You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV–A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
MALITAM ELEMENTARY SCHOOL
Malitam, Batangas City

GRADE 1 to 12 Paaralan MALITAM ELEMENTARY SCHOOL Baitang/Antas 5


Guro Bb. Jocelyn D. Navarete Asignatura EPP
DAILY LESSON Petsa/Oras ___________________, ____________ Markahan Unang
PLAN 5-Laurel 9:50 – 10:40 Markahan/
5-Ramos 10:40 – 11:30 Intervention
5-Aquino 1:20 – 2:10 Week/Day 2
I. LAYUNIN:
 PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:
Naipamamalas ang pang-unawa sa panimulang kaalaman at kasanayan sa pagtatanim ng gulay at
ang maitutulong nito sa pag-unlad ng pamumuhay.
 PAMANTAYAN SA PAGGANAP:
Naisasagawa nang maayos ang pagtatanim, pag-aani at pagsasapamilihan ng gulay sa masistemang
pamamaraan.
 PINAKAMAHALAGANG KASANAYAN SA PAGKATUTO:
a. Naisasagawa ang masistemang pangangalaga ng tanim na gulay;
● pagdidilig
● pagbubungkal
● paglalagay ng abonong organiko

II. NILALAMAN:
A. ARALIN: Masistemang Pangangalaga ng mga Tanim na mga Gulay
B. SANGGUNIAN: PIVOT Module sa EPP 5, ADM Module sa EPP 5, Curriculum Guide in Edukasyong
Pantahanan at Pangkabuhayan 5, EPP5AG-0c-6
C. KAGAMITAN: PowerPoint presentation, Laptop, TV, kasangkapan sa paghahalaman
III. PAMAMARAAN:
A.Epektibong Tuon
Gawain Bilang 1:
Sa araling ito, matututuhan mo ang kung paano naisasagawa ang masistemang
pangangalaga ng mga tanim na gulay. Nahahati ito sa tatlong masistemang pangangalaga ng tanim
na mga gulay tulad ng pagdidilig, pagbubungkal, at paglalagay ng abonong organiko. Napakahalaga
ang pagsasagawa ng survey bago magtanim upang akma sa lugar, panahon, pangangailangan, at
kagustuhan ng mga mamimili.
Panuto: Pagmasdan ang mga larawan sa ibaba. Ano ang masasabi mo? Isulat ang maikling
sagot sa patlang.

pinoyrice.com ___________________________________________________________
________________________________________________________________
_______________________________________________________________
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV–A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
MALITAM ELEMENTARY SCHOOL
Malitam, Batangas City

Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagbubungkal ng Lupa


1. Bungkalin ang lupa kung ito ay mamasa-masa. Ito ay ginagawa kung hapon o kaya sa umaga.
2. Gawing katamtaman ang pagbubungkal.
3. Dapat bungkalin nang mababaw lamang ang mga halamang gulay.
Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagdidilig ng Halaman
1. Diligan araw-araw.
2. Diligan sa hapon o sa umagang-umaga.
3. Ingatan ang pagdidilig upang hindi na pinsala ang halamang didiligan.
4. Iwasan malunod ang halaman lalo ng yaong mga bagong lipat na punla.
5. Iwasan ang malakas na pagbuhos.
6. Kung ang gamit mo ay regadera kailangan maliit lamang ang butas.
7. Upang manatiling mamasa-masa ang lupa, didligan di ang lupang nakapaligid sa mga
tanim.
Paglalagay ng Abono
Ang pataba ay maaaring ilagay bago magtanim, habang nagtatanim pagkatapos magtanim.
Ngunit ang pinakamagandang panahon ng paglalagay ng pataba ay habang maliit pa ang tanim
bago ito mamunga. Sa panahong ito, kailangan ng tanim ang sustansiya mula sa lupa.
Paglalagay ng Tabing/Bakod
Maglagay ng bakod sa paligid ng halaman lalo na kung may mga alagang hayop sa paligid.
Ingatan ang mga bagong tanim laban sa init ng araw,hangin, at sa lamig. Ang papel, dahon o saha
ay pwedeng gamitin. Huwag pabayaan ang mga ito na nakatakip sa halaman kung hindi na
kailangan.
B. Palaguin ang Kaalaman

Gawain Bilang 2:
Panuto: Punan ang patlang upang mabuo ang tamang gawain sa pangangalaga ng mga tanim.
Piliin sa kahon ang mga salitang angkop sa pangungusap at isulat sa patlang.

1. ______________________ ng mga ligaw na damo.


2. ______________________ ng lupa
3. ______________________ gamit ang regadera
4. ______________________ sa mga pesteng sumisira sa mga halaman.
5. ______________________ ng abono.
Gawain Bilang 3:
Panuto: Isulat ang TAMA sa patlang kung ang isinasaad ng kaisipan ay wasto: MALI naman kung
hindi wasto.
____________ 1. Ang wastong pagdidilig at pagbubungkal sa lupa ng tanim na mga
gulay ay mahalaga.
____________ 2. Gawing regular ang pagtatanggal ng mga damong ligaw sa paligid ng
halaman upang hindi nito maagaw ang pataba at tubig na ibinibigay
para sa halaman.
____________ 3. Hindi na kailangan pang subaybayan ang paglaki ng halaman.
____________ 4. Ginagawa ang pagdidilig sa katanghaliang tapat.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV–A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
MALITAM ELEMENTARY SCHOOL
Malitam, Batangas City

____________ 5. Maaaring maglagay ng bakod sa paligid ng halaman lalo na kung


may mga alagang hayop sa paligid.

Gawain Bilang 4:
Panuto: Bumuo ng sariling pagpapaliwanag sa bawat tanong. Ibigay ang sariling opinion/
pagpapaliwanag.
1. Kung ikaw ay magtatanim ng halamang gulay, anu-ano ang mga dapat mong
isaalang-alang?
______________________________________________________
2. Bakit mahalaga ang wastong pangangalaga ng halaman gulay?
_______________________________________________________
3. Paano mo mapapalago ang iyong mga tanim na halamang gulay?
________________________________________________________

A. Pagsubok sa Kakayahan
Lagumang Pagsusulit:
a. Gawaing Isinulat # 2
Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat tanong at isulat ang titik ng tamang sagot sa
patlang.
______ 1. Sina Pedro, Juan at Tomas ang inatasan ng kanilang guro sa pagdidilig ng gulay sa
kanilang hardin na Gulayan sa Paaralan. Ginagawa nila tuwing umaga at hapon. Ano sa palagay mo
ang ginagamit nila sa pagdilig?
A. Asarol B. Kartilya
C. Kalaykay D. Regadera
______ 2. Sa pagtatanim ng halamang gulay sa inyong tahanan, paano mo kaya mapapalago ang
mga pananim?
A.hayaan mo na lamang itong dumami
B. magbasa o maghanap sa internet na maaaring makatulong sa pagpaparami ng mga
halamang gulay.
C. magtanong sa kaklase o kalaro
D. alisin lahat ang mga dahon
______ 3. Anong kagamitan ang ginagamit sa pagbubungkal ng lupa sa kamang taniman?
A. Regadera B. Dulos
C. Asarol D. Kalaykay
______ 4. Bakit kailangang magkaroon ng survey bago magtanim ng gulay sa isang lugar?
A. upang marami ang makinabang sa mga tanim
B. upang may bumili ng mga tanim na gulay
C. dahil hindi sa lahat ng lugar nabubuhay ang mga halaman.
D. dahil napapadali ang pagbuhay ng mga halaman
______ 5. Ang mga magulang ni Dave ay may bukid
A.Companion Planting
B. Crop Rotatio
C. Intercropping
D. Snap Hydroponics
______ 6. Ano-ano ang mga masistemang pangangalaga ng tanim na mga gulay?
A. Pag-aabono at pagbubungkal
B. Pag-aabono, pagbubungkal, at pagdidilig
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV–A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
MALITAM ELEMENTARY SCHOOL
Malitam, Batangas City

C. Pagbubungkal at pakikipag-usap sa mga halaman


D. Pagdidilig at pagtatangal ng ligaw na damo
______ 7. Araw ng Sabado, si Jessica ay namasyal sa kanyang tanim, napansin niyang
matigas ang lupa kahit nadidiligan ito. Ano sa palagay mo ang dapat niyang
gawin?
A. Bungkalin ang lupang nakapaligid sa halaman
B. Damihan ang tubig sa tuwing magdidilig
C. Dagdagan ang lupa
D. Maglagay ng bakod sa paligid ng halaman
______ 8. Ang pagdidilig ay nakakatulong upang lumago at maging malusog ang tanim.
Kailan dapat ginagawa ang pagdidilig ng mga pananim?
A. Madaling araw
B. Kasikatan ng araw
C. Katanghaliang tapat
D. Umaga o sa hapon
______ 9. Sa pangangalaga ng tanim mahalaga ang paglalagay ng abono upang
magkaroon ng sustansya ang lupa. Kailan dapat maglagay ng abono?
A. Araw-araw
B. Maliit pa ang tanim
C. Kung tuyo na ang mga tanim
D. Kapag magulang na ang bunga
______ 10. Ang pagbubungkal ay mainam gawin dahil marami itong benepisyo sa mga
tanim. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng kahalagahan ng
pagbubungkal?
A. Madaling dumami ang mga ugat ng tanim
B. Madaling mararating ng tubig ang mga ugat. Higit na malusog ang halaman
kapag maraming ugat.
C. Maluwag na makakapasok ang hangin sa halaman.
D. Madaling makakapasok ang sikat ng araw
VI. PAGNINILAY (Reflection) 5-Laurel 5-Ramos 5-Aquino

A.Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng


80% sapagtataya

B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang gawain
para sa remediation

C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang


ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin?

D. Bilang ng mga mag-aaral na


magpatuloy sa remediation?

You might also like