You are on page 1of 10

4

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan
Modyul 4: Mga Kagamitang Gawa ng
Tao, Iniingatan Ko!
(Ikapito at Ikawalong Linggo)
SUBUKIN (PRE-TEST)

Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat tanong at piliin ang titik sa tamang sagot.
Isulat sa iyong papel o kwaderno.

1. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng disiplina sa pangangalaga sa mga


gamit sa loob ng silid-aralan kahit walang nakakakita?
A. Sinisira mo ang walis tingting.
B. Hinahagis mo ang mga mesa kahit saan.
C. Pinaglalaruan mo ang pisara sa kabilang silid-aralan.
D. Inilagay mo sa tamang lagayan ang mga kagamitan sa silid-aralan.

2. Ano ang maaring maidudulot ng tamang pag-aalaga ng mga gamit sa paaralan?


A. Madali itong anayin.
B. Matagal itong masira .
C. Alikabukin kaagad ang mga ito.
D. Maraming sapot ang didikit nito.

3. Nakita mong nasira ang mesa sa inyong bahay. Ano ang maari mong gawin?
A. Wala akong pakialam sa nasirang mesa.
B. Tutulungan ko sa pagkukumpuni si tatay.
C. Pababayaan ko ang mesa at maglaro sa labas ng bahay.
D. Pagmamasdan ko si tatay habang nagkukumpuni sa nasirang mesa.

4. Pinagpupunit ng nakababatang kapatid ang iyong papel. Ano ang sasabihin mo sa


kanya?
A. “Huwag mong aksayahin ang papel upang may magamit pa tayo.”
B. “Pinaglalaruan mo na naman ang gamit ko.”
C. “Isusumbong kita sa teacher ko.”
D. “Pakialamera ka talaga!”

5. Nabasag ng kaibigan mo ang iyong gitara. Ano ang maari mong gawin?
A. Papagalitan ko siya.
B. Itatapon ko na lang ito.
C. Susunugin ko ang gitara.
D. Ipakukumpuni ko sa pagawaan.

6. Naririnig mo sa iyong guro na masyado nang manipis ang ozone layer ng mundo
na naging dahilan sa pagkakasira nang mga puno, na siyang pinagkukunan natin
ng mga materyal na kagamitan. Ano ang maari mong gawin bilang isang mag-
aaral?
A. Magtatanim ako ng mga puno para makatulong sa kalikasan.
B. Wala akong pakialam sa ozone layer kahit na minipis na ito.

1
C. Maglalaro ako kasama ang mga kaibigan.
D. Ipagpawalang bahala ang aking narinig.
7. Nakita mong sinusulatan ng iyong kaibigan ang mga upuan sa parke. Ano ang
gagawin mo sa kanya?
A. Tutulungan ko siya sa pagsusulat.
B. Isusumbong ko sa mga nakatatanda.
C. Hindi ako makialam dahil buhay niya ‘yon.
D. Mahinahon kong sasabihan sa kanya na itigil ang pagsusulat.

8. Ang pagtatanim ng punongkahoy ay isa sa mga paraan upang makatulong sa


ating inang bayan na maparami ang mga materyal na kagamitang likas o gawa
ng tao. Paano mo ito matugunan?
A. Tutulong ako sa pagtatanim ng punongkahoy.
B. Hindi ako sisipot kung may pagtitipon sa pagtatanim.
C. Pababayaan ko na mamatay ang mga punongkahoy.
D. Ipagpawalang bahala ko ang mga programa tungkol sa pagtatanim.

9. Pinagsabihan kayo ng nanay ninyo na dapat ay maingat kayo sa mga bagay sa


loob ng bahay upang di madaling masira ang mga ito. Ano ang gagawin mo sa
sinabi ng nanay?
A. Hindi ako makikinig kay nanay.
B. Sasabihin ko na wala akong paki-alam.
C. Magdadabog ako habang sinusunod si nanay.
D. Susundin ko si nanay nang may bukal sa puso.

10. Nakita mong hinahagis ng kaklase mo ang eraser sa inyong silid-aralan. Ano ang
gagawin mo?
A. Sasabihin ko na dapat ay pahalagahan ang mga gamit sa silid-aralan.
B. Ipagpawalang bahala ko ang pangyayari.
C. Hindi ako makikialam para walang gulo.
D. Pagtatawanan ko ang pangyayari.

2
Aralin Mga Kagamitang Gawa ng Tao,
4 Iniingatan Ko!

(Ikapitong Linggo)

ALAMIN
Pagkatapos ng araling ito ikaw ay inaasahang:
● nakakikilala sa mga pamamaraan ng pangangalaga at pag-aayos ng mga
materyal na kagamitang likas o gawa ng tao
● naisasagawa ang mga paraan sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng
mga materyal na kagamitang likas o gawa ng tao
● nakapagbibigay ng kahalagahan sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan
ng kagamitang likas o gawa ng tao

BALIKAN
Panuto: Isulat ang TAMA kung ang isinasaad na pangungusap ay nagpapakita ng
pagpapahalaga sa pangangalaga ng halaman at MALI kung hindi. Isulat ito sa inyong
kuwaderno o papel.

________1. Nakikisali sa Clean and Green program para sa kaayusan ng


kapaligiran.
________ 2. Mas pinili mong maglaro kasama ang mga kapitbahay kaysa
tumulong sa pagdidilig ng halaman.
________ 3. Inaayos ang nabuwal na halaman sa inyong bakuran.
________ 4. Pinipitas ang mga bulaklak sa parke para paglaruan.
________ 5. Nilalagyan ng pataba ang lupa para lumago ang tanim.

3
TUKLASIN
Halos lahat ng kagamitan sa bahay, paaralan, o maging sa pamayanan man ay
nagmula sa kalikasan. Ang mga kagamitang ito ay ginawa ng tao. Kaya’t bilang mga
batang Pilipino, nararapat lang na pangalagaan ito at gamitin nang may wastong pag-
iingat.

Basahin ang tula na nasa ibaba at pagnilayan ang nilalaman nito.

Salamat sa Iyo… Ikaw ang Gumawa ng mga Gamit Ko!

Kung ating pagmamasdan ang ating kapaligiran,


Dulot sa kalooban ay saya, ganda, at kapanatagan.
Kaya't 'wag nating abusuhin bagkus ay alagaan,
Dahil lahat ng kagamitang ito ang pinagmulan.

Tulad ng mga puno sa ating mayamang kagubatan,


Dito nagmula ang lamesa at upuan sa ating tahanan.
Hindi ba’t ito’y yari sa kahoy na galing sa kalikasan,
Na dapat ipagmalaki, pakaingatan, at pangalagaan.

Dumako naman tayo sa dakila at mahal na paaralan,


Mga kagamitang tulad ng pisara, kabinet, at mga upuan.
Ang mga ito’y kailangan sa pag-aaral ng mga kabataan,
Kaya’t pakaingatan para magamit nang pangmatagalan.

Kung araw ng Linggo mga tao’y nagtutungo sa simbahan,


Pagkatapos ng misa mga bata’y pumupunta sa palaruan.
Lahat ay nagkakaisang naglalaro sa siso, akyatan at duyan,
Ang dulot ay lubos na kasiyahan sa ating mga kabataan.

Ang kalikasan sadyang ipinagkaloob ng Panginoon sa atin,


Siya’y masasabing tunay na maunawain at mahabagin.
Kaya’t mga biyaya’y mahalin, paunlarin, at pagyamanin,
Upang lubos na pag-unlad ng ating bansa’y kamtin.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:


1. Ano-anong kagamitan ang nabanggit sa tula na mula sa likas
na yaman at gawa ng tao?
2. Ano ang naidudulot ng mga kagamitang ito sa ating pang-araw-araw na
pamumuhay?
3. Ano ang nararapat mong gawin para makatulong sa pangangalaga ng
kagamitang gawa mula sa likas na yaman o gawa ng tao?

4
SURIIN
Suriin ang talaan sa ibaba. Punan ang hanay B batay sa sitwasyon sa
hanay A. Isulat ito sa iyong kuwaderno o papel.
B. Mga aterial na B. Paano ito Mapangangalagaan
kagamitang likas o
gawa ng tao

Gamit sa loob ng paaralan

Mga gamit sa loob ng bahay

Parke o palaruan

(Ikawalong Linggo)

PAGYAMANIN
Paano mo maipakikita ang pangangalaga sa mga kagamitan mula sa likas na yaman
o gawa ng tao?

Iguhit ang masayang mukha ( ☺) kung ang isinasaad na pangungusap ay


nagpapakita ng pangangalaga sa mga gamit o kagamitan at malungkot na mukha
( ) naman kung hindi ito nagpapakita. Isulat ang sagot sa iyong papel o kuwaderno.

_____1. Ginagamit ko nang may wastong pag-iingat ang mga gamit o kagamitan sa
aming bahay upang hindi masira.
_____2. Itinatago ko sa kahong matibay ang mga gamit o kasangkapang hindi ko na
ginagamit.
_____3. Hahayaan ko na nakabukas ang gripo habang nagsisipilyo.
_____4. Sinusulatan ko ang mga silya, mesa sa silid-aralan.
_____5. Hinihikayat ko ang aking mga kamag-aral na gamiting muli ang likod papel
na wala pang sulat.

5
ISAISIP
Tandaan Natin:
Ang ating mga kagamitan sa bahay, paaralan, at pamayanan ay nagmula sa
ating kalikasan na ginawa ng tao. Lubos na pangangalaga at wastong pag-iingat ang
ating maiaambag upang ang lahat ng ito ay maging kapaki-pakinabang sa loob ng
maraming taon.
Isinasaad sa Department of Environment and Natural Resources (DENR)
Administrative Order No. 37 series of 1996 ang pagkakaroon ng pantay at balanseng
pang-ekonomiyang paglago at proteksiyon sa pamamagitan ng pagbuo, pamamahala,
pagbabago ng likas na yaman ng bansa. Kalakip nito ang proteksiyon at paghubog sa
magandang kalidad ng ating kapaligiran, hindi lamang para sa kasalukuyang
henerasyon kundi para sa darating na panahon.
Isinasaad naman sa Presidential Decree No. 705 o “Revised Forestry Code”
na ang mga punongkahoy na maaaring putulin ay yaong mga punong may
diyametrong 60 sentimetro (sa bahagi ng puno na kasintaas ng dibdib ng tao). Sa
paraang ito, hindi tuluyang makakalbo ang lupain, na siyang tutulong sa pananatili ng
magandang kondisyon ng lupa at para makaiwas sa pagguho ng lupa.
Gamitin nang wasto ang ating mga gamit o kagamitan sa bahay, paaralan, at
pamayanan. Sa pamamagitan nito, tayo ay nakatutulong sa pangangalaga sa ating
kalikasan.

ISAGAWA

Gumawa ng isang poster tungkol sa pangangalaga ng mga gamit o


kagamitan mula sa kalikasan. Gawin ito sa isang malinis na bond
paper. (10 points)

6
TAYAHIN (POST TEST)
Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat aytem. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
papel o kuwaderno.

1. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng pag-iingat sa mga


gamit sa loob ng bahay?
A. Palaging pinupunasan ang mga gamit sa bahay para hindi madaling masira.
B. Inuuna ang paglalaro kaysa sa paglilinis sa mga gamit sa bahay.
C. Hinahayaang nilalaro ng mga kapatid ang mga upuan sa mesa.
D. Ipinagpaliban ang paghuhugas ng pinagkainan sa bahay.

2. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pangangalaga sa gamit ng bahay


maliban sa isa?
A. Itinago ko sa kahong matibay ang mga kagamitan na hindi ko na ginagamit.
B. Iniiwan ko sa mesa ang mga baso, pinggan, kutsara at tinidor na ginamit ko
sa pagkain.
C. Tumutulong ako sa paglilinis ng mga gamit o kagamitan sa display cabinet
para magandang tingnan.
D. Ginagamit ko nang may wastong pag-iingat ang mga gamit o kagamitan sa
aming bahay upang hindi masira.

3. Isinasaad sa Presidential Decree No. 705 o “Revised Forestry Code” na ang mga
punongkahoy na maaaring putulin ay yaong mga punong may diyametrong
________ sentimetro (sa bahagi ng puno na kasintaas ng dibdib ng tao)
A. 60 B. 90 C. 100 D. 120

4. Nakita mong sinusulatan ng nakababata mong kapatid ang upuan sa simbahan.


Ano ang gagawin mo?
A. Pagagalitan ko ang aking kapatid sa ginawa nito.
B. Isumbong ko sa katabi para siya na lang ang mangaral dito.
C. Sasali ako sa pagsusulat dahil nakakabagot ang pangaral ng pari.
D. Papayuhan ko ang kapatid na pahalagahan ang mga gamit sa simbahan.

5. Ang proteksiyon at paghubog sa magandang kalidad ng ating kapaligiran, hindi


lamang para sa kasalukuyang henerasyon kundi para sa darating na panahon. Ay
isinasaad sa _________________.
A. Administrative Order No. 37 series of 1996 ng DENR
B. Administrative Order No. 37 series of 1986 ng DENR
C. Presidential Decree No. 705 o “Revised Forestry Code”
D. Presidential Decree No. 805 o “Revised Forestry Code”

6. Pinapaalalahanan ni Bb. Santos ang buong klase na gamitin nang wasto ang
kagamitan sa bahay, paaralan, at pamayanan. Ano ang gagawin mo?
A. Magkibit-balikat lang ako sa sinabi ni Bb. Santos
B. Ipagyayabang ko na sinunod ko ang payo ni Bb. Santos.
C. Gagawin ko lamang ang mga payo kung nasa harap ni Bb Santos.
D. Susundin ko ang payo ni Bb. Santos kahit walang nakakakita upang
makatulong.

7
7. Nakita mong sinisira ng iyong kaibigan ang slide sa parke. Ano ang gagawin mo?
A. Sisigawan ko at sasabihing hindi tama ang ginawa niya.
B. Pababayaan ko na sirain niya ang slide.
C. Titingnan ko lang ang ginagawa niya.
D. Sasawayin ko ang aking kaibigan.

8. Ginawang takip sa ulo ng iyong nakatatandang kapatid ang libro dahil malakas
ang ulan. Ano ang sasabihin mo sa kanya?
A. “Kuya, masaya akong nakikita na tinakip mo sa ulo ang libro.”
B. “Kuya, ingatan mo ang libro. Masisira iyan kapag nabasa.”
C. “Sige kuya kunin ko ang aking libro at susundin kita.”
D. “Kuya, nakakatuwa ang ginawa mo.”

9. Nalaman mo na ang mga papel ay gawa pala sa kahoy. Ano ang gagawin mo sa
iyong mga kaibigan na laging pinaglalaruan at pinupunit ang mga papel?
A. Sasabihin ko sa aking mga kaibigan na huwag aksayahin ang papel.
B. Sasawayin at sasabihin ko na mga salbahe sila.
C. Pababayaan ko na lang sila sa kanilang ginawa.
D. Hindi na lang ako iimik.

10. Alin sa mga sumusunod ang tama?


A. Tinatanggal ang mga turnilyo ng mga upuan sa silid-aralan.
B. Ipapatong ang mga mabibigat na bagay sa ibabaw ng mesa.
C. Ilalagay ang mga gamit sa tamang lagayan upang hindi masira.
D. Pinupunit ang mga pahina ng aklat upang gawing laruan na saranggola.

8
SUSI SA PAGWAWASTO

BALIKAN
1. TAMA 2. MALI 3. TAMA 4. MALI 5. TAMA
TUKLASIN
1. Paaralan- pisara, kabinet at mga upuan
2. Tanggapin ang mga sagot na may kaugnayan sa tanong.
Halimbawa: Tayo ay nagkaroon nang maayos at maginhawang pamumuhay.
3. Tanggapin ang mga sagot na may kaugnayan sa tanong.
Halimbawa: Ingatan ang paggamit sa lahat ng mga kagamitan.

SURIIN
Tanggapin ang mga sagot na may kaugnayan sa tanong

PAGYAMANIN

1. ☺ 2. ☺ 3. ☹ 4. ☹ 5. ☺
ISAGAWA: 10 pts.

SANGGUNIAN:
Abac, Felamer E., Gina A. Amoyen, Jesusa M. Antiquiera, Henrieta
A. Bringas, Grace R. Capati, Maria Carla M. Caraan, Rodel A. Castillo, et
al. 2015. Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikaapat na Baitang. 5th ed. Pasig
City, Philippines: Department of Education-Instructional Materials Council
Secretariat (DepEd-IMCS)

You might also like