You are on page 1of 8

Asignatura : Filipino 1

Antas : I-A (Unang Baitang)


Guro : Bb. Gretchen Gadat
Presentasyon/Module Blg. 6 : Pagkilala sa Parirala at Pangungusap
at Bahagi ng Pangungusap
Mga Layunin:
1. Makilala ang parirala at pangungusap.
2. Makapaglarawan ng mga bagay-bagay gamit ang parirala at pangungusap.
3. Matukoy ang mga bahagi ng pangungusap.

Mga Kagamitan: Para sa OSD: B-3, notbuk, lapis, at mga pangkulay


Para sa I-LEAP : isang pirasong short bond paper, isang (1)
larawan ng paboritong hayop na may sukat na 4”x 4”, lapis, glue o pandikit

Petsa ng Pagpasa : Setyembre 17, 2022, Sabado

I. Nilalaman
Paksa: Pagkilala sa Parirala at Pangungusap

Isang masayang araw sa inyo, mga bata! Ngayon ay pag-aaralan natin ang tungkol sa
parirala at pangungusap at ang bahagi at ayos nito.

Ang parirala ay lipon ng mga salita na walang kompletong kaisipan o diwa.


Kadalasan ay hindi ito nagsisimula sa malaking titik at hindi rin nagtatapos sa bantas.

Tingnan ang mga halimbawa.

tatlong lobo

Ilan ang lobo? tatlo


Sino ang may dala ng tatlong lobo? wala
Saan binili ang tatlong lobo? wala

Ang tatlong lobo ay isang parirala dahil ito ay walang buong kaisipan.

umiikot na ferris wheel


Ano ang umiikot sa larawan? ferris wheel
Saan makikita ang ferris wheel? wala
Sino ang sumakay sa ferris wheel? wala

Isang parirala ang umiikot na ferris wheel sapagkat hindi kompleto ang kaisipan nito.

Maaari mong isulat sa iyong notbuk ang mga sagot para sa susunod na larawan.

ang bata sa tsubibo

Ano ang ginawa ng bata sa tsubibo? ________


Paano siya sumakay sa tsubibo? ________

Nasagot ba ang lahat ng mga tanong tungkol sa larawan?


Maaari mo bang tukuyin kung ano ang tawag sa ang bata sa tsubibo ?

Kung papansinin, ang mga sumusunod na lipon ng mga salita ay walang buong kaisipan
sapagkat hindi nito nasagot ang ating mga katanungan. Mapapansin ding hindi ito
nagsisimula sa malaking titik at walang bantas.

Maaaring maging buo ang diwa ng isang parirala kung dadagdagan natin ito ng ibang
lipon ng salita. Ating balikan ang mga nabanggit na parirala.

Ang bata ay may hawak na mga lobo.

Sino ang may hawak ng lobo? bata


Ano ang hawak ng bata? mga lobo
Ano ang ginawa niya sa mga lobo? hawak

Tingnan ang susunod na larawan.


Masayang sumakay sa ferris wheel.

Ano ang masaya? sumakay


Saan masaya sumakay? sa ferris wheel

At para sa ating huling larawan:

Natulay sa alambre ang payaso habang hawak ang

tatlong bola.

Ano ang ginagawa ng payaso sa alambre? natulay


Sino ang natulay sa alambre? ang payaso
Saan siya natulay? sa alambre
Ano ang hawak niya? tatlong bola

Ang mga halimbawa sa itaas ay nagpapakita ng isang kaisipan o diwa.

.
Nagsisimula ito sa malaking titik at nagtatapos sa bantas gaya ng tuldok ( ). Tinatawag itong
pangungusap.

Ang pangungusap ay lipon ng mga salitang may kompletong kaisipan o diwa. Ito ay
nagsisimula sa malaking titik at nagtatapos sa bantas.

Halimbawa ng pangungusap:
1. Ang dengue fever ay isang nakamamatay na sakit.
2. Babaeng lamok na Aedes aegypti ang nagdadala ng dengue virus.
3. Sinisipsip nito ang dugo ng tao na kakailangin ng kanyang mga itlog.
4. Maglinis tayo ng ating paligid.

Isulat ang PAR kung ang lipon ng mga salita ay isang parirala, at PANG kung
ito ay pangungusap. Isulat ang mga sagot sa iyong notbuk.
_____ 1. kagat ng lamok
_____ 2. May puti at itim na stripes ang Aedes aegypti na lamok.

Pindutin ang link para sa karagdagang kaalaman. Parirala at Pangungusap

Paksa: Bahagi ng Pangungusap


Ang pangungusap ay binubuo ng iba’t ibang bahagi. Aralin natin ang sumusunod na mga
pangungusap.

Ang langgam ay nangangagat.

Ano ang ginagawa ng langgam? nangangagat


Sino/Ano ang nangangagat? langgam

Ang leon ay nanlalapa.

Ano ang ginagawa ng leon? nanlalapa


Sino/Ano ang nanlalapa? leon

Namumukadkad ang rosas.

Ano ang ginagawa ng rosas? namumukadkad


Sino/Ano ang namumukadkad? rosas

Ang mga salitang langgam, leon, at rosas ay mga halimbawa ng simuno.


Ang simuno ang salitang pinag-uusapan o paksa sa isang pangungusap.
Ang mga pantukoy na ang, ang mga, si, o sina ang madalas na sinusundan nito.

Ang mga salitang nangangagat, nanlalapa, at namumukadkad ay mga halimbawa ng


panaguri.
Ang panaguri ang salitang tumutukoy o nagsasabi tungkol sa simuno.
Ito ay maaaring salitang naglalarawan o salitang-kilos.

Pag-aralan ang mga pangungusap sa ibaba. Gagamit tayo ng Montessori Logical Analysis
bilang simbolo at pananda.

Basahin nang malakas ang pangungusap.


Ang langgam ay nangangagat.

Anong salita ang nagpapakita ng kilos o galaw? nangangagat

Gagamit tayo ng pulang bilog na sisimbolo sa pandiwa.


Sin
Ang itim na panuro sa simuno na may mga tanong.
o/
Sino ang nangangagat? wala
An
o?
Ano ang nangangagat? langgam
Gagamit tayo ng itim na bilog na sisimbolo sa simuno o
paksa ng pangungusap.

Sin
Ang langgam ay nangangagat.

o/
An
langgam
(simuno)
o? nangangagat
(panaguri)

Ang salitang langgam ang ating simuno. Ito ang pinag-uusapan sa pangungusap.

Ang salitang nangangagat ang ating panaguri. Ito ang nagsasabi tungkol sa salitang langgam,
na ating simuno.

Kaya mo bang gawin ang ating huling pangungusap gamit ang mga simbolo?
Tingnan natin kung tama ang iyong sagot.

Si Elisa ay nagtatanim ng rosas.

Anong salita ang nagpapakita ng kilos o galaw? nagtatanim


Gagamit tayo ng pulang bilog na sisimbolo sa pandiwa.
Sin
Ang itim na panuro sa simuno na may mga tanong.
o/
Ano ang nagtatanim? wala
An
Sino ang nagtatanim? Elisa o?
Gagamit tayo ng itim na bilog na sisimbolo sa simuno o
paksa ng pangungusap.

Sin
Si Elisa ay nagtatanim ng rosas.

o/
An
o?

Elisa nagtatanim
Ang salitang Elisa ang (simuno) ating simuno. (panaguri) Ito ang pinag-
uusapan sa pangungusap.

Ang salitang nagtatanim ang ating panaguri. Ito ang nagsasabi tungkol sa salitang Elisa, na
ating simuno.

Pindutin ang link na ito para sa presentasyon. Bahagi ng Pangungusap

II. Mga Gawain


Para sa OSD: B-3, notbuk, lapis, at mga pangkulay
Sasagutan natin ang mga gawain sa aklat at notbuk.
Para sa I-LEAP : isang pirasong short bond paper, isang (1) larawan ng
paboritong hayop na may sukat na 4”x 4”, lapis, glue o pandikit
Sabay-sabay nating gagawin ang pagsasanay sa Logical Analysis sa iyong bond
paper tungkol sa iyong paboritong hayop.

III. Buod
Sa module na ito natutuhan ninyo ang mga sumusunod:
1. ang parirala ay lipon ng mga salita na walang buong kaisipan.
2. ang pangungusap ay lipon ng mga salitang may buong diwa at kaisipan.
3. ang simuno at panaguri ang bumubuo sa isang pangungusap.

IV. Online Synchronous Discussion


Ihanda ang mga B-3, pangkulay, at ang larawan ng paboritong hayop sa iyong notbuk.
Magkita-kita tayo sa susunod na OSD!
V. Pagtataya at Rubrik
1. Sagutan sa ibaba ang pagtataya.
Opsyon 1 - Pindutin ang link na ito: Module 6-Pagtataya: Parirala, Pangungusap, at
Bahagi ng Pangungusap
Opsyon 2 - I-print, sagutan, kuhaan ng larawan o i-scan, at ipadala sa adres na
teachergretchen.mdmd@montessoridemanila.edu.ph, isulat sa filename ang
apelyido-pangkat-Pangungusap (hal. Semira-Faulkner-Pangungusap), o kaya ay
ipadala sa paaralan.
Module 6 - Pagtataya: Pagkilala sa Parirala at Pangungusap, Bahagi ng Pangungusap
Pangalan: Puntos: /10 pts.
Pangkat: Petsa:

A. Isulat sa tamang hanay ang lipon ng mga salita kung parirala o pangungusap. Isulat ang
MALAKING titik ng tamang sagot. (5 pts.)

Parirala Pangungusap Isang progresibong bansa


ang Japan.
masasarap na pagkain
Si Fumio Kishida
Maraming turista ang
dumarayo rito.
sushi, ramen, at tempura

B. Bahagi ng Pangungusap. Piliin ang hinihingi ng pahayag. Tipahin (type) sa linya ang
tamang sagot. (5 pts.)
______ 1. “Ang Luneta Park ay tinawag na Bagumbayan noon.” Aling bahagi ng pangungusap
ang simuno o paksa?
A. Luneta
B. tinawag
C. Bagumbayan
_____ 2. “Dito binaril si Dr. Jose Rizal.”
Aling bahagi ng pangungusap ang panaguri?
A. dito
B. Dr. Jose Rizal
C. binaril
_____ 3. “Noong 1913 natapos at nilagak dito ang bantayog niya.” Ano ang simuno sa
pangungusap?
A. Noong 1913 B. nilagak C. bantayog

_____ 4. Ang pamilya ay dumarayo rito tuwing Linggo. Anong bahagi ng pangungusap ang
“pamilya?”
A. simuno B. panaguri C. parirala

_____ 5. Ito ay isa sa pinakamalawak na parke sa bansa.” Aling bahagi ang maituturing na
panaguri o pinag-uusapan sa pangungusap?
A. pinakamalawak B. ito C. sa bansa

VI. Sanggunian
● Baisa-Juan, Ailene G. (2018). Pinagyamang Pluma 1 (K-12, Ikalawang Edisyon).
Phoenix Publishing House, Inc.

You might also like