You are on page 1of 7

FILIPINO 3

IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT


SY 2022-2023

TALAHANAYAN NG ISPESIPIKASYON
Bilang DOMAINS
Pamantayan sa Bilang ng
ng %
Pagkatuto Araw Aytem R U A A E C
1. Napagsasama ang
mga katinig, patinig
upang makabuo ng 3,4,
4 10% 4 1
salitang klaster (Hal. 5
blusa, gripo, plato)
F3KP-IIIh-j-11
2. Napagsasama ang
mga katinig at patinig
upang makabuo ng 6,7,
4 10% 4 2
salitang may 8
diptonggo
F3KP-IVi-11
3. Nasisipi nang wasto
at maayos ang mga
talata 3 7.5% 3 9 10 11
F3PU-IIIa-e-1.2
F3PU-IVa-e-1.5
4. Naiuugnay ang
binasa sa sariling 13,
karanasan 3 7.5% 3 14,
F3PB-IIa-1 15
F3PB-IVc-1
5. Nakasusulat ng
15,
isang talata 4 10% 4 18 17
16
F3KM-IVd-3.1
6. Nagagamit ang mga
salitang kilos sa pag-
uusap tungkol sa iba’t
20,2
ibang gawain sa 3 7.5% 3 19
1
tahanan, paaralan, at
pamayanan
F3WG-IVe-f-5
7. Nababasa ang mga
salitang
23,
hiram/natutuhan sa 3 7.5% 3 22
24
aralin
F3PP-IVc-g-2
8. Natutukoy ang
kahulugan ng mga
tambalang salita na 27,
4 10% 4 25 26
nananatili ang 28
kahulugan
F3PT-IIIc-i-3.1
9. Nabibigay ng 3 7.5% 3 29,
mungkahing solusyon 30
sa suliraning nabasa sa
isang teskto o
31
napanood
F3PB-IVh-13
10. Natutukoy ang
mahahalagang detalye 32,
kaugnay ng paksang 3 7.5% 3 33,3
narinig 4
F3PN-IVi-16
11. Naibibigay ang
buod o lagom ng 35,3
3 7.5% 3 37
tesktong binasa 6
F3PB-IVi-16
12. Naibibigay ang
paksa ng kuwento o
39,
sanaysay na 3 7.5% 3 38
40
napakinggan
F3PN-IIIe-7
100
TOTAL 40 40 9 16 7 4 2 2
%

Republic of the Philippines


Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF NUEVA ECIJA
SDO LUPAO ANNEX SCORE:

Name:

FILIPINO 3
IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT
SY 2022-2023
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ang ___________ ay salitang binubuo ng dalawang katinig na magkasunod sa isang


pantig na kapwa binibigkas.
a. diptonggo c. patinig
b. katinig d. klaster
2. Kapag pinagsama ang mga tunog ng patinig at malapatinig sa isang pantig ito ay
magiging _________.
a. katinig c. klaster
b. diptonggo d. pantig
3. Alin sa mga sumusunod na salita ang salitang klaster?
a. bahay b. lakas c. gripo d. sasakyan
4. Maswerte ang pamilya nina Anna dahil nakatanggap ng ___ ____ emyo sa kompanya.
Anong salitang klaster ang angkop sa pangungusap?
a. pr b. ts c. tr d. pl
5. Makulay ang suot na __________ ni Kyla. Anong salitang klaster ang angkop sa
pangungusap?
a. damit b. bulaklak c. singsing d. sombrero
6. Alin sa mga sumusunod na salita ang may diptonggo?
a. pakwan c. malunggay
b. papaya d. bawang
7. Sa pangungusapa na: “Tanaw ko ang magandang isla sa tabing-dagat”. Ano ang salitang
may diptonggo?
a. isla c. magandang
b. Tanaw d. tabing-dagat
8. Tukuyin ang diptonggo sa salitang beywang.
a. ey b. yw c. wa d. ang
9. Ito ay binubuo ng mga lipon ng mga pangungusap na nagpapahayag ng buong kaisipan.
a. pangungusap c. talata
b. parirala d. salita

10. Kailangan sipiin nang wasto at maayos ang talata upang ito ay __________________.
a. maintindihan
b. hindi maunawan
c. maging maganda
d. wala sa nabanggit
11. Sipiin ng maayos ang pangungusap:

bola ng bilog ang hugis.


a. Ang bola ng hugis bilog.
b. Ang hugis ng bola bilog.
c. Bilog ang hugis ng bola.
d. Bilog ang bola ng hugis.
12. Sa mga nagdaang bagyo marami ang nasira ang bahay. Kung nababalita sa radyo o
telebisyon ngayong umaga na may paparating na bagyo, ano ng iyong mabuting gawin?
a. Magdadasal upang hindi matuloy ang bagyo.
b. Ihanda ang amga dapat maihanda para sa parating na bagyo.
c. Hayaan ang mga magulang na sila ang maghanda.
d. Matutulog na lamang at hayaang lumipas ang bagyo.
13. Ito ay tawag sa isinasagawa ng mga mag-aaral kung may lindol.
a. duck, cover and hold c. magtatakbo
b. stop and go d. sumigaw
14. Nais mong makapasa sa inyong pagsusulit. Ano ang mabuting gagawin mo?
a. Mangongopya sa katabi.
b. Gagawa ng kodigo.
c. Mag-aaral nang mabuti.
d. Manunuod ng telebisyon.

Basahin ang talata.


Anim na araw daw ang iginugol ng Diyos sa paglikha ng mundo at sa ikapitong
araw ay nagpahinga siya. Ginawa niya ang buong kalupaan at katubigan. Lumikha siya
ng puno at halaman, pati mga hayop na titira sa lupa, sa tubig at sa kalangitan. Mula sa
alabok ay nilikha niya ang isang espesyal na nilalang; ito ay ang tao. Siya ang
inatasang mangalaga sa lahat ng bagay na nilikha ng Diyos. Siya ang tagapangalaga ng
mundo. Ngunit ngayon, ang tanong na naghahari ay nasaan na ang dating Paraiso.
15. Tungkol saan ang paksa ng talata?
a. paglikha ng kalupaan c. paglikha ng araw at buwan
b. paglikha ng katubigan d. paglikha ng mundo
16. Kung lalagyan ng pamagat ang talata paano dapat ito nakasulat?
a. ang paglikha ng Diyos sa mundo
b. Ang Paglikha ng Diyos sa Mundo
c. ang Paglikha ng Diyos sa Mundo
d. Ang paglikha ng diyos sa mundo
17. Ilang pangungusap ang bumubuo sa talata?
a. 5 b. 6 c. 7 d. 8

18. Saan dapat nakasulat ang pamagat ng talata?


a. Sa kananng bahagi ng papel
b. Sa kaliwang bahagi ng papel
c. Sa gitnang itaas na bahagi ng papel
d. Kahit saang bahagi ng papel
19. Ang _____________ ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw ng isang
tao, hayop o bagay.
a. pang-uri c. pang-abay
b. pandiwa d. pangngalan

20. Si Anna Keith ay masayang kumakain ng almusal. Ano ang salitang kilos na ginamit sa
pangungusap?
a. kumakain c. almusal
b. Anna Keith d. masayang

21. ____________ ng mga damit si Gerlie. Anong saliotang kilos ang angkop na gamitin
sa pangungusap?
a. Naghuhugas c. Naglalaba
b. Naglalaro d. Naglalakad
22. Ano ang tawag sa mga salitang hiniram mula sa ibang wika na ginagamit natin dahil
wala itong katumbas sa wikang Filipino?
a. klaster c. diptonggo
b. tambalang salita d. salitang hiram
23. Alin ang salitang hiram sa mga sumusunod na salita?
a. sasakyan c. baka
b. drayber d. kalabaw
24. Bumili ng keyk si Marlon para sa kanyang nakakabatang kapatid. Ano ang salitang
hiram sa pangungusap?
a. keyk c. bumili
b. kapatid d. nakakabata
25. Ang ___________ ay binubuo ng dalawang salitang magkaiba na pinagtambal.
a. salitang hiram c. klaster
b. tambalang salita d. diptonggo
26. Maganda ang suot na damit ni Richelle kaya ito ay agaw-pansin sa madla. Ano ang
tambalang salita na ginamit sa pangungusap?
a. suot na damit c. maganda
b. madla d. agaw-pansin
27. Pagtambalin ang nasa larawan. Ano ang mabubuong salita?

a. hawak-kamay c. kapit-bahay
b. kapit-kamay d. kapit-bisig

28. Ano ang mabubuong salita kapag pinagsama ang dalawang larawan?

a. akyat-bahay c. punongkahoy
b. bahaghari d. buto’t balat
29. Habang naglalakad kayo ng kaibigan mo papuntang palengke, napansin ninyong may
nag-aaway na mga bata sa kalye. Pinuntahan sila ng isang barangay tanod. Ano ang
gagawin ng barangay tanod sa kanila?
a. huhulihin at ipapakulong
b. pababayaan lamang na magkasakitan
c. pagbabatiin at pagsasabihan na hindi tama ang kanilang ginawa
d. panunuorin ang kanilang away.
30. Umakyat sa puno ang iyong pinsan. Nabali ang sangang kaniyang tinatapakan. Ano ang
mangyayari sa kaniya?
a. mahuhulog c. lilipad
b. masasagasaan d. magiging masaya
31. Nag-aaral ka nang mabuti ng iyong mga aralin pagdating mo sa bahay. Ano ang
magiging resulta nito?
a. Mawawalan ka ng sigla sa pag-aaral.
b. Tataas ang iyong marka sa bawat pagsusulit.
c. Mas lalong wala kang maiintindihan sa klase.
d. Sisikat ka sa inyong klase.
Basahin ang talata.
Si Dr. Jose P. Rizal ay napakatalinong tao. Sa gulang na tatlong taon siya ay
natutong sumulat at bumasa. Sa kanyang pag-aaral sa elementarya at sekundarya, siya ay
nangunguna sa kanyang klase. Nag-aral siya ng medisina, pagpipinta, paglililok at
pagsulat. Siya ay matagumpay sa lahat ng kanyang kursong natapos.
32. Sino ang tinutukoy sa talata?
a. Tandang Sora c. Dr. Jose P. Rizal
b. Andres Bonifacio d. Apolinario Mabini
33. Ilang taong gulang si Dr. Jose P. Rizal nang matutong sumulat at bumasa?
a. 3 b. 4 c. 5 d. 6
34. Anong katangian mayroon si Dr. Jose P. Rizal?
a. masipag c. matulungin
b. mapagbigay d. matalino
35. Ano ang pangunahing kaisipan ng talata?
a. Maagang nag-aral si Dr. Jose P. Rizal
b. Matagumpay na nagkapagtapos si Dr. Jose P. Rizal
c. Matalinong tao si Dr. Jose P. Rizal
d. Lahat ng nabanggit

36. Ano ang wakas ng talata?


a. Nag-aral si Dr. Jose P. Rizal ng maraming kurso.
b. Naging mahusay si Dr. Jose P. Rizal.
c. Nag-aral ulit si Dr. Jose P. Rizal.
d. Naging matagumpay si Dr. Jose P. Rizal sa kanyang mga kurso.

37. Ang ______________ ay ang muling pagkukwento ng nabasa o napakinggang akda na


gumagamit ng sariling pananalita.
a. Pagbubuod c. Pangunahing Kaisipan
b. Suportang Detalye d. Paksa
38. Ito ang ang nagsasabi kung tungkol saan ang isang kuwento o sanaysay.
a. Paglalagom c. Pagbubuod
b. Paksa d. Suportang Detalye
39. Si Sarah ay magaling na mang- aawit. Kinagigiliwan ng lahat ang kanyang boses.
Kapag siya ay kumakanta parang may anghel na nakapaligid sayo. Tunay na siya ay
mahusay. Ano ang paksa ng talata?
a. Si Sarah
b. Magaling na mang- aawit si Sarah
c. Boses Ni Sarah
d. Anghel ang boses ni Sarah
40. May iba’t-ibang kahulugan ang bawat kulay. Ang asul ay kapayapaan at ang pula ay
katapangan. Pag-ibig naman ang ang kahulugan ng rosas at panibugho naman ang
dilaw. Kasaganaan naman ang berde at kalungkutan ang itim. Marami pang kulay ang
may kahulugan. Ano ang paksa ng talata?
a. Mga kulay ng Buhay
b. Rosas ang simbolo ng pag-ibig
c. Iba’t-ibang kahulugan ng kulay
d. Kulay ng kapayapaan
ANSWER KEY: FILIPINO 3 Q4

1. D
2. B
3. C
4. A
5. D
6. C
7. B
8. A
9. C
10. A
11. C
12. B
13. A
14. C
15. D
16. B
17. C
18. C
19. B
20. A
21. C
22. D
23. B
24. A
25. B
26. D
27. C
28. B
29. C
30. A
31. B
32. C
33. A
34. D
35. C
36. D
37. A
38. B
39. B
40. C

You might also like