You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
Region V
SCHOOLS DIVISION OF MASBATE PROVINCE

EPP / Agrikultura 5
Ikatlong Markahan
Ikalimang Linggo

Pangalan: __________________ Petsa: ____________


Baitang: Ikalima (V)___________ Marka:____________

GAWAING PAGKATUTO BILANG 5


Pag-aalaga ng Hayop/Isda

I. Panimulang Konsepto
Ang pag-aalaga ng hayop ay may mahalagang naidudulot na
kapakipakinabang sa bawat pamilya. Nakapagbibigay ito ng karagdagang kita at
masustansiyang pagkain para sa pang-araw-araw na pangangailangan. Maraming
kabutihan ang naidudulot ng pag-aalaga ng mga hayop at ito ay kinagigiliwan ng
iilan dahil nakapagbibigay ito ng kaligayahan at nakatatanggal ng pagod.
Narito ang mga kabutihang dulot ng pag-aalaga ng hayop na may
dalawang paa at pakpak o isda at iba pang kauri nito:
1. napagkukunan ito ng pagkain tulad ng karne at itlog;
2. nakapagbibigay ng dagdag kita sa mag-anak;
3. nagdudulot ito ng kasiyahan sa pamilya at nagsisislbing libangan ng
mag-anak;
4. natutugunan ang problema ng pamilya sa kasalatan ng pagkain at
kawalan ng hanap-buhay ng tao;
5. nagkakaroon ng tiwala sa sarili at nagiging responsable at
maalalahanin; at
6. nakatitipid sa gastusin ng pamilya.
Mga Hayop na Maaring Alagaan
1. Manok
2. Kalapati
3. Pato/Itik
4. Pugo
5. Tilapya/Bangus/Karpa
Mga Dapat Isaalang-alang sa Pag-aalaga ng Manok, Isda at Iba
pang Kauri nito
Ang puhunan sa pag-aalaga ng hayop gaya ng manok, pugo, at iba
pang kauri nito ay depende sa uri, sa dami, at sa mga pangangailangan ng
hayop. Kung anumang naiisip at pinaplanong aalagaang hayop, tiyakin na
may sapat na puhunan upang ang mga pangangailangan ng hayop ay
maibigay.
May kaakibat ding responsabilidad ang pag-aalaga ng mga manok,
marami din ang mga dapat na isasaalang-alang bago ang pagtatayo ng
manukan. Narito ang mga dapat na isaalang-alang sa pag-aalaga ng mga
manok:
1. uri ng manok na aalagaan;
2. pagkukunan ng malinis na tubig;
3. bahay o kulungan;
4. pagtatapunan ng dumi;
5. pagkain o feeds;
6. mga taong mag-aalaga;
7. panahong ilalaan;
8. angkop at ligtas na lugar; at
9. kapital o puhunan.

Talaan ng mga Kagamitan at Kasangkapan sa Pag-aalaga


Narito ang mga kagamitang kailangan sa pag-aalaga ng mga hayop:
1. Manok.
 Para sa mga bagong pisang sisiw kailangang lagyan
ng ilaw o bombilyang may 50 watts upang mainitan
ang mga sisiw sa araw at gabi hanggang 15 araw.
 Kailangang maglagay ng lalagyan ng inumin. Ang
painuman ay laging panatilihing malinis.
 Kung ang kulungan ay nasa hanginan, kailangang
takpan ng mga tuyong dahon ang bahay ng mga
sisiw.
 Kailangan ng lalagyan ng patuka. Ang patukaan ay
dapat nasa loob o harapan ng kulungan. Ito ay dapat
gawa sa yero, kahoy, o byak na kawayan, pahaba
may lalim na apat na pulgada para hindi matapon ang
laman.
 Kailangan matibay ang kulungan upang hindi
mapasukan ng ibang mga hayop at kainin ang mga
ito.
2. Kalapati
 Gumawa ng kulungan ng kalapati na may maraming
pinto.
 Lagyan ng tuyong dahon ang loob ng bahay ng
kalapati.
 Maglagay ng malaking lalagyan ng tubig na iinumin at
paliliguan kung maiinit ang panahon.
 Dalawang pugad ang kailangan ng kalapati. Ang isa
ay para sa pangingitlog. Ang isa naman ay para sa
pagpipisa.
3. Pato/Itik
 Bumili lamang ng paunang breeder sa maaasahang duck
breeder. Sa breeding, sa bawat 5 babae ay may isang
lalake. Mamili tayo ng breeder na masigla, malusog at
walang diperensya.
 Alagaan at pakaining mabuti ang mga duck breeder
hanggang sa magitlog ang mga ito.
 Maaari rin na gumawa tayo ng tubigan o paliguan ng itik
na may laking 10 piye ang lapad at 20 piye ang haba
para sa 50 itik pero iyon ay opsyonal, at hindi iyon
makakaapekto sa pangingitlog ng mga itik.
 Ang itik ay mag-uumpisang mangitlog sa gulang na 4-6
months. Sa ibang mga breed ay inaabot ng 6-7 months.
 Pag-aalaga sa mga itlog. Alagaan at ingatan ang mga
itlog nito hanggang sa mapisa. Tandaan: Gumamit ng
incubator para sa pangangasiwa ng mga itlog hanggang
sa mapisa ang mga ito.
 Ang mga sisiw ay kailangan munang painitan hanggang
sila ay isang buwang gulang pa lamang. Ang temperatura
o init na kailangan ng mga sisiw ay 95 degree Fahrenheit
para sa ikatlong linggo at 80 degree Fahrenheit sa huling
linggo.
4. Pugo
 Ang batang pugo ay binibigyan ng starting mash
hanggang isang buwan.
 Ang inahin ay nagsisimulang maglahi pagkaraan ng
40 araw. Nakatayo kung magitlog ang pugo.
 Nilalagyan ng buhangin ang kahoy na pangingitlugan
ng pugo upang hindi mabasag ang itlog nito.
 Madaling magulat ang pugo kaya kailangang tahimik
ang paligid sa oras ng pangingitlog.
5. Tilapya/Bangus/Karpa
 Binhi – Ang tilapya ay mabilis lumaki. Maaring anihin
ito sa loob ng dalawa hanggang tatlong buwan.
Inaabot naman ang karpa ng isang taon bago ito
anihin. Anim na buwang pag-aalaga naman bago
anihin ang bangus.
 Lokasyon – Pumili ng lugar na malapit sa
pagkukunan ng tubig (ilog,balon,batis o poso) sa
buong taon. Upang mapabilis ang pagdami ng lumot
na nagsisilbing pagkain ng tilapya, dapat na ang lugar
ay naaarawan at hindi rin naman binabaha tuwing
umuulan o sa panahon ng tag-ulan.
 Pagkain – Ang maliliit na halamang-dagat na makikita
nating berde na lulumutang sa tubig ay pagkain ng
mga isda. Ang mga itlog ng kulisap sa tubig, suso,
darak, at tinapay ay pagkain din ng alagang isda. May
mga pagkaing komersiyal din na mabibili sa
pamilihan. May mga iba pang pagkain ang mga isda,
ito ay ang mga liya (planktons) o maliliit na halamang-
dagat na kulay berde.
 Pag-aalaga – Ang fish pond ay dapat na nilalagyan
ng pataba o dumi ng hayop upang mapanatiling
mataba at maging malinis ang paglaki ng isda. Ang
malalaking isda ay dapat nang alisin upang
magkaroon ng malaking lugar ang mga lumalaking
isda. Dapat ihiwalay ang malaking isda dahil ang mga
ito ay kumakain ng isdang maliliit pa. Huwag
pabayaang matuyo ang tubig nang mababa sa
itinakdang sukat para sa isang fish pond. Hindi dapat
umapaw ang palaisdan upang hindi makatakas ang
mga isda. Iwasan ding matapunan ang fish pond ng
anumang bagay na nakalalason.

II. Kasanayang Pampagkatuto mula sa MELCs


1.1 naipaliliwanag ang kabutihang dulot ng pag-aalaga ng
hayop na may dalawang paa at pakpak o isda
1.2 natutukoy ang mga hayop na maaring alagaan gaya ng
manok, pato, itik, pugo/tilapya
1.3 nakagagawa ng talaan ng mga kagamitan at kasangkapan
na dapat ihanda upang makapagsimula sa pag-aalaga ng
hayop o isda
MELC-EPP5AG-0e-11

III. Mga Gawain

Pagsasanay Bilang 1
Panuto: Basahin ang pahayag sa bawat bilang. Isulat ang Tama kung wasto
ang isinasaad nito, Mali kung hindi wasto. Isulat ang sagot sa patlang.
_______1. Ang pag-aalaga ng hayop ay nagpapalala ng problema sa
kakulangan ng pagkain.
_______2. Bukod sa pagkakakitaan, ang pag-aalaga ng hayop ay maaaring
maging libangan.
_______3. Patuloy na naghahanap ang mag-anak na Pilipino ng
mapagkukunan ng dagdag na kita.
_______4. Ilan sa isinasaalang-alang sa pag-aalaga ng manok at iba pang
hayop ay ang pagtatapunan ng dumi, suplay ng malinis na tubig, at pagkaing
madaling matagpuan.
_______5. Ang sinumang nais na pumasok o magbukas ng negosyo ay
naghahangad na umasenso ang kaniyang buhay.

Pagsasanay Bilang 2
Panuto: Basahin ang bawat pahayag at sagutin sa pamamagitan ng pagpili
ng tamang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang tamang sagot sa patlang.

Pato/Itik Kalapati
Manok Pugo
Tilapya/Bangus/Karpa Pabo

_________1. Ito ay isang uri ng ibon na nakatayo kung mangitlog.


_________2. Ito ay isang uri ng ibon na nangangailangan ng mataas
na bahay upang ligtas sa daga, pusa at ahas.
_________3. Ito ay isang hayop na madaling alagaan kahit sa maliit na
lugar at maaaring mais at palay lamang ang pagkain nito.
Pangalan ng Kinapanayam:______________________________
Edad/Gulang:_____________________Kasarian:______________
Tirahan:_______________________________________________
_________4. Maaaring anihin ito sa loob ng dalawa hanggang tatlong
Trabaho: ______________________________________________
buwan; ng isang taon o di kaya anim na buwan bago anihin.
Ulat:__________________________________________________
______________________________________________________
_________5. Ang hayop na ito ay mag-uumpisang mangitlog sa gulang
______________________________________________________
na______________________________________________________
4-6 months. Sa ibang mga breed ay inaabot ng 6-7 months.
______________________________________________________
______________________________________________________
Pagsasanay Bilang 3
______________________________________________________
Panuto: ______________________________________________________
Kapanayamin ang isang nag-aalaga ng manok, pugo, pato/itik,
kalapati o isda ______________________________________________________
sa inyong lugar gamit ang mga gabay na tanong. Gumawa ng ulat
______________________________________________________
batay sa isinagawang panayam. Tularan ang pormat sa ibaba.
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
________________________________________.

Mga gabay na katanungan


1. Anong hayop ang inaalagaan mo?
2. Gaano karami ang inaalagaan mong hayop?
3. Anu-ano ang mga kabutihang dulot nito sa iyo?
4. Anu-anong mga kasangkapan ang iyong inihanda sa pag-aalaga ng
iyong hayop?
5. Sa palagay mo ba, malaki ang naiambag nito sa ekonomiya ng
ating bansa?Ipaliwanag.
IV. Rubrik sa Pagpupuntos

5 4 3 2 1
Ang pag-uulat Ang pag-uulat Ang kaayusan Paulit-ulit ang Walang sagot.
ay nagtataglay ay maayos at ng nilalaman punto ng pag-
ng pagiging organisado. ng pag-uulat ay uulat.
lohikal, hindi
malinaw at organisado.
organisado.

V. Susi sa Pagwawasto
Pagsasanay Bilang 1 Pagsasanay Bilang 2
1. Mali 1. Pugo
2. Tama 2. Kalapati
3. Tama 3. Manok
4. Tama 4. Tilapya/Bangus/
5. Tama Karpa
5. Pato/Itik

Pagsasanay Bilang 3
Guro ang magwawasto gamit ang rubric.

VI. Sanggunian

Aklat
Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran EPP 5 pp 83-96.
Akda: Gloria A. Peralta, EdD, Ruth A. Arsenue, Catalina R. Ipolan,
Yolanda L. Quiambao, Jeffrey D. de Guzman at Elaine Q. Borazon,
PhD(Patnugot).

Internet
Pagsasaka.com@2020
PatokMedia Online Advertising

Inihanda ni:

RHEA D. CAPARIŇO
Guro III
MES – Hilagang Pampurok ng Palanas

Sinuri nina:

ARLENE B. ADINA MARYJANE A. ODTOHAN


Punongguro I Punongguro I/Training Manager

Pinagtibay ni:

GREGORIO D. RADAN, PhD.


Tagamasid Pampurok

You might also like