You are on page 1of 6

Department of Education

Region IV – A CALABARZON
Division of Tanauan City
District of Tanauan City East
BOOT ELEMENTARY SCHOOL
Boot, Tanauan City

IKA-APAT MARKAHANG PAGSUSULIT SA


EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN
ICT AT ENTREPRENEUR V

Pangalan: __________________________________ Petsa: _____________


Baitang at Seksyon: _________________________ Iskor: _____________
Lagda ng Magulang: _________________________

I.MARAMIHANG PILI
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag at piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Alin sa sumusunod ang HINDI nagpapakita ng tamang panuntunan sa pagsali sa discussion


forum at chat?
A. tiyaking importante at kakilala ang mga ka-chat.
B. gumamit ng all caps o malalaking titik kapag nagsulat ng mensahe.
C. laging mahinahon sa pakikipag-chat.
D. iwasan ang labis na paggamit ng emoticons o smiley faces sa pagpapakita ng mensahe sa
email o magiging sa pakikipag-chat, personal man o sa pagnenegosyo.

2. Si Mang Marta ay nakatira sa Bicol kung saan maraming ratan. Anong produkto ang maaari
niyang gawin?
A. basket C. damit
B. sapatos D. aklat

3. Ang pag- type ng isang mensaheng email na lahat ay nasa malaking titik ay nangangahulugang
_________.
A. wala
B. ikaw ay naninigaw
C. ang mensaheng ito ay napakahalaga
D. okay na ipasa ang mensaheng ito sa iba.

4. Ang netiquette ay makakatulong sa iyo upang _________.


A. gumaling sa paggamit ng internet.
B. maging mas mahusay sa iyong mga kaibigan.
C. maiiwasan ang hindi kanais- nais na pag- uugali (online)
D. magiging mas mahusay sa pagsusulit.

5. Ang programa na naghahanap o tumutunton sa mga impormasyon o iba pang bagay tulad ng mga
larawang tutugon sa keyword na ibinibigay ng user ay tinatawag na ___________.
A. advanced features C. bookmarking
B. search engine D. discussion forum

6. Alin sa sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng halimbawa ng isang serbisyo?


A. Si Ana ay gumawa ng isang libro tungkol sa isang mapagbigay na pinuno.
B. Kilala ang Honda at Toyota sa magaganda at matitibay na kotse.
C. Ang guro ang nagtuturo kung paano sumulat at bumasa sa loob ng paaralan.
D. Magaganda ang mga basket sa Bicol.

7. Ano ang tawag sa pagtatagpo ng bawat hanay at hilera sa spreadsheet?


A. excel C. worksheets
B. workbook D. Cell

8. Alin sa sumusunod ang pinakamahusay na tagapagpahiwatig na ang isang website ay maaasahan?


A. Ang may-akda ng site ay nagsasabi ng impormasyon ay maaasahan.
B. Ang may akda ng site ay nagbibigay ng impormasyon tulad ng kung paano siya
matatawagan, masusulatan, at ang kaniyang mga kridensyal.
C. Nagli-link sa may-akda ang kaniyang paboritong website
D. Ang nakalathalang impormasyon tulad ng libro ay palaging mas tumpak kaysa sa
impormasyon na matatagpuan sa web.

9. Si Beatrice ay kailangang gumawa ng isang manipis na libro para sa kaniyang produkto na


naglalaman ng mga larawan tungkol sa mga iba’t ibang uri ng pagkain. Ano ang kaniyang
maaaring gamitin sa paggawa nito?
A. poster C. brochure
B. flyer D. banner

10. Aling software ang tumutulong sa paglikha ng mga tekstuwal na dokumento, sa pag-eedit at
pag- save ng mga ito sa computer file system?
A. Word Processor C. Spread Processor
B. Processesing Tools D. Diagram

11. Si Renz ay gumawa ng mensahe para sa kaniyang kaibigan. Siya ay gumamit ng maliliit na titik
sa paggawa nito. Ano ang maaaring maging kahulugan nito?
A. maaari na ipasa ang mensaheng ito sa iba
B. wala
C. ang mensaheng ito ay napakahalaga
D. ikaw ay naninigaw

12. Sa isang online discussion forum o chat kailangan ang mga miyembro ng grupo ay
______________ upang makasali sa usapan.
A offline C. member
B. online D. open

13. Sa anong bar maaaring makita ang pangalan ng kasalukuyang aktibong dokumento?
A. title bar C. formatting bar
B. formula bar D.menu bar

14. Ito ay isang impormal na pagtitipon online ng mga indibidwal upang


magpalitan ng impormasyon hinggil sa maraming bagay.
A. Discussion Board C. Discussion Group
B. Discussion Class D. Online Chat

15. Maaaring mapaganda ang isang larawan kung gagamitan ito ng______.
A. drawing tools o graphic software C. document tool
B. spreadsheet Tools D. photo editing tool

16.Paano ipinagbibili ang bibingkang kanin?


A. per kilo C. per dosena
B.per basket D.per bilao o piraso

17.Alin ang produkto at serbisyo sa mga sumusunod na pangungusap?


A. Gumagawa ng sapatos si Mang Jose sa buong maghapon.
B. Nagbabasa si Mario ng Dyaryo.
C. Gumagawa ng kaaya-ayang at maraming disenyong sapatos si Aling Maria.
D. A at C
18.Maaaring mapabilis ang pagbubukas o pag-access sa isang paborito o lagi mong ginagamit na
websites.Ano ang tawag dito?
A. paggawa ng shortcuts C.pagta-tag
B. pag-bookmark D.pagsave for offline reading

19. Alin angdokumentong nagbibigay ng impormasyon tungkol sa isang produkto o serbisyo na


iminungkahi ng isang kompanya.
A. document proposal C. report proposal
B. business proposal D. plan proposal
20. May pabrika na malapit sa bahay niyo at tuwing tanghali ay lumalabas ang mga manggagawa
rito. Anong negosyo ang maari mong itayo?
A.school supplies store C. lumber
B.paggawa ng potholder at doormat D karinderya

II.BINABAGONG TAMA O MALI


Panuto:Isulat ang T kung tama ang pahayag ng bawat pangungusap, at kung mali palitan ang
may salungguhit na salita.

________ 21. Ang website ay koleksiyon ng webpage na pinag


uugnay ng hypertexts.

________ 22. Ang Bookmarks ay nakakapagpabilis sa paggamit ng websites.

________ 23. Parisukat ang simbolo ng Bookmarks.

________ 24. Maaaring magdagdag ng kahit ilang bookmarks.

________ 25. Layunin ng media file na mabalikan mo ng mabilis ang website na nagamit mo at
gagamiting muli.

________26. Kung walang access sa internet ang mga files na nakuha ay maaaring ilagay sa CD o
flash drive.

________27. Ang bookmarking ay nakakatulong sa paghahanap ng tumpak na impormasyon.

________28. Ang gov.ph ay website ng isang ahensiya ng gobyerno ng Pilipinas

________29. Sumunod sa mga panuntunan na nilikha ng mga nangangasiwa ng chat o discussion


group.

________30. Sa buy and sell, maaari kang magsimula sa pag-aalok ng mga paninda sa mga
kakilala.

________31. Buksan agad ang mga files na galing sa internet.

________32. Ang Skype, Viber, FB Messenger ay mga kilalang gamit sa pakikipag-chat.

________33. Ang mga maaaring gumamit ng email account ay ang mga tao na nasa 8 pataas.

________34. Ang Kids Email, Tocomail, ZooBuh ay mga email na ginawa para sa mga bata na 13
taong gulang pataas.

________35. Ang pangongopya ng anumang nabasa sa isang website at ipagpapalagay


na sarili mo itong likha ay isang uri ng pagnanakaw.
III.PAGKILALA
Panuto:Isulat ang inilalarawan sa bawat bilang.. Piliin ang titik ng tamang sagot sa loob ng
kahon.

A. Chat B. drawing tool C. ICT


D. Search engine E. Entrepreneur F. Cycle Diagram
G. Discussion forum H. Book marking I. Teleconferencing
J. Word processing

_______36. maaaring salihan ng dalawa o mahigit pang katao na magkakaiba ng lokasyon.

_______37. isang paraan ng pagsasaayos ng mga impormasyon na nakuha sa internet.

_______38. nakakatulong sa isang entrepreneur sa paggawa ng mga ulat at mga liham.

_______39. nagpapakita ng pagkakaugnay-ugnay ng mga bagay sa isangpaulit-ulit na proseso.

_______40. may-ari o ang namamahala ng isang negosyo.

_______41. nakakatulong sa mga taong naghahanap ng kasagutan tulad ng paggamit ng isang


bagong computer.

_______42. nakakatulong upang mapabilis ang inyong gawain.

_______43. maaaring mapaganda ang isang larawan kung gagamitan ito ng______.

_______44. paraan ng pakikipag-usap sa impormal na paraan.

_______45. isang programang ginagamit upang maghanap ng dokumento gamit ang isang keyword
o salita.

IV.PAG-AAYOS NG LETRA
Panuto: Ayusin ang mga letra upang mabuo ang pinapahayag ng pangungusap.

________ 46. Formula na nakahanda na upang magamit sa pagkuwenta. SONCTIFNU

________47. Dito nilalagay ang impormasyong tekstuwal o numero. ELLC

________48. Isang paraan ng pagnenegosyo na madaling simulant at pagkakitaan.


YBU DNA SLEL

________49. Isang uri ng diagram na nagpapakita ng sunod-sunod na hakbangin. ARTHCOWLF

________50. Nagpapakita ng mga posibleng lohikal na pagkakaiba at pagkakatulad ng mga bagay.


NENV MARAGDI

________51. Ito ay kilala rin bilang Ishikawa diagram. ONESIHBF

________52. Ginagamit sa kolaborasyon,komunikasyon at diskusyon o talakayan tungkol sa ibat-


ibang tao saan man sila naroon sa mundo. ETNRETNI

________53. Isang sentralisadong opisina. ACLL SRETCEN

________54. Mahabang papel o tela na nag aanunsiyo tungkol sa isang produkto o serbisyo, o
magaganap na pagtitipon. NBNEAR

V.PAGTUTUKOY
Panuto:Tukuyin ang bawat bahagi ng spreadsheet. Isulat ang sagot sa patlang.
56.___________

58.___________

59.________ 57.______

55.________

60._________________

Prepared by: Inspected by:


RENALYN B. MAALA MICHAEL E. CACAO, Ed.D
Grade-V, EPP Teacher School Testing Coordinator

Checked by:
JETTE S. BURGOS MARIA B. BLASCO
EPP Coordinator School Head

Validated by:
FLORINDA C. GAGASA, Ed.D
EPS I- EPP/TLE
Department of Education
Region IV – A CALABARZON
Division of Tanauan City
District of Tanauan City East
BOOT ELEMENTARY SCHOOL
Boot, Tanauan City

KEY TO CORRECTION

1. B 31. Huwag buksan


2. A 32. T
3. B 33. 18
4. C 34. T
5. B 35. T
6. C 36. I
7. D 37. H
8. B 38. J
9. C 39. F
10. A 40. E
11. D 41. G
12. C 42. C
13. A 43. B
14. D 44. A
15. D 45. D
16. D 46. FUNCTION
17. D 47. CELL
18. B 48. BUY and SELL
19. B 49. FLOW CHART
20. D 50. VENN DIAGRAM
21. T 51. FISHBONE
22. T 52. INTERNET
23. BITUIN 53. CALL CENTER
24. T 54. BANNER
25. BOOKMARK 55. Row
26. T 56. Title Bar
27. SEARCH ENGINE 57. Formula Bar
28. T 58. Tool bars
29. T 59. Name box
30. T 60. Worksheet

You might also like