You are on page 1of 2

Banghay-aralin sa EPP V

Ika-apat na Kwarter
Ika-limang Linggo

I. Layunin
1.Naipapaliwanag ang kahalagahan ng pag bookmark ng isang websites.
2.Naiisa isa ang mga paraan ng pag aayos, pagdadagdaga at pagde-delete ng bookmarks..
3.Nagagamit ang bookmark sa mabilis na pangangalap ng impormasyon

II. Paksang-aralin
Naisasaayos ang mga Bookmarks
Sanggunian: -0e-14/Page 17 of 41
Kagamitan: Powerpoint, Internet

III. Pamamaraan
1. Pagbabalik-aral
Ano ang simbolo ng bookmark?
Paano magbookmark ng paborito mong website?

2. Pagganyak

Ano-ano ang mga websites na napuntahan mo na sa mga nasa larawan?

3. Paglalahad
Pangkatang Gawain:
Magbibigay ang guro ng mga metacards sa bawat pangkat at aayusin nila ito ng paalpabeto at ilalagay sa folder.
Ang mga sumusunod na katanungan ang gagawing gabay sa pag uulat ng bawat pangkat:
1.Ano anong websites ang naisulat nyo sa metacard?
2.Ano ang silbi ng pagkakasunod sunod paalpabeto ng websites na inilagay mo sa folder?
3.Makakatulong ba ang folder sa pagsasaayos ng websites?

4. Pagtalakay
Ang pag bookmark ay isang link sa mga websites at paraan upang Ang Bookmarks ay isang mahalagang
bahagi ng browser. Ito ay isang mahusay na paraan para sa browser upang matandaan ang isang webpage upang
maaaring naming panatilihing bumalik dito sa ibang pagkakataon.
1.Paano gamitin ang bookmarks bar
2.Magdagdag ng mas maraming bookmark sa bar
3.Isaayos ang mga bookmark ayon sa alpabeto
4. Mag-delete ng folder ng bookmark
5. Palitan ang pangalan ng folder ng bookmark

5. Paglalahat

TANDAAN NATIN:
Malaki ang maitutulong ng kaalaman sa pagsasaayos ng bookmarks, dahil dito mas mabilis nating Makita at
mahanap ang mga websites na nais nating muling gamitin na maaaring makapagbigay sa ating ng impormasyon
6. Paglalapat
Sa kanang bahagi ng table, pagsunod sunurin ang mga paraan ng pagsasa-ayos ng bookmark paalpabeto at sa
kaliwang bahagi naman ay ang paraan ng pagdedelete ng bookmarks. Lagyan ng bilang 1-5
Pagsasaayos ng bookmarks paalpabeto
_______I-click ang Muling Isaayos ayon sa Pamagat. Ngayon, kapag binuksan mo ang menu ng Chrome at na-
click ang Mga Bookmark, makikita mo ang iyong mga bookmark na nakalista sa ayos na ayon sa alpabeto.
_____Sa itaas ng iyong mga bookmark, i-click ang Isaayos.
______I-browse ang folder kung saan mo gustong isaayos ang iyong mga bookmark ayon sa alpabeto.
______I-click ang Mga Bookmark > Manager ng Bookmark.
________Sa kanang sulok sa itaas ng toolbar ng browser, i-click ang icon na nakikita mo: Menu o Higit Pa .
Pagdedelete ng bookmarks
_________Sa kanang sulok sa itaas ng toolbar ng browser, i-click ang icon na nakikita mo: Menu o Higit Pa
________I-hover ang iyong cursor sa folder na gusto mong i-delete.
_______Sa lalabas na menu, i-click ang I-delete. Permanente nitong ide-delete ang lahat ng bookmark na nasa
folder na iyon.
________I-click ang Mga Bookmark > Manager ng Bookmark.
________I-click ang drop-down na arrow sa dulo ng row.

III. Pagtataya
TAMA o MALI:
Isulat sa patlang kung Tama o Mali ang pahayag. Ilagay ang sagot sa kuwaderno.
________ 1. Sa kaliwang sulok ng toolbar makikita ang bookmark.
________ 2.Maaaring magdelete o magdagdag ng bookmarks.
________ 3. Star ang simbolo ng Bookmarks.
________ 4. Maaaring magdelete ng bookmark anumang oras,.
________ 5. Maaaring ibrowse ang folder kung saan mo gusting ilagay ang bookmark

Inihanda ni:
Marjorie R. De Vera

You might also like