You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV–A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
MALITAM ELEMENTARY SCHOOL
Malitam, Batangas City

GRADE 1 to 12 Paaralan MALITAM ELEMENTARY SCHOOL Baitang/Antas 5


Guro Bb. Jocelyn D. Navarete Asignatura EPP
DAILY LESSON Petsa/Oras ___________________, ____________ Markahan Unang
PLAN 5-Laurel 9:50 – 10:40 Markahan/
5-Ramos 10:40 – 11:30 Intervention
5-Aquino 1:20 – 2:10 Week/Day 1
I. LAYUNIN:
A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:
Naipamamalas ang pang-unawa sa panimulang kaalaman at kasanayan sa pagtatanim ng gulay at
ang maitutulong nito sa pag-unlad ng pamumuhay.
B. PAMANTAYAN SA PAGGANAP:
Naisasagawa nang maayos ang pagtatanim, pag-aani at pagsasapamilihan ng gulay sa masistemang
pamamaraan.
C. PINAKAMAHALAGANG KASANAYAN SA PAGKATUTO:
 Nakagagawa ng abonong organiko (EPP5AG-0b-4)
 Natatalakay ang kahalagahan at pamamaraan sa paggawa ng abonong organiko
 Nasusunod ang mga pamamaraan at pag-iingat sa paggawa ng abonong organiko

II. NILALAMAN:
A. ARALIN: Masistemang Pangangalaga ng mga Tanim na mga Gulay
B. SANGGUNIAN: PIVOT Module sa EPP 5, ADM Module sa EPP 5, Curriculum Guide in Edukasyong
Pantahanan at Pangkabuhayan 5, EPP5AG-0c-6
C. KAGAMITAN: PowerPoint presentation, Laptop, TV, kasangkapan sa paghahalaman
III. PAMAMARAAN:
A. Epektibong Tuon
Gawain Bilang 1: Sa araling ito, matututuhan mo ang mahalagang kaalaman, tamang pamamaraan at pag-
iingat sa paggawa ng abonong organiko nang na dapat mong sundin upang magkaroon ng masaganang
pataba ang iyong mga pananim sa tahanan.
Panuto: Bilugan ang mga nahanap na salita sa puzzle ang mga abonong organiko na ginagamit na pataba sa
pagtatanim.

Kahalagahan Ng Paggawa Ng Abonong Organiko


Ang paraan ng pagbubulok ng mga basura sa isang lalagyan ay tinatawag na
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV–A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
MALITAM ELEMENTARY SCHOOL
Malitam, Batangas City

basket composting na tulad din ng isang compost pit. Ang abonong organiko ay nagpapabuti sa lupa upang
maging mataba at malusog ang mga pananim.
Narito ang ang mga pamamaraan ng paggawa ng abonong organiko:
1. Pumili ng angkop na lugar. Patag at tuyo ang lupa. May kalayuan sa bahay. Malayo sa tubig tulad ng ilog,
sapa at iba pa.
2. Gumawa ng hukay sa lupa ng may limang metro ang lalim. Patagin ang loob ng hukay at hayaang
nakabilad sa araw upang hindi mabuhay ang anumang mikrobyo.
3. Tipunin ang mga nabubulok na kalat gaya ng tuyong damo, dahon, mga balat ng prutas,gulay at iba pa.
4. Maglagay ng isang pirasong patpat ng kawayan upang mapanatiling tuwid at patayo ang bawat sulok ng
hukay sa pagtatapon ng mga nabubulok na kalat at lupa.
5. Ilagay ang mga natipong kalat sa loob ng hukay nang may tatlumpung sentimetro ang taas. Maaari ring
lagyan ng abonong urea upang maging mabilis ang pagkabulok ng mga basurang nilagay sa hukay.
6. Ilagay sa ibabaw ang mga dumi ng hayop sa kapal na 15 sentimetro at lagyan muli ng lupa, abo o apog.
Gawin ito nang paulit-ulit hanggang mapuno ang hukay.
7. Panatilihing mamasa-masa sa hukay sa pamamagitan ng pagdidilig araw-araw. Tiyaking hindi ito babahain
kung panahon ng tag–ulan. Takpan ng mabuti ang ibabaw ng hukay ng ilang pirasong dahon ng saging
upang hindi bahain.
8. Pumili ng ilang piraso ng kawayang wala nang buko at may butas sa gilid. Itusok ito sa nagawang compost
pit upang makapasok ang hangin at maging mabilis ang pagkabulok ng basura.
9. Bunutin ang tinusok na kawayan pagkalipas ng tatlong Linggo. Haluing mabuti ang mga
pinagsamasamang kalat at lupa. Pagkalipas ng dalawang buwan o higit pa ay maaari na itong gamiting
pataba ayon sa pagkabulok ng mga basurang ginamit. Sa mga walang sapat na lugar, mainam din na
gumawa ng compost sa pinagpatong-patong na lumang gulong ng sasakyan o kaya sa isang drum na may
takip.
Narito ang maaaring gawin:
1. Maghanda ng mga lalagyang na puwedeng iresaykel.
2. Ilagay ang mga nabubulok na basura kagaya ng dahon, prutas, gulay at iba pa.
3. Lagyan ng lupa at diligan.
4. Takpan ng yero o mga dahon ng saging upang hindi langawin.
5. Gawin ang proseso hanggang sa mapuno ang lalagyan. 6. Palipasin ng dalawa o tatlong ng buwan
bago gamitin.
B. Palaguin ang Kaalaman
Gawain Bilang 2:
Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung ang nilalaman ng pangungusap ay wasto; MALI naman kung hindi
wasto sa nilalaman ng aytem. Isulat ang sagot sa patlang.
_________1. Sa paghahalaman,kailangan ang abono upang mataba ang mga pananim.
_________2. Ang paggawa ng organikong pataba ay maganda sa lupa at sa halaman.
_________3. Ang mga basurang di nabubulok gaya ng mga plastik ay magandang gawing abonong
organiko.
_________4. Hindi kailangan ng basurang nabubulok sa paggawa ng abonong organiko.
_________5. Ang paggamit ng mga basurang nabubulok sa paggawa ng abonong organiko ay tinatawag
na composting.
_________6. Pumili ng angkop na lugar sa paggawa ng compost pit.
_________7. Ang paggawa ng compost pit ay hindi mainam na kaalaman para sa lahat.
_________8. Kapag ang pananim ay maganda at malusog dahil sa abonong organiko ito ay di kapaki-
pakinabang.
_________9. Ang compost ay matipid na paraan upang magkaroon ng sapat na panustos ng pataba para
sa mga halaman.
________10. Nakakatulong ang abonong organiko sa kalidad ng lupang pagtataniman.
Gawain Bilang 3:
Panuto: Guhitan ng linya ang nawawalang salita o lupon ng mga salita sa pangungusap.
1. Ang paggamit ng (abonong organiko, komersyal na abono) ay isang matipid na paraan upang
makabawas sa gugugulin sa pagtatanim.
2. Ang paggawa ng abonong organiko ay mainam na gamitin upang tumaba at mapalago ang mga (tao,
pananim)
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV–A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
MALITAM ELEMENTARY SCHOOL
Malitam, Batangas City

3. Ang (basket case, basket composting) ay ang pagbubulok ng mga basura sa isang sisidlan.
4. Ang (compost, langis) ay nilalagay sa kamang taniman upang tumaba ang mga halaman.
5. Ito ang mga inilalagay sa isang compost (nabubulok, di-nabubulok).
Gawain Bilang 4:
Panuto: Lagyan ng wastong bilang (1- 5) ayon sa sunod-sunod na hakbang sa paggawa ng compost pit
_____ Pagkalipas ng dalawang buwan o higit pa ay maari nang gamiting pataba sa pananim.
_____ Panatilihing mamasa-masa sa hukay sa pamamagitan ng pagdidilig araw-araw at hindi babahain
kung tag-ulan.
_____ Ilagay ang mga naipong nabubulok na basura gaya ng tuyong damo,dahon,mga balat ng
prutas,gulay at iba pa. Takpan ang ibabaw para hindi umalingasaw ang di magandang amoy nito.
_____ Maghukay sa lupa nang may limang metro ang lalim. Patagin ang hukay at hayaang nakabilad sa
araw upang hindi mabuhay ang anumang mikrobyo.
_____ Pumili ng angkop na lugar. Patag at tuyo ang lupa na may kalayuan sa bahay. Dapat malayo sa
tubig tulad ng ilog, sapa, at iba pa.
C. Pagsubok sa Kakayahan
Lagumang Pagsusulit:
Gawaing I
1 Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat tanong at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
______ 1. Alin sa mga sumusunod ang kailangan ng mga halaman?
A. pataba
B. bumili ng gamit
C. mga damo
D. asin at suka
_______ 2. Ano ang uri ng lupang mainam taniman ng mga halaman
A. mabuhanging lupa
B. luwad o clay
C. loam o banlik
D. maraming bato
_______ 3. Bumababa kaagad ang tubig sa uri ng lupang tinataniman.
A. luwad B. sandy C. loam D. mabato
_______ 4. Nagtatanim ng mga halamang gulay si Aling Rosa. Ano kaya ang ginagawa niya upang
mapalago at maging malusog ang kanyang mga pananim?
A. nilalagyan niya ng langis B. nilalagyan niya ng nga damo
C. nilalagyan niya ng buhangin D. nilalagyan niya ng pataba
_________ 5. Isang paraan ng pagpapabulok ng mga basura sa isang lalagyan. Ano ito?
A. hukay B. recycle
C. compost pit D. basket composting
_______ 6. Ang mga sumusunod ay alituntuning pangkaligtasan na dapat sundin sa pagsasagawa ng
compost pit at basket composting Maliban sa isa. Alin ito
A. Gumamit ng angkop na kagamitan at kasangkapan.
B. Ihanda ang towel o pamunas upang hindi matuyuan ng pawis.
C. Gumamit ng guwantes, face mask, bota at pala sa paggawa nghukay.
D. Maghukay gamit ang kamay at maligo pagkatapos ang gumawa
_______ 7. Naisipan ni Mang Nikolas na gumawa ng basket composting sa kanila bakanteng lupa upang
maging malusog ang kanyang mga halaman at magtipid sa gastos ng abono. Ano kaya ang basket composting?
A. Paggawa ng abonong organiko sa tubig
B. Paggawa ng abonong organiko sa loob ng bahay
C. Pagpapabulok ng mga basura sa iisang lagayan
D. Pagluluto ng abonong organiko gamit ang mga basket
_______ 8. Ano ang kabutihang dulot ng paggawa ng abonong organiko?
A. Pinapalambot ang mga halaman
B. Pinapataas nito ang presyo ng mga karne sa palengke
C. Pinapataas nito ang kalidad ng lupa at dami ng ani sa mga pananim
D. Nababawasan ang pagkain ng gulay sa pamilya
_______ 9. Mahalaga ba ang paglalagay ng abonong organiko sa mga pananim? Bakit?
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV–A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
MALITAM ELEMENTARY SCHOOL
Malitam, Batangas City

A.Oo, dahil nagsisilbi itong daanan ng mga insekto upang maubos ang mga pananim
B. Oo, dahil nagsisilbi itong pamuksa sa mga damo
C. Oo, dahil pinapayaman nito ang lupa upang maging malusog at mapalago ang
mga pananim at ligtas kainin ang mga gulay para sa pamilya
D. Hindi, dahil mapapalaki ang gastusin ng pamilya
_______ 10. Alin sa mga sumusunod ang tatlong pangunahing elemento na kailangan ng lupang
pagtataniman upang maging malusog ang mga pananim?
A. Nitrogen, Potassium, at Phosphorus
B. Oxygen, Hydrogen, at Nitrogen
C. Nitrogen, Oxygen, at Hydrogen
D. Nitrogen, Oxygen, at Potassium
VI. PAGNINILAY (Reflection) 5-Laurel 5-Ramos 5-Aquino

A.Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng


80% sapagtataya

B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang gawain
para sa remediation

C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang


ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin?

D. Bilang ng mga mag-aaral na


magpatuloy sa remediation?

You might also like