You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION X – NORTHERN MINDANAO
SCHOOLS DIVISION OF MISAMIS ORIENTAL
DISTRICT OF NAAWAN
NAAWAN, MISAMIS ORIENTAL

FILIPINO 5
Ikaapat na Markahan
Summative Test
Pangalan: _______________________________ Grado at Seksyon:_____________ Iskor: _________
Paaralan: _______________________________ Guro: ______________________ Petsa: _________
A. Panuto: Piliin sa ibaba ang wastong parirala na bubuo sa ugnayang sanhi at bunga. Isulat sa kahon ang
sagot.
Sanhi Bunga

1. kaya mababa ang kanyang marka

Palaging nagtutulungan ang pamilya ni Mang Luis 2.

Huwarang mag-aaral si Pedro 3.

4. kaya napunit ito.

5. nasisiyahan ang mga magulang ni Lito sa kanya.

Dahil mabuti siyang anak kaya nakakaraos sila


Nagsawalang bahala si Beth sa pagsususlit kung kaya pinarangalan siya
Pinabayaan ni Annie na paglaruan ng kanyang aso ang kanyang aklat
B. Panuto: Basahin ang mga sitwasyon sa ibaba. Piliin ang pangungusap na aayon sa sitwasyong
nakalahad. Bilugan ang napiling sagot.
6. Nagtatanong si Clark sa kanyang Nanay kung dadaan sila sa palengke.
a. Dadaan ba tayo sa palengke Nanay? b. Nanay, daanan na natin ang palengke.
c. Nanay, inuutusan kita, dumaan tayo sa palengke. d. Yehey! Dadaan tayo sa palengke!

7. Inutusan si Jayson ng kaniyang Ate Joan na magdilig ng halaman.


a. Jayson, bakit hindi ka nagdidilig ng halaman? b. Magdilig ka nga ng halaman, Jayson.
c. Wow! Nagdidilig ng halaman si Jayson! d. Si Jayson ay nagdidilig ng halaman.

8. Naipit ang kamay ni Ester sa pinto.


a. Bakit naipit ang kamay mo sa pinto? b. Aray! Naipit ang kamay ko sa pinto!
c. Pakiipit nga ang kamay ko sa pinto. d. Naipit ang kamay ko sa pinto.

9. Naiwan mo ang iyong lapis na gagamitin sa inyong klase sa sining, paano ka makikiusap sa iyong
kaklase upang manghiram ng lapis?
a. Bakit mo ako pahihiramin ng lapis? b. Maaari bang makahiram ng lapis?
c. Pahiram nga ng lapis. d. Ako ay nanghiram ng lapis.

10. Sinabi ni Nicole sa kaniyang guro na tapos na siyang sumagot sa pagsusulit.


a. Binibining Cruz, tapos na po ako sa pagsusulit. c. Yes! Tapos na ako!
b. Ginoong Ramos, iwawasto na po ba natin ang sagot? d. Sinong hindi pa tapos

C. Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na tanong at bilugan ang letra ng tamang sagot.
11. Ito ay isang pormal na pakikipagtalong may estruktura at sistemang sinusundan.
A. Debate B. away C. hamon D. laro
12. Ito ay isang panig sa pakikipagdebate na sumasang-ayon sa isyung pagdedebatehan.
A. Oposisyon B. moderator C. proposisyon D. hurado
13. Sino ang magpapasya kung aling panig sa pakikipagdebate ang nakakapanghikayat o kapani-paniwala?
A. Oposisyon B. moderator C. proposisyon D. hurado
14. Alin sa mga sumusunod na kalinangan ang maidudulot ng pakikipagdebate?
A. Wasto at mabilis na pagsasalita B. Mabilis na pagtakbo
C. Mahinang pangangatwiran D. Hindi nakakapagtimpi
15. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang halimbawa ng pagsangayon?
A. Tama ang aking ina, napakaganda nga aming probinsiya.
B. Ayaw kong kumain ng hapunan.
C. Masarap sana ang minatamis na saging, ngunit bawal sa akin.
D. Walang katotohanan ang paratang ng mga tao laban sa aking kapatid.

Panuto: Basahin ang nakatala . Isulat kung Tama o Mali ang mga nakalahad sa ibaba:
Maraming kapakinabangang nakukuha sa ating mga kagubatan.Pinagmumulan ito ng matabang lupa.
At pumipigil sa pagbaha.Nagsisilbing tahanan ito at napagkukunan ng pagkain ng mga ibon at hayop.
Nararapat mabatid ng bawat isa ang kahalagahan ng mga kagubatan. Gumagawa ng mga hakbang ang
pamahalaan upang mapangalagaan ang kagubatan.
Ang gawaing ito ay hindi maisasakatuparang mag-isa ng pamahalaan. Kailangan nito ng tulong ng
mga mamamayan. Nararapat sundin ang mga
batas sa pangangalaga ng kagubatan.

_______16. Maraming pakinabang ang nakukuha sa kagubatan.


_______17. Wala tayong nakukuhang kahit ano sa kagubatan.
_______18. Putulin ang mga puno sa ating mga kagubatan.
________19. Dapat sundin ang mga gawain sa pangangalaga ng kagubatan.
________20. Mahalaga ang mga kagubatan sa ating mga mamamayan.

You might also like