You are on page 1of 16

3

Mother Tongue-Based
Multilingual Education
Ikaapat na Markahan - Modyul 2:
Pagsulat ng Balangkas ng Ulat o Kuwento

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyong MIMAROPA


MTB-MLE – Ikatlong Baitang Contextualized
Self-Learning Module
Ikaapat na Markahan – Modyul 2: Pagsulat ng Balangkas ng Ulat o Kuwento Unang
Edisyon, 2021
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan
ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyong MIMAROPA Regional


Director: Nicolas T. Capulong, Ph.D., CESO V
OIC, Office of the Asst. Regional Director: Atty. Suzette T. Gannaban-Medina

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Liezl E. Orbeta, Dalubguro II


Editor: Maricel E. Cubos, Dalubguro I
Tagasuri: Renalyn O. Anyayahan, Dalubguro I
Ceferina F. Supnet, Ulongguro III Jomar C.
Amit, Guro III
Jonalyn A. Gabo
Tagaguhit: Louie J. Cortez, Jefferson Repizo, Flordeliza R. Ortal, Dalubguro II
Tagalapat: Editha A. Quitain, Ulongguro II
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong
Mariflor B. Musa Freddie
Rey R. Ramirez Rogelio F.
Falcutila
Susana Marasigan Bautista Rafael G.
Manalo PhD
Charity R. Agabas- Capunitan Elmer P.
Concepcion Magdalena B. Morales

Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyong MIMAROPA
Office Address: Meralco Avenue, Corner St. Paul Road, Pasig City Telefax:
(02) 6314070
E-mail Address: mimaropa.region@deped.gov.ph
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating


mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman


ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung
sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-
aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan
niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit
sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng
pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at
pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung


sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM
na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
MTB-MLE 3 Pagsulat ng Balangkas ng Ulat o
Ikaapat na Markahan
Ikalawang Linggo Kuwento
MELC : Nakasusulat ng balangkas ng ulat o kuwento
Layunin : Natutukoy ang mga impormasyon sa ulat o kuwento upang
makasulat ng balangkas
: Naisusulat nang wasto ang balangkas ng isang ulat o kuwento
: Naibibigay ang kahalagahan ng pagsulat ng balangkas o
kuwento.

Subukin Natin

Panuto: Basahin ang maikling kuwento. Sumulat ng balangkas tungkol dito.

Ang Aso at ang Uwak


May isang ibong uwak na nakakita ng karne na nakabilad sa araw.
Tinangay niya ito at lumipad nang malayo. Sa dulo ng sanga ng isang puno ay
sinimulan niyang kainin ang karne. Ngunit narinig niya ang malakas na boses ng
isang aso na nagsabing, “sa lahat ng mga ibon, ang uwak ang pinakamagaling.
Walang kakumpara!”
Natuwa ang uwak at ibinuka ang bibig para humalakhak. Dahil dito,
nalaglag ang karne mula sa kanyang bibig. Nahulog ito sa lupa kung saan kaagad
sinunggaban ng aso. Walang nagawa si Uwak kundi tingnan ang pagkain ng aso
sa nahulog na karne mula sa kanya. Mula noon hindi na muling nagpalinlang si
Uwak kay Aso.

I. Pamagat:
II. Mga Tauhan:
A.
B.
III. Mahahalagang Pangyayari:
A.
B.
C.

1
Ating Alamin at Tuklasin
Ngayon ay pag-aaralan naman natin ang pagsulat ng balangkas ng ulat o
kuwento. Marami ka bang alam na kuwento? Tungkol saan ito?

Basahin ang kuwentong inihanda ko para sa iyo.

Pak-Juan
(Alamat)
Kaawa-awa ang batang si Juan. Ulila na siya sa ama at ina. Nakatira siya
sa kanyang tiyo at tiya. Masasama ang ugali ng kanilang mga anak. Malupit
sila kay Juan. Sinisigawan nila ito, pinapalo at pinagtatawanan kapag
nagkakamali. “Pak-Juan’ ang tawag nila sa pinsan na ibig sabihin ay pangit si
Juan.

Malaki ang ulo ni Juan, maiitim ang mga ngipin at mapupula ang
makakapal na labi. Nguni’t mabait, masipag at matulungin si Juan.
Nagtatrabaho siya sa bahay sa buong maghapon.

Minsan, nabasag ang hinuhugasang pinggan ni Juan.

“Wala kang ingat! Maghuhugas ka lang ng pinggan ay magbabasag pa,”


sigaw ng kanyang tiya. Pinagtawanan siya ng kanyang mga pinsan.

“Ha-ha-ha, Pak-Juan! Pak-Juan!” ang paulit-ulit na biro ng mga ito.


Hindi na nakatiis si Juan. Umiyak siya at nanalangin sa Poon. “Kung maaari,
kunin Mo na po ako. Hirap na hirap na po ako.”

2
At biglang nagdilim ang langit! Bumuhos ang malakas na ulan. Kumidlat at
kumulog. Kinabukasan, hindi na nakita ng mag-anak si Juan. Sa halip, isang
halamang may bungang simbilog ng ulo ni Juan ang kanilang nakita. Simpula ng
mga labi ni Juan ang laman nito at sing-itim ng mga ngipin ang mga buto. Nagsisi
sila at nagbago ng ugali. Inalagaan nila ang halaman. Tinawag nila itong Pak-
Juan. Sa paglipas ng mga araw, naging “Pakwan” ang tawag sa halaman. Iyon ang
simula ng pagkakaroon ng halamang pakwan.

Sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

I. Anong uri ng kuwento ang iyong binasa?

II. Ano ang alamat?

III. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?

IV. Bakit kaawa-awa si Juan?

V. Ano ang mahahalagang detalye ng kuwentong iyong binasa?

VI. Maiisulat mo ba ang balangkas nito?

Ang balangkas ay buod ng talata, ulat o kuwento. Ito ay naglalaman ng


mga bahagi na bubuo sa isang sulatin. Sa pamamagitan nito, nalalaman ang mga
pangunahing detalye at suportang ideya. Ang mga pangunahing tala ay maaaring
isulat nang maikli at sa paraang gumagamit ng Roman Numeral at ang suportang
detalye naman ay ginagamitan ng marka ng malaking titik. Ang bawat detalye ng
mga ideya ay magkakaugnay.

Handa ka na bang sumulat ng sariling balangkas? Halina’t


magpatuloy.

3
May kilala ka bang mga bayani? Bakit kailangang sila ay kilalanin at
ipagmalaki? Sino ang ating pambansang bayani?

Basahin ang talambuhay sa ibaba at punan ang balangkas ng


kinakailangang impormasyon.

Dr. Jose P. Rizal

Si Dr. Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda ay ipinanganak


noong ika-19 ng Hunyo, 1861 sa Calamba, Laguna. Siya ay bunsong anak nina
Francisco Mercado at Teodora Alonso.

Ang kanyang ina ang una niyang naging guro. Tinuruan siya nitong
magbasa, magdasal at magrosaryo. Nagpatuloy siya ng pag-aaral sa Biňan,
Laguna at nagkolehiyo sa Maynila. Nagtapos siya ng Batsilyer sa Agham sa
Ateneo Municipal noong 1876. Nagpatuloy siya ng pag-aaral sa Unibersidad ng
Santo Tomas at Unibersidad Central De Madrid hanggang matapos niya nang
sabay ang medisina at pilosopiya noong 1885.

Marami siyang nobelang naisulat at ang ilan sa pinakatanyag ay ang Noli


Me Tangere at El Filibusterismo. Nagtatag din siya ng samahan, ang La Liga
Filipina, na naglalayong magkaisa ang mga Pilipino.

Noong Disyembre 26, 1896, siya ay nahatulan ng kamatayan dahil


napagbintangan siyang nagpasimula ng rebelyon laban sa mga Kastila. Siya ay
binaril sa Bagumbayan noong Disyembre 30, 1896. Dahil sa kanyang kagitingan,
siya ay itinuring na pambansang bayani.
Pinagkunan: http://lifeofahero.tumblr.com/post/1026720649/buod-ng-talambuhay-ni-dr-jose-rizal

4
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

I. Tungkol saan ang iyong binasa?

II. Ano ang tunay na pangalan ng ating pambansang bayani?

III. Punan ang balangkas sa ibaba.

I. Talambuhay ni .

II. Mahahalgang Pangyayari

A. Ipinanganak siya sa .

B. ang una niyang naging guro.


C. Nagtapos siya ng noong 1876.

D.Sabay niyang natapos ang


noong 1885.
E. Isinulat niya ang tanyag na nobelang

F. Itinatag niya ang samahang .

G. Nahatulan siya ng kamatayan noong .

H. Binaril siya sa noong Disyembre 30, 1896.

5
Gawain 1

Panuto: Sumulat ng balangkas mula sa ulat sa ibaba. Isulat ang sagot sa


sagutang papel.

Abokado

Alam ba ninyong ang may tanim na abokado ay may botika sa bakuran?


Nagbibigay ng lakas ng katawan ang prutas na ito. Ang
453.6 gramo nito ay nagtutustos ng 1,000 calories, doble pa sa ibinibigay ng
karne. Naglalaman din ito ng higit pang potassium kaysa sa saging.

Ang tinuyong dahon ng abokado ay ginagawang tsaa. Nakagiginhawa ito sa


sakit ng ulo, tiyan at lalamunan. Nakatutulong din ito sa pagpapagaling ng sugat
at pagpapaganda ng balat.

Subukin ninyong kumain nito. Mainam kainin ito nang sariwa, budburan
ng asin, o haluan ng gatas at asukal. Napakasarap ng shake na abokado, ng
sorbetes na may abokado, at lalo na ang halu-halong may lahok na abokado.
Masarap na panghimagas ito sa umaga man o hapon.

I. (Paksa)

II. Mahahalagang Detalye:

I.

II.

III.

IV.

V.

6
Gawain 2

Panuto: Basahin at unawain ang balangkas. Sumulat ng sariling kuwento


tungkol dito.

I. Bayabas

I. Lumalaki sa mainit na lugar

II. Hugis bilog

III. Berde at dilaw ang bunga

IV. Mabuto at malutong

V. Maraming pakinabang

Rubrik sa Pagmamarka
Puntos Pamantayan

5 Mahusay na nailahad ang hinihingi, magkakaugnay ang ideya


at malinis ang pagkakasulat. Wasto ang mga bantas.

4 Magkakaugnay ang ideya at malinis ang pagkakasulat. Wasto


ang mga bantas.

3 Naisulat ang balangkas sa anyong talata.

2 Naisulat ang talata ngunit walang palugit at mga bantas.

1 Hindi natapos ang gawain.

7
Ang Aking Natutuhan

Tandaan natin na ang pagsulat ng balangkas ng ulat o kuwento ay mahalaga.

Ang balangkas ay ng talata, ulat o kuwento.


Ito ay naglalaman ng mga bahagi na bubuo sa isang sulatin. Sa
pamamagitan nito, nalalaman ang mga detalye
at ideya. Ang mga pangunahing tala ay maaaring isulat nang
maikli at sa paraang gumagamit ng at
ang suportang detalye naman ay ginagamitan ng marka ng
. Ang bawat detalye ng mga ideya ay
.

I.

Ating Tayahin

I. Panuto: Sumulat ng balangkas ayon sa sumusunod na ulat. Isulat ang


sagot sa iyong sagutang papel.

Ang Ating Mga Ninuno

Noong unang panahon, nakarating sa ating lupain ang unang pangkat


ng mga tao sa pagtawid sa mga tulay na lupa.

Sinasabing karugtong ang ating kapuluan noon ng malaking bahagi ng


Asya. Unang nanirahan sa ating lupain ang mga Negrito at Aeta/Ita.
Maiitim at mga pandak sila. Kulot at maiiksi ang kanilang buhok.

8
Sumunod na dumating sa ating lupain ang mga Indones. Higit na
matataas sila kaysa sa mga negrito. Lalong malalaki ang kanilang katawan.
Mahahaba at tuwid ang kanilang buhok.

Hindi naglaon at dumating ang mga Malay. Kayumanggi ang


kanilang balat. Katamtaman ang taas nila. Katamtaman din ang laki ng
kanilang katawan. Maiitim ang kanilang buhok at mata.

Sila ang ating mga ninuno. Sa kanila natin minana ang ating anyo,
kulay kayumanggi at katamtamang pangangatawan. Maitim ang ating
buhok. Hindi katangusan ang ating ilong.

I. Paksa

II. Mahalagang detalye:

A.

B.

C.

B. Panuto. Punan ang balangkas sa ibaba. Pagkatapos, sumulat ng sariling talambuhay


tungkol dito sa isang malinis na papel.

I. Ang Aking Talambuhay

A. (Pangalan)

B. (Petsa ng Kapanganakan)

C. (Edad)

D. (Tirahan)

E. (Magulang)

F. (Bilang ng Magkakapatid at Pang-ilan)

9
G. (Paaralan)

H. (Baitang)

I. (Gurong Tagapayo)

J. Paboritong Aralin (Asignatura)

K. (Pangarap o Ambisyon)

Rubrik sa Pagmamarka
Puntos Pamantayan

Maliwanag, maayos at may kaisahan ang paglalahad ng


balangkas. Naisulat nang maayos ang talambuhay.Ginamitan
5
ng wastong bantas at palugit.

Naisagawa ang balangkas at ang talambuhay ngunit hindi


3-4
malinis at maayos ang pagkakasulat.

Sinubukang mabuo at maisulat ang balangkas at talambuhay


1-2
ngunit hindi masyadong maliwanag.

10
Gabay sa Pagwawasto I
I
a kinai A Batsilyer sa I
a kar n n. s Agham .I
tn ne g oD I
g Sinunggaban
a . Ang kanyang ina .
a nalaglag
Uw ang
n karne.tu I
ts ak g waC Calamba,Laguna. .I
a Humalakhak lah . I
Mahahalgang Pangyayari .
sa U at.a
I
an pinakamagaling
wa n Talambuhay ni Dr. Jose P. Rizal .I
ng ng k Isinig gB I
a Aso awang . Punan ang balangkas sa ibaba. .
ng karne A
Tinang I Realond I
Uwak ay Pangyayar
. I a I
i: U I Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso .
Mahahalagang waA V.I Dr.Jose P. I
ks I.I Rizal .
Mga o I.X
Tauhan: I. Tayo’y Magsanay
Ang Aso at AngSubukin
Uwak .
Natin
I
I
I
Naglalaman ng potassium I. I
I Indone I
Nagtutustos ng 1,000 calories . s .
I Negrit I
Nagbibigay ng lakas . o .I
I
II. Mahahalagang Detalye: Mahahalagang Detalye: .

I.Abokado I. Ang Ating mga Ninuno


Gawain A
1 .
Ating
Ating Pagyamanin Tayahin

11
Sanggunian
Most Essential Learning Competencies 2020 p.495
Bagong Filipino 3, Binagong Edisyon p.36-37,43-45,147-148

http://lifeofahero.tumblr.com/post/1026720649/buod-ng-
talambuhay-ni-dr-jose-rizal

12
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyong MIMAROPA

Meralco Avenue, corner St. Paul Road, Pasig City, Philippines 1600 Telephone No. (02)
863-14070
Email Address: mimaropa.region@deped.gov.ph

13

You might also like