You are on page 1of 4

Paaralan Babag I Elementary School Baitang 5

Guro Dexter V. Sagarino Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao


Petsa Oct.10-14, 2022 Markahan Unang Markahan
Oras 11:30-12:00 Linggo Pang Limang Araw

I. LAYUNIN 1. Nailalarawan ang mga iba’t ibang uri ng kalamidad


na dumarating sa Pilipinas.
2. Natutukoy ang mga pangangailangan ng mga
biktima ng kalamidad.
3. Nauunawaan ang kahalagahan ng kahandaan laban
sa mga kalamidad.
4. Naisasagawa ang mga paghahanda upang
maiwasan ang labis ng pinsala dulot ng kalamidad.
5. Nakabubuo ng mga programa upang
makapagbigay ng kayang tulong sa mga
nangangailangan sa panahon ng kalamidad.
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang pagunawa sa kahalagahan ng
pakikipagkapwa-tao at pagganap ng mga inaasahang
hakbang, pahayag at kilos para sa kapakanan at ng pamilya
at kapwa
B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ang inaasahang hakbang, kilos at pahayag na
may paggalang at pagmamalasakit para sa kapakanan at
kabutihan ng pamilya at kapwa
C. Pinakamahalagang Kasanayan sa 1. Nakapagsisimula ng pamumuno para makapagbigay ng
Pagkatuto (MELC) kayang tulong para sa nangangailangan
1.1. biktima ng kalamidad
1.2. pagbibigay ng babala/impormasyon kung may bagyo,
baha, sunog, lindol, at iba pa
D. Pagpapaganang Kasanayan

II. NILALAMAN Pagmamalasakit sa Kapwa (Concern for others)

III. KAGAMITAN PANTURO


A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro
b. Mga Pahina sa Kagamitang Pang
Mag-aaral
c. Mga Pahina sa Teksbuk Pahina 60 – 67, Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 5
d. Karagdagang Kagamitan mula sa Youtube Channel ng Knowledge Channel; World Health
Portal ng Learning Resource Organization (WHO) Philippines Youtube Channel
B. Listahan ng mga Kagamitang Mga larawan ng kalamidad
Panturo para sa mga Gawain sa Word search
Pagpapaunlad at Video Presentation/clip
Pakikipagpalihan Graphic organizer
IV. PAMAMARAAN
A. Panimula Sasabihin ng guro ang layunin para sa bawat araw upang
lalong maunawaan ng mga mag-aaral ang kanilang
gagawin.

1. Nailalarawan ang mga iba’t ibang uri ng kalamidad


na dumarating sa Pilipinas at ganap ng nararanasan
sa sa dako ng Lungsod ng Imus tulad ng Bagyo,
Sunog, Lindol, Baha, at Virus gaya ng SARSCOV-2 o
mas kilala bilang COVID-19.
2. Natutukoy ang mga pangangailangan ng mga
biktima ng Bagyo, Sunog, Lindol, Baha, at COVID-
19.
3. Nauunawaan ang kahalagahan ng kahandaan laban
sa mga kalamidad tulad ng Bagyo, Sunog, Lindol,
Baha, at COVID-19.
4. Naisasagawa ang mga paghahanda upang
maiwasan ang labis na pinsala dulot ng kalamidad
tulad ng Bagyo, Sunog, Lindol, Baha, at COVID-19
sa pamamagitan ng pagbibigay ng tamang
impormasyon.
5. Nakabubuo ng mga programa upang
makapagbigay ng kayang tulong sa mga
nangangailangan sa panahon ng kalamidad tulad
ng Bagyo, Sunog, Lindol, Baha, at COVID-19.

Gawain 1: Gamit ang Bubble Topical organizer, itala ang


bawat isasagot ng mga mag-aaral tungkol sa kalamidad.

KALAMIDAD

Gawain 2: Magpakita ng mga larawan kalamidad tulad ng


tulad ng Bagyo, Sunog, Lindol, Baha, at COVID-19. Ipatukoy
sa mga magaaral kung anong uri ng mga kalamidad ang
nasa larawan.

Panuto: Tukuyin ang mga uri ng kalamidad. Pag-ugnayin


ang hanay A sa Hanay B.

1. Lindol A. Nakakahawang virus


2. Baha B. Mapaminsalang apoy
3. Sunog C. Mapaminsalang panahon
4. Bagyo D. Paggalaw ng lupa
5. COVID-19 E. Pagtaas ng tubig

Sagutin ang mga tanong


1. Ano ang mga ipinakitang larawan?
2. Paano makakaapekto sa iyo, sa pamilya mo at sa
kapwa mo tao ang mga ganitong uri ng kalamidad?
Ipaliwanag ang sagot.

Talakayin ang kahulugan ng bawat kalamidad na tinukoy


gaya ng Lindol, Baha, Sunog, Bagyo, at COVID-19.

Lindol – ito ay ang mahina hanggang sa malakas na


pagyanig ng lupa dulot ng biglaan paggalaw ng mga bato
sa ilalim nito.
Baha – ito ay ang pagtaas ng tubig sa mga ilog, sapa, lawa,
at iba pang anyong-tubig na umaapaw sa mabababang
lugar. Maaari rin itong dulot ng malakas na ulan,
pagbabara ng mga estero at kanal sanhi ng mga basurang
nakaharang sa daluyan ng tubig.
Sunog – ito ay isang Malaki at mapaminsalang apoy na
nagdudulot ng panganib sa buhay ng mga tao, hayop,
kasulusugan at mga ari-arian.
Bagyo – ito ay isang Sistema ng klima na may nakabukas
na sirkulasyon sa paligid ng isang sentro ng mababang
lugar, tumatakbo sa pamamagitan ng init na inilabas kapag
umaakyat at lumalapot ang basing hangin.
COVID-19 – ito ay isang nakahahawang sakit na dulot ng
bagong coronavirus.

ANO ANG AKING NALALAMAN?

Gawain 3: Pakikipagkapuwa-tao
.
Sagutin ang sumusunod ng mga tanong:
1. Ano ang pakikipagkapuwa-tao?
2. Bakit mahalaga ang pakikipagkapuwa-tao?
3. Paano maisasabuhay ang paggalang at
pagmamalasakit sa pamilya at kapuwa?

Gamit ang Batayang aklat na Ugaling Pilipino sa


Makabagong Panahon sa pahina 62, masdan ang mga
larawan at itala ang maaaring nakikita mong mga
pangangailangan nila.
Ipahayag sa klase ang iyong mga Nakita o naitala.

Banggitin ang kasabihang ito, “Ang taong may malasakit sa


kapwa, kadalasan ay pinagpapala.”

Para sa mga mag aaral ipa kabisado ito:

Mga Hebreo 13:16, “At huwag nating kaligtaan ang


paggawa ng Mabuti at pagtulong sa kapwa,
sapagkat iyan ang alay na kinalulugdan ng Diyos.”

B. Pagpapaunlad
GAWAIN 4: TUKLASIN MO!
Panuto: Hanapin sa kahon at guhitan ang mga sumusunod
na salita:
Damit Flashlight
ID Papeles
First aid Pito
Tubig Pagkain
Go Bag Sabon

Tanungin ang mga mag-aaral kung para saan ang mga


salitang pinahanap sa kanila.

Ipakita ng Video Clip patungkol sa paghahanda ng


Emergency Go Bag. https://m.youtube.com/watch?
v=iEN3GJap2Kc

Panuto: sa inyong kuwaderno, sagutin ang mga sumusunod


na mga tanong.
1. Gaano kahalaga ang pagiging handa laban sa mga
uri ng kalamidad na maaari nating maranasan?
2. Ano anong ahensya ng pamahalaan ang
mapagkukunan natin ng impormasyon tungkol sa
kalamidad?
3. Paano natin maibabahagi ang mga impormasyong
ating nasagap tungkol sa mga kalamidad?

C. Pakikipagpalihan Gawain 5: Atasan ang bawat mag aaral na mangalap


ng tig-iisang larawan na nagpapakita ng
pakikipagkapuwa-tao sa bawat kalmidad na
tinalakay.

Gawain 6: Atasan ang bawat mag aaral na gumawa


ng Emergency Go Bag alinsunod sa napanood na
video. Ipakita ito sa guro, upang ma tsekan.

Gawain 7: Basahin ang kwento mula sa batayang


aklat na may pahina 63 – 65 “Tulong Para sa mga
Biktima ng Bagyong Yolanda” ni Constancia Paloma.

Matapos basahin, sagutin ang mga sumusunod ng


tanong.
1. Sino ang dalawang bata sa USA na gumawa ng
maraming bracelet na goma?
2. Ano ang dahilan nila sa paggawa ng maraming
bracelet na goma?
3. Kung ikaw ay magbabalak tumulong sa mga
nasalanta ng bagyo o anumang kalamidad, ano
ang susubukan mong gawin?
4. Ang pagkakawanggawa ba ay dapat lamang
gawin sa panahon ng sakuna? Ipaliwanag ang
sagot.
5. Dapat bang agad-agad ang pagtulong sa mga
taong nangangailangan? Bakit?

D. Paglalapat ANO ANG NATUTUNAN KO?


Gawain 8
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat sa
kuwaderno.
1. Ano anong kalamidad ang nararanasan o maaaring
maranasan natin dito sa lungsod ng Imus.
2. Bakit mahalaga ang kahandaan laban sa anumang
kalamidad?
3. Ano ano ang mga gawaing maaaring pangunahan
ng mga kasing edad mo kung may mga kalamidad?
4. Ano anong ugaling Pilipino ang namamalas sa
tuwing may kalamidad?
5. Paano mo maipapakita ang pagmamalasaki sa
kapwa sa panahon ng kalamidad?

V. PAGNINILAY Sa iyong portfolio, kumpletuhin ang mga pangungusap sa


ibaba:
Nauunawaan ko na________________________________
Nabatid ko na_____________________________________
Marapat kong gawin ang____________________________

You might also like