You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OFFICE
Cabanatuan City

GRADE I
S.Y. 2022-2023

Second Periodical Test


IN
MATHEMATICS
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Name:______________________________
Grade One:__________
IKALAWANG PANAHUNANG PAGSUSULIT SA MATHEMATICS I

Panuto: Basahin ng mabuti ang bawat tanong. Piliin ang iyong sagot mula sa apat na pamimilian. Isulat ang
tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang kabuuang bilang ng mga bulaklak ang dapat na nasa loob ng kahon?

+ =

A. 4 B. 6 C. 3 D. 7

2. Alin ang tamang kabaligtaran ng pamilang na pangungusap na 7 + 9 = 16 ?

A. 16 – 9 = 7 B. 16 – 16 = 0 C. 16 – 7 = 9 D. 7 – 7 = 0

3. Aling pamilang na pangungusap ang tama para sa larawan ng mga mansanas?

at

A. 3 + 2 = 5 B. 5 + 2 = 7 C. 3 + 3 = 6 D. 2 + 3 = 5
4. Ano ang tamang pamilang na pangungusap para sa nakatalang larawan?

A. 7 – 2 = 5 B. 7 – 5 = 2 C. 7 – 7 = 0 D. 5 – 2 = 3
5. Kung ang 8 ay daragdagan ng 7, ano ang tamang kabuuan? ______
A. 15 B. 13 C. 16 D. 18
6. Ano ang iyong makukuhang kabuuang bilang kapag pinagsama ang 9 at 5 ?
A. 10 B. 14 C. 13 D. 18
7. Tukuyin ang kabuuang bilang ng : 12
+ 4
A. 12 B. 10 C. 16 D. 15
8. Alin ang kabuuang bilang kapag pinagsama-sama ang tatlong isahang bilang ? 4 + 6 + 2 = ______
A. 12 B. 13 C. 14 D. 15
9. Alamin ang kabuuang bilang ng tatlong pangkat ng pamilang na pangungusap.
5 + 6 + 3 = _____ 3 + 6 + 5 = _____ 6 + 5 + 3 = _____
A. 14 B. 15 C. 16 D. 17
1
10. Alin ang tamang nawawalang bilang sa loob ng kahon? 4 3
+ 1___
61
A. 6 B. 8 C. 5 D. 4
(2)
* Alamin ang kabuuang bilang ng mga sumusunod:
11. 31 A. 35 B. 33 C. 24 D. 34
+ 3

12. 58 A. 64 B. 65 C. 66 D. 63
+ 6

13. 36 A. 44 B. 42 C. 41 D. 40
+ 5

14. 38 A. 41 B. 44 C. 45 D. 43
+ 7

15. 63 A. 73 B. 72 C. 70 D. 71
+ 9

* Paglutas sa isang-hakbang na pasalitang suliranin. (Problem Solving).


16. Si Mariz ay pumitas ng 35 na puting rosas at 20 pulang rosas sa kanilang hardin. Ilan lahat ang mga rosas na
kanyang napitas?
A. 50 B. 54 C. 53 D. 55
17. Si Lulu ay naghulog ng P50.00 sa kanyang alkansya noong Lunes, at karagdagang P30.00 noong nakaraang
Miyerkules. Magkano ang kabuuan ng kanyang naipon?
A. P80.00 B. P70.00 C. P60.00 D. P50.00
18. Si Liza ay may 32 mangga sa kanyang basket. Dinagdagan niya ito ng 15 mangga. Ilan lahat ang mangga na
nasa basket ni Liza?
A. 45 B. 47 C. 46 D. 40
19. Ano ang iyong makukuhang sagot kapag ibinawas ang 9 sa 16?
A. 4 B. 6 C. 7 D. 5
20. Ano ang sagot kapag ibinawas ang 5 sa 15?
A. 7 B. 10 C. 8 D. 9
21. Kapag ibinawas mo ang 33 mula sa 89, ano ang makukuha mong sagot ________.
A. 56 B. 55 C. 50 D. 54
22. Ibawas ang 42 sa 86, ang sagot ay _______.
A. 41 B. 40 C. 44 D. 43
2 15
23. Alin ang tamang nawawalang bilang sa loob ng kahon? 3 5
-1___
17
A. 6 B. 5 C. 8 D. 7
24. Ano ang sagot kapag ibinawas ang 5 mula sa 17?
A. 10 B. 13 C. 12 D. 11
25. Si Rita ay umani ng 56 na kamatis mula sa kanilang bakuran, 34 dito ay malalaki. Ilan ang maliliit?
A. 24 B. 22 C. 12 D. 32
26. Sina Anne at Paula ay nakakolekta ng 79 na kabibe. Ginamit ni Abby ang 52 para sa larong sungka. Ilang kabibe
na lamang ang natira para kina Anne at Paula?
A. 47 B. 37 C. 17 D. 27
27. Si Joseph ay may kinita na P87.00 mula sa pagtitinda ng dyaryo. Ginamit niya ang P35.00 para sa kanyang
meryenda. Magkano na lamang ang natira para kay Joseph?
A. P25.00 B. P52.00 C. P35.00 D. P42.00

3
Department of Education
Region III
Schools Division Office
District I
STA. ROMANA MEMORIAL ELEMENTARY SCHOOL

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO I

Pangalan:_________________________________________________ Petsa:____________________
Baitang/Pangkat:______________________ Iskor________________

Piliin ang titik ng tamang sagot:Bilugan ito.

1. Inutusan ka ng iyong nanay sa tindahan. Ano ang gagawin mo?


a. magdadabog ka b. magtatago ka
c. susundin siya d. hindi mo siya susundin
2. Iginawa ka ng nanay mo ng sandwich na babaunin mo. Ano ang sasabihin mo?
a. Salamat po nanay. b. Huwag na lang.
c. Ayaw ko niyan. d. Hindi ko babaunin ang sandwich.
3. Ibinili ka ng bagong sapatos ng tatay mo. Ano ang gagawin mo?
a. Hindi papansinin ang sapatos. b. Pasasalamatan si tatay.
c. Itatago ang sapatos at hindi isusuot. d. Hindi kakausapin si tatay
4. Humingi ng inumin ang maliit mong kapatid. Ano nag gagawin mo?
a. Hindi ito papansinin. b. Bibigyan ng inumin.
c. Pagtaguan siya. d. Pagalitan siya dahil naistorbo ka.
5. Ipinabasa ng lola mo ang isang liham para sa kanya dahil malabo na ang mga mata niya. Ano ang dapat mong gawin?
a. Hindi siya papansinin. b. Sasabihing ayaw mong basahin ang sulat.
c. Ibibigay ang salamin sa lola. d. Babasahin ang sulat para sa kanya.
6. Si lola ay humihingi ng pagkain.Ano ang dapat mong gawin?
a. bibigyan ng pagkain b. tumakbo
c. huwag pansinin d. hayaan na lang siya
7. Natutulog si lola sa kanyang kuwarto. Ano ang dapat mong gawin?
a. magsalita ng malakas b. maglaro sa loob
c. makipag-away d. hindi mag-iingay
8. Dumating ang tatay mo galing sa trabaho. Ano ang gagawin mo?
a. Huhubarin ang sapatos niya at iaabot ang tsinelas.
b. Itatanong kung ano ang pasalubong niya.
c. Panonoorin ang ginagawa ni tatay.
d. Utusan siyang kumuha ng pagkain.
9.Galing ka sa paaralan.Dinatnan mo ang nanay mo sa bahay. Ano ang gagawin mo?
a. hihingi ako ng pera b. magmamano ako
c. hihingi ako ng pagkain d. hindi ko papansinin
10.Ano ang dapat mong ipakita sa iyong mga magulang?
a. pagiging barumbado b. pagiging suwail na bata
c. pagmamahal sa magulang d. pagiging sinungaling
11.Bumili ng lapis si Noli sa tindahan. Sobra ang natanggap niyang sukli. Ano ang dapat niyang gawin?

(4)
a. isoli sa tindahan b. ibili ulit c. huwag isauli
d. ilagay sa bulsa
12.Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng katapatan sa magulang?
a. pagsasabi ng katotohanan b. pagsisinungaling
c. hindi pagkibo kung tinatanong d. pagsigaw sa magulang
13.Ibig mong pumunta sa handaan sa kaarawan ng kaklase
mo. Bibili ka ng regalo. Paano ka hihingi ng pera sa magulang mo?
a. Sasabihing may gamit na bibilhin sa paaralan.
b. Sasabihin ang totoo na gusto mong bumili ng regalo.
c. Sasabihing na may gusto kang bilhing laruan.
d. Kukuha ka ng pera sa pitaka ng nanay nang hindi niya nalalaman.
14.Gusto mong bumili ng laruan. Maaaring hindi ka bigyan ng pera ng nanay mo. Ano ang gagawin mo?
a. Sasabihing bibili ka ng lapis at papel. b. Sasabihing may babayaran ka sa paaralan.
c. Sasabihing may gusto kang bilhing laruan. d. Hindi na lang hihingi ng pera.
15.Nang ipamigay ang kard ninyo, nakita mong mabababa ang marka mo. Ano ang gagawin mo?
a. Kakausapin ang nanay mo at mangangakong mag-aaral ka nang mabuti.
b. Itatago sa magulang ang kard upang hindi makita ang mabababang marka.
c. Gagayahin ang pirma ng magulang at isasauli sa guro ang kard.
d. Sasabihin sa magulang na nagkamali ng pagbibigay ng marka sa iyo.
16.Naglilinis ka ng silid- aralan. Nakapulot ka ng ballpen. Ano ang gagawin mo?
a. Hahanapin ang tunay na may-ari nito. b. Itatago sa bag ang ballpen.
c. Ibubulsa na lamang ang ballpen. d. Ibibigay sa kapatid ang napulot na ballpen .
17.Hiniram ni Leo ang aklat ni Rene. May isang Linggo na ang aklat ni Rene kay Leo. Mukhang nakalimutan nang kunin
ito ni Rene sa kanya. Kung ikaw si Leo, ano ang gagawin mo?
a. Itatago na ng tuluyan ang aklat b. Isasauli ang aklat kay Rene.
c. Hihintayin na kunin ni Rene ang aklat. d. Ibibigay sa iba ang aklat ni Rene.
18.May naiwang payong sa labas ng silid-aralan. Nakauwi na ang mga mag-aaral. Ano ang gagawin mo?
a. Iuuwi a bahay ninyo ang payong. b. Ibibigay sa guro ang payong.
c. Ibibigay sa iba ang payong. d. Pabayaan na lang ang payong.
19.Ipinatatanong ng ate mo sa tindahan ang halaga ng malaking lalagyan ng shampoo. Paano mo sasabihin sa kanya ang halaga nito?
a. Sasabihin ang tunay na halaga. b. Pasosobrahan ang halaga nito.
c. Hihingi muna ng pera bago sabihin ang halaga. d. Wala akong sasabihing halaga.
20.Inutusan ka ng nanay mong bumili sa bakery at may sukli pa ang perang ibinigay sa iyo.Ano ang gagawin mo sa sukli?
a. Ibibili ng ba ang sukli. b. Ibabalik ang sukli kay nanay.
c. Itatago ang sukli. d. Hindi kukuhanin ang sukli sa tindahan.
21.Hindi alam ng kaklase mo ang pinag-aaralan ninyo sa Filipino.Ibig niyang magpatulong sa iyo sa takdang-araling
ipinagagawa sa inyo. Ano ang gagawin mo?
a. Pabayaan siyang gumawang mag-isa. b. Pakopyahin na lamang siya ng sagot.
c. Turuan siya upang magawa niya ang takdang-aralin. d. Ipagawa sa ibang kaklase ang takdang-aralin.
22.Nakita mong tatawid ang isang matanda. Ano ang gagawin mo?
a. Titingnan lamang siya. b. Sasawayin siya.
c. Tutulungan siyang tumawid sa kalsada. d. Patulungan siya sa iba sa pagtawid.
23.Pinagtatawanan ng ilang bata ang isang pilay na batang nahihirapan sa paglalakad. Ano ang gagawin mo?
a. Pagtatawanan din ang batang pilay.
b. Sasawayin ang mga batang nagtatawa at tutulungan ang pilay.
c. Aawayin ang mga salbaheng bata.
d. Hahayaan na lamang ang batang pilay.
24. Nakatayo si Richard sa tapat ng upuan. Ano ang dapat mong gawin?
a. Ipamigay ang silya sa iba. b. Upuan ang silya
c. Itakbo ang silya d. Magpaalam kay Richard na kukunin mo ang
5
25.Nasalubong mo ang isang matandang babae na maraming dala. Ano ang gagawin mo?
a. Mag-alok ng tulong sa kaniya. b. Tawagin ang ibang bata para tulungan siya.
c. Batuhin siya. d. Tingnan lamang siya.
26.Nakita mong papilay-pilay ang bata . Ano ang gagawin mo?
a. Pagtatawanan siya. b. Itutulak siya.
c. Aakayin ang pilay na bata d. Gagayahin mo ang paglakad niya.
27.Nasalubong mo ang isang matandang babae na maraming balutan, Ano ang gagawin mo?
a. Mag-alok ng tulong sa kanya. b. Huwag pansinin
c. Tawagin ang ibang bata. d. Titingnan lamang siya.
28. Kasunod mo ang isang matandang nahihirapang bumaba sa dyip?Ano ang gagawin mo?
a. Pagalitan ang matanda b. Itulak ang matanda
c. Akayin siyang pababa d. Pagtawanan ang matanda
29.Nabali ang lapis ni Nestor habang nagsusulat siya. Ano ang dapat mong gawin?
a. Iuwi at patasahan. b. Kunin ang pantasa at tasahan.
c. Itapon ang lapis. d. Ipamigay na lamang ang lapis.
30.Nakita mong nakakalat ang mga notebook ng kapatid mo. Ano ang gagawin mo?
a. Iligpit ang mga ito b. Hindi papansinin
c. Hayaang nakakalat d. Itapon sa basurahan

(6)

You might also like