You are on page 1of 32

4

Edukasyong Pantahanan
at Pangkabuhayan
Quarter 3 - Modyul 1:
Pagsusukat
(Industrial Arts)

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas

1
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan – Grade 4
Alternative Delivery Mode
Quarter 3 - Modyul 1: Pagsusukat
Unang Limbag, 2020
Paunawa hinggil sa karapatang – sipi. Isinasaad ng Seksyong 176 ng Batas Pambansa
Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-isip sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan
ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang
kondisyon.

Ang mga akda / materyales (mga kwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang pahintulot ng mga may
karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng mga
tagapaglathala (publisher) at may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Division of Valencia City


Schools Division Superintendent: Rebonfamil R. Baguio
Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul sa EPP 4

Authors: Annabelle F. Raras

Editor: Ronald I. Flores, HT-I

Reviewers: Fortunato R. Ocaya Jr. – EPS, MTB-MLE


Rocelyn G. Garcesa
Susan C. Sabacajan
Peter S. Abejuela

Illustrator: Juniver Kris B. Jimeno


Layout Artists: John Rimmon I. Taquiso
Israel C. Adrigado
Management Team:
Chairperson: Rebonfamil R. Baguio
Schools Division Superintendent
Co-Chairperson: Eugene I. Macahis, Jr.
Asst. Schools Division Superintendent
Members: Jayvy C. Vegafria, CID Chief ES
Sarah Jane A. Valdez, EPS – EPP/TLE/TVL
Analisa C. Unabia, EPS – LRMS
Zaldy G. Ampong, PSDS
Joan Sirica V. Camposo, Librarian II
Israel C. Adrigado, PDO II
Evaluator: Mary Joy R. Tymico, Lanao del Norte

Inilimbag sa Pilipinas ng:


Department
Evaluator: of EducationMary
- Division
Joy R.ofTymico,
Valencia City del Norte
Lanao
Office Address: Lapu-lapu Street, Poblacion, Valencia City 8709
Telefax: (088) 828-4615
Website: deped-valencia.org

2
4
Edukasyong Pantahanan
at Pangkabuhayan
Quarter 3 - Modyul 1:
Pagsusukat
(Industrial Arts)

Ang kagamitan sa pagkatutong ito ay magkatuwang na


inihanda at sinuri ng mga guro mula sa mga pampublikong
paaralan. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa
larangan ng Edukasyon na mag-email ng kanilang puna,
komento at rekomendasyon sa Kagawaran ng Edukasyon sa
region10@deped.gov.ph.

Lubos naming pinapahalagahan ang inyong


mga puna at rekomendasyon.

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas

3
Panimula

Ang Modyul na ito ay inilahad upang maibahagi sa mga mag-aaral


ang tungkol sa pagsusukat. Sa araling ito, matututuhan ng mag-aaral ang
iba’t-ibang sistema ng pagsusukat, mga paraan, angkop na kagamitan sa
pagsusukat ng isang bagay. at kung paano magsukat gamit ang iba’t-
ibang sistema.

Dinesenyo ang material na ito na angkop sa gulang at baitang ng


mag-aaral gamit ang mga salitang madaling maintindihan. Magiging
madali ang pag-aaral kahit nag-iisa at malayo sa guro. Nakapaloob din
ang iba’t ibang gawain na maglilinang sa kaisipan at kasanayan sa bawat
gumagamit nito.

Sana’y makakatulong ang araling ito sa iyong pag-aaral.

Mga tala para sa Guro

Gabayan ang mga mag-aaral sa


pagbasa, pag-unawa at pagpapahalaga sa
wastong paraan at kagamitan ng
pagsusukat.

Ipaunawa ang bawat panuto upang


lubos na maintindihan ang bawat gawain.

ii
4
Alamin

Sa araling ito malalaman at matututunan ang pagsusukat, sistema


ng pagsusukat, mga kagamitang ginagamit bilang panukat, at kung
paano ang pagsusukat gamit ang dalawang sistema.

Mga layunin sa pagkatuto:

1. Naibibigay ang mga kagamitan sa pagsusukat


2. Naiuuri ang kagamitang panukat ayon sa wastong gamit nito.
3. Nakikilala ang dalawang sistema ng pagsusukat
4. Nagagamit ang dalawang sistema ng pagsusukat.

Paano matuto sa Modyul na ito:

Upang makamit ang layunin na inilalahad sa itaas, gawin ang mga


sumusunod mna hakbang:

• Basahin at unawain nang mabuti ang aralin.

• Sundin at gawin ang inilalahad na panuto sa bawat pagtataya at


pagsasanay.

• Sagutin ang lahat na pagtataya at pagsasanay.

• Isapuso ang mga natutunan at gamitin ang kaalaman sa totoong


buhay.

iii
5
Subukin

Panuto: Basahin mabuti at sagutin ang bawat katanungan. Piliin at


bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay karaniwang ginagamit ng mga mananahi sa pagsusukat para


sa paggawa ng pattern at kapag nagpuputol ng tela.

a. Meter stick c. Ruler


b. Protraktor d. T-Square

2. Ang kasangkapang ito ay ginagamit sa pagkuha ng mga digri kapag


ikaw ay gumagawa ng anggulo sa iginuguhit na mga linya.
a. Iskuwalang asero c. Pull-Push Rule
b. Protraktor d. T-Square
3. Ito ay karaniwang ginagamit ng mananahi sa pagsusukat ng mga
bahagi ng katawan kapag tayo ay nagpapatahi ng damit pantalon at
palda.

a. Iskuwalang asero c. Tape Measure


b. Protraktor d. Zigzag Rule
4. Ang kagamitang ito ay ginagamit sa pagsusukat ng malalapad na
gilid ng isang bagay.

a. Protraktor c. T-Square
b. Tape Measure d. Iskuwalang Asero
5. Yari ito sa kahoy na ang haba ay umaabot ng anim na piye at
panukat ng mahahabang bagay.

a. Protraktor c. T-Square
b. Pull-Push Rule d. Zigzag Rule

6
z

Aralin
Mga Kagamitan sa
1 Pagsusukat

Ang pagsusukat ay isang paraan upang malaman ang angkop na


kagamitan sa pagkuha ng sukat ng isang bagay. May dalawang uri ng
sistema ng pagsusukat. Ito ay ang Sistemang Ingles at ang Sistemang
Metrik. Ang Sistemang Ingles ay ang makalumang pamamaraan ng
pagsusukat samantalang ang Sistemang Metrik ay tinuturing na
makabago. Subalit ang dalawang sistemang ito ay ginagamit pa rin sa
kasalukuyan. Upang magtagumpay sa pagsusukat kinakailangang alamin
at gamitin ang mga kagamitan sa pagsusukat.

Balikan

Panuto: Magbalik tanaw sa iyong aralin sa Matematika tungkol sa


pagsusukat at sagutin ang kasunod na tanong. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
Tanong: Kung susukatin ang sumusunod na hugis, anu-ano ang
yunit sa pagsusukat ang maaring gamitin?

_____________________ _______________________
_____________________ _______________________
_____________________ _______________________

7
Tuklasin

Panuto: Tingnang mabuti ang mga larawan. Basahin at sagutin ang


mga katanungan sa ibaba. Isulat ang titik sa sagutang papel.

a.) c.)
b.)
1. Alin sa larawang ipinakita sa itaas ang karaniwang ginagamit ng
isang mananahi?

2. Ang tawag sa larawang ito ay protractor.

3. Ang larawang ito ay ginagamit ninyo sa paaralan sa pagguhit ng


linya.

Suriin
Panuto: Kilalanin ang sumusunod na kagamitan. Isulat sa sagutang
papel ang tamang pangalan nito.

1. ______________ 2.____________ 3.____________


8
4. ______________ 5. _______________

Pag-aralan Natin
Upang maging matagumpay sa pagsusukat, kinakailangang
gumamit ng mga kasangkapan/kagamitan sa pagsusukat.

Mga Kasangkapang Panukat

Iskuwalang Asero
Ito ay ginagamit sa pagsusukat sa malalaki at
malalapad na gilid ng isang bagay. Halimbawa
gilid ng kahoy, lapad ng tela at lapad ng mesa
at iba pa.

Zigzag Rule
Ito yari sa kahoy na ang haba ay umabot ng
anim na piye at panukat ng mahahabag
bagay. Halimbawa haba at lapad ng bintana at
pintuan.

Protraktor
Ito ay ginagamit sa pagkuha ng mga digri
kapag ikaw ay gumagawa ng anggulo sa
iginuguhit na linya.

9
Meter Stick
Ito ay karaniwang ginagamit ng mananahi sa
pagsukat at paggawa ng pattern kapag
nagpuputol ng tela

Pull-Push Rule
Ang kasangkapang ito ay yari sa metal na may
haba ng dalawampu’t limang (25) pulgada
hanggang isang daang(100) talampakan.Ang
kasangkapang ito ay may gradasyon sa
magkabilang tabi, ang isa ay nasa pulgada at
ang isa ay nasa metro.

Ruler at Triangle
Ito ay ginagamit sa pagsusukat ng mga linya sa
drowing at iba pang malilit na gawain na
nangangailangan ng sukat.

T-Square
Ito ay ginagamit sa pagsusukat ng
mahahabang linya sa pagdrodrowing.
Ginagamit din ito na gabay sa pagguhit sa
pagguhit ng mga linya sa mga drowing na
gagawin.

10
Tape Measure
Ito ay ginagamit ng mananahi sa pagsusukat
ng mga bahagi ng katawan ng tao kapag
nagpapatahi ng damit, pantalon, palda,
barong, gown, atbp.

Pagyamanin

Panuto: Gamit ang iba’t-ibang kasangkapan sa pagsusukat,


magsukat ng limang bagay o gamit. Sa sagutang papel, isulat sa tsart
kagaya ng nasa ibaba ang iyong sagot.
Bagay na susukatin Sukat Panukat na ginamit
1.
2.
3.
4.
5.

11
Isaisip

Sa pagsusukat gumagamit tayo ng iba’t-ibang kasangkapan/


kagamitan. Ang mga bawat kagamitan sa pagsusukat ay may mga
angkop na bagay kung saan ito gagamitin.

Isagawa

Panuto: Magtala sa sagutang papel ng mga bagay na makikita sa


inyong tahanan at sukatin ito gamit ang angkop na kasangkapan sa
pagsusukat.

Bagay Sukat Kagamitan sa pagsusukat


na ginamit

1. _________ _______ ____________

2. _________ _______ ____________

3. _________ _______ ____________

4. _________ _______ ____________

5. _________ _______ ____________

12
Tayahin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat katanungan. Piliin at


isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay ginagamit sa pagsusukat sa paggawa ng mga linya sa


drowing at iba pang maliliit na gawain na nangangailangan ng sukat.

a. Protraktor c. Ruler
b. Pull-Push Rule d. T-Square
2. Ang kasangkapang ito ay ginagamit sa pagkuha ng mga digri kapag
ikaw ay gumagawa ng anggulo sa iginuguhit na mga linya.

a. Iskuwalang asero c. Pull-Push Rule


b. Protraktor d. T-Square
3. Ito ay ginagamit sa pagsusukat ng mahahabang linya kapag
nagdrodrowing.

a. Protraktor c. T-Square
b. Tape Measure d. Zigzag Rule
4. Ito ay karaniwang ginagamit ng mga mananahi sa pagsusukat para
sa paggawa ng pattern at kapag nagpuputol ng tela.

a. Meter stick c. Ruler


b. Protraktor d. T-Square

13
5. Ito ay karaniwang ginagamit ng mananahi sa pagsusukat ng mga
bahagi ng katawan kapag tayo ay nagpapatahi ng damit, palda o
pantalon.

a. Iskuwalang asero c. Tape Measure


b. Protraktor d. Zigzag Rule
6. Ito ay yari sa metal at awtomatiko na may haba na dalawampu’t
limang pulgada hanggang isang daang talampakan.

a. Protraktor c. T-Square
b. Pull-Push Rule d. Iskuwalang Asero
7. Ang kagamitang ito ay ginagamit sa pagsusukat ng malalapad na
gilid ng isang bagay.

a. Protraktor c. T-Square
b. Tape Measure d. Iskuwalang Asero
8. Ang kagamitang ito ay ginagamit sa pagsukat ng bahagi ng katawan
ng tao.

a. Protraktor c. T-Square
b. Tape Measure d. Zigzag Rule
9. Ginagamit ito ng mag- aaral sa pag-guhit ng linya.

a. Ruler c. T-Square
b. Pull-Push Rule d. Zigzag Rule
10. Yari ito sa kahoy na ang haba ay umaabot ng anim na piye at
ginagamit na panukat ng mahahabang bagay.

a. Protraktor c. T-Square
b. Pull-Push Rule d. Zigzag Rul

14
15
SUBUKIN PAGYAMANIN
1. a ( ang sagot ay maaring
2.b Iba-iba. Kailangang
3. c Isa-isang tingnan
4. d ng guro ang bawat sagot)
5. d
TUKLASIN TAYAHIN
1. B 1. c
2. C 2.b
3. A 3.c
SURIIN 4.a
1. Zigzag rule 5.c
2. Eskwala 6.b
3. Protractor 7.d
4. Push & pull rule 8.b
5. Triangle 9.a
10.b
Talaan sa Pagkatuto
Subukin

A. TAMA o MALI

Panuto: Basahin at unawaing mabuti. Isulat ang TAMA sa


saguutang papel kung ang isinasaad sa pangungusap ay tama. Isulat
ang MALI kung ito ay mali.

________1. Isang halimbawa sa sistemang metric ang yarda.

________2. Ang sentimetro ay ginagamit sa pagsusukat sa sistemang


ingles.

________3. Isa sa ginagamit sa pagsusukat sa sistemang


Ingles ang pulgada.

________4. Maaaring gumamit ng metro sa sistemang metric.

________5. Ang piye ay pagsusukat sa sistemang Ingles.

16
z

Aralin
Mga Sistema ng
2 Pagsusukat

Sa araling ito matututuhan ng mag-aaral ang dalawang sistema ng


pagsusukat : ang sistemang Ingles at sistemang Metrik. Mahalaga ang
aralin na ito upang may batayan sa pagkuha ng sukat at ang yunit na
gagamitin.

Balikan
Panuto: Ibigay ang angkop na kagamitan na ginagamit sa
pagsusukat ng mga sumusunod na bagay. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

1. Digri o anggulo sa iginugunit na linya_____________

2. Gilid ng kahoy at lapad ng tela _______________

3. Paggawa ng pattern ________________________

4. Haba at lapad ng bintana ____________

5. Baywang ng tao________________

17
Tuklasin
Panuto: Tingnan ang mga larawan. Pagkatapos ay basahin at
sagutin ang mga katanungan sa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

a.) c.)

b.) d.)

1. Ano ang pagkakapareho ng mga larawan na makikita sa bawat isa?

_____________________________________________________

2. Ano ang tawag sa malaking agwat o distansiya na numero na


makikita sa itaas ng larawan ?
______________________________________

3. Ano naman ang tawag sa maliliit na agwat o distansiya na numero


na makikita sa ibaba ng larawan?

_____________________________________________________
18
Pag-aralan Natin:

May dalawang uri ng sistema ng pagsusukat. Ito ay ang:


Sistemang Ingles – Ito ay ang makalumang pamamaraan ng pagsusukat
na ginamit ng mga tao noong unang panahon. Kadalasan ito ay ginagamit
ng mga karpentero at matatanda sa pagsusukat bago pa man dumating
ang sistemang ingles.
12 pulgada (“) = 1 piye
3 piye = 1 yarda (yd.)

Sistemang Metrik – Ito ang sistema na ginagamit ng mga tao sa ngayon


upang madaling magkaintindihan ang mga tao lalo na sa gawaing pang-
industriya. Ito ay naimbento ni Gabriel Mouton sa bansang France sa
taong 1670. Madali itong makilala dahil say unit ne “metro”.
10 sentimetro (sm) = 1 desimetro (dm)
10 desimetro (dm) = 1 metro (m)
100 sentimetro (sm) = 1 metro (m)
1000 metro (m) = 1 kilometro (km)
May mga panukat na gumagamit ng dalawang sistema ng pagsusukat
kagaya ng nasa larawan. Ang tawag sa malaking agwat o distansiya ay
inches o pulgada, samantalang ang maliliit na agwat o pagitan ay
millimetro o sentimetro depende kung alin ang gagamitin.

Zigzag rule

19
Suriin
Panuto: Kilalanin kung anong sistema ng panukat ang ginamit sa
sumusunod na mga produkto. Isulat ang sagot sa patlang.

1. ____________ 2.____________

3._____________ 4.__________

5._____________

Pagyamanin

Panuto: Gamit ang mga kagamitan sa pagsusukat, gumawa ng guhit


ayon sa hinihinging sukat. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. 2 pulgada - 4. 5 sentimetro-

2. 7 sentimetro- 5. 15 sentimetro-

3. 4 pulgada-

20
Isaisip

Ang bawat pagsusukat ay nauuri sa dalawang sistema. Ito ay ang


sistemang Ingles at Sistemang Metrik. Ang sistemang Ingles ay
gumagamit ng yunit na pulgada, piye at yarda, samantalang ang
sistemang Metrik ay sentimetro, desimetro, metro at kilometro.

Isagawa

Panuto : Sukatin ang bawat gilid ng larawan gamit ang ruler say unit
na pulgada o inches. Ilagay sa patlang ang sukat.
1._____

A.)

2.___ 3.___

4. _____

1.______

B.)
2.____ 3. ____

4.____

21
Tayahin

A. TAMA o MALI.
Panuto: Basahin at unawaing mabuti. Isulat ang TAMA sa patlang
kung ang isinasaad sa pangungusap ay tama. Isulat ang MALI kung ito
ay mali.
________1. Pulgada ay isa sa ginagamit sa pagsusukat sa sistemang
ingles.
________2. Isang sistemang metrik na pagsusukat ang metro.
________3. Ang piye ay sistemang ingles na pagsusukat.
________4. Halimbawa sa sistemang metrik na pagsusukat ang yarda.
________5. Sentimetro ay ginagamit sa sistemang ingles na pagsusukat.

B. PAGSUKAT AT PAGGUHIT

Panuto: Iguhit ang sumusunod na linya ayon sa ibinigay na sukat.


Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. 2 pulgada
2. 12 sentimetro
3. 1 pulgada
4. 3 pulgada
5. 2 sentimetro

22
Karagdagang Gawain

Panuto: Magsaliksik at ibigay ang simbolo ng mga sumusunod na


yunit.
1. pulgada ________________

2. sentimetro ________________

3. kilometro ________________

4. desimetro ________________

5. yarda ________________

23
24
TAYAHIN A
1.TAMA
2.TAMA
3.TAMA
4.MALI
SUBUKIN
5.MALI
1. MALI
KARAGDAGANG GAWAIN
2.MALI
1. “
3.TAMA
2. sm.
3. km. 4.TAMA
4. dm. 5.TAMA
5. yd. BALIKAN
Isagawa A.
1. Protraktor
1.1.5 inches
2.Iskuwalang Asero
2.1.8 inches 3.Meter Stick
3.1.8 inches 4. Zigzag Rule
4.1.5 inches 5.Tape Measure
B. TUKLASIN
1.1.6 inches 1. numero
2. pulgada/inches
2.2 inches
3. sm/mm/m
3.2 inches
4. 0.90 inches
Talaan sa Pagkatuto
Subukin

Panuto: Ibigay ang katumbas na sukat ng sumusunod.

1. 9.84 piye o talampakan= _______ metro

2. 25.4 sentimetro = _______ pulgada

3. 12.7 sentimetro = ______ pulgada

4. 19.68 piye = ______ metro

5. 1 metro = ______ piye

25
z

Aralin Pagsasalin ng Sistemang

3 Panukat na Ingles sa
Metrik at Metrik sa Ingles
Sa araling ito, matututuhan ng mga mag-aaral ang pagsasalin ng
sistemang panukat na ingles sa metrik at metrik sa ingles. Magagamit ang
kasanayan sa basic operations sa Matematika katulad ng multiplication at
division.

Balikan

Panuto: Basahin at sagutin ang sumusunod na katanungan sa sagutang


papel.

1. Anong kagamitan sa pagsusukat ang tawag ng nasa larawan?


____________________

2. Ano ang iyong napapansin sa larawan ?__________________

3. Paano ginagamit ang bagay na ito?______________________

4. Ano ang tawag sa malaking agwat o distansiya na numero na


makikita sa larawan ?_______________

5. Ano naman ang tawag sa maliliit na agwat o distansiya na numero


na makikita sa larawan ?_________________________

26
Tuklasin

Panuto: Basahin at kilalanin kung anong Sistema ng pagsukat ang


ginagamit sa sumusunod. Isulat ang INGLES o METRIK sa sagutang
papel ayon sa angkop na bilang.
________1. piye
________2. metro
________3. yarda
________4. sentimetro
________5. pulgada

Pag-aralan Natin

Bawat sukat ay may katumbas. Ang bawat yunit sa pagsusukat ay


may katumbas na sukat sa sistemang ingles at sistemang metrik. Pag-
aralan ang sumusunod:

 Sistemang Ingles -

12 pulgada(inches) = 1 piye o 1 talampakan


3 piye ( talampakan) = 1 yarda
 Sistemang Metrik-

10 millimetro = 1 sentimetro
10 sentimetro = 1 desimetro
10 desimetro = 1 metro
 Pagsasalin ng sistemang ingles na panukat sa sistemang metrik at
metrik sa ingles.

1 metro = 3.28 piye/talampakan


1 metro = 39.37 pulgada
1 pulgada = 2.54 sentimetro

27
Pagsasanay

Panuto: Suriin kung paano ginawa ang pagsasalin.

1. Ilang metro ang sampung talampakan?

10 talampakan x 1 metro________ =3.048 metro


3.28 talampakan

2. Ilang piye ang 10 yarda?

10 yarda x 3 piye______ =39.37 pulgada

1 yarda

3. Ilang sentimetro ang 50 metro?

50 metro x 100 sentimetro =5000 sentimetro

1 metro

Tandaan:

MULTIPLY =Kapag magsasalin mula sa malaking yunit ng panukat


papuntang maliit na yunit ng panukat

DIVIDE = Kapag magsasalin mula sa maliit na unit ng panukat


papuntang malaking yunit ng panukat

28
Suriin

Panuto: Tingnan ang iba’t-ibang produktong binibili ng inyong


pamilya. Kopyahin ang talaang nasa ibaba sa sagutang papel at magtala
ng lima sa mga produkto. Isulat ang nakalagay na bigat o timbang nito at
kilalanin ang sistema ng panukat na ginamit sa bawat produkto.
Produkto Bigat/Timbang Sistema ng Panukat
1.

2.

3.

4.

5.

Pagyamanin

Panuto: Ibigay ang katumbas na sukat ng sumusunod na yunit sa bawat


Sistema. Ipakita ang paraan ng pagkuha ng sagot. Isulat sa sagutang
papel.
1. 196.85 pulgada = ________ metro
2. 3 pulgada = ________ sentimetro
3. 3 metro = ________ pulgada

Isaisip

Ang pagsasalin sa sistema ng pagsusukat ng Metrik sa Ingles at


Ingles sa Metrik ay naaayon sa pormula nito. Mas madaling makilala ang
Sistemang Metrik dahil sa yunit na “metro” sa dulo ng bawat yunit o
panukat.

29
Isagawa

Panuto: Gamit ang kasangkapan sa pagsusukat na may yunit na


metro o sentimetro. Magsukat ng limang bagay sa loob ng bahay at ibigay
ang katumbas ng bawat yunit. Isulat sa tsart ang inyong sagot.

Bagay na Panukat na Metro/sentimetro Pulgada/piye


susukatin ginamit
1.
2.
3.
4.
5.

Tayahin

Panuto: Ibigay ang katumbas na sukat ng sumusunod sa iyong


sagutang papel.
1. 12.7 sentimetro = ______ pulgada
2. 39.37 pulgada = ______ metro
3. 19.68 piye = ______ metro
4. 1 metro = ______ piye
5. 26.24 piye = ______ metro
6. 78.74 pulgada = ______ metr
7. 9.84 piye o talampakan = ______ metro
8. 25.4 sentimetro = ______ pulgada

30
31
TAYAHIN SUBUKIN PAGYAMANIN
1. 5 1. 3 1. 5
2. 1 2. 10 2. 7.62
3. 6 3. 5 3. 118.11
4. 3.28 4. 6
5. 8 5. 3.28
6. 2
7. 3
8. 10
9. 10
10. 10
TUKLASIN BALIKAN
1. Ingles 1.Tape Measure
2. Metrik 2. numero
3. Ingles 3.pangsukat ng
bahagi ng katawan
ng tao
4. Metrik 4.pulgada o inches
5. Ingles 5.sentimetro o
cm/mm
Talaan sa Pagkatuto
______ metro = 32.8 piye 10.
______ metro = 393.70pulgada 9.
Sanggunian:

Department of Education. Edukasyong Pangkabuhayan at


Pantahanan 4. Patnubay ng Guro. pp. 210-216

Department of Education. Edukasyong Pangkabuhayan at


Pantahanan 4. Kagamitan ng Mag-aaral. pp.452 -462

For inquiries and feedback, please write or call:

Department of Education – Division of Valencia City

Lapu - Lapu Street, Poblacion, Valencia City 8709

Telefax: (088) 828 - 4615

32

You might also like