagot pagkatapos ng parirala. (2 puntos
bawat bilang)
1. tuwid na guhit sa papel - _______________________
2. taas ng pinto – ________________________________
3. haba ng mesa – _______________________________
4. kapal ng mesa – _______________________________
5. pabilog na guhit sa papel - _____________________

You might also like