You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF OLONGAPO CITY

ACTIVITY SHEET
FILIPINO 2
Pangalan:_________________ Baitang:___________
Paaralan:__________________ Petsa:_____________
Kwarter Bilang:_3 Week 5___ Guro:______________
Learning Competencies:
Naiuugnay sa sariling karanasan ang nabasang teksto
F2PN-IIb-2
Gabay ng magulang/guro:
Sabihin: Sabay nating basahin ang kasunod na akda. (Para sa batang hindi pa marunong magbasa)
Gawain ng mag-aaral:
Magpatulong sa tagapaggabay sa pagbabasa kung hindi mo pa kayang magbasa na mag-isa.
Batang Bayani
Ni Maricar S. Gerela

Ang ating mga dakilang bayani tulad ni Dr. Jose Rizal, na Pambansang Bayani at si
Andres Bonifacio, na Ama ng Katipunan ay malimit na maging huwaran ng pagmamahal
sa bayan. Sila, kasama pa ang ibang magigiting na Pilipino ay nag-alay ng buhay para sa
kalayaan ng mga Pilipino.
Sa makabagong panahon, tunay na marami pa rin tayong maituturing na bayani –
batang bayani. Isa na rito si Paulo.
Si Paulo ay nasa ikalawang baitang at isa sa pinakamapagmahal sa bayan.
Madalas niyang iguhit ang mga magagandang tanawin sa Pilipinas at mga pambansang
sagisag sa tuwing sila ay guguhit sa Sining.
Mahilig siyang magbasa at makinig sa mga kuwento
ukol sa kagitingan ng mga bayani ng bansa.
Kahit saan at kahit kailan niya marinig na
tinutugtog o inaawit ang
Lupang Hinirang ay magalang siyang humihinto at sumasabay sa pag-awit nang
buong paggalang.

Bukod pa rito, lagi rin siyang handang tumulong sa kaniyang


mga kababayan kahit siya ay bata pa lamang – itinatawid ang mga
matatanda sa daan, nagsasauli ng mga bagay na napulot,
nagtatapon ng basura sa tamang tapunan at magalang kahit
kaninoman

Sa lahat ng kaniyang mga katangian, maituturing na rin


natin siyang “Batang Bayani”.
1. Ang pinag-uusapan sa kuwentong binasa ay si .
a. Pablo c. Paulo
b. Pablito d. Paquito
2. Ang katangiang taglay ni Paulo sa lahat ay ang pagiging ________.
a. mabait b. matalino
c. masunurin d. makabayan
3. Alin sa mga ginagawa ni Paulo ang naging karanasan mo na rin?
a. Umawit ng Lupang Hinirang.; Magsauli ng gamit na napulot.
b. Gumuhit ng mga pambansang sagisag.;Tumulong na itawid ang
matanda sa tamang tawiran; Magtapon ng basura sa tamang
tapunan.
c. isa o dalawa sa a at b
d. wala ni isa sa a at b
4. Bakit mahalaga ang pagiging makabayan?
a. Dahil ito ay tanda ng pagmamahal at paggalang sa bansa.
b. Maipagmalaki ka ng iyong mga magulang, kapatid at
pamilya
c. Maaari kang maging tanyag at kilalang-kila sa inyong lugar
d. Lahat ng nabanggit
5. Dapat ba nating tularan si Paulo? Bakit?
a. Opo, dahil magandang halimbawa ang ipinakita niya.
b. Opo, dahil masayahing siyang bata.

Ang pag-uugnay ng ating sariling karanasan sa binabasang teksto o


kuwento ay makatutulong upang:
 Mas madali nating matatandaan ang detalye ng binasang teksto o
kuwento
 Magamit natin ang aral mula sa ating mga binasa o binabasa sa
araw-araw na gawain
 Mahubog ang ating pagiging malikhain kung paano natin
hahanapin ang kaugnayan ng ating mga karanasan sa ating binasa.

Panuto: Alin sa mga sumusunod na


pangungusap ang naging bahagi na ng
iyong karanasan sa paggamit ng payong?
Iguhit sa iyong sagutang papel ang tsek (

T ) kung naging karanasan mo na ito at ekis (x) kung hindi pa.


h
i
s
P
o
t
o
1. Mayroon akong magandang payong.
b
2.y Nasira ang aking payong dahil sa lakas ng hangin dulot ng bagyo.
3.U Pinasukob ko ang aking kamag-aral sa dala kong payong.
n
4.k Ginamit ko ang aking payong bilang panangga sa susugod na aso.
n
5.ow Nakatanggap ako ng payong bilang isang regalo.
n

A
u
t
h
o
r

i
s

l
i
c
e
n
s
e
d

u
n
d
e
r

C
C
B
Y
-
S
A

You might also like