You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Quezon City
IKA-APAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT SA AGHAM 3
TP 2022-2023
Pangalan: _____________________________ Petsa: ________________
Baitang: ________________________________ Iskor: _________________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Isulat ang


letra ng tamang sagot sa patlang.

_____1. Ano ang pinakamalaking bahagi ng anyong tubig sa


mundo?
A. dagat B. karagatan C. lawa D. look

_____2. Ang kapaligiran ay binubuo ng mga sumusunod, MALIBAN


sa ____________.
A. hangin B. lupa C. planeta D. tubig

_____3. Anong anyong lupa ang mababa at patag na nasa


pagitan ng mga burol o bundok?

A. bulkan B. kapatagan C. lambak D. talampas

_____4. Paano mo mailalarawan ang isang talampas batay sa


larawan?

A. Ito ay patag at malawak na lupain.


B. Ito ay patag na lupa sa ibabaw ng bundok.
C. Ito ay isang patag na lupa na nasa pagitan ng mga
bundok.
D. Ito ay mataas na anyong lupa ngunit mas mababa kaysa
sa bundok.

GaNueva Ecija St. Bago Bantay, Quezon City


(02) 8352-7891/(02)8352-6809/(02)352-6806
sdo.quezoncity@deped.gov.ph www.depedqc.ph
_____5. Alin sa mga larawan ang nagpapakita ng anyong tubig na
dumadaloy mula sa isang mataas na lupa pabagsak sa ilog?
A. C.

B. D.

_____6. Gustong gusto mong mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng


inyong kapaligiran. Ano ang ang dapat mong gawin?
A. Sunugin ang mga basura at tuyong dahon.
B. Hulihin at ikulong sa kulungan o cage ang mga ibon.
C. Magpakasaya sa paghuli ng mga paruparo at tutubi.
D. Gumawa ng compost pit para sa nabubulok na basura.

_____7. Ang tubig ay napakahalaga sa lahat ng may buhay. Paano


ka nakakatulong sa pagtitipid ng tubig?
A. Gumamit ng sapat na tubig ayon sa pangangailangan.
B. Gumamit ng maraming tubig ayon sa kagustuhan.
C. Hayaang tumulo ang gripo.
D. Punuin lahat ng lagayan.

_____8. Mahilig si Aling Linda, magtanim ng mga gulay at


namumulaklak na halaman sa paligid. Ano sa palagay mo
ang dahilan kung bakit si Aling Linda ay nasisiyahan sa
pagtatanim ng iba’t ibang halaman?
I. Ang mga halaman ay nagbibigay lilim.
II. Ang mga halaman ay may maraming gamit.
III. Ang mga halaman ay nagbibigay ng malinis na hangin.
IV. Ang mga halaman ay nagsisilbing tirahan ng mga hayop.

A. I B. II C. III at IV D. I, II, III at IV

_____9. Nilinis at inalisan ng hasang at kaliskis ni Aling Rosa ang isda na


kaniyang binili sa palengke. Itinapon niya ang pambalot na
plastik at basura sa kanal. Tama ba ang kaniyang ginawa?
A. Opo, dahil daluyan ito ng tubig.
B. Opo, dahil ang kanal ay tapunan ng basura.
C. Hindi po, dahil ang kanal ay tirahan ng mga isda.
D. Hindi po, dahil ang kanal ay hindi tapunan ng basura.
_____10. Alin sa mga sumusunod ang sanhi ng polusyon sa
kapaligiran?
I. Maitim na usok sa tambutso
II. Pagtatapon ng basura sa mga katubigan
III. Pagtatapon ng mga kemikal sa lupa
IV. Pag-re-recycle ng mga lumang gamit

A. I at II B. II at IV C. III at I D. I, II at III

_____11. Alin sa mga sumusunod ang pansamantalang lagay ng


atmosphere sa isang lugar na maaaring magbago bawat
oras?
A. humidity C. panahon o weather
B. klima o climate D. temperatura

_____12. Alin sa mga sumusunod na simbolo ang kumakatawan sa


maulap na panahon?

A. B. C. D.

_____13. Anong instrument ang dapat gamitin upang masukat ang


temperatura?

A. Anemometer C. Thermometer

B. Barometer D. Wind vane

_____14. Ang temperatura sa paligid ay pabago-bago. Sa anong oras


ng araw mababa o malamig ang temperatura?
A. 7:00 AM – 25˚C C. 12:00 NN - 34˚C
B. 10:00 AM - 28˚C D. 4:00 PM - 32˚C
_____15. Alin ang nagpapakita ng matinding ihip ng hangin at
malakas na ulan na may kasamang kulog at kidlat?

A. C.

B. D.

Para sa aytem 16 -18: Pag-aralan ang weather chart na may mga


weather symbols.
Araw Linggo Lunes Martes Miyerkules Huwebes Biyernes Sabado
Temperatura 23˚ C 18˚ C 30˚ C 25˚ C 20˚ C 29˚ C 19˚ C

Panahon

_____16. Ano ang panahon o weather sa araw ng Miyerkules?


A. maaraw B. mahangin C. maulan D. maulap

_____17. Anong mga araw ang may parehong panahon o weather?


A. Linggo at Lunes C. Miyerkules at Biyernes
B. Martes at Biyernes D. Lunes at Sabado

_____18. Gustong mamasyal sa parke at maglaro sa labas ni Rey,


anong araw niya maisasagawa ang mga ito ?
A. Linggo at Lunes C. Biyernes at Sabado
B. Martes at Huwebes D. Miyerkules at Huwebes

_____19. Ang mga sumusunod temperatura sa iba’t ibang lugar. Aling


lugar sa nabanggit ang may pinakamalamig na simoy ng
hangin?
A. ilalim ng puno - 27˚C C. sa kantina - 33˚C
B. sa loob ng klasrum - 32˚C D. sa palaruan - 35˚C

_____20. Inihahanda ng mga mangingisda and kanilang lambat.


Napansin nilang makulimlim ang langit. Ano ang dapat
nilang gawin?
A. Magmadali sila sa paghahanda at ituloy ang kanilang
pangingisda.
B. Itago ang kanilang lambat at ipagpaliban ang pangingisda.
C. Magtawag ng iba pa para madami silang pupunta.
D. Ipagsawalang bahala at ituloy nila ang lakad.
_____21. Alin ang sentro o nasa gitna ng Solar System?
A. Earth B. Moon C. Stars D. Sun

_____22. Alin sa mga sumusunod ang HINDI umiikot sa paligid ng


araw?
A. asteroid B. moon C. planets D. star

_____23. Sa tuwing maulan ang panahon, ano ang mga gawaing


kadalasang ginagawa ng mga tao?
A. Indoor activities C. Pangingisda sa dagat.

B. Outdoor activities D. Pagbibilad ng mga isda at palay.

_____24. Nabalitaan mong may paparating na bagyo, paano ka


makatulong sa iyong magulang?
A. maglaro C. magbasa
B. manood ng telebisyon D. ihanda ang GO bag

_____25. Itinaas ang Typhoon Signal No. 1 sa inyong lugar. Hindi


sinuspinde ang klase. Subalit, ang inyong lugar ay madaling
mabaha. Papasok ka ba sa paaralan? Opo o Hindi? Bakit?
A. Hindi po ako papasok para maligo ako sa ulan.
B. Papasok po ako para makapagtampisaw sa baha.
C. Hindi po ako papasok baka mababaha ako sa daanan.
D. Papasok po ako sa klase dahil magagalit ang aking guro.

_____26. Ang mga sumusunod na bagay ay makikita sa kalangitan


kung gabi, MALIBAN sa _____________.

A. C.

B. D.
_____27. Bakit kaya mas mainit sa tanghali kaysa sa umaga?
A. Sa tanghali ang araw ay sumisikat sa ilalim ng Earth.
B. Sa tanghali ang araw ay sumisikat ng diretso sa Earth.
C. Sa tanghali ang araw ay sumisikat sa tagiliran ng Earth.
D. Sa tanghali ang araw ay sumisikat sa lahat ng bahagi ng Earth.

_____28. Paano mo maprotektahan ang iyong balat sa pagkasunog


o sunburn?
A. Magsuot ng makapal na damit.
B. Maglagay ng sunblock cream.
C. Gumamit ng eyeglasses.
D. Gumamit ng raincoat.

_____29. Alin sa mga sumusunod na natural na bagay ang makikita sa


kalangitan sa araw o daytime?
A. buwan, ulap at bituin
B. araw, ulap at bahaghari
C. araw, bahaghari, at ulap
D. araw, bituin, ulap at buwan

_____30. Alin sa mga sumusunod ang matinding epekto ng araw sa


mga halaman at mga hayop?

I. Ilagay ang mga halaman sa lilim kung matindi ang init ng


araw.
II. Nalalanta at natutuyo ang mga halaman kapag nabilad
sa matinding init ng araw.
III. Namamatay sa init at dehydration ang mga hayop dahil
sa matinding init ng araw.
IV. Bawal putulin o sirain ang mga puno na nagsisilbing lilim
ng mga hayop at tao.

A. I at II B. III at IV C. I at IV D. II at III

-WAKAS-

You might also like