You are on page 1of 3

SUMMATIVE TEST sa MAPEH III

FOURTH QUARTER

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.

MUSIC

1. Ito ay isang elemento ng musika na tumutukoy sa bilis o bagal ng isang awitin.


a. timbre b. tempo c. melodiya d. dinamiko

2. Ang mga pangungusap sa ibaba ay nagsasaad tungkol sa tempo, MALIBAN SA?


a) Ang tempo ay ang bilis o bagal ng isang musika.
b) Ang lahat ng awitin ay may tempong mabillis.
c) Ang tempo ay pwede ihalintulad sa galaw ng mga hayop.
d) Naipapakita ang konsepto ng tempo sa pamamagitan ng paggalaw.

3. Alin sa mga sumusunod na awitin ang may mabilis na tempo?


a. Pilipinas Kung Mahal c. Boom! Tarat Tarat!
b. Oyayi d. Sa Ugoy ng Duyan

4. Ang mga hayop sa ibaba ay mabilis tumakbo, alin ang NAIIBA?


a. b. c. d.

5. Anong gawain ang nagpapakita ng mabilis na paggalaw?


a. Pagkain ng almusal c. pakikinig ng musika
b. Panonood ng telebisyon d. pagbibisekleta

ARTS

6. Ano ang pangunahing materyales sa paggawa ng stick puppet?


a. Tela at kawayan c. lubid at tungkod
b. Kahoy at damit d. stick at cardboard

7. Ang mga puppet na ito ay gawa sa foam o tela. Naigagalaw ang puppet na ito gamit ang kamay ng
puppeteer.
c. Hand Puppetry c. Rod Puppetry
d. Shadow Puppetry d. Stick Puppetry

8. Ano ang katangian ng isang giant puppetry?


a. Gumagalaw ito sa pamamagitan ng lubid at kawayan.
b. Kasing laki ito ng isang tunay na tao.
c. Ginagamitan ito ng maitim na ilaw.
d. Nilalagyan ito ng stick at cardboard.

9. Alin sa mga sumusunod na larawan ang nagpapakita ng Rod Puppetry?


a. b. c. d.

10. Alin ang dapat gawin pagkatapos gumawa ng isang puppet?


a. Makipaglaro kaagad sa mga kaibigan.
b. Hayaang nakakalat ang mga gamit sa mesa.
c. Ipagmayabang sa mga kapitbahay ang nagawang puppet.
d. Iligpit ang mga gamit at linisin ang lugar ng pinagtatrabahuan.

PHYSICAL EDUCATION

11. Ang mga sumusunod ay nagpapapakita ng kilos lokomotor, MALIBAN SA?


a. Pagbabasa ng tula c. pagsasayaw ng tinikling
b. Pagwawalis sa bakuran d. paglalaro ng basketball

12. Ano ang madaling gawin upang pagpawisan?


a. mag-ehersisyo b. kumain c. magbasa d. matulog

13. Bakit mahalaga ang mga gawaing lokomotor?


a. nagiging makalimutin c. madaling madapuan ng sakit
b. nagpapalusog ng katawan d. nagpapagaan ng kalooban

14. Ilarawan ang bata na nasa ibaba.

a. Mag-isang naglalaro ng patintero.


b. Mag-isang naglalaro ng “hoola hoop”.
c. Mag-isang naglilinis ng bahay.
d. Mag-isang nanonood ng telebisyon.

15. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kilos kasama ang mga kaibigan.
a. b. c. d.

HEALTH

Panuto: Isulat ang ✓ kung ito ay sumusunod sa mga alituntunin ng batas trapiko
at X kung hindi.

____16. Makipaglaro sa mga kaibigan sa gitna ng daan.


____17. Gamitin ang pedestrian lane kung tatawid sa kabilang kalye.
____18. Huminto kung ang ilaw-trapiko ay nasa pula.
____19. Dumaan sa sidewalk kung hindi kailangang tumawid.
____20. Maging alerto sa pagtawid ng daan.

ANSWER KEY:
1. B
2. B
3. C
4. C
5. D
6. D
7. A
8. B
9. C
10. D
11. A
12.A
13. B
14. B
15. C
16. X

17. ✓

18. ✓

19. ✓

20. ✓

You might also like