You are on page 1of 14

KWARTER: UNA

Sabjek: EsP Baitang: 5

Petsa Sesyon: 1

Pamantayang Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagkakaroon ng mapanuring pag-iisip


Pangnilalaman sa pagpapahayag at pagganap ng anumang gawain na may kinalaman sa sarili at sa
pamilyang kinabibilangan

Pamantayan sa Nakagagawa ng tamang pasya ayon sa dikta ng isip at loobin kung ano ang dapaat at
Pagganap di dapat

Kompetensi Napahahalagahan ang katotohanan sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga: 1.1. balitang


napakinggan 1.2. patalastas na nabasa/narinig 1.3. napanood na programang
pantelebisyon 1.4. nabasa sa internet EsP5PKP – Ia- 27

I. LAYUNIN Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang

Kaalaman Natutukoy ang katotohanan sa pamamagitan ng pagsususri sa balitang napakinggan,


patalastas na nabasa/narinig, napanood na programang pantelebisyon at mga nabasa
sa internet.

Saykomotor Nakasusulat ng isang balitang narinig o napapanood sa telebisyon.

Apektiv Napapahalagahan ang katotohanan sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga balitang


napakinggan, patalastas na nabasa/narinig, napanood na programang pantelebisyon at
mga nabasa sa internet.

II. PAKSANG-ARALIN

A. Paksa Mapanuring Pag-iisip, Mayroon Ako

B. Sanggunian Edukasyon sa Pagpapakatao Unang Markahan – Modyul 1: Mapanuring Pag-iisip,


Mayroon Ako
Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 5
MELCs p. 79
(https://news.abs-cbn.com/news/12/09/17/bata-nabiktima-ng-dugo-dugo-gang)

C.Kagamitang Modyul, Batayang Aklat


Pampagtuturo

A. Paghahanda 1. Naranasan mo bang makatanggap ng masamang balita tungkol sa iyong mga


Pangmotibeysyu kamag- anak?
nal na Tanong 2. Paano mo hinarap ang masamang balitang ito?
Aktiviti/Gawain Panuto: Basahing mabuti ang bawat sitwasyon. Lagyan ng ✓ ang patlang kung ito ay
nagpapakita ng mabuting pagsusuri sa mga balitang napakinggan, patalastas na
nabasa/narinig, napanood na programang pantelebisyon at mga nabasa sa internet
at X naman kung hindi.
___1. Kumakalat ang balitang may paparating na bagyo kaya nakikinig si Jose sa
radyo upang alamin kung totoo ito at nang siya ay makapaghanda. ___2. Bumili ng
maraming itlog si Aling Marta dahil nabasa niya sa internet na gamot daw ito
laban sa kanser.
___3. Binigyan ka ng isang gamot pampaputi mula sa iyong kapatid na
napanood niya sa TV.
___4. Hindi nagdalawang isip na ipagbili ni Mang Kanor ang kanyang mga alagang
hayop dahil narinig niya sa kapitbahay ang tungkol sa kumakalat na matinding
sakit ng mga hayop.
___5. May sakit ang iyong ama at kailangan niyang maoperahan. Pinainom mo
siya ng gamot na bigay ng iyong pinsan na nakagagaling daw ng sakit at hindi na
kailangan ang operasyon.

Pagsusuri/Analysis Paano mo malalaman na ang mga balitang napakinggan, patalastas na


nabasa/narinig, napanood na mga programang pantelebisyon at mga nabasa sa
internet ay totoo?

B. Paglalahad Basahin ang balita.


Abstraksyon Bata Nabiktima ng 'Dugo-dugo' Gang
(Pamamaraan (https://news.abs-cbn.com/news/12/09/17/bata-nabiktima-ng-dugo-dugo-gang)

ng MANILA - Halos kalahating milyong pisong cash at alahas ang natangay ng hinihinalang
Pagtalakay) miyembro ng Dugo-dugo gang mula sa isang bata na residente ng Quezon City nang
lokohin

itong naospital ang ina at kailangan ng pera. Ayon sa blotter ng pulisya, tinawagan ng 'di
pa kilalang tao ang 15-anyos na anak ng isang ginang sa Doña Carmen Subdivision sa
Barangay Commonwealth. Sinabihan ang anak na naaksidente ang nanay nito at
kailangan ng malaking halaga ng pera para sa ospital. Inutusan ang bata na kumuha ng
pera at alahas at nagkita sila sa isang mall sa Sucat, Parañaque. Huli na nang malaman ng
bata na hindi naaksidente ang ina. Naibigay niya ang P100,000 cash, alahas na aabot sa
P60,000 ang halaga at tatlong relo na nagkakahalaga ng P300,000. Ayon sa pulis, matagal
na ang ganitong modus pero marami pa rin ang nabibiktima. Payo nila, huwag i-post
lahat ng personal na impormasyon sa social media dahil dito nalalaman ng mga suspek
ang mga detalye tungkol sa kanilang target.

Sagutin ang mga tanong.


1. Anong pangalan ng gang ang bumiktima sa bata?
2. Paano nabiktima ang bata sa nasabing gang?
3. Nagpakita ba ng mapanuring pag-iisip ang bata sa balita? Bakit?
3. Kung ikaw ang bata sa balita, paniwalaan mo rin ba kaagad ang iyong natanggap
na balita? Bakit?

Ang mapanuring pag-iisip ay kakayahang magsuri ng mga idea at lumutas ng mga suliranin.
C. Pagsasanay Panuto: Basahing mabuti ang bawat sitwasyon. Lagyan ng ✓ ang patlang kung ito ay
(Mga Paglilinang nagpapakita ng mabuting pagsusuri sa mga balitang napakinggan, patalastas na
na Gawain) nabasa/narinig, napanood na programang pantelebisyon at mga nabasa sa internet
at X naman kung hindi.

___1. Nagtatanong si Ana sa mga kaibigan niyang nakasubok na gamitin ang pampakinis
na sabong ipinakita sa patalastas sa telebisyon tungkol sa epekto nito sa kanila. ___2
Nag-order kaagad si Gng. Santos ng gamot pampatangkad na napanood niya sa isang
programa sa telebisyon.
___3. Nabasa ni Rowena sa internet ang gamot na makapagpagaling sa CoViD 19,
ngunit hindi siya bumili nito dahil hindi naman niya ito narinig sa balita at napanood
sa telebisyon.
___4. Malungkot si Rosalie dahil hindi natanggal ang mga peklat sa balat niya
pagkatapos gamitin ang gamot na ipinakita sa isang patalastas sa telebisyon. ___5.
Nalulungkot si Kaloy dahil naririnig niyang magugunaw na ang mundo.

D. Paglalapat Pangkatang Gawain: Pangkatin sa tatlo ang buong klase. Bawat pangkat ay bibigyan ng tig
(Aplikasyon) iisang sitwasyon. Maglahad ng nararapat gawin na nagpapakita ng mapanuring na
pag-iisip sa ibinigay na sitwasyon.

1. May nagtext sa iyo na nanalo ka daw sa isang pakontes at kailangan mo na magpadala


ng pera sa kanya upang mapadala na niya ang iyong napanalunan.
2. Tumawag ang lola mo dahil nagkasakit daw ang iyong lolo.
3. May pumunta sa inyo na hindi mo kakilala. Sinabi niya na inutusan daw siya ng
iyong nanay na kunin ang pera sa kwarto at ipadala sa kanya.

E. Paglalahat Ano ang mapanuring na pag-iisip?


(Generalisasyon)

IV. PAGTATAYA Panuto: Isulat ang TAMA sa patlang kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng
mabuting pagsusuri sa mga balitang napakinggan, patalastas na nabasa/narinig,
napanood na programang pantelebisyon at mga nabasa sa internet at MALI naman
kung hindi.

____1. Pinarusahan mo kaagad ang iyong bunsong kapatid dahil sinabi ng iyong pinsan
na nanuntok siya sa kanyang kalaro.
____2. Nabasa mo sa Facebook na may paparating na malakas na bagyo ngunit hindi
ka naniwala dahil hindi mo naman ito narinig sa radyo o napanood sa mga balita sa
telebisyon.
____3. Masaya si Lando dahil may nagtext sa kanya na nanalo siya ng isang milyon.

____4. Bumili ka agad ng maraming pagkain dahil narinig mo sa kapitbahay na


may paparating na malakas na bagyo.
___5. Hindi ka pumasok sa paaralan dahil nagpost sa Facebook ang iyong kamag-aral
na maysakit ang iyong guro.

V. Sumulat ng isang balitang narinig o napapanood ninyo sa telebisyon.


KARAGDAGANG
GAWAIN

VI. PAGNINILAY
NILAY
Inihanda ni:

FE V. CONSOLACION
Teacher III
KWARTER: UNA
Sabjek: EsP Baitang: 5

Petsa Sesyon: 2

Pamantayang Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagkakaroon ng mapanuring pag-iisip


Pangnilalaman sa pagpapahayag at pagganap ng anumang gawain na may kinalaman sa sarili at sa
pamilyang kinabibilangan

Pamantayan sa Nakagagawa ng tamang pasya ayon sa dikta ng isip at loobin kung ano ang dapaat at
Pagganap di dapat
Kompetensi Napahahalagahan ang katotohanan sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga: 1.1. balitang
napakinggan 1.2. patalastas na nabasa/narinig 1.3. napanood na programang
pantelebisyon 1.4. nabasa sa internet EsP5PKP – Ia- 27

I. LAYUNIN Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang

Kaalaman Natutukoy ang mga sitwasyong nagpapakita ng mapanuring na pag-iisip

Saykomotor Nakasusuri ng isang patalastas na makatotohanan

Apektiv Napapahalagahan ang katotohanan sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga balitang


napakinggan, patalastas na nabasa/narinig, napanood na programang pantelebisyon at
mga nabasa sa internet.

II. PAKSANG-ARALIN

A. Paksa Mapanuring Pag-iisip, Mayroon Ako

B. Sanggunian Edukasyon sa Pagpapakatao, Unang Markahan – Modyul 1: Mapanuring Pag-iisip,


Mayroon Ako
Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 5
MELCs, page 79

C.Kagamitang Modyul, Batayang Aklat


Pampagtuturo

A. Paghahanda Naniniwala ka ba sa mga patalastas na narinig sa radyo, nakita sa telebisyon o sa


Pangmotibeysyu internet? Bakit?
nal na Tanong

Aktiviti/Gawain Tukuyin kung nagpapahayag ng mabuting pagsusuri ang sumusunod na


mga sitwasyon. Isulat ang Oo o Hindi sa patlang.
_____ 1. Naniniwala si Juan sa kumakalat na balita sa internet na tanging
mga matatanda lamang ang nahahawaan ng COVID – 19 virus.
_____ 2. Pinapahalagan ng pangulo ng bansa ang opinyon ng ibang tao kahit na ito’y
iba sa kanyang sariling opinyon, basta’t ito’y may mabuting maidudulot sa ating
bansa.
______3. Nakikinig si Aling Rosa ng mga programa sa radyo na nagtuturo ng paggawa
ng mga makabuluhang bagay.
______ 4. Si Peter ay nangangalap ng iba’t ibang sanggunian ng mga impormasyon
sa tuwing pinagagawa sila ng pag- uulat sa klase.
______ 5. Si Ana ay nagbabasa ng aklat at magasin upang madagdagan ang
kanyang kaalaman at kakayahan.

Pagsusuri/Analysis Ano ang dapat nating gawin ukol sa mga balitang napakinggan, patalastas na
nabasa/narinig, napanood na mga programang pantelebisyon at mga nabasa sa
internet?
B. Paglalahad Ang pagkakaroon ng mapanuring pag-iisip ay isang katangian na maaaring ipagmalaki
Abstraksyon ng isang tao. Sa dami kasi ng nilalang ng Diyos, tayong mga tao ang may
(Pamamaraan pinakanatatanging kasanayang gumamit ng mapanuring pag-iisip sa pang-araw-araw na
ng pamumuhay. Kabilang na rito ang pagsusuri sa katotohanan at pagkilala sa kung aling
Pagtalakay) bagay ang nakabubuti o nakasasama sa atin.
Ang mapanuring pag-iisip ay naipakikita sa pagtatanong, pagsusuring mabuti sa mga
posibleng kasagutan, at pamimili ng pinakamahusay na sagot bago gumawa ng kahit ano.
Kailangang makapaglaan ng sapat na panahon sa pagtugon sa kinakaharap na suliranin o
gawain gaano man ito kaliit o kalaki.

Ang patalastas ay isang paraan ng pag-aanunsyo ng mga produkto o serbisyo sa


pamamagitan ng iba't ibang anyo ng komunikasyong pangmasa o pangmadla.
Sagutin ang mga tanong:
1. Bakit gumagawa ng patalastas?
2. Ano kaya ang maaaring mangyari kapag hindi nag-iisip bago
magsasalita? 3. Bakit kailangan nating maging mapanuri sa lahat ng
bagay o panahon?

C. Pagsasanay Tukuyin kung nagpapahayag ng mabuting pagsusuri ang sumusunod na


(Mga Paglilinang mga sitwasyon. Isulat ang Oo o Hindi sa patlang.
na Gawain) _______ 1. Ginugugol ni Dino ang kanyang oras sa paglalaro ng computer games kaysa
sa paggawa ng kanyang takdang aral.
_______ 2. Si Lino ay tumutulong at gumagawa ng mga kapaki- pakinabang na gawain sa
kanilang komunidad kagaya ng pakikilahok sa Clean – Up drive. _______ 3. Si Tatay ay
nagbabasa ng dyaryo upang malaman ang mga pangyayari sa loob at labas ng bansa.
________4. Sinusuring mabuti ni Mayor Santos kung sino ang mas nangangailangan
ng ayuda sa panahong nangyari ang sakuna.
________5. Ginagaya ni Alan ang kanyang mga napapanood sa telebisyon.

D. Paglalapat Mag-isip ng isang patalastas na napatunayan mo ng totoo. Isulat kung anong patalastas
(Aplikasyon) ito at bakit makatotohanan ito. Punan ang patlang.

Ang patalastas na makatotohanan ay


__________________________________________. Ito ay makatotohanan dahil
__________________________________________________.

E. Paglalahat Paano mo masasabi na ang isang tao ay may mapanuring pag-iisip?


(Generalisasyon)
IV. PAGTATAYA Panuto: Isulat ang TAMA sa patlang kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng mabuting
pagsusuri sa mga balitang napakinggan, patalastas na nabasa/narinig, napanood na
programang pantelebisyon at mga nabasa sa internet at MALI naman kung hindi. ____1.
Napakasaya mo dahil binigyan ka ng iyong kaibigan ng isang gamot na pampaputi na
napanood niya sa TV.
____2. May sakit ang iyong kapatid at kailangan daw na operahan. May binigay na gamot
sa iyo ang pinsan mo na nakagagaling daw ngunit tinanggihan mo ito dahil hindi mo pa
narinig ang ganitong gamot.
____3. May nagbenta ng mga mumurahing chocolates. Hindi ka bumili dahil hindi mo
naintindihan ang nakasulat dito sapagkat ibang lenggwahe ang ginamit. ____4. Nakita mo
sa internet ang isang pampapayat na produkto kaya bumili ka kaagad sa online.
____5. May nabasa kang balita sa iyong Facebook account na hindi na kailangang
magsuot ng facemask dahil wala na ang COVID-19. Ikaw ay natuwa at ibinalita mo ito
kaagad sa iyong mga kamag-anak.

V. Maglista ng dalawang halimbawa ng mga programa na napanood ninyo sa TV.


KARAGDAGANG
GAWAIN

VI. PAGNINILAY
NILAY

Inihanda ni:

FE V. CONSOLACION
Teacher III
KWARTER: UNA
Sabjek: EsP Baitang: 5

Petsa Sesyon: 3

Pamantayang Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagkakaroon ng mapanuring pag-iisip


Pangnilalaman sa pagpapahayag at pagganap ng anumang gawain na may kinalaman sa sarili at sa
pamilyang kinabibilangan

Pamantayan sa Nakagagawa ng tamang pasya ayon sa dikta ng isip at loobin kung ano ang dapaat at
Pagganap di dapat

Kompetensi Napahahalagahan ang katotohanan sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga: 1.1. balitang


napakinggan 1.2. patalastas na nabasa/narinig 1.3. napanood na programang
pantelebisyon 1.4. nabasa sa internet EsP5PKP – Ia- 27

I. LAYUNIN Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang

Kaalaman Natutukoy ang mapanuring na pag-iisip sa mga balitang napakinggan, patalastas


na nabasa/narinig, napanood na programang pantelebisyon at mga nabasa sa
internet.

Saykomotor Nakabubuo ng tsart ng mga paraan ng pagpapakita ng mapanuring na pag-iisip.

Apektiv Napapahalagahan ang mapanuring na pag-iisip sa mga balitang napakinggan, patalastas


na nabasa/narinig, napanood na programang pantelebisyon at mga nabasa sa internet.
II. PAKSANG-ARALIN

A. Paksa Mapanuring Pag-iisip, Mayroon Ako

B. Sanggunian Edukasyon sa Pagpapakatao, Unang Markahan – Modyul 1: Mapanuring Pag-iisip,


Mayroon Ako
Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 5
MELCs, page 79

C.Kagamitang Modyul, Batayang Aklat, Tsart, Larawan


Pampagtuturo

A. Paghahanda Ano ang programa sa telebisyon na gusto mo at bakit?


Pangmotibeysyu
nal na Tanong

Aktiviti/Gawain Alamin ang ipinapakita ng bawat larawan at sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot
sa patlang na nasa ibaba ng bawat larawan.

Totoo ba ang lahat ng balitang ating naririning? ______________ Ano-ano ang mga
dahilan kung bakit may ilang mga balita na hindi
dapat natin paniwalaan? ___________________________ Paano natin malalaman na
totoo o hindi ang isang balita?
_______________________________________________

Bakit gumagawa ng patalastas? ______________________


Dapat ba nating paniwalaan ang mga ipinapakita sa isang
patalastas? _________________________________
Paano natin aalamin na ang ipinapakita patalastas ay may
katotohanan? _______________________________

Pagsusuri/Analysis Paano maipakita ang mapanuring na pag-iisip sa mga balitang napakinggan, patalastas
na nabasa/narinig, napanood na mga programang pantelebisyon at mga nabasa sa
internet?

B. Paglalahad Hindi lahat ng mga balitang napakinggan, patalastas na nabasa o narinig, mga napapa
Abstraksyon nood na programang pantelebisyon at mga nabasa sa internet ay totoo. Kung may
(Pamamaraan naririnig ka na balita ay dapat huwag maniwala kaagad. Alamin mo muna ang
ng pinanggagali-ngan nito at kung maaari ay sasangguni muna sa iba upang matukoy ang
Pagtalakay) katotohanan nito. Kung may patalastas sa isang bagay ay huwag agad maniwala. Alamin
mo muna ang kalidad nito sa pamamagitan ng pagtatanong sa mga nakasubok na.
Minsan ay gusto nating gayahin o subukan ang anumang nakikita sa programang
pantelebisyong ating napapanood. Bago ito

gawin ay dapat alamin muna natin ang maganda at hindi magandang maidudulot nito
sa atin kapag ginawa natin ito. Hihingi ng payo sa mga mas nakakaalam upang
maiwasan ang sakuna. Ang huli ay hindi lahat ng nabasa natin sa internet ay totoo. May
tinaguriang fake news na kumakalat sa internet at social media. Kailangan munang
alamin ang pinangga lingan ng binasa, kung ito ay reliable sources o maaasahang
mapagkukunan ba.
C. Pagsasanay Alamin ang ipinapakita ng bawat larawan at sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot
(Mga Paglilinang sa patlang.
na Gawain)
Lahat ba ng ating napapanood sa telebisyon ay
makatotohanan? ___________________________________
Nakabubuti ba sa lahat ang ipinapakita sa telebisyon? Bakit?
_______________________________________________

Dapat bang paniwalaan agad natin ang mga nabasa sa internet?


_______________________________________________
Magbigay ng halimbawa ng
fake news na nabasa ninyo sa internet. __________________
Bakit maituturing itong fake news? _____________________

D. Paglalapat Punan ang tsart ng mga paraan ng pagpapakita ng mapanuring na


(Aplikasyon)
pag-iisip. Paraan ng Pagpapakita ng Mapanuring na

Pag-iisip

Napanood na mga
Mga Nabasa sa
Balitang
Patalastas na
Internet
Programang Pantelebisyon
Napakinggan
Nabasa/Narinig

E. Paglalahat Paano mo masasabi na ang isang tao ay may mapanuring pag-iisip?


(Generalisasyon)

IV. PAGTATAYA Panuto: Isulat ang OO sa patlang kung wasto ang pahayag at HINDI kung hindi
wasto. ____1. Lahat ng balita ay totoo.
____2. Magtanong sa mga may karanasan bago maniwala sa bisa ng isang
produktong ipinakita sa patalastas.
____3. Gayahin ang mga nakita sa telebisyon upang ikaw ay sisikat.
____4. Dapat tayong maniwala sa mga nababasa natin sa internet upang hindi
tayo mapahamak.
____5. Magtanong sa mga mas nakakaalam bago maniwala sa anumang balitang naririnig.

V. Sagutin ang tanong: Ano ang fake news?


KARAGDAGANG
GAWAIN

VI. PAGNINILAY
NILAY

Inihanda ni:
FE V. CONSOLACION
Teacher III
KWARTER: UNA
Sabjek: EsP Baitang: 5

Petsa Sesyon: 4

Pamantayang Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagkakaroon ng mapanuring pag-iisip


Pangnilalaman sa pagpapahayag at pagganap ng anumang gawain na may kinalaman sa sarili at sa
pamilyang kinabibilangan

Pamantayan sa Nakagagawa ng tamang pasya ayon sa dikta ng isip at loobin kung ano ang dapaat at
Pagganap di dapat

Kompetensi Napahahalagahan ang katotohanan sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga: 1.1. balitang


napakinggan 1.2. patalastas na nabasa/narinig 1.3. napanood na programang
pantelebisyon 1.4. nabasa sa internet EsP5PKP – Ia- 27

I. LAYUNIN Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang

Kaalaman Natutukoy ang nagpapakita ng mapanuring na pag-iisip sa mga balitang napakinggan,


patalastas na nabasa/narinig, napanood na programang pantelebisyon at mga nabasa
sa internet.

Saykomotor Nakasusulat ng pangako ng pagiging mapanuri sa mga balitang napakinggan, patalastas


na nabasa/narinig, napanood na programang pantelebisyon at mga nabasa sa internet.

Apektiv Napapahalagahan ang pagkakaroon ng mapanuring na pag-iisip sa mga balitang


napakinggan, patalastas na nabasa/narinig, napanood na programang pantelebisyon at
mga nabasa sa internet.

II. PAKSANG-ARALIN

A. Paksa Mapanuring Pag-iisip, Mayroon Ako

B. Sanggunian Edukasyon sa Pagpapakatao, Unang Markahan – Modyul 1: Mapanuring Pag-iisip,


Mayroon Ako
Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 5
MELCs, page 79

C.Kagamitang Modyul, Batayang Aklat, Tsart


Pampagtuturo

A. Paghahanda Ibahagi sa klase ang iyong karanasan sa fake news.


Pangmotibeysyu Ano ang iyong naramdaman sa karanasang ito?
nal na Tanong
Aktiviti/Gawain Alamin kung ang mga sumusunod na sitwasyon ay iyong ginawa o hindi. Lagyan ng tsek
(/) ang wastong hanay.
Ginawa Hindi Ginawa
1. Naniwala kaagad sa mga nabasa o nakita sa Facebook.
2. Inaalam ang katotohanan ng isang balita sa pamamagitan
ng pagbabasa ng dyaryo o panonood ng balita sa telebisyon
3. Pagbili sa mga produktong nakita sa TV
4. Pag-alam sa kabutihang dulot ng mga programang nakita
sa TV
5. Pagbili ng murang gamot sa online

Pagsusuri/Analysis Paano mapapahalagahan ang mga balitang napakinggan, patalastas na


nabasa/narinig, napanood na mga programang pantelebisyon at mga nabasa sa
internet?

B. Paglalahad Ang pagkakaroon ng mapanuring pag-iisip ay isang katangiang maaaring ipagmalaki ng


Abstraksyon isang tao. Tayong mga tao lamang ang may pinakanatatanging kasanayang gumamit ng
(Pamamaraan mapanu-ring pag-iisip sa pang-araw-araw na pamumuhay. ng mapanuring pag-iisip ay
ng naipakikita sa pagtatanong, pagsusuring mabuti sa mga posibleng kasagutan, at pamimili
Pagtalakay) ng pinakamahu-say na sagot bago gumawa ng kahit ano. Kailangang makapaglaan ng
sapat na panahon sa pagtugon sa kinakaharap na suliranin o gawain gaano man ito kaliit
o kalaki.

Napapahalagahan ang katotohanan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mapanuring


pag-iisip. Napahahalagahan ang katotohanan kapag nasusuring mabuti ang mga
naririnig,

nababasa at napapanood. Kailangan natin na susuriin ang bawat iniisip upang


maiwasan ang pagkakalito at nakikilala kung aling bagay ang nakabubuti o
nakasasama sa atin.

Ang balita ay maaaring isang maganda o mapanghamong balita. Ang magandang balita
ay nangangahulugang mayroong positibong impormasyon na parating pa lamang.
Kadalasan ito ay nagdudulot ng kasiyahan sa karamihan lalo na kung ang magandang
balita ay mayroong mabuting maidudulot sa tagapakinig nito.
Ang mapanghamong balita ay tumutukoy sa mga pangyayaring may kinalaman sa
karahasan, ipinagbabawal na gamot, seksuwal at marami pang iba na hindi angkop sa
mga batang nanonood o nakikinig. Kabaligtaran nito ang tinatawag na magandang balita
na tumutukoy sa ulat ng mga positibo at magagandang pangyayari tungkol sa ginagawa
ng tao na makakapagpabatid at magbibigay libangan sa mga mambabasa, nakikinig o
nanonood.

C. Pagsasanay Gamitin ang mapanuring pag-iisip bago magdesisyon kung ano ang gagawin sa mga
(Mga Paglilinang balitang napakinggan, patalastas na nabasa/narinig, napanood na programang
na Gawain) pantelebisyon at mga nabasa sa internet.
Balita/Patalastas Dapat Gawin
1. Magugunaw na ang mundo

2. Gamot na pampatangkad. Mura na,


epektibo pa. Mabibili na online.
D. Paglalapat
(Aplikasyon)

Panuto: Sumulat ng isang talata tungkol sa iyong pangako na maging mapanuri sa


narinig na balita sa radyo, nabasa sa pahayagan o internet. Ilahad ang iyong pangako
sa ibaba.
______________________________________________________________________
__
______________________________________________________________________
__
______________________________________________________________________
_
______________________________________________________________________
__

E. Paglalahat Ang mapanuring pag-iisip ay hindi lamang magagamit sa mga balitang napakinggan,
(Generalisasyon) patalastas na nabasa o narinig, o sa napanood na programang pantelebisyon kundi
maging sa nabasa sa internet. Malaking porsiyento ng mga mamamayan dito sa Pilipinas
ang gumagamit ng internet, bata man o matanda kung kaya’t nararapat lamang na
pagtuunan ng pansin ang paggamit ng mapanuring pag-iisip para malaman natin kung
alin ang dapat o di-dapat paniwalaan.

IV. PAGTATAYA Panuto: Lagyan ng sa patlang kung wasto ang pahayag at kung hindi wasto.
____1. Lahat ng mababasa sa internet ay totoo.
____2. Lahat ng isasagot mo sa takdang-aralin ang dapat kukunin sa
internet. ____3. Hindi lahat ng balita ay totoo.
____4. Ang pagkakaroon ng mapanuring na pag-iisip ay mahalaga upang hindi
mapahamak. ____5. Nagpapakita ng mapanuring na pag-iisip ang taong naniniwala
kaagad sa kanyang narinig o nakita.

V. Punan ang patlang upang mabuo ang katuturan ng mapanuring na pag-iisip. Ang
KARAGDAGANG mapanuring na pag-iisip ay ______________________________________________.
GAWAIN

VI. PAGNINILAY
NILAY

Inihanda ni:

FE V. CONSOLACION
Teacher III

You might also like