Professional Documents
Culture Documents
Department of Education
Region V
SCHOOLS DIVISION OF MASBATE PROVINCE
EPP / Agrikultura 5
Ikatlong Markahan
Ikapitong Linggo
I. Panimulang Konsepto
Katulad ng manok, baboy at baka, ang isda ay may napakahalagang
bahaging ginagampanan sa ating hapag-kainan. Karaniwang ito ang makikita sa
hapag-kainan ng isang mag-anak na Pilipino dahil mura at masustansiya ito.
Maganda ito sa ating katawan bilang pinanggalingan ng protina. Sa tamang pag-
aalaga ng isda, matutugunan ang iba pang mga suliranin sa pamilya lalo na sa
pagkain. Mainam din itong gawing hanapbuhay. Dahil ang mga isda na inaalagaan
ay inaani rin tulad ng gulay. Kung kinakailangan, dinadala sa pamilihan ang mga
labis na sa konsumo ng pamilya at ipinagbibili na doon.
Ito ang mga sumusunod na palatandaan sa pagsasapamilihan ng mga
alagang isda batay sa mga karanasan:
1. Tilapya – maaari nang anihin pagkaraan ng tatlo hanggang apat na
buwan. Mabilis lumaki at dumami ang tilapya kaya iwasan ang
magsiksikan ang mga ito sa fish pond.
2. Bangus – anim na buwang pag-aalaga naman bago anihin.
3. Karpa - inaabot naman ng isang taon bago ito anihin.
Mga paraan sa pagsasapamilihan
1. Online Selling(Paggawa ng account sa Facebook) - ay ang
makabagong pamilihan sa panahon ngayon. Ito ay isang paraan ng
pagbebenta ng samu’t saring produkto gamit ang social media.
2. Pagdadala sa Palengke “Direct Selling” - dinadala sa palengke ang
mga alagang isda upang ibenta.
a. Lansakan o Pakyawan – dito ang lahat ng isda na maaaring
maipagbili ay binibilang lahat ng iisang namimili. Karaniwan ang
ganitong bilihan ay may iisang presyo o halaga.
b. Tingi – ang bilihan ayon sa bilang ng piraso/kilo o kung ilan.
3. Paggawa ng “Flyers” - ay naglalaman ng simpleng anunsyo at mga
impormasyon tungkol sa produktong ipagbibili.
Pagsasanay Bilang 1
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang isinasaad sa Hanay A. Isulat ang letra ng
tamang sagot sa patlang.
Hanay A Hanay B
____1. Ito ay naglalaman ng simpleng
A. Tingi
anunsyo at mga impormasyon tungkol sa
B. Flyers
produktong ipagbibili.
C. Lansakan o Pakyawan
____2. Ang makabagong pamilihan
D. Palengke
sa panahon ngayon. Ito ay isang paraan
E. Online Selling
ng pagbebenta ng samu’t saring produkto
F. Paglalako
gamit ang social media.
____3. Dinadala sa lugar na ito ang mga
alagang isda upang ibenta.
____4. Bilihan ayon sa bilang ng piraso/kilo
o kung ilan.
____5. Ang lahat ng isda na maaaring ma-
ipagbili ay binibilang lahat ng iisang namimili.
Karaniwan ang ganitong bilihan ay may iisang
presyo o halaga.
Pagsasanay Bilang 2
Panuto: Basahin at unawain ang mga talata. Ibigay ang angkop na
pamamaraan ng pagsasapamilihan sa bawat sitwasyon. Ipaliwang sa 1 talata na
binubuo ng 5 pangungusap.
1. Si Mang Juan ay may alagang mga tilapya sa kanilang fishpond sa Naro
Island. Nakita niya na nasa wastong gulang, timbang at laki na ang
kanyang mga alagang isda. Siksikan na ang mga ito sa fish pond. Anong
paraan ng pagbebenta ang nararapat gawin ni Mang Juan?Ipaliwanag.
______________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_______________________________________________________
Pagsasanay Bilang 3
Panuto: Ipagpalagay natin na meron kang itinitindang isda. Ipakita ang iyong
paraan ng pagsasapamilihan ng iyong tindang isda sa pamamagitan ng paggawa ng
flyers.
Halimbawa:
Para sa panahon ng pandemya
Tangkilin natin ang sariling atin!
Pagsasanay bilang 3
Puntos
5 4 3 2 1
Pamantayan
1. Ang flyers ay naglalaman ng kumpletong impormasyon
tungkol sa produktong ipagbibili.
2. Naipakita ang pagkamalikhain sa paggawa ng flyers.
3. Pinag-isipang mabuti ang flyers at naipakita ang kanyang
orihinal na ideya.
4. Wasto ang gamit sa malalaki at malilit na titik, gayundin
ang mga bantas, baybay ng mga salita at iba pang
mekaniks sa pagsulat.
Kabuuang Puntos
Pagpapakahulugan:
15-20 Napakahusay
10-14 Mahusay
5-9 Hindi gaanong mahusay
1-4 Kailangan pang magsanay
V. Susi sa Pagwawasto
VI. Sanggunian
Pagsasanay Bilang 1
1. X 3. 5.
2. 4. X
Aklat
Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran EPP 5 pp 83-96.
Akda: Gloria A. Peralta, EdD, Ruth A. Arsenue, Catalina R. Ipolan,
Yolanda L. Quiambao, Jeffrey D. de Guzman at Elaine Q. Borazon,
PhD(Patnugot).
Internet
Facebook/watch?v=681513279423378
Inihanda ni:
RHEA D. CAPARIŇO
Guro III
MES – Hilagang Pampurok ng Palanas
Sinuri nina:
Pinagtibay ni: